Chapter 17
Nick Jonas - "Jealous" song video at the media--->
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter Dedicated to: chrysler16 :)
Comment for more Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 17
Chloe's PoV
Monday na ngayon. Ang bilis ng araw 'no?
Hanggang ngayon, hindi pa din kami nagkakabati ni Alfred. Iniiwasan niya ako kahit pag nagtratrabaho ako. 'Di ba dapat matuwa pa nga ako dahil hindi niya ako pinapansin sa bahay nila? Pero hindi e. Parang gusto kong makausap siya. Gusto ko na ayaw ko. Ang gulo.
"Psst Chloe, bumangon ka na't baka ma-late ka pa. Monday pa naman."
Ramdam ko ang pagyugyog sa akin ni Auntie habang nakatalikod ako sa kanya.
"Sige po Auntie."
Napahikab pa ako habang sinasabi 'yan.
Kanina pa naman talaga ako gising. Ayaw lang ng katawan kong bumangon. Parang gusto ko lang kasing magkulong ngayon sa bahay. Parang ayaw ko pumasok. Pero gaya nga ng sabi ni Auntie noon, hindi porket may problema ay aapektuhan ko na ang pag-aaral ko.
Kaya naman bumangon na ako. Inayos ko ang higaan namin ni Auntie. Pumunta ako ng kusina para maghilamos at nagpakulo na ako ng panligo. At ayun, ginawa ko na ulit ang usual kong ginagawa t'wing Monday.
7:00 na. Kakatapos ko ng kumilos para sa school. Dati rati alasais pa lang paalis na ako para magmeet kami ni Alfred sa waiting shed. Pero ngayon hindi. Lumabas na ako ng bahay namin. Wala na si Auntie pumunta na ng mansion. Maaga kasi talaga ang trabaho ni Auntie.
Naglakad na ako papuntang gate. Lumabas na ako at naglakad. Habang naglalakad palabas dito sa village napatingin ako sa unang waiting shed ng village. Napagbuntong hininga na lang ako ng makitang wala si Alfred don. Mula noong naging kami kasi lagi na kaming nagkikita diyan para sabay kaming pumuntang school. Pero siguro ngayon hindi na.
Naglakad lang ako ng naglakad paalis ng village. Hanggang sa makarating na ako sa school. Dumiretso na ako sa room ko. Ako lang mag-isa. Ako lang nanaman mag-isa. Bumabalik 'yong dati na parang hindi kami magkakilala ni Alfred. Ayaw ko nito.
Habang naglalakad ako papuntang room ko, hindi ko inaasahan itong nasalubong ko.
"WHAT THE HECK?!" Mura niya.
Si Lucas. Oo si Lucas na ang ex kong nangloko sa akin. Ako ang minura niya. Minura niya ako dahil pinadapo ko ng malakas ang palad ko sa mukha niya. Isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya.
Nanlaki din naman ang mata ng babaeng kasama niya na si Bea dahil sa ginawa ko.
"Dapat lang sa'yo 'yan! Ang kapal ng pagmumukha mo! Dahil sa ginawa mo nakakasira ka ng relasyon!" Sigaw ko sa kanya.
Isa na lang ang nararamdaman ko ngayong kaharap ko si Lucas. Galit. Wala na akong nararamdaman sa kanya kung hindi Galit. Galit sa lahat lahat ng ginawa niya sa aking kalokohan.
"Hold it up Bitch! Stop making a scene! Nanahimik ang Hon' ko!" parang batang sagot sa akin ni Bea.
Mas kinainis ko ang ginawa ni Lucas. Tumawa lang siya! Umiiling siyang tumatawa! Napakabaliw niya din, ano? Anong tinatawa tawa niya diyan?!
"'Yan ang akala mo Bea! Alam mo bang sinabi niya na siya ang boyfriend ko? Inakbayan niya ako at nasa wallet niya pa ang litrato naming dalawa! Walangya 'yang lalaking 'yan!" Sigaw ko.
Pinagtitinginan kami pero wala akong pakialam.
Napanganga naman si Bea. Sabay tinignan niya si Lucas. Nagpoker face naman si Lucas sa kanya.
"Oh C'mon 'Hon you're actually believing her?" sabi niya kay Bea.
Unsatisfied namang tumingin sa akin si Bea.
"Yeah right! Stop making a scene... and a story!"
Ang sarap itapon ni Bea pagkasabi niya n'yan. Nakaka-irita ang boses niya, pananalita niya, pati pagmumukha niya! Nakaka-irita siya! Nakaka-irita sila!
"FUDGE! BAHALA NGA KAYO!"
Huling kong sinigaw sa pagmumukha nila bago ako mag-walk out sa harap nila.
Iritado akong naglakad papuntang room namin. Nalate pa tuloy ako ng kaunti. Buti hindi nagalit ang teacher ko. Nagpaumanhin nalang ako pagkapasok ko at naupo na sa upuan ko.
Lunch Time. Lumabas na ako ng room. Walang Alfred ang bumungad sa akin. Ano pa nga bang aasahan ko? Eh galit pa din ata sa akin ang tao. Mukhang hindi siya sasabay sa akin ng lunch.
Sakto namang nag-ring ang cellphone ko. Patricia calling... Sinagot ko naman.
"Girlaloo! Lunch niyo na?" parang nag-aalala niyang tanong sa akin.
"Uh, yeah. Why?" tanong ko din sa kanya.
"Please come here! We don't know what to do to Sab's sugat! It's so laki! Ikaw lang nakakaalam pa'no gamutin 'to!" Sigaw niya sa phone.
Nakaramdam din naman ako ng alala.
"Huh? Sige sige! Nasaan ba kayo?" sagot ko.
"Andito kami sa room namin! Dalian mo Chloe please!" pagmamakaawa niya.
"O'sige sige papunta na ako."
Pagkasabi ko niyan ibinaba ko na ang tawag at pumunta ng Room nilang tatlo. Magkakaklase kasi sila.
Saan naman kaya nakuha ni Sabrina ang sugat niya? Siguro nakipag-away nanaman. Pero bakit hindi nila idala sa clinic? Kailangan ako talaga? Pero hayaan na. Kailangan ako ng mga kaibigan ko ngayon.
Nasa harapan na ako ng room nila.
Kumatok ako. Pero walang sumasagot. Parang walang tao. Nakailang katok ako pero walang nagbubukas.
"Chloe! Pumasok ka na!" narinig kong boses ni Riane.
Yung boses niya parang nagaalala ng sobra.
Hindi na ako nagdalawang isip at agad ko ng pinihit ang doorknob at binukas ang pinto.
Pero hindi ko inaasan ang nakita ko.
Si Alfred. Oo si Alfred! Nasa likod niya ang tatlong babae. Nakangiti sila including si Sab. Parang wala naman siyang sugat ha! May limang balloon din na bumubuo ng salitang 'Sorry'.
Nanlaki ang mata ko. Sa likod din kasi nila naroon ang iba pang mga studyante.
"A-Anong... A-ano.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Nakakagulat! Hindi ko inaasahan ang lahat ng 'to. Nananaginip ba ako? Bakit may ganito?!
Si Alfred ang nasa pinakaunahan. May hawak siyang gitara. Nakatingin siya ng deretso sa akin.
"This sound's so corny but her it goes."
Sinabi yan ni Alfred at nagsimulang magstrum ng gitarang hawak niya.
Now Playing: Jelous - Nick Jonas
"I don't like the way he's looking at you
I'm starting to think you want him too
Am I crazy, have I lost ya?
Even though I know you love me, can't help it"
Nagsimula siyang kumanta. Ang sarap niyang pakinggan. Medyo huminahon ang mukha ko at napatingin sa kanya. Napatingin na din ako ng deretso sa mga mata niya. Nakatingin lang din siya sa akin habang kumakanta.
"I turn my chin music up
And I'm puffing my chest
I'm getting ready to face you
You can call me obsessed
It's not your fault that they hover
I mean no disrespect
It's my right to be hellish
I still get jealous"
Nanlambot nanaman ako. Ang puso, isip ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mga liriko ng kantang kinakanta niya. Ramdam ko ang nararamdaman niyang pagseselos habang kinakanta 'yan. Pinapalakas at pinapabilis niya talaga ang tibok ng puso ko.
"'Cause you're too sexy, beautiful
And everybody wants a taste
That's why (that's why)
I still get jealous"
Nagulat ako ng sumabay sila Sab, Pat, at Riane sa pagkanta ni Alfred. Napangiti naman si Alfred habang kumakanta. Hindi ko alam bakit, pero napangiti na lang din ako. Malaki din itong effort na ito na ginagawa nila para sa akin.
"I wish you didn't have to post it all
I wish you'd save a little bit just for me
Protective or possessive, yeah
Call it passive or aggressive"
Mas lalong lumaki ang mga ngiti naming ng sumabay na din sa pagkanta ang mga studyante sa likod ni Alfred! Sabay sabay silang kinakanta ang kanta at nakatingin sa akin.
"I turn my chin music up
And I'm puffing my chest
I'm getting ready to face you
You can call me obsessed
It's not your fault that they hover
I mean no disrespect
It's my right to be hellish
I still get jealous"
Kuhang kuha ko ang kanta. Ramdam ko talaga ang pagseselos at pagmamahal sa akin ni Alfred. Para na akong naiiyak ngayon. Hindi mawala sa labi ko ang ngiti ko.
"'Cause you're too sexy, beautiful
And everybody wants a taste
That's why (that's why)
I still get jealous"
Tumigil na siya sa pagkanta tapos lumapit sa akin.
Napaluha nanaman ako. Hindi lungkot kung hindi saya. Ang saya ng nararamdaman ko kaya napapaluha ako. Tears of joy kumbaga.
Bigla akong niyakap ni Alfred.
"Sorry. Sorry. Sorry."
Sabi niya 'yan at nararamdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.
Napakalas ako sa yakap at tinignan siya. Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Ako dapat ang magsorry Alfred." Sagot ko.
"Hindi Chloe, I'm really sorry for being jealous. I just really couldn't help it."
Nginitian ko lang siya sa sagot niya.
"Sorry din Alfred. Hindi ko man lang itinanggi na si Lucas ang boyfriend ko. Dapat ikaw ang sinabi ko. Sorry nagpahawak ako kay Lucas. Sorry. Mas madami akong kasalanan Alfred---" pinutol niya ako.
"Stop explaining."
Bigla niya nanaman akong niyakap.
"Tanggap na ang sorry mo Chloe. I can't stay mad at you." Narinig kong sabi niya.
"Thank you..." bulong ko.
"Tanggap ko na din ang sorry mo Alfred." Sagot ko pa sa kanya.
Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. Namiss ko siya. Miss ko na kaagad siya kahit dalawang araw lang naman kami hindi nagpansinan. Basta miss ko siya.
"Thank you Alfred. Nagkaayos na din tayo." Bulong ko.
"I love you Chloe. Kahit anong mangyari hindi kita iiwan." Bulong din niya at hinalikan nanaman ang tuktok ng ulo ko.
Napayakap nalang ako muli sa kanya. Mas hinigpitan ko ang yakap.
Hindi ko pa kayang masuklian ang pagmamahal niya. Wala akong masabi tuwing sinasabi niya 'yan sa'kin. Pero may nararamdaman na akong kung ano. Hindi ko lang alam kung ano 'to.
Ayoko munang isipan 'yang nararamdaman ko.
Masaya na ako.
Bati na kami ni Alfred. Nagkaayos na din kami sa wakas. Parang nagdiwang ang puso at isip ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com