Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Bea at the Media--->

Leave comments and votes after reading! Thank you. :]

Chapter dedicated to: Moshiebabes07 :)

Comment for more Dedications.

DiamondAlpha 
---------------------------

CHAPTER 5
Chloe's PoV

Naramdaman 'kong may yumuyogyog sa'kin. Napamulat ako at nakita ko si Auntie na ginigising ako. Ang sakit ng mata ko. Umaga na pala.

"Chloe gising na. May pasok pa."

Tinatamad ako. Parang ayoko pumasok.

"Auntie... pwedeng hindi po muna ako pumasok? M-Masakit po kasi ulo ko."

Hindi naman talaga masakit ang ulo ko. Ang totoo ang puso ko ang masakit. Masakit na masakit ang puso ko.

"Alam ko'ng hindi totoo 'yan. Chloe... hindi porke sinaktan ka ng isang tao sa pag-ibig ay magkakaganyan ka na. Huwag mong kalimutan ang pag-aaral mo hija. Pumasok ka."

Alam na alam talaga ni auntie kapag nagsisinungaling ako at hindi. Kilalang kilala niya ako. Natauhan naman ako sa mga sinabi niya. Tama! Dapat walang maapektuhan ang sakit na binigay ni Lucas lalo na sa pag-aaral ko.

Nagbuntong hininga ako.

"Sige po."

"Good. Sige pagkatapos mo mag-ayos  pumunta ka sa kusina at kumuha ng kahit dalawang pandesal. Huwag palipas ng almusal."

Tumango ako kay Auntie. Matamlay akong tumayo. Grabe, magang maga ang mga mata ko kakaiyak. Lumabas na si Auntie ng kwarto ko. Kinuha ko na ang twalya ko sa cabinet. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa CR.

Pagkatapos kong maligo siyempre nagbihis na ako. Ginawa ko na lahat ng mga ginagawa ng studyante tuwing umaga. Pagkatapos kong mag-ayos pumunta na  'kong kusina.

Nakita ko si Auntie na umiinom ng kape at nakaupo. Tumabi naman ako sa kanya.

Kumuha ako ng isang pandesal lang. Wala kasi akong ganang kumain. Pinilit 'kong kainin ang isang pandesal. Tapos uminom lang ako ng tubig. Sapat na 'yan bilang almusal ko.

Pumunta na ako sa lababo at nagtoothbrush. Tapos kinuha ko na 'yong bag ko.

"Sige Auntie. Pasok na po ako."

Liningon naman ako ni Auntie.

"Sige Chloe mag-ingat ka."

Lumabas na ako ng apartment namin.

Sinimulan ko nang maglakad papuntang school namin. Wala nang maghahatid sa'kin. Wala na si Lucas na makikita ko sa labas ng apartment namin para sabay kaming pumuntang school. Wala na.

Pagkadating ko sa school dumiretso kagad ako sa room ko. Nasa harap na 'ko ng room ko. Dati may goodbye kiss ako bago pumasok ng room. Ngayon wala na.

Pagpasok ko sa room naupo ako sa upuan ko. Tahimik lang ako at tulala.

"What's wrong chloe?"

Napatingin ako sa nagsalita. May isang classmate na pala na nakapansin sa'kin. Umiling ako at ngumiti ng maputla.

"Nothing. I'm fine."

Nginitian ko siya. Kailangan 'kong maging masaya. Kailangan 'kong hilumin ang sakit. Dahan dahan niya akong tinanguan. Halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Good thing hindi na siya nagtanong pa. At dumating na ang prof namin.

Naglesson na kami. Halos hindi ako makapagfocus sa sinasabi ni sir. Bukod sa ang bilis niyang magturo, lutang na lutang ang isip ko at masakit ang mata ko.

Lunch time. Lumabas na ako ng classroom. Dati paglabas ko makikita ko kaagad ang boyfriend ko at sabay kaming kakain. Ngayon wala na. Kaya mag-isa akong pumunta ng canteen.

Nga pala, 2nd week pa lang ng 1st sem. At sa 14 days na 'yon dito sa school na 'to, wala pa akong nakikilalang kaibigan. Nakaikot kasi ang mundo ko sa manloloko 'kong boyfriend the whole time. Masyado akong napalulong sa pagibig.

"Isang spaghetti po. With Ice Tea."

Nag-order ako pagdating ko sa counter. Kumuha na ako ng tray ko.

Sumandok yung matandang babae ng spaghetti at nilagay sa plato. Pinatong niya ang plato sa tray ko at naglagay din siya ng basong iced tea.

"Fudge!"

Napasigaw ako. Nagulat ako pagkalingon ko. May babae sa likod ko at natapon ko sa kanya ang Spaghetti at Iced Tea sa tray ko!

"Sht!" Sumigaw din yung babae.

Mas lalo akong nagulat ng makilala ko ang babaeng 'to. Si Bea! Yung babae sa ulan. At ang umagaw sa'kin kay Lucas!

"So?! Aren't you gonna say sorry?!" sigaw niya.

"Sorry." simpleng sagot ko.

Fake lang yang sorry ko. Nararapat lang sakanyang matapunan siya. Kulang pa nga 'yan sa kanya!

"Damn you! Sa susunod kasi siguraduhin mong walang tao sa likod mo bago ka lumingon!" Sigaw niya pa sa'kin.

"Pa'no ko malalaman na walang tao sa likod ko kung hindi ako lilingon?"

Sinagot ko siya ng pabara. Bwisit siya.

"Ang sabihin mo, clumsy ka!"

Bahala ka na nga diyan. Aalis na dapat ako pero nagsalita pa siya na nagpatigil sa 'kin.

"You're Lucas' ex right? Stupid ka talaga! So stupid na naloko ka pa!" Sigaw niya.

Pano nasama sa usapan ang pagloko sakin? At anong sinabi niya? Stupid ako? As in Tanga? Sino siya para sabihan ako ng ganyan!

"Ang sabihin mo mangaagaw ka! Masama pa para manloko ng iba!"

Sa inis ko tinulak ko siya. Dahil nagsisigawan na kami ay pinagtitinginan na kami ng tao.

"Bea! What the heck happened to you?!"

Nagulat ako ng may sumulpot sa tabi niya. Si Lucas. Narinig ko ang sobrang pagaalala pagkasabi niya 'yon kay Bea.

Tumingin naman sa 'kin si Bea. Dahilan para mapatingin din sa akin si Lucas. Ang nagaalala niyang mga mata napalitan ng galit.

"Chloe?!"

"She said kasi na inagaw daw kita. He wants you back Hon. And look! Tinapunan niya pa 'ko ng pagkain." Sumbong nung bea.

Tumingin ulit siya sa 'kin.

"Lucas mali ang inaakala mo. Siya ang nagsimula---"

"She's lying! Siya na lang ang biglang nanampal at sumugod sa 'kin." Pinutol ako ni bea.

Sinampal ko ba siya? Bakit hindi ko maalala? Sinugod? Walang hiya, natapunan ko lang siya kung ano ano nang kwento ang sinabi niya.

"Was that true chloe? You slapped her?!"

"What? NO! Hindi ko siya sinampal! Siya ang nauna!---"

"No Hon! Siya ang nauna! Look at my uniform! She did this!"

Pinakita niya ang uniform niyang may spaghetti at nabasa ng iced tea. Ako ba ang nauna? Ang galing niyang magsinungaling!

"Stop lying Bea! Lucas---"

"Shut up Chloe! Kung titignan mas kawawa si Bea dito. Just look at her!  Ano ba chloe?! Diba nasabi ko na sa'yo na ayaw ko na?! Tumigil ka na nga!"

Mas dumami ang mga taong nanonood at nakikinig.

Gusto ko nanaman umiyak. Mas pinaniniwalaan niya si Bea. Ayaw niya 'kong pakinggan.

"L-Lucas... Siya talaga ang nauna---"

Bago pa man pumatak ang pinipigilan kong luha may pumutol sa 'kin at hinawakan ako sa braso. Tapos hinila ako palabas ng canteen!

Sino pa nga ba?

Edi si kaladkad king na si Alfred! Nagmula na lang siya sa kung saan sa canteen at sinimulang kaladkarin ako. Hindi ako makapalag. Hinila niya ako palabas sa canteen.

Tumigil siya sa paglalakad. Nasa likod kami ng school.

"Bakit mo nanaman ako kinaladkad? Hindi tuloy ako nakapagexplain kay Lucas!" Bulyaw ko sa kanya.

"Can't you see Chloe?! Kahit anong explain mo do'n hindi siya naniniwala! Mas paniniwalaan niya pa din si Bea! Napapahiya ka na nga kanina patuloy ka pa din! You looked so stupid!"

Ang mga luhang pinipigilan ko kanina ay lumabas na. Stupid. Tanga. Oo na nga tanggap ko na. Oo na tanga na ako. Tanga ako at nagpaloko ako kay Lucas. Tanga ako at pinaglaban ko pa din sa kanya ang sarili ko kanina sa canteen kahit alam kong si Bea ang pinaniniwalaan niya. Ako na tanga.

Halatang nagulat si Alfred sa pag-iyak ko. Umiiyak nanaman ako.

"D-Don't cry."

Nakita kong nataranta siya. Nagulat ako ng bigla niya na lang akong yakapin. Pinabayaan ko na lang siya.

"Ano bang meron kay Bea na wala sa akin?" Mahinang tanong ko habang nakayuko.

"No Chloe... you're way more better than Bea." biglang sagot ni Alfred.

"Pero bakit.. bakit mas gusto niya siya..."

Hindi niya na ako sinagot. Umiyak lang ako sa bisig niya. Nababasa na ang polo niya pero he didn't mind.

Nagstay pa kami sa ganong posisyon ng tatlong minuto. Umiiyak ako at siya nakayakap. Hanggang sa kinalas ko ang yakap niya. Tinignan niya ako habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

"Ayoko nang umiyak." sabi ko at nagbuntong hininga.

"Edi huwag kang umiyak." sagot naman ni Alfred.

Napapoker face ako sa kanya.

"How would I move on?" Natanong ko sa kanya.

Hindi niya naman ako sinagot. Nagkibit-balikat lang siya.

Gusto ko na talagang magmove on. Pero hindi ko alam kung pano ang gagawin ko. Sa bawat isip ko kay Lucas bumabalik ang sakit at pagmamahal ko para sa kanya. Pano ako makakamove on?

Biglang nagvibrate ang cp ko. Si Auntie. Tumatawag.

"Wait lang."

Nagpaalam ako sandali kay Alfred. Tumango naman siya. Naglakad ako ng medyo malayo pero nandito padin sa garden. Lumayo lang ako sapat para walang marinig si Alfred.

"Hello Auntie."

"Chloe... umuwi ka na dito."

Nabigla ako sa sinabi ni Auntie.

"Pero auntie may pasok pa po ako. May kailangan ka po ba?"

Dapat kasi talaga  hindi na ako pinapasok ni Auntie dito sa school. Para sana nandon na ako ngayong may kailangan si Auntie.

"Maghalf-day ka na muna kahit ngayon lang chloe."

"Bakit po ba auntie?"

Mas lalo akong nabigla sa sunod na sinagot ni auntie.

"Pinapalayas na tayo ng apartment."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com