Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Happy 3000 reads to JBM. Thank you ng marami. <3
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]

Comment for Dedications.
Chapter Dedicated to: RightGirl10 ^_^

Mention: Please read her story! Pleaase. Titled: The Reveng of a Nerd. Baka magustuhan niyo po :). Try niyong basahin. Hehe.

DiamondAlpha
---------------------------

CHAPTER 22
Chloe's PoV

Kinabukasan. Lunch time ngayon at kasama ko as usual si Alfred. Naglalakad kami ngayon sa corridor ng school papunta sa cafeteria.

Hindi ko pa nasisigurado ang tanong ko... Kung mahal ko na nga ba si Alfred. Kung oo nga, iniisip ko ang mga kalalabasan. Lalo na sa mga sasabihin ni Auntie at Ma'am Clara kapag nalaman nila. Hindi ko talaga alam. Kaya okay na muna siguro ngayong hindi pa ako nakasisiguro.

Habang naglalakad papunta sa cafeteria, naramdaman kong kailangan kong magCR. Naramdaman kong naiihi ako. Siguro dahil sa dami ng ininom ko kaninang tubig at juice.

"Alfred. Daan muna tayo ng CR." Tapos hinila ko sa kamay niya.

"Sige." Narinig kong sagot niya.

Binilisan ko ang paglakad ko kasama si Alfred papunta sa cr ng mga babae. Naiihi na talaga ako eh.

"I'll stay here."

Sinabi 'yan ni Alfred nang makarating na kami sa pintuan ng cr ng mga babae. Tumango na lang ako sa kanya bago pumasok. Sinarado ko ang pintuan ng cr pagkapasok ko.

Pumasok na ako ng isang cubicle at ginawa na ang dapat kong gawin.

Bigla kong narinig ang pagbukas ng pintuan nitong cr. Siguro may pumasok na babae. Ilang minuto ang lumipas at narinig ko ang boses ng babae.

"Grabe Bea? That Chloe stole Alfred sayo? Edi wow! Amp, dapat doon---"

"Stop. Who are you even? Chismosa ka. Stay away from me bitch, I already have Lucas so shut the fck up."

Habang inaayos ko ang sarili ko dito sa cubicle narinig ko ang pag-uusap na 'yan? Im sure ako 'yung chloe na 'yun at ang pangalawang nagsalita ay si Bea.

"Ah-hehe, tingin ko lang po kasi mas bagay kayo ni Alfred kaysa sa kanila ni Chloe. Tapos si Chloe para po kay Lucas---"

Narinig kong napatigil sa pagsalita 'yung babae. Pakiramdam ko sinampal siya ni Bea.

"Shut up! LUMABAS KA NA! Kanina mo pa ako sinusundan ha? What do you really want? A fight?!" narinig kong sigaw ni Bea.

Pati ako napaflinch dito sa loob ng cubicle ko sa lakas ng sigaw ni Bea.

"S-Sorry b-bea!"

"LABAS!"

Dinig ko ang pagbagsak ng pintuan dito sa Cr ng babae. Lumabas na siguro 'yung babae. Tapos bigla na lang tumahimik. Wala na kaya si bea? Wala na siguro.

Muli kong tinignan kung maayos ang sarili ko. Tapos binuksan ko na ang lock ng cubicle at lumabas na.

Pero nagulat ako ng makita ko pa si Bea. Nakaharap siya sa salamin at naglilipstick. Nanlaki din ang mata niya ng makita niya akong lumabas sa cubicle ko. Hindi ko na siya pinansin at derederetso akong naglakad papunta sa pinakahuling gripo para maghugas ng kamay.

In my peripheral vision. Nakikita kong nakatingin sa akin si Bea. Kaya napalingon ako sa kanya.

"Were you... Kanina ka pa nandito?" bigla niyang natanong sa akin.

Himala ha? Hindi siya masungit sa akin ngayon. Parang normal na tao niya 'yan sinabi sa akin.

"Oo."

'Yan lang ang sinagot ko sa tanong niya.

"Did you hear mga sinasabi ng babaeng 'yon a while ago?" inis na tono niyang tanong sa akin.

Tumango lang ako ng hindi nakatingin sa kanya. Nakatingin lang ako sa kamay ko na hinuhugasan ko.

"Don't mind her." Casual niyang sabi.

Hindi niya na ako tinignan at inayos ayos naman na ngayon ang buhok niya habang nakatingin sa salamin.

"I don't." sagot ko naman.

Wala naman talaga akong pakialam sa kung anoman ang sasabihin ng babaeng 'yon. Si Bea para kay Alfred? Ako para kay Lucas? Parang mali. Wala akong pakialam kung opinion niya lang ang sinabi niya kanina dahil hindi ko nagustuhan. Ang pangit ng opinion niyang 'yan.

Pinapatuyo ko na ang kamay ko sa pagkakahugas. At nakikita kong parang may gustong sabihin si Bea sa akin na hindi niya matuloy. Anong problema niya.

Grabe naman ang kaartehan ni Bea. Hindi pa ba siya tapos sa kakaayos sa sarili niya? Nauna pa akong matapos kaysa sa kanya.

Naglakad na ako papunta sa pintuan. Nilagpasan ko na si Bea. Bubuksan ko na sana ang pinto nitong banyo ng bigla akong napatigil.

"Hey Chloe!"

Napatigil ako dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Himala ulit? Tinawag niya ako sa pangalan ko at hindi sa ibang tawag katulad ng 'bitch'.

Hinarap ko siya ng walang sinasabi.

Poker face lang ako sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya.

"Meron akong something to tell you..." medyo mahina niyang sabi pero narinig ko pa din.

"Ano?" tanong ko.

"I mean, me ang Lucas. May sasabihin..."

Bakit naman kailangan pa ang hampaslupa kong ex na si Lucas? Ano bang sasabihin nila? Pwede naman nang sabihin ngayon na. Pinapatagal pa.

"Ano nga?" tanong ko pa ulit.

"But I need Lucas kapag sasabihin ko na sa'yo. And dapat your with Alfred kapag we will make sabi na."

Oh? Nasali pa ngayon si Alfred? Ano ba talagang trip ni Bea?

"Why?" tanong ko ulit sa sinabi niya.

"Basta! Kailangan! Umm, later na lang? Uwian? Please? Sa park."

Kumunot noo dahil diyan sa mga tinanong niya.

Pero nacurious ako.

"Tanong ko muna si Alfred." Sagot ko.

"We'll make hintay to you guys!"

"Tanong ko nga muna si Alfred." Sagot ko pa muli.

Dahan dahan naman siyang tumango. Tapos inayos na ang maliit niyang pouch.

Hindi ako makapaniwala. Isang masinsinang pag-uusap 'yun with Bea. Walang away at mahinahon kaming nagsasalita. Nangyari ba talaga 'yun? Nakakagulat.

Lumabas na ako ng tuluyan dito sa Comfort room ng mga babae.

Nagulat ako sa nakita ko sa pinagaantayin sa kin ni Alfred. Nandoon na si Lucas sa tabi niya. Siguro inaantay din ni Lucas si Bea dahil nasa cr siya.

Pero ang nakakapagtaka ay magkatabi ngayon si Alfred at Lucas. Nag-usap din ba sila? Mabuti naman at hindi sila nag-aaway? Ano bang nangyayari?

Tinignan agad ako nilang dalawa pagkalabas ko.

"Tara na," biglang sabi sakin ni Alfred sabay hawak sa kamay ko.

"Think about it Alfred. We'll wait." nagulat ako sa pagsabi niyan ni Lucas kay Alfred bago kami umalis.

Hindi sumagot si Alfred. Tinignan ko siya at ang mukha niya mukhang gulong gulo. Think about ano? May pinag-usapan ba silang dalawa?

"Did you saw Bea inside the comfort room?" tanong niya bigla.

"Nag-usap ba kayo ni Lucas?"

"Kayo ni Bea? Did you guys talk?" tanong niya ulit.

"Ano pinag-usapan niyo ni Lucas?"

"You know hindi tayo magkakaintindihan kung ganito. You go first." Sabi niya.

Nandito na pala kami sa Cafeteria. Naupo muna kami sa isang bakanteng table bago ako magsalita.

"Sinabi sa akin ni Bea na gusto niya daw tayo maka-usap. Mamaya daw sa park. 'Yan lang sinabi niya bago ako lumabas. Kayo ni Lucas ano pinag-usapan niyo?"

"That's odd. 'Yan lang din ang sinabi sa akin ni Lucas. Why do they want to talk to us?" tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako.

Hindi ko alam. Bakit nila gustong makipag-usap sa amin? May problema nanaman ba kami?

"Ang sabi ko tatanongin muna kita kung makikipag-usap tayo sa kanila o hindi. Ikaw ano sabi mo?" tanong ko.

"I said I'll think about it. What do you think? Payag ka?" tanong niya din.

Napa-isip muna ako.

"Hmmm, pwede? Para malaman din natin kung ano sasabihin nila. Ikaw?"

"Sure, I'm sure nothing's bad going to happen. They seemed... nice?" takang tanong niya.

"Napansin ko din 'yun kanina kay Bea!" sagot ko.

"Bahala na. Let's just come and see."

Tumango naman ako diyan sa sinabi niya.

"Okay I'll be ordering our lunch. Dito ka lang." sabi niya pa.

Tumango na lang ulit ako.

Iniwan na ako ni Alfred dito sa table at pumunta na sa pagorderan ng mga pagkain.

Grabe. Nakakatense ha. Kailangan sa park pa talaga sabihin nila Lucas at Bea ang sasabihin nila at kailangan sabay pa. Nakakagulat din at hindi sila nagsungit sa amin kanina. Hindi sila rude na nakipag-usap sa amin at nakipag-usap sila ng masinsinan.

Ano kaya 'yon? Ano 'yung sasabihin nila Bea at Lucas?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com