Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Leave comments and votes after reading! Thank you. :]

Chapter dedicated to: boywhoknowsnothing :)
Comment for more Dedications.

(Join our group on facebook for the ones who would like!)

DiamondAlpha
---------------------------

CHAPTER 26
Chloe's PoV

Papunta ako ngayon sa Cafeteria. Lunch break na kasi. Hindi ko kasabay si Alfred dahil nga sinasabi niya kaninang umaga na may practice sila ni Brandon.

Ang sabi ko kay Alfred nun sasabay ako kila Sabrina. Pero mukhang hindi na.

Dahil para sa kanila hindi na ako babagay kasama sila. Hindi ko sila kalevel.

Para akong walang kaibigan ngayon. Nandito na ako sa cafeteria. Mag-isa akong naglakad papunta sa pag-oorderan. Nag-order na ako at agad namang binigay ng babae ang tray ko kasama na ang pagkain at inumin.

Tumalikod na ako. Ngayon ko lang napansin na ang dami palang tao sa cafeteria. Ngayon ko lang din napansin na maingay pala. Siguro dahil mag-isa nanaman ako ngayon. Napabuntong hininga na lang ako.

Nagsimula na ako maglakad habang lumilinga-linga sa paligid. Naghahanap ng mauupuan.

Habang naghahanap ako ng upuan, bigla akong napatigil at napahinto sa harap ng isang table.

Sa table nila Bea at Lucas.

Si Bea ang unang nakakita sa akin. Inaasahan kong pauupuin niya ako pero hindi. Halatang nagulat si Bea sa nakita niya. Napansin din naman ata 'yun ni Lucas kaya napatingin siya sa tinitignan ni Bea na ako.

"Oh Chloe---"

"A-Ah hon'! Let's go na we're tapos naman na eh."

Pinutol ni Bea ang sasabihin sa akin ni Lucas. Hinawakan niya 'yung kamay ni Lucas at nagmamadaling tumayo.

"Hon' what's the problem chloe just got here---"

"LET'S GO!" Iritadong sabi ni Bea.

Napaflinch pa kaming dalawa ni Lucas sa lakas ng boses niya.

"Okay?" At nagpahila na lang si Lucas kay Bea.

Bakas sa mukha ni Lucas ang pagtataka. Kunot-noo siyang hinihila ni Bea.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Ano? Pati na rin si bea kamumuhian ako? Dahil lang sa nalaman niya na mahirap lang ako? Grabe na...

Naupo na ako sa upuan na pinagupuan nila Bea at Lucas. Inusog ko 'yung pinagkainan nila kanina. Saka ko nilapag ng maayos ang tray ko.

Akala ko matatanggap ako ni Bea. Hindi pala. Ganun rin pala siya katulad nila Sabrina. Si Lucas? Kahit sabihin naman na ni Bea sa kanya alam na niya. Buti pa nga si Lucas naintindihan niya ako. Sana naman... huwag ipagkalat nila Bea. Kahit iwasan nila ako basta lang huwag nila ipagsabi.

Kumain na lang ako.

"Aray!" nasigaw ko.

Bigla kasing may nambatok sa akin ng malakas. Napapikit pa ako. Buti na lang hindi ako nasubsob sa kinakain ko. Walang hiya naman ang bumatok sa'kin.

Napalingon ako.

"Hey slave!" Nakasmirk nilang sabi.

Sila Sabrina pala. Kasama siyempre ang dalawa na si Rianne at Patricia. Kung dati natutuwa ako kapag kasama ko sila. Ngayon hindi na. Nakakainis na.

Naupo na din sila sa table. Pero wala silang dala na pagkain.

"We're here kasi may dadagdag kami sa papagawa namin sa'yo Chloe."

Nainis ako sa sinabi nila. Dadagdag? Pinahihirapan talaga nila ako. Nakakainis talaga. Pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanila ang inis ko.

"Ano nanaman?" tanong ko.

"Here," sabay abot nanaman nila sa akin ng papel.

"Miniature House?" binasa ko sa papel ng patanong.

"Yah. Nakasulat naman ng clear right?" Sabay irap sa akin ni Rianne.

Kung pwede lang, dinukot ko na mata niya.

"We need a Miniature House in two days."

"Two days?!" Natanong ko dahil sa sinabi ni Sabrina.

"Oo. Kakasabi ko lang diba?" mataray na sagot ni Sab.

Sa pagkakaalam ko, mahirap ang gumawa ng isang miniature house. Tapos pagagawin nila ako. In two days? What the fudge.

"Pero S-Sab hindi ako marunong gumawa..."

"Edi tutunan mo." Sagot niya nanaman ng pataray.

"Diba sabi namin earlier na susundin mo ang lahat na pagagawin namin?" biglang sabi ni Rianne.

"Or else." Banta ni Patricia.

Hindi ako sumagot. Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin.

"Hmm, mukhang like ata ni Chloe na magspread na ang secret niya dito mismo sa Cafeteria." Nakasmirk na sabi ni Sabrina.

Agad lumaki ang mata ko pagkasabi niya niyan.

"Wag! Oo na... gagawin ko na..." Labag sa loob kong pagpipigil.

"That's good! You have 2 days lang para gawin ha?" nakasmirk na tanong ni Rianne.

Sa pilitan akong tumago.

"Oh," Naglapag sila ng 500 pesos sa table. "Pangbuy mo ng gagamitin mo sa Miniature House."

"If sobra sa'yo na lang. Para may money ka pa haha" Sabi ni Sabrina.

Nakakairitra na talaga sila. Kung pepwede lang, pinaalis ko na sila dito sa table ko. Matamlay na kinuha ng kamay ko ang limang daang binigay nila Sabrina.

"Bahala ka pag nalost mo yan huh. Hindi ka na namin bibigyan." Sabi sa'kin ni Rianne.

"Ge na. Tara na girls, hindi makakain ng maayos si Chloe dahil sa atin haha" Nakakainis na sabi ni Sabrina.

"Yeah natatakot yata sa'tin haha" Tawa rin ni Rianne.

"Weak kasi. Ahaha" dagdag pa ni Patricia.

"Bye Chloe!"

Pasigaw silang nagpaalam sa akin bago tuluyang makalayo sa table ko. 'Yung tono ng pagpaalam nila mabait. Para bang kaibigan nila ako. Tss. Mga plastik. Dapat sa kanila binabasura.

Edi ako na weak. Edi ako na natatakot. Porket mayaman lang sila. Porket mas mataas sila sa akin ganun na sila. Paano kaya kung sila ang nasa kalagayan ko at ako ang nanggaganun sa kanila? Edi naramdaman na din nila ang pinagdadaanan ko ngayon.

Pero anong gagawin ko. Kahit bali-baliktarin pa natin ang mundong ito. Mahirap pa din ako.

"Nakakawalang gana..." Nabulong ko.

Bigla akong nawalan ng ganang kumain. Madami dami naman na akong nakain. Kaso may natira pa. Kaunti na lang naman kaya ayoko na. Nakakawalang gana naman kasi.

Tumayo na ako.

Maaga pa. Pero walang magawa dahil mag-isa ako.

Napag-isipan ko nalang na bumalik ng classroom. Maupo sa desk ko at magpahinga. Pumasok nanaman ang isang problema sa buhay ko. Bakit nanaman ba 'to nangyari. Alam kong may magandang dahilan si God kaya niya to ginawa. Tiwala lang.

UWIAN. Kakatapos na ng last subject namin.

Pagkalabas ko ng room, hindi ko inasahan ang makikita kong nag-aabang sa akin.

"Bea? Lucas?" Natanong ko.

"Hi Chloe..." parang nahihiyang sabi ni Bea.

Umusog kami ng konte palayo sa pintuan dahil 'yung mga classmates ko dumadaan pa palabas ng room.

"Bakit?" Natanong ko.

Gumilid kami sa isang hall na wala masyadong dumadaan na tao. Tanging kami palang ang nandon.

"Sorry Chloe!" sabi kaagad ni Bea.

"H-Ha?" Nautal ako.

"Kasi... I made punta sa likod ng school. Narinig ko tuloy pinag-usapan niyo... sorry..."

"Okay lang." Nginitian ko si Bea.

Kami ni Bea ang magkaharap. Si Lucas nakikinig.

"'Y-Yung narinig mo..."

"Totoo?"

"Oo..."

"Chloe... you're poor?"

Tumango ako.

"You guys are so daya ha. Hindi niyo sinasabi sa'kin. Pati 'kaw hon' ah. Alam mo pala hindi mo sinabi."

"Sinabi ko nga kanina eh." Sagot ni Lucas sakanya.

"Yeah I'm not mad naman. I just want to understand things clearly." Sagot ni Bea.

"Sorry nga pala Chloe." Sabi ni Bea sa'kin.

"Para san?" tanong ko.

"Kasi baka you thought mo na nilalayuan kita. Kasi kaninang lunch---"

"Okay lang." pinutol ko siya.

"Nung umalis kami kaninang lunch sa cafeteria. Lucas asked me bakit at anong problema. Then I told him what I knew." Kwento ni Bea.

"Pagkasabi sa akin ni Bea na alam na niya ang secret mo I explained everything to her." Sabi rin ni Lucas sa'kin.

"And his explaination made me realize na hindi porket mahirap ka lalayuan na kita."

"Ahh. Thanks Lucas." Pasasalamat ko kay Lucas at ngumiti.

Nginitian niya ako pabalik.

"So... tanggap mo ako?" Medyo matuwa kong sabi.

"Ofcourse! Sarap mo kayang maging friend. I don't have pake kung low class ka."

"Thanks bea!" bigla akong napayakap kay Bea.

Ramdam ko ang pagyakap niya pabalik.

"'Ndi ako makapaniwala na ang dating enemy ko ang magiging tunay na kaibigan ko." Nakangiti kong sabi sa yakap niya.

Kumalas na kami sa yakap.

"Hindi ko nga din inexpect to eh." Sabi niya ng nakangiti.

"Ano pa nga pala ang pinagusapan niyo nila Sab kanina? I'm so curious eh."

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Bea. Hindi ko pwedeng sabihin ang pagblockmail nila sa akin. Sasabihin ko ba? Pero 'yung consequence..

"A-Ah. Wala na. Pagkaalis mo umalis na rin ako..."

Nagsinungaling ako. Nagsinungaling ako sa isang tunay na kaibigan. Tama ba ang ginawa ko? Para naman 'to sa kapakanan ko..

"Ah okay." Satisfied naman na sagot ni Bea.

"Pwede pala ako humingi ng favor sa inyong dalawa?" tanong ko sa kanila.

"Sure. What's it?" tanong nila.

"Pwede huwag niyong sabihin kahit kanino na... mahirap ako? Please?" Tanong ko.

"Sure! We can keep a secret." Nginitian nila ako.

"Thank you..." buong loob kong pasasalamat sa kanila.

Buti pa sila. Kaya nila akong tanggapin at itago ang sekreto ko. Samantalang sila Sabrina. Binlockmail ako at pinahihirapan pa lalo. Laking pasasalamat ko talaga sa kanila Bea. Sana marami pang ganyan sa mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com