Chapter 6
Magandang si Chloe ang nasa media--->
Update ako ngayon! Haha. Love the date today xD 12/13/14.
The Heirs Telenovela Inspired! haha.
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Dedicated to: Nicaellaaaa
Comment for more Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 6
Chloe's PoV
"Pinapalayas na tayo ng apartment."
"PO? Bakit po?!"
Halos mahulog ko ang cp ko dahil sa gulat. Pinapalayas na kami ni Aleng Bebang! Hindi na siya naawa. Wala kaming mapupuntahan. Wala kaming titirhan.
"Pasensya na chloe hindi ko pa din kasi mabayadan ang upa. Pinapalayas na tuloy tayo ni Aling Bebang... Pero may lilipatan na tayo."
"Saan naman po?"
"Sabihin ko na lang mamaya kapag nandito ka na Chloe. Dalian mong magimpake at highblood masyado si Aleng Bebang."
"Sige po Auntie."
Pinatay ko na ang tawag. Dali dali akong lumapit kay Alfred na kasalukuyang nakaupo sa bench dito sa garden ng school. Nakabeats siya at halatang nakikinig ng kanta. Tinanggal niya ang suot niyang beats at nilagay niya sa leeg niya ng makita niya ako.
"Una na ako." Paalam ko sakanya.
Tumango siya at sinuot ulit ang beats niya. Sumandal din siya sa bench.
Agad agad naman akong pumunta ng classroom ko. Pagkadating ko lahat ng tao may kaniya kaniyang mundo. Pumasok ako at naglakad papuntang upuan ko. Pasimple kong hinablot ang bag ko. Agad akong lumabas na ako ng classroom ang naglakad papuntang gate.
Malapit na ako ngayon sa gate. Mabuti at bukas pa. Tinignan kong mabuti ang Guard. Nasa loob siya ng Guardhouse. Buti nalang at parang inaantok antok siya. Wala kasi masyadong tao dito sa gate ngayon. Patapos na din kasi ang Lunchbreak.
Nang makasigurado akong nakapikit na siya dahan dahan akong naglakad patungong gate. Nakatingin lang ako sa Guard at mahirap na baka biglang bumukas ang mata niya at mahuli ako. Bigla na lang akong tumakbo palabas. Success! Nakalabas din ako.
Mabilis akong naglakad papuntang village namin.
Malapit na ako sa apartment at nakita ko si Auntie sa labas.
"Auntie!"
Tumakbo ako papalapit sa kanya. Nakita ko ang tatlong malalaking bag sa tabi niya. May suot din siya na sling bag sa shoulder niya.
"Oh Chloe! Ang tagal mo kaya inayos ko na din ang gamit mo. Masyado kasing masama si Aling Bebang at pinaaalis na kagad tayo."
"Grabe naman po siya..."
"Oo nga e. Nga pala, may lilipatan tayo. Sa bahay ng boss ko sa Bakery. Ang sabi ni Ma'am sa akin may maliit na apartment daw sa likod ng bahay nila na pwede nating paglipatan. Libre na daw basta't maging Chef ako at maging maid ka sa bahay nila. Gabi ka lang naman magtratrabaho do'n Chloe kasi alam nilang may pasok ka. Okay lang ba sayo chloe?"
Tumango tango ako kay Auntie.
"Oo naman po! Basta po para may matirhan tayo." Sagot ko.
Nginitian naman ako ni auntie at nagpasalamat.
"O siya, tulungan mo na 'kong buhatin 'tong mga 'to at magtaxi na tayo papunta sa bahay ng Boss ko."
Tinulungan ko naman ka'gad si Auntie'ng bitbitin ang mga bag na malalaki. Nagsimula kaming maglakad palayo sa apartment.
Habang naglalakad nagtitingin kami ng bakanteng taxi ni Auntie. Hanggang sa makapunta kami sa isang waiting shed dito sa village namin. Tumayo muna kami doon at nilapag ang mga dala naming bag. Grabe ang bibigat. Ang hirap palang mapalayas.
Biglang kaming nakakita ng paparating na Taxi. Pinara naman 'yon ni Auntie. Nang makalapit ang taxi tumigil siya sa harap namin. Yes naman walang laman! Lumabas ang driver ng taxi at tinulungan kami ni Auntie na ipasok ang mga bag sa likod ng taxi. Tapos pumasok na ulit kami sa loob.
"Sa Perilton Village ho." Sabi ni auntie sa driver pagkasakay.
Tumango kay auntie ang driver at nagdrive.
Habang umaandar 'tong taxi kinakalikot ni Auntie ang cp niya with serious face. Siguro tinetext na ni Auntie ang Boss niya na papunta na kami. Ako nakatingin lang sa labas ng bintana. Pinalayas talaga kami ni Aling Bebang. Buti na lang mabait ang boss ni auntie at pinapalipat pa kami sa kanila. Ang daming problema ang dumadating sa buhay ko. Bakit kaya ang malas malas ko.
Napansin kong nasa isang village na kami. Nakita kong binulsa ni auntie ang cp niya at tumingin sa paligid sa labas ng taxi.
"San po kayo dito?" tanong ng driver.
"Ah sige pa po, diretso pa po dito."
Sinabi sabi lang ni Auntie ang way sa driver. Ang gaganda naman ng mga bahay dito sa Village na 'to. Ni wala akong makitang madumi o bulok. Siguro village 'to para sa mga mayaman.
"'Dito na po! Pakibaba na lang po kami diyan sa Gate." Sabi ni auntie sa driver.
Sinilip ko sa bintana ang tinuro ni auntie. Wow! Ang laking gate. May nakatayong sosyal na babae na may kasamang dalawang maids sa harap ng higanteng gate.
Bumaba kami ni Auntie ng taxi.
"Oh Teresita iiwan niyo na diyan ng pamangkin mo ang mga bagahe niyo. Maids, bring their bags to the empty apartment behind the house." Sabi ng sosyal na babaeng halos kasing age lang si Auntie.
Agad namang sumunod ang dalawang maids at lumapit sa likod ng Taxi para kunin ang mga bag.
"Nako madaming salamat po talaga Ma'am Clara." Sabi ni auntie sa babaeng sosyal.
Ibigsabihin siya ang boss ni auntie. Napakasosyal naman niya tignan. Mula ulo hanggang paa ang gaganda ng suot. Mayroon din siyang suot na mga kwintas, bracelet, earings na parang gawa sa gold.
"It's what you get for being a very good cook at my bakery. I really love the tastes of your cooks Teresita. And oh, you have a very beautiful niece."
Napatingin sa akin ang boss ni Auntie at ngumiti. Nginitian ko naman siya pabalik.
"Thank you po." Sagot ko habang nakangiti.
"May I know your name young lady?" tanong niya sa'kin.
"Tawagin niyo na lang po akong Chloe." Sagot ko.
"Mm. That's a nice name. Just call me Ma'am Clara. Nice to meet you chloe."
Nilahad ng boss ni auntie ang kamay niya ng nakangiti. Siyempre kinuha ko. At nagshake hands kami.
"Nice to meet you din po ma'am Clara..."
Nagbitiw na kami ni Ma'am Clara. Tumingin siya sa amin ni Auntie.
"Come, I'll show you to your new apartment."
Tumango kaming dalawa ni auntie kay Ma'am at naglakad na siya. Sinundan namin siya. Medyo malayo pa ang agwat ng bahay nila sa Gate nila. At ng makalapit kami sa bahay nila sobrang namangha ako. Ang laki. Napakalaki. Sobrang pang mayaman.
Konting lakad pa at nakarating na kami sa likod ng bahay nila Ma'am Clara kung saan ay may maliit na apartment.
"We're here. I'll show you inside." Sabi pa ni ma'am clara.
Binuksan niya ang pintuan gamit ang susi. Inikot niya na ang doorknob at pumasok na sa loob. Sumunod naman kami ni Auntie.
"You only have one room, one restroom, and one kitchen. There's a TV over here I'm sure it works. Libre ang lahat ng kailangan niyo if you just do your jobs." Explain ni Ma'am sa amin.
"Ma'am, kelan na po kami magstastart magtrabaho?" tanong ni auntie.
"Tonight."
"Ngayong gabi na po?"
"Yes, ngayong gabi na. We really need extra maids because some of them are leaving. Sana kayo, Teresita and Chloe huwag kayong umalis." Sagot ni ma'am.
"Hinding hindi po kami aalis, unless na paalis niyo po kami." Sabi ni auntie.
Nginitian kami ni ma'am.
"I'm glad to hear that. Magpahinga na muna kayo. It's 3 o'clock in the afternoon. Mamayang 6 kayo pumuntang bahay at magtrabaho. And chloe you can just wear white t-shirts whenever you're working dahil gabi ka lang naman magtratrabaho."
Sabay kaming tumango ni Auntie.
"Good. I'll be going then."
"Sige thank you po talaga Ma'am Clara." Sagot namin ni Auntie.
Lumabas na si ma'am Clara. Sinarado naman namin ang pinto. Nakita namin ni Auntie ang mga bag naming na nasa tabi ng wall.
"Mag-ayos na muna tayo Chloe." Sabi ni auntie sa'kin.
"Sige po."
At sinimulan na namin ni Auntie ilabas ang mga gamit naming sa mga bag.
MATAPOS ang dalawang oras ay naayos na namin ni Auntie 'tong apartment. Pagod na pagod kaming dalawa. Dalawang oras ka ba namang mag-ayos. 5 o'clock na.
"Chloe magpahinga na muna tayo. Isang oras na lang at magtratrabaho na tayo."
Tumango ako kay auntie.
"Sige po iidlip muna ako sa kwarto."
Tinanguan lang din ako ni Auntie. Pumasok na ako sa kwarto. Nahiga ako sa kama at sinet ko ang cp ko ng alarm kapag quarter to 6 na. Tinabi ko ang cp ko sa ilalim ng unan. Pinikit ko na ang mga mata ko. Maya maya nakatulog na'ko.
NAGISING ako bigla ng tumunog na ang cp ko. Nagaalarm na. 6'oclock na. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto. Nakita ko si Auntie na nakatulog sa sofa. Nilapitan ko si Auntie. Niyugyog yugyog ko siya.
"Auntie... Auntie gising na... 6 o'clock na po."
Dahan dahang binuka ni auntie ang mga mata niya.
"Gising na po magsi-6 na."
Napahilamos sa mukha si Auntie.
"Sige Chloe antayin mo 'ko sabay tayong pumunta." Sabi ni auntie.
Tumango lang ako. Kinuha ko muna ang suklay ko at nagsuklay ng buhok.
Pagkatapos ng limang minuto natapos na din si Auntie mag-ayos.
"Tara na," sabi ni Auntie.
Lumabas na kami ng apartment. Nilock ni auntie ang pintuan at naglakad na kami papunta sa bahay nila Ma'am clara.
Nakasuot si auntie ng mga damit panluto. Ako sinunod ko ang sinabi ni ma'am Clara at nagsuot ako black pants at puting tshirt.
Nakasunod lang ako kay Auntie habang naglalakad siya papasok ng bahay. Pagkapasok namin halos mapanganga ako. Wow! Sobrang linis. Ang kintab ng sahig at ang liwanag ng mga ilaw. May mga maids din na umiikot ikot.
"Just right on time!"
Napalingon kami ni Auntie sa nagsalita. Nakita naming si Ma'am Clara. Lumapit siya sa amin.
"Teresita you go na to the kitchen and cook. It's that way. You'll meet Gina. She's one of the chefs here at tutulungan ka niya." may tinurong daan si Ma'am Clara.
Tumango si Auntie sa kanya at naglakad siya papunta sa tinuro ni Ma'am Clara. Napatingin naman sa akin si Ma'am.
"And as for you Chloe, oh wait. How old are you again?"
"17 po."
"That's a coincidence. 1 year lang ang agwat niyo ng son ko. Anyway, let's go upstairs."
Sinunod ko naman si Ma'am Clara. Tumaas siya at ako sumunod. Medyo mataas din ang hagdanan na 'to. Nang makataas na kami naglakad pa kami ng konte hanggang sa makarating kami sa isang pintuan.
"This is my son's room. Clean it. Medyo magulo but I'm sure you could handle it."
Tumango ako kay ma'am. Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ng anak ni ma'am.
Fudge! Parang binagyo ang kwarto! Ang gulo. Andaming kalat. Parang ito lang ang part ng bahay na magulo. Ang burara naman ng may-ari ng kwartong 'to.
"Sorry my son is really a mess. Goodluck on cleaning. Pinahanda ko na ang mga cleaning tools na gagamitin mo. It's right over there," Sabi ni ma'am.
Tinanguan ko naman si Ma'am.
Umalis na siya at ako pumasok na ako ng kwarto. Seryoso? Kwarto pa ba 'to ng matino? Pati brief nakakalat. Iba't iba pang mga damit ang nagkalat sa kung saan saang sulok ng kwarto. Madami ding wrapper ng mga candy, at chitchirya. Nakakalat din ang mga notebook at ballpen sa floor. Ang gulo lang sobra.
Lumapit na ako sa lalagyan ng mga cleaning tools dito sa kwarto.
Sinimulan ko nang mag-ayos.
MATAPOS ang halos isang oras ay natapos na din ako sa paglilinis! Pagod na pagod nanaman ako! Grabe. Sa sobrang pagod ko ito ako ngayon nakahiga sa malaking kama dito kwarto ng anak ni Ma'am. Ang lambot kasi. Pagkatapos ng limang minuto tumayo na din ako. Mahirap na may biglang makakita sa akin at pagalitan pa ako.
Hila hila ang lalagyan ng cleaning tools ay lumabas na ako ng Kwarto. Tinabi ko siya sa stock room kung saan nandon din ang ibang tools.
Nagpunas ako ng pawis at bumaba. Nasa baba na ako ngayon. May nakita akong pintuan na papuntang kusina.
"Nakakauhaw..." Nabulong ko.
Nauuhaw ako. Gusto kong uminom ng tubig. Makikiinom nalang muna ako. Huhugasan ko nalang din ang pagiinuman ko.
"May tao ata..." bulong ko ulit sa sarili ko.
Napansin kong medyo bukas ang pintuan ng kusina. Baka may tao. Naisipan ko munang sumilip.
Dahan dahan kong itinapat ang isang mata ko sa maliit na space sa pintuan. Sinilip ko ang kusina. May tao nga. Nakaside view siya. Nakita kong umiinom din siya ng tubig.
Wait. Brown hair?! Naningkit ang mata ko. Parang kilala ko 'to! Pinagmasdan ko pa siyang mabuti at baka nagaakala lang ako. Pero hindi siya nga!
Oh fudge! Anong ginagawa niya sa bahay na 'to?
Nandito siya sa bahay. Nandito siya sa kusina.
NANDITO SI ALFRED!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com