Chapter 24
[MUST READ NOTE]
Attention. Meron na pong group page ang Just Be Mine sa facebook. Join na po sa may want. Please join. Hehe. :) Nasa external link po ang link. Salamat. :)
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Comment for Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 24
Chloe's PoV
Dalawang araw na ang nakalipas. 2 days na pagkatapos ng unexpected na pagsorry nila Lucas sa amin ni Alfred. Hindi niyo rin ba inasahan 'yun? Kasi ako hindi eh.
Ito pa ang hindi niyo aasahang mangyayari.
Friends na kaming apat.
Oo. Parang Close Friends kumbaga. Akala ko pa naman dati hindi pwedeng mangyari 'yun. Pero pwede pala.
Sila Alfred at Lucas magkaayos na. Parang nakikita ko namang komportable na sila sa isa't isa. Sabay na nga silang tatlo nila Brandon minsan eh. Oo, pati si Brandon lumuluwag na ang loob para kay Lucas. Nakakagulat nga eh.
Kami naman ni Bea, grabe. Nakakairita pa din naman ang pagkaarte niya oo. Pero 'yung feeling na minsan masaya na din ako kasama siya? Friends na nga talaga kami. Nadagdagan ang mga kaibigan ko. Pati kasi sila Sab, Pat at Riane naging close na sila ni Bea. Kaya parang lima na kaming magkakasama.
Nagmemeryenda kami ngayon sa cafeteria. Free time kasi namin ngayon dahil may meeting ang mga teachers. Kasama ko silang apat ngayon. Si Sab, Pat, Rianne at siyempre si Bea.
Si Alfred, Brandon at Lucas kasi naisipang magbasketball. Tapos kami naisipang magmeryende sa Cafeteria. Mga gutom kami eh.
"You know? Sa attitude mong 'yan I think magaling ka makipag-away." Sabay kagat ni Sabrina sa burger niya.
"Oo nga, baka one of us ka. Hihi." Sabi din ni Pat kay Bea.
"Pero except kay Chloe, we all know na goodgirl 'yan. Haha." Sabi din naman ni Rianne.
Ngumiti lang ako.
"Not really naman eh, pero siguro." Nakangiting sagot ni Bea.
"Why pala kapag sa iba straight English ka? But if sa amin you speak conyo. Haha." Natatawang tanong ni Sabrina kay Bea.
"Ganito kasi 'yun. When I don't like the person na kinakausap ko. Tinatarayan at sinusungitan ko that's why I speak straight English. Pero kapag naman I like the person and I'm comfortable with them like you guys, I speak conyo."
"Ahh, nice one." Tumango tango silang tatlo sa sagot ni Bea.
"So have you tried sabunutan? Kalmutan? Anything like that?" tanong pa ulit ni Sabrina kay Bea.
"Hindi never in my life na nasubukan ko 'yan. Well, maybe one time yes. Pero not that brutal. Sagutan lang at sabatan ang sinasalihan ko. I don't like getting to those points."
So may mabait talaga na side si Bea. Mabuti naman at hindi siya nakakaabot sa mga sabunutan o kalmutan. Hindi kagaya nila Sab na kahit anong klaseng away ay nakikisali sila.
"Ohh." Sagot ni Pat.
"You should try it sometimes." Sagot naman ni Sabrina.
"It's fun." Dagdag din ni Rianne.
"Nah. I don't know..." natatawang sagot ni Bea.
'Yung feeling na OP ako? Wala man lang kumausap sa akin. Haha. Sa totoo lang si Bea lang ang nakakausap ko ngayon ng matino. Parang hindi ako kinakausap ng tatlo? Kausapin man ako parang cold sila. Galit ba sila? May nagawa ba ako? Pero sinama naman nila ako dito kaya siguro naman hindi.
Wala ng nagsalita after niyan. Nagkanya kanya na kami ng kain.
"Ah nga pala Chloe."
Napalingon ako kay Sabrina dahil sa pagtawag niya sa akin.
Napatingin din ako kanila Pat at Rianne at poker face lang silang nakatingin sa akin.
"We want to talk to you."
Kumunot noo ko dahil diyan sa sinabi ni Sabrina.
"Alone ka lang ha. Kami lang din three ang may sasabihin sayo." Dagdag ni Pat.
Maging si Bea napakunot noo na din. Pero hindi siya nagsalita. Tahimik siyang umiinom at nakikinig lang samin.
"Ha? Bakit?" tanong ko.
"We just have something to tell you! Hmmm, sa likod ng school na lang. Tomorrow morning?" tanong ni Sabrina.
"Okay?" patanong na sagot ko.
"Alone ha? Completely ALONE." Inemphasize pa ni Sabrina ang word na 'alone'.
Dahan dahan naman akong tumango.
"Good! Sige we'll go na. Bye chloe, bye bea!" paalam nila.
Parehas kami ni Bea na tumango.
Tapos tuluyan ng umalis ang tatlo dito sa Cafeteria. Weird? Ano kaya ang sasabihin nilang tatlo bukas? Bakit bukas pa at hindi ngayon? Napatingin naman ako kay Bea.
"Ah Bea may alam ka ba sa sasabihin nilang tatlo?" natanong ko kay bea.
Umiling naman siya.
"Wala eh. But they seem so seryoso kanina ha?"
"Oo nga eh..."
"Ikaw may Idea ka on what they're gonna say?" tanong sa akin ni Bea.
"Baka tungkol sa away nanaman nila sa ibang tao?" patanong na sagot ko.
"Pero bakit naman hindi pa nila sabihin now if about a fight lang?" takang tanong ni Bea.
Nagkibit-balikat ako.
"Hindi ko nga alam eh. Kailangang bukas pa. Tapos likod pa ng school." Sabi ko.
Paniguradong hindi lang tungkol sa isang away o dalawa man ang sasabihin ng tatlong 'yun. Feeling ko mahalaga 'to at kailangan sa likod pa kami ng school mag-usap. Tapos, kailangan mag-isa pa ako.
"You want samahan kita tomorrow Chloe?" tanong sa akin ni Bea.
"Ha? Huwag na."
"Why naman? Curious din kasi ako kung ano sasabihin nila. Hehe." Sagot ni Bea.
"Pero 'di ba sabi nilang tatlo sa akin kanina? Na kailangan mag-isa lang akong pupunta?" sagot ko din sa kanya.
"Yeah I heard that you need to be mag-isa, edi I'll make tago tapos pakikinggan ko lang pag-uusapan niyo."
"Eh?" takang tanong ko.
"Please Chloe? Super curious kasi ako eh." Pagpipilit niya.
"Hindi pwede Bea. Kapag nalaman nila na hindi ako mag-isa naku, away ang aabutin ko." Sabi ko.
"Amp! Sige na nga. Make kwento na lang to me 'no?"
"Sige." Sagot ko kay Bea ng nakangiti.
"Oh! There they are." Sabi ni Bea sabay tingin sa likod ko.
Napatingin naman na din ako sa likod ko.
Nakita ko si Alfred, Lucas at Brandon na naglalakad papunta sa table namin. Sakto, katatapos lang namin ni Bea kumain ngayong dumating sila.
Tumayo na kami ni Bea.
"Oh guys!" Bati namin ni Bea sa kanila.
Si Lucas inakbayan kaagad si Bea.
"Yucks hon'. Wag ka muna umakbay! You're so pawis kaya." Pagmamaktol ni Bea.
"Ha! Walang amoy 'to no. Isiksik pa kita sa kili kili ko eh!" Sagot ni Lucas.
Pero si Bea talagang umiiwas. Kaya naghawak kamay na lang silang dalawa. Haha
Si Alfred naman humawak din kaagad sa kamay ko.
Si Brandon ayun, nakatayo lang.
"Edi ako na single!" Biglang sabi ni Brandon.
Lahat kami napatawa dahil diyan sa sinabi niya.
"Bro, may fiancee ka. Haha" sagot sa kanya ni Alfred sa tabi ko.
"How many times do I have to tell you bro? She's not my fiancee!" Inis na sabi ni Brandon.
"Tell that to your parents."
Mahinang sagot 'yan ni Alfred pero mukhang narinig ni Brandon. Sinamaan niya kasi ng tingin si Alfred. Nakakatawa talaga 'tong dalawang 'to.
"Tss! Uuwi na nga lang ako para hindi ako OP sainyo." Sabi ni Brandon.
"Ge bye brandon!"
"Bye bro!"
Paalam namin kay Brandon bago siya tuluyang makaalis. Para talagang bata 'yung lalaking 'yun.
"Kami rin pala ni Bea guys. Una kami pupuntahan pa namin 'yung prof kong nagpapatawag sa akin." Sabi ni Lucas.
Tumango kami ni Alfred.
"Sige bye guys. Uwi na din kami." Sagot ko.
Kumaway muna sila bago tuluyang makaalis.
"Uwi na tayo?" Natanong ka agad sa akin ni Alfred.
"Sana, bakit? May pupuntahan ka pa ba?" Tanong ko.
"Wala naman. But once were home, we have to hide our relationship again and pretend like nothing."
"O'nga. Hindi ka pa ba sanay Alfred?" Tanong ko.
Nagsimula na kaming maglakad paalis ng Cafeteria.
"I got used to it yes. Pero dati 'yun. Now getting tired of it."
Napakunot ang noo ko dahil diyan sa sinabi niya.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
"I want to get things real. Ayoko na na nagtatago tayo."
"Pero Alfred..."
"What?"
"Remember the words that you said nung day na napapayag mo ako sa solution mo. You said we'll hide it." Napapaenglish talaga ako kay Alfred.
"I know... ah, just nevermind." Parang malungkot na sabi niya.
Nginitian ko siya para mapagaan ang loob niya.
"Someday, Alfred." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumawa siya saka ginulo ang buhok ko.
"Haha, fine let's go home." Nakangiti siya habang sinasabi 'yan.
I love seeing him smile.
Sakto namang nasa parking lot na kami. At as usual sasakay na kami sa motor niya at uuwi. Tapos pahinga saglit then trabaho.
Kinabukasan.
Maaga akong nagising. Well, maaga naman talaga ako nagigising dahil maaga kaming nagkikita lagi ni Alfred sa waiting shed. 'Yon kasi ang nakagawian namin ni Alfred para wala masyado ang makakita sa amin kapag umaga.
Tulog pa si Auntie. Mukhang ako nanaman ang mauuna umalis ng apartment.
Kaya nag-ayos na ako at nagready para sa school. After kong mag-ayos lumabas na ako ng apartment.
Naglakad na ako paalis. 6:30 pa lang.
Malapit na ako sa waiting shed at natanaw ko kaagad si Alfred kasama ang motor niya. Nilapitan ko kaagad siya.
"Goodmorning." Bati niya sakin.
"Goodmorning din." Nakangiti kong sagot.
Pinasakay niya na ako sa motor niya at sumakay na din siya. Kumapit na ako sa bewang niya at pinaandar na niya ang motor.
After ilang minutes nakarating na din kami ng school. Pinark niya ang motor niya tapos ngayon ihahatid niya na ako sa room ko. Ganito kami everyday.
Nasa harapan na kami ng room ko.
"Bye, ingat ka."
Nginitian ko lang siya tapos tumango.
"Bye. Ingat ka din." Sagot ko.
"Hindi pala ako sasabay mamayang lunch. Magprapractice kami nila Brandon. Is it alright?" tanong niya.
Tumango naman ako.
"O'naman. Sabay na lang ako kanila Sab."
"Sige."
Huli niyang sinabi saka tuluyan ng umalis sa harap ng room ko.
Tumalikod na din ako para pumunta sa upuan ko. Medyo konti pa lang ang tao. Habang nakaupo ako bigla akong may naalala.
"'Yung sasabihin nga pala nila sab..." nabulong ko sabay tayo.
Agad akong napalabas ng room.
May sasabihin nga pala ang tatlo sa akin. Saktong nagring ang phone ko. Tumatawag sila Sabrina.
"Hello"
"Where are you na?"
"I'm on my way sa likod ng school."
"Good. Be ready on what we're going to say."
Kumunot ang noo dahil diyan sa sinabi niya sa kabilang linya.
"What do you mea---"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil napatay na. Binabaan na ako ni Sab. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dumiretso na lang ako sa likod ng school.
Pagkarating ko dito sa likod. Nakita ko na kaagad silang tatlo.
Kinawayan nila ako at agad akong lumapit. Nakaupo kasi sila sa maliit na bench dito sa likod ng school pero nung nakita nila ako tumayo kaagad sila.
Nakita kong tumitingin-tingin sila sa likod ko.
"Good! You came mag-isa." Sabi ni Rianne
"So... Chloe..." nakasmirk na sabi ni Sabrina.
Ano bang ibig nilang sabihin?
Actually silang tatlo ang nakasmirk.
"We just want to tell you that..." biglang nagtinginan ang tatlo.
Tapos binalik ang tingin sa akin.
"We know you're secret."
Bigla nanaman akong kinabahan. Fudge.
"H-Ha?" utal na tanong ko.
Sabay nilang binigkas ang mga sumunod na sinabi nila. Nagulat ako at nanlaki ang mata ko.
"We know that you're secretly poor."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com