Chapter 25
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: Prend MsChocolat :)
Comment for more Dedications.
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 25
Chloe's PoV
"We know that you're secretly poor."
Paanong... bakit... kanino nila nalaman? Sinong nagsabi... Bakit kailangan nilang malaman! Fudge! Lord bakit. Mababaliw ako dahil dito.
Nanlaki lang ang mata ko sa kanila. Wala akong masabi.
"Okay let us tell the whole story how we three genius bitches found out." Sabi ni Sabrina.
Nagulat ako ng hinila ako ni Patrcia at Ariane sa magkabilang braso saka ako pinaupo sa upuan. Pwersado nila akong itinulak paupo sa bench. Nakakatakot sila, hindi ko alam kung anong gagawin nila.
"Remember Brandon's Birthday party?" Mataray na tanong sa akin ni Sab.
Hindi ako sumagot at nakatingin lang ako sa kanya. Natatakot talaga ako ngayon na kinakabahan.
"ANSWER!"
Agad akong napatango dahil sa sigaw na 'yan ni Sabrina. She's acting such a bitch to me now. Pinapakita na niya ang bad side niya dahil sa nalaman niyang sikreto ko.
"So yeah, while we were dancing, nakita naming tatlo kayo nila Brandon, Alfred including you ofcourse. Nagmamadali kayong umalis so nacurious kami. It was so early tapos uuwi kaagad kayo ng hindi tinatapos ang party. Tsk tsk" Sabi din ni Rianne sa kaliwa ko hawak padin ang balikat ko.
"And what we did is sinundan namin kayo. We left our partners in the dance saka kayo secretly na sinundan. Using our car ofcourse sinundan namin ang motor na sakay ninyo ni Alfred."
Diyan ako napalunok sa sinabi ni Pat. Sinundan pala nila kaming tatlo. Kainis naman bakit pa nila kami sinundan!
"Turns out na sa bahay lang pala nila Alfred kayo pupunta. From afar that time, nakita naming kinausap kayong dalawa ng mother niya. Then we saw na pumasok na kayo ng gate. We were still out of ideas kung ano ang ginawa niyo sa bahay ni Alfred." Sabi pa ulit ni Rianne.
"That's right and we went home after that. Coming days, we were still following you. Lagi kang sa bahay nila Alfred umuuwi. Doon na kami nagtaka. Right guys?" tanong ni Sab sa dalawa.
Tumango naman ang dalawa.
"We were having ideas like wala kang inuuwian or may problema family mo. Madami pang things na pumasok sa isip namin but we were not sure about it." Dagdag pa ni Sab.
"Kaya we decided to ask the guard na nagbabantay ng gate nila Alfred. We asked kung ano ang laging ginagawa mo don at kung sino ka. And guess what the guard said? Tell her Sab." Sabi ni Rianne.
"He said you're a Maid in their house. A fcking maid! You liar!" sigaw sa akin ni Sabrina.
"Pinamukha mo sa amin na cool ka pero hindi naman pala bitch!" sigaw na din sa akin ni Patricia.
"After that nagresearch kami sa office about sa'yo. Scholar ka lang pala kaya ka nasa school na 'to!" sabi ni Rianne
Napayuko na lang ako.
"Sana wag niyong ipagsabi sa iba... pakiusap..." mangiyak ngiyak kong sabi.
Tooot Tooot Tooot Toot TooT---
Nakarinig kaming apat ng tunog ng cellphone na may tumatawag. Pero agad din namang napatay ang tunog ng tawag.
"Shet don't call now hon'..."
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang bulong ng boses na 'yan.
"BEA?!" sabay na sigaw ng tatlo sabay tingin sa babaeng nasa likod ng isang malaking halaman.
Tumayo siya mula sa pagkakatago sa likod ng malaking halaman. Fudge si Bea nga!
"Ah eh..." nagkamot ng ulo si Bea.
Pinapatay na ako ng kaba ko. Bakit siya narito! Ginawa niya nga ang sinabi niyang magtatago siya at makikinig sa sasabihin nila Sab. Narinig niya kaya? Fudge sana naman hindi.
"Bea, tell us the truth. Did you listen on what we just talked about?" Matigas na tanong ni Sabrina.
Na mukha bang natakot din si Bea.
Dahan dahan namang tumango si Bea.
So narinig niya? Alam niya? Ah! Fudge! Hindi ko na alam ang gagawin ko bakit ba nangyayari 'to.
Nakita kong nagsmirk si Sabrina. Tapos tinignan nanaman ako. Nakakatakot talaga ang bitch side niya.
"Poor you Chloe. Kumakalat na ang secret mo." Sabay tawa nilang tatlo.
Nakita ko si Bea na nakatingin sa akin. Hindi ko maipinta kung ano ang sinasabi ng utak niya. Sana naman huwag niya akong kamuhian katulad nitong tatlo. Sana iba ka sa kanila, Bea.
"Bea..." nabulong ko.
Bea... Please... Sana maging magkaibigan pa din tayo. Kakatapos lang nating maging magkaibigan tapos ganito.
"GO now Bea. Hindi mo na pwedeng marinig ang susunod naming pag-uusapan. Alis na muna!"
Pagkasabi na pagkasabi niyan ni Sabrina ay dali dali ding tumalikod si Bea. Parang natakot na rin ata siya sa ugali nila Sabrina. Naglakad na siya palayo. Sinigurado muna ni Sabrina na makaalis si Bea dito sa likod ng school bago ialis ang tingin niya sa kanya at tumingin sa akin.
Tumingin na ulit silang tatlo sa akin.
"We told you that you should be fcking alone right?!" galit at pasigaw na tanong sa akin ni Sabrina.
Nanginginig akong tumango.
"Then why was Bea here?!" tanong niya pa ulit.
"Hindi ko naman alam na nandito siya Sab!"
Nagulat ako ng bigla niya akong sinampal!
"Huwag mo 'kong sigawan! Bitch wala kang laban sa'kin. YOU'RE POOR."
Naiiyak na ako dahil diyan sa sinabi niya. Isama niyo pa ang lakas ng pagkasampal niya sa akin. Sinabihan niya pa ako ng poor. Mahirap. Ang sakit. Hindi niya kailangang ipamukha. Alam ko naman na 'yan.
"Alright. I'm not into fights right now especially sa mahihinang tao na kagaya mo Chloe." Sabi ni Sabrina sabay ayos ng buhok niya na para bang stressed siya.
Nakakainsulto ang sinabi niya.
"A-Ano pa bang kailangan niyo..." mahina kong tanong pero sapat para marinig nila.
Nakayuko ako. Ayoko silang tignan.
"Answer this Chloe. Do you want your secret to spread dito sa campus?" Deretsong tanong sa 'kin ni Rianne.
"A-Ayok---"
Pinutol ako bigla ni Patricia.
"OFCOURSE NOT. Kaya hindi namin ipagkakalat. Right girls?"
Agad akong napatingala sa kanila dahil sa sinabi ni Patricia. Tama ba ang narinig ko? Kumunot ang noo ko.
"H-Hindi niyo ipagkakalat---"
"IF."
Pinutol nila ako.
May kapalit pala. Paniguradong hindi maganda 'to.
"We have a condition if you don't want your secret to spread." Sabi ni Rianne na mas lalong ikina-kunot ng noo ko.
"A-Ano?" natanong ko.
Nagtinginan mo na silang tatlo saka sabay sabay na tumango.
"Be our slave."
"ANO?!"
Napikit ako dahil nakita ko ang bwelo ng sampal ni Sabrina. Sasampalin niya nanaman ako. Pero after ng ilang segundo eh wala pang tumatama sa mukha ko. Kaya napabukas ang dalawa kong mata.
"Argh! Kung hindi ko lang mapigilan temper ko nasampal na talaga kita ng sobra. I said don't shout!" Sigaw ni Sabrina sa'kin.
Hindi na ako umimik.
"So yeah that's it. Be our slave."
Sobra naman sila. Gusto nila akong pahirapan.
"H-Hindi ko kaya..." sagot ko.
"Anong hindi?! Don't make us tanga." Maarteng sabi ni Patricia.
"Maid ka nga sa bahay nila Alfred. Then sa amin hindi mo kaya maging slave? Tsk" dagdag ni Rianne.
"Oh wait a sec," sabay point ni Sabrina ng finger sa ere na para bang may naisip.
"What sab?" tanong ni Rianne sa kanya.
"How come you're Alfred's girlfriend when you're just his maid in his house?" tapos tinuro ako ni Sabrina.
"Oo nga, 'no!" pagsang-ayon sa kanya ni Pat at Rianne.
"Huh. Ngayon ko lang nalaman. Malanding maid ka pala!"
Napapikit ako dahil diyan sa sinabi ni Sabrina. Sobra na ha. Napakadaming insult na ang nabigay nila. Pero anong magagawa ko. Wala akong laban. I'm weak.
"Siguro while working inakit niya si Alfred. You know Chloe ang ganda mo kasi. Para kang mayaman but parang lang pala. Kasi you're a liar and a poor." Sabi pa ni Rianne.
Bakit ba ang bilis nilang manghusga? Hindi naman ninyo alam ang kalagayan ko. Hindi niyo pinagdadaanan ang pinagdadaanan ko ngayon. Kaya sana huwag naman kayong ganyan.
"Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ng Mama ni Alfred na may relasyon ang anak niya sa isang Maid? Haha"
"Huwag niyong sasabihin! Please...." Pagmamakaawa ko sa kanila.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman ni Ma'am Clara ang lahat ng 'to. Siguradong magkakaproblema nanaman ako kapag nalaman ni Ma'am Clara. Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin ngayon.
"Be our slave. Or else. Ipagkakalat namin sa buong campus na Maid ka. Sasabihin na rin namin sa Mama ni Alfred ang relasyon mo kapag hindi ka pumayag." Pag-block mail nila sa akin.
Napayuko ako. Wala akong ibang choice. Kailangan kong pumayag. Madami ang mangyayari kapag hindi ako pumayag.
Dahan dahan akong tumango.
Ramdam ko ang pagsmirk nilang tatlo.
"Good! You're our slave then. These are the rules." Sabi ni Rianne.
Napatingala ako sa kanila at tinignan sila. Ang daming alam. May rules pang nalalaman ang mga 'to. Nakakaibis. Nakakabwisit. Gusto kong magwala.
"Dalawa lang naman ang rules. First, you have to do whatever na ipapagawa naming tatlo. Slave nga diba? Second. No one should know this! NO ONE kung hindi tayong apat lang. Including your boyfriend Alfred. Pati sila Bea, Lucas or Brandon. Hindi dapat nila malaman." Sabi ni Patricia.
"Or else... get ready for the consequences."
Muli akong tumango.
"Tapos na?" medyo iritado kong tanong.
"Yup! First, here we prepared a piece of paper. Nakasulat diyan lahat ng pagagawa naming today."
May inabot si Sabrina sa akin na papel pagkasabi niyan.
Matamlay na kinuha ng kamay ko ang papel. Saka ko 'to tinignan at binasa.
Fudge lang. Puro assignments, requirements, saka mga projects. Mukhang mahihirap pa ang iba. Grabe naman sila. Pinapahirapan talaga nila ako.
"Any complains?"
Gusto kong sagutin ng oo ang tanong na 'yan ni Sab. Pero hindi ko ginawa at tanging tango na lang ang sagot ko.
"Good. Malapit ng magtime. Goodgirl ka pa naman haha. Go on poor little thing and go to your room." Sabi sa 'kin Sabrina.
Para naman akong alagad na sumunod. Sa gusto ko na ring umalis dito kaya ako tumayo sa pagkakaupo ko. Hindi ko na sila tinignan at nilampasan nalang sila. Nagsimula na akong maglakad.
"Ah!" napasigaw ako ng may biglang humablot sa buhok ka na dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
Si Sabrina pala. Ano pa bang kailangan niya? Napahawak ako sa buhok na hinila niya saka tinignan siya sa gilid ko. Kumunot ang noo ko.
"Don't forget what we just talked about." Bulong niya sa tenga ko.
Mabilis akong tumango.
Agad niya din namang binitawan ang buhok ko.
Tumakbo na ako. Tumakbo na ako paalis dito sa likod ng school. Hindi ko na kaya 'tong nangyayari. Binubully na nila ako. Ito na 'yung kinakatakot kong mangyari. Buti sila Sabrina palang ang nakakaalam. Sana lang talaga hindi nila ipagkalat.
Naiiyak na ako. Siguro maya maya lang papatak na ang luha ko.
Pakiramdam ko sobrang hirap ko. Gan'to ba talaga ako kahirap? Talagang wala na ba akong laban? Bakit ganito.
Kahirapan ko na lang lagi ang dahilan. Lagi nalang 'yan ang binoblockmail sa akin ng mga tao. Ang kahirapan ko ang armas nila laban sa akin.
Una 'yung kay Alfred. Kaya niya ako napapayag noon sa relasyon naming ay dahil sa kahirapan kong ipagkakalat niya. Ngayon naman ito. Kailangan kong maging slave nila Sabrina. Ano nang susunod na mangyayari dahil sa kahirapan ko?
Habang naglalakad. Biglang pumatak na ang luha ko. Agad ko namang pinunasan 'yon dahil baka may makakita.
Sana balang araw yumaman ako. Para wala na silang masabi sa'kin at hindi nila ako mahusgaan. Kaya ko namang mamuhay ng mahirap. Kaso ang problema lang ay ang mga taong mahilig humusga.
Hindi ba pwedeng tanggapin nalang nila ako? Ang kahirapan ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com