Chapter 23
CHAPTER 23
Chloe's PoV
Nandito pa din kami ngayon ni Alfred sa cafeteria. Kakadala niya lang ang mga pagkain na inorder niya at ngayon kinakain na namin.
Nagulat kaming dalawa ni Alfred ng sa kalagitnaan ng pagkain naming ay bigla kaming nakarinig ng bagsak ng isang susi. Napatingin kami sa kung saan nanggaling 'yun. Si Brandon pala.
"Bro! Ayan na susi mo. Pasalamat ka, nahanap ko."
Hinablot naman ni Alfred ang susi na nilapag ni Brandon at binulsa.
"Thanks. Where did you find it?" sagot ni Alfred kay Brandon.
Naupo muna siya sa tabi namin. Tapos nilapag 'yung dala niyang tray. May dala rin pala si Brandon na pagkain niya.
"Sa table niyo lang din nila Sabrina. Good thing at hindi nila kinuha." Sagot ni Brandon.
"Ah, ge thanks talaga bro."
"Eh 'yung motor ko?" tanong ni Brandon kay Alfred.
"Nasa parking lot." Sagot ni Alfred saka inabot ang susi na pinahiram kahapon ni Brandon.
"Ahh." Sabay tango ni Brandon tapos binulsa ang susi.
Nagsimula na ulit kami kumain.
"Nga pala, what happened? Nalate kayo ng uwi kahapon?" tanong sa amin ni Brandon.
"Medyo."
"Napagalitan ka? Kayo?" tanong ulit ni Brandon.
"Hindi." Sagot ko.
"Ohs? Hindi kayo pinagalitan, dinga?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"O'nga. Kasi may magaling na palusot si Alfred." Sagot ko ulit.
"Ano naman ang sinabi mo sa mama mo?" tanong naman ni Brandon kay Alfred.
"Sabi ko we had a theatre play in school. And she bought it. Haha" sagot ni Alfred.
Tumango-tango nalang naman si Brandon.
"And how's your fiancée?"
Nagdeathglare naman kaagad si Brandon kay Alfred dahil sa tanong niya.
"Don't wanna talk about it. And she's not my fiancee!" Sabay subo ni Brandon ng kanin na parang bata.
Napa-iling na lang si Alfred ng nakangiti. Hindi na siya nagsalita at kumain na lang.
Mga ilang minuto pa ng pagkain namin dito sa cafeteria, natapos din kami. Nagsitayuan na kami at nagpaalam sa isa't isa. Pero siyempre kami ni Alfred magkasama pa din. Si Brandon pumunta na sa classroom niya.
"Wala pang time." nasabi ko.
Maaga pala kami natapos kumain.
"Where do you want to go in the mean time?" tanong ni Alfred.
"'Dun na lang! Sa fountain? Upo na lang muna tayo habang nag-aantay tayo ng time." Sagot ko.
"Sure tara."
"Teka, wala ka bang ibang gagawin? Requirements ganun?" natanong ko.
"Wala naman." Sagot niya.
"Ah okay, tara na sa fountain." Sabi ko.
Tapos naglakad na kami papunta sa fountain nitong school. Naupo na kami kung saan man may bakanteng space. May mga nakaupo din kasi don.
Nakita kong naglabas si Alfred ng parang maliit na iPhone. iPad ata 'to. Tapos sinaksak niya 'yung earphones niya.
Tapos inabot niya 'yung kabilang pares ng earphone sa akin.
Kumunot naman noo ko.
"Ano gagawin ko diyan?"
"Kainin mo."
Napapoker face naman ako sa kanya.
"Ofcourse ilagay mo sa kabilang tainga mo. So that it won't be so boring just seating over here."
"Ah." Tapos kinuha ko na yung inaabot niyang earphone tapos nilagay na sa tainga ko.
Now Playing - Sugar
"I don't wanna be needing your love
I just wanna be deep in your love
And it's killing me when you're away
Ooh, baby, 'cause I really don't care where you are
I just wanna be there where you are
And I gotta get one little taste"
Bigla akong naweirduhan sa lyrics. Tapos naabsorb ko 'yung mga lyrics ng sobra.
Bagong kanta ba 'to? Ang ganda. Pati 'yung tono. Mas lalo na ang lyrics.
Napatingin ako kay Alfred habang pinapakinggan 'yung kanta. Deretso lang siyang nakatingin sa lupa.
"Sugar
Yes, please
Won't you come and put it down on me?
I'm right here, 'cause I need
Little love and little sympathy
Yeah you show me good loving
Make it alright
Need a little sweetness in my life
Sugar
Yes, please
Won't you come and put it down on me?"
Parang ako lang? Hindi ko kaya na galit si Alfred sa'kin at ayaw ko na malayo siya. Tapos nung mayroon akong mga problema siya 'yung nandon para tulungan ako. Ginawa niyang okay ang lahat lalo na sa problema ko noon na pagmomove on kay Lucas.
I needed sugar sweetness in my life and he got it down to put it on me.
Fudge. Ano bang iniisip ko? Ang corny.
Biglang nag-iba 'yung kanta. Tapos na pala. Nadissapoint naman ako nun.
"Alfred, pakiulit naman 'yun oh." Sabi ko.
Napatingin siya sa 'kin.
"'Yung alin?"
"Yung unang kanta." Sagot ko naman.
"Ah 'yung Sugar ba? Maroon 5's new song?" tanong niya.
"Siguro? Oo 'yun nga. Paki-play naman ulit."
Tapos ginawa niya 'yang sinabi ko. Inulit niya ang kanta.
This time nakisabay ako sa kanta. Humming lang naman dahil hindi ko pa alam ang lyrics.
Tapos parang nakita kong ngumiti saglit si Alfred? Namalik mata lang siguro ako.
Tapos paulit-ulit na na 'yan ang kanta. May ginawa siguro si Alfred kaya hindi na nag-iba ang song. Ayos, nakakaadik 'tong kantang 'to.
Ilang minuto pa tapos nagbell na. 5 minutes before time. Gan'to kasi dito sa amin may warning ang bell ng 5 mins para hindi ma late.
Inalis ko na ang earphone sa tainga ko at binalik kay Alfred. Nakita kong tinago niya na din 'yun. Tapos tumayo na kami at naglakad papunta sa kanya kanya naming Classrooms.
"Sugar... Yes, please... Won't you come and put it down on me..."
Bigla ko na lang 'yan nakanta habang naglalakad kami ni Alfred sa corridor.
"I'm right here... 'cause you need... Little love and little sympathy..." Nagulat ako ng biglang kinanta ni Alfred ang sumunod.
Napatingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin ng nakangiti.
"Anong 'you'? 'Di ba 'I' ang lyric nun? Wrong ka naman eh..." pagkokorek ko sa kanya.
Tawa lang na mahina ang sinagot niya.
Tapos saktong nasa tapat na kami ng room.
"Get in already. Sunduin kita mamaya." Sabi niya.
"Sige, pupuntahan natin sila Bea?" natanong ko.
Tumango naman si Alfred.
"Sige." Sabi ko at pumasok na ng classroom ko.
Pagkapasok ko pumasok na din ang prof ko. Nagstart na kaming maglesson.
After 3 hours straight. Uwian na din namin.
Nagpaalam na kami sa prof namin at tumayo.
Lumabas na ako ng room. Tapos nakita ko kaagad si Alfred na nakaabang.
"Wow? Nakaabang agad?"
"Ofcourse. Ayoko ng paghintayin ka at baka may kumausap nanaman sa'yo na kung sino."
Oo nga 'no. Naalala ko 'yung dati na hinintay ko si Alfred sa parking lot at may kumausap sa akin na lalaki. Tapos sumulpot si Lucas. Argh, naalala ko nanaman 'yung kagaguhan ni Lucas nun.
Speaking of Lucas.
"Talagang pupuntahan na'tin sila Lucas?" natanong ko.
"Oo. Ayaw mo ba?"
"Hindi naman sa ganun..."
"Then let's go." sabay hawak niya sa kamay ko.
Hindi na ako pumalag at naglakad na kami.
"Alfred. Sa tingin mo? Ano sasabihin nilang dalawa sa'tin?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa parking lot.
Nagkibit-balikat siya.
"Pa'no kung masama ang sabihin o gawin nila?"
"Edi iwanan natin. We don't have to waste our time for them." Sagot niya.
"Pero parang kinukutuban lang ako." Nasabi ko.
"Don't worry. Kung may gawin man silang masama hindi kita iiwan."
Feeling ko naman namula ako dahil diyan sa sinabi niya.
Nakarating na kami sa motor niya. Without another word, sumakay na kami sa motor niya. Tapos pinaandar niya. Nagdrive na si Alfred at humawak na ako sa bewang niya.
Nagdrive na siya papuntang park.
Matapos ang limang minuto lang siguro, nakarating na kami ng park. Medyo malapit lang naman kasi sa school naming ang park.
Bumaba na kami ng motor. Tapos pinark muna ni Alfred 'yung motor niya.
"Where could they be?" tanong ni Alfred.
Tapos tumingin siya sa paligid.
Ako din lumingon lingon na din ako.
"Ayun!" nasigaw ko sabay turo sa isang dereksyon.
Nakita ko kasi sila Bea at Lucas. Nakatayo sa tabi ng isang malaking puno. Si Bea nakacross-arms at si Lucas nasa bulsa niya ang dalawang kamay niya.
Halatang may hinihintay sila.
At halatang kami 'yun.
Tinignan ko si Alfred na nakatingin lang din sa kanila.
"Tara na?" tanong ko.
"Tara,"
Tapos naglakad na kami papunta sa kanila.
"Finally! You guys made punta!" sabi kaagad ni Bea sa amin.
"Buti nakapunta kayo." Sabi din ni Lucas.
"Hurry up. Ano na sasabihin niyo?" poker face lang na sagot ni Alfred sa kanila.
Ako nakatingin lang at naghihintay ng mangyayari.
"We just wanted to say..." nagtinginan muna ang dalawa.
Tapos tumingin na ulit sa amin.
"Sorry."
Sabay kaming nagulat ni Alfred.
"Para san?" ako na nagtanong.
"Dahil we made loko to you guys." Sagot ni Bea.
Totoo ba 'to?
"That's all?" poker face pa din na tanong ni Alfred na para bang hindi naniniwala.
"No Alfred we're saying sorry to you and its true. Ayaw na namin ng gulo between us two." Sabi ni Lucas.
"Nice hon' nagrhyme. Hihi."
"Hon'! Be serious." Bulong ni Lucas kay bea.
For the first time parang natawa ako sa kanila.
"Ah pero yes guys. Chloe, Alfred. Me and Lucas are super duper ultramega sorry." sabay yuko pa ni bea.
"Lalo na sa'yo Chloe. Sorry sa lahat ng nagawa kong kalokohan sa'yo." Sabi ni Lucas at tumingin sa'kin.
Nagkatinginan kami ni Alfred ng nakakunot-noo.
Tinignan ko siya asking what to do.
Nagkibit-balikat si Alfred at napatingin ulit sa kanila.
"Well why so sudden? It's been a long time since the two of you cheated on us." Sabi ni Alfred.
"Tapos ngayon lang kayo magsosorry?" Pagtuloy ko ng sinabi ni Alfred.
"Well as you guys know, it's been a month since nung niloko---"
Naputol si Lucas sa pagsalita dahil hinampas siya ni Bea.
"We mean, it's been two months simula ng relationship of me and him. 2nd Monthsary namin today." Sabi ni Bea.
"And we just made our decision to get a much more healthier relationship. Ayaw na namin na galit kayo. Kayo na... niloko namin."
"Kaya sorry." Sabay na sabi nilang dalawa.
Tumingin naman ulit ako kay Alfred. Mukhang satisfied na siya at naniniwala?
Pati naman ako. Naniniwala din ako dahil mukhang sincere namang ang sorry ng mga 'to. Subukan lang nila kaming lokohin ulit ngayon, hindi ko na alam gagawin ko.
At dalawang buwan na pala ang nakalipas? Wow.
"I'm thankful."
Bigla akong nagulat sa sinabi ni Alfred.
Baliw ba siya? Bakit naman siya nagpapasalamat?
Maging sila Bea at Lucas nagtaka.
"For what naman Alfred?" Tanong ni Bea.
"Because you both cheated on us."
Okay? Naguguluhan na talaga ako ah. Nagpapasalamat siya dahil niloko kami? Sinaktan kami?
"I don't get it." Takang sabi ni Lucas.
"If you didn't cheated on us, hindi kami magkakakilala ni Chloe. Hindi ko siya makikilala," napatingin bigla sa kin si Alfred.
"Salamat at kung hindi ko kayo nakita Bea at Lucas na nagdedate, hindi ako tatakbo sa ulan. I'll won't be able to see chloe that day in the middle of the rain."
Biglang nagflashback ang lahat noong nasa malakas na ulan ako at wala akong masakyan.
Sa paglalakad ko sa hindi kalayuan, nakatanaw ako ng dalawang tao. Babae at Lalaki. Wala silang mga payong. Nagpapaulan sila dito sa gitna ng kalsada.
Nakita kong niyakap ng babae yung lalake. Pilit namang tinatanggal ng lalaki yung yakap ng babae. Nakikita ko ding nagsisigawan sila pero hindi ko sila madinig. Ang lakas ng ulan at malayo ako sa kanila.
Hanggang sa iniwan na ng lalake yung babae. Naiwan yung babaeng humihikbi at nakayuko. Hindi din ba siya aalis tulad nung lalaki? Tatayo lang siya diyan?
Napa-iwas ako ng tingin ng maalala ko 'yan.
Thankful siya dahil nakita ko sila nun?
Feeling ko namula ako bigla.
Namula ba ako ng sobra? Kasi nakita kong napatingin si Alfred sa akin sabay ngiti.
"Ah eh, welcome nalang!" Sabi ni Lucas.
"Yeah, welcome na lang for you!" Sagot din ni Bea.
"Sige na, apology accepted na kayo." Sabi ko sabay ngiti.
Hindi naman na tumanggi si Alfred sa sinabi ko.
"Really? Patawad agad-agad?! Thanks! Your so bait naman pala Chloe. Sorry sa masamang side that I showed you ha." Sabay ngiti sa akin ni Bea.
"Sana maging friends na tayo!" Dagdag pa ni Bea tapos nakipag-apir sa akin.
May mabait na aura rin pala si Bea. I like that. Magiging magkaibigan talaga kami kung lagi siyang ganyan.
"Tayo rin bro, sana maging kaibigan na kita. Parehas pa naman tayo ng team sa basketball." Sabi ni Lucas kay Alfred.
Nagcool smile si Alfred saka tumango. Tapos nagfistbump sila ni Lucas.
"Sige una na kami ha? Mag-date pa kami. Haha" paalam ni Lucas.
"Sige happy monthsary sainyo." Sagot namin.
Tumango lang sila at kumaway. Tapos tuluyan na silang nakalayo.
Ang saya lang ng nangyari. Nagbati na kami. Wala ng may nagagalit at naiinis sa akin at wala na din akong kinaiinisan.
Humarap na ako kay Alfred.
"You see? Nothing bad happened."
Nakangiti si Alfred habang sinasabi 'yan. Feeling ko secured at comportable ako kasama siya.
"You make it alright." Bigla na lang yan lumabas sa bibig ko.
Pero hindi ko na pinagsisisihang nasabi ko 'yan.
"Really?"
"Yeah." Sabay hawak ko sa kamay niya.
"That was a lyric of the song right?" Tanong niya ng nakangiti.
"Oo. Naadik na ako dun. Haha" Sagot ko.
"Haha, tara na. Let's go home."
Tumango naman ako ng nakangiti bilang sagot diyan sa sinabi niya.
Tapos nagsimula na kaming maglakad.
---------------------------
Wala ng kontrabida? Nope, meron pa. ;)
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Comment for Dedications.
DiamondAlpha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com