Chapter 21
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter Dedicated to: angelmariegegawin :)
Comment for Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 21
Chloe's PoV
Mas lumalalim ang nararamdaman ko lagi.
"Awts. May partner na iba si Alfred." Sabi ni Riane.
"Tss... Hayaan niyo nalang siya." Balewalang bulong ni Sabrina.
Parang gusto ko siyang sagutin sa sinabi niya. Baliw ba siya? May kasayaw na iba ang boyfriend ko. Hahayaan ko lang?
Napasimangot lang ako at napayuko.
"Hey cheer up girl. Tara hanap din tayo ibang partner." Sabi sa akin ni Patricia.
"No thanks. I'm okay. I'll just sit here." Sagot ko at medyo ngumiti.
Tinanguan naman nila ako.
"Suit yourself. Bye! Hihi." Sabi nila at iniwan ako sa table.
Tumingin na lang ako kay Alfred at sa kasayaw niya.
Tumugtog ang sumunod na kanta.
"There I was again tonight
Forcing laughter, faking smiles
Same old tired lonely place"
Hindi ko nanaman maintindihan 'tong nararamdaman ko. Ito nanaman 'yung naramdaman ko noong galit sa akin si Alfred. Pati nung kinantahan niya ako sa school. Ano ba kasi 'tong nararamdaman ko?
"Walls of insincerity,
Shifting eyes and vacancy
Vanished when I saw your face
All I can say is it was enchanting to meet you"
Nakita ko ang isang open door na ang labas ay parang open space. Parang terrace. Kailangan ko ng hangin. Parang hindi ako makahinga sa nakikita at nararamdaman ko ngayon. Kaya tumayo ako at pumunta doon sa pintuan.
Tama ako terrace nga.
"Your eyes whispered, "Have we met?"
Across the room your silhouette
Starts to make its way to me
The playful conversation starts
Counter all your quick remarks
Like passing notes in secrecy"
Naririnig ko pa din ang music sa loob.
Akala ko ba hindi niya ako iiwan kung hindi ko siya iiwan? Bakit mag-isa ako ngayon? Bakit iniwan niya ako at nakisayaw siya sa ibang babae...
"And it was enchanting to meet you
All I can say is I was enchanted to meet you"
Humarap ako sa railings. Grabe, hindi niya man lang ako binalikan sa table para inisip na wala akong kasama. Na wala akong partner. Mas pinili niya talagang sumayaw kasama ang iba.
"Chloe?"
Great. Iniisip ko lang siya nasa likod ko na siya. Nahalata ko 'yon dahil sa boses niya.
"Bakit ka nandito?" narinig kong tanong niya.
Hinarap ko siya.
"Nagpapahangin." Sagot ko.
"What the? Bakit ka umiiyak?"
Nagulat ako sa tanong niya.
Napahawak ako sa pisngi ko. Basa nga.
"M-May tumulo ata sa bubong..." palusot ko.
"Anong bubong? There's no roof here Chloe. Terrace 'to, crazy."
Napakagat labi ako.
"Oo nga pala..." nabulong ko.
Nagpunas nalang ako ng luha. Oo na. Umiiyak na ako.
"Pumasok ka na, hindi pa tapos ang kanta. M-May kasayaw ka pa." sabi ko at yumuko.
Nandito pa din kasi 'yung nararamdaman kong hindi maintindihan habang sinasabi 'yan.
"Are you jealous?"
Feeling ko nakangiti siya habang tinatanong 'yan.
Nagkibit-balikat ako. Hindi ko naman itatanggi. Selos nga siguro 'to.
"You're acting jealous."
Nakita kong lumapit siya sa akin. Nagulat ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko at nilagay niya sa balikat niya. Tapos nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko.
"A-Anong ginagawa---"
"Let's dance." Putol niya sa akin.
"H-Hindi ako marunong..." bulong ko.
"I'll guide you."
Hindi na ako pumalag.
"Si Dianne Coladilla." Sabi niya.
Kumunot noo ko.
"Huh?"
"Sister ni Brandon. 'Yung kasayaw ko kanina. Inaya ako and pinagbigyan ko na. No need to be jealous." Sabi niya at ngumiti.
Naramdaman kong namula ang pisngi ko. Nag-iinit ang mukha ko.
"This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonderstruck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew
This night is flawless, don't you let it go
I'm wonderstruck, dancing around all alone
I'll spend forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you"
"Bakit ka nagseselos?" bigla niyang tanong niya.
"H-Hindi ko din alam Alfred..." sagot ko.
"This is me praying that
This was the very first page
Not where the story line ends
My thoughts will echo your name
Until I see you again
These are the words I held back
As I was leaving too soon
I was enchanted to meet you"
"Chloe I can see it. Nahahalata ko na. I feel that you feel it already. Nararamdaman mo na ba?" tanong niya at nilapit ang mukha niya sa akin.
Napatingin ako sa mukha niya na sobrang lapit sa akin. Napalunok ako.
"A-Anong sinasabi m-mo.."
"Please don't be in love with someone else
Please don't have somebody waiting on you
Please don't be in love with someone else
Please don't have somebody waiting on you"
Pinagdikit niya ang noo namin habang sumasayaw.
"Answer me Chloe, nararamdaman mo na ba?" tanong niya ulit.
Pabulong lang ang tanong niya. Pero rinig na rinig ko pa din dahil sa lapit naming sa isa't isa. Nakapikit siya at nakapikit din ako. Magkadikit pa din ang mga noo namin.
Hindi ako makasagot.
"Nararamdaman mo na ba ulit ang pagmamahal?"
"This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonderstruck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew
This night is flawless, don't you let it go"
"Alfred..." bulong ko.
"Answer me Chloe. Do you already love me?"
"I'm wonderstruck, dancing around all alone
I'll spend forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you
Please don't be in love with someone else
Please don't have somebody waiting on you"
"CHLOE? ALFRED?"
Napatigil kami sa pagsayaw. Medyo nagkalayo na din ang mga mukha namin ni Alfred.
Si Brandon pala na parang gulat na makita kaming sumasayaw.
"Bakit nandito pa kayo?!" Pasigaw na tanong ni Brandon.
"Bakit? Tapos na ba ang party?" tanong ko.
Napapikit si Brandon at napailing.
"Aren't you guys forgetting something?!" Patanong na sagot niya.
Nagkatinginan kami ni Alfred dahil sa tanong ni Brandon. Sabay kaming nagkibit-balikat sa isa't isa. Tapos napatingin na ulit kami kay Brandon.
Napahinga siya ng malalim. Tapos tinignan ulit kami.
"Guys... The time."
"So?" tanong ni Alfred sa sagot niya.
"Guys! It's 5:45 pm already!" sigaw niya sa amin.
Nagkatinginan lang ulit kami ni Alfred. Anong meron sa oras? Ano bang pinaglalaban ng birthday boy sa amin?
Nakita kong nagpoker face si Brandon.
"Chloe, when's the time again that you should work at Alfred's house?" kampanteng tanong ni Brandon sa akin.
"6 pm?"
"At anong oras na ang sabi ko?" tanong niya ulit.
Saka naman ako napa-isip.
"5:45--- OH FUDGE."
Fudge! Bigla akong nagpanic at napapalo sa braso ni Alfred.
"Hindi natin nabantayan ang oras! Kailangan na nating umuwi!" Sigaw ko kay Alfred.
"Damn! I forgot shit, tara!" sabay hila sa akin ni Alfred sa kamay.
"Sa wakas nagets niyo din." Narinig kong sabi ni Brandon.
"Bye Bro! Thanks for reminding us, goodluck sa family mo and happy birthday." Paalam ni Alfred.
"Same Brandon! Bye!" Paalam ko din.
Binilisan na namin ni Alfred ang paglabas sa terrace. Paglabas namin busy lahat ng tao kakasayaw.
"Teka, hatid ko na kayo sa partking lot! Gusto ko muna makaalis dito sa party ko," narinig kong sabi ni Brandon at hinabol kami palabas ng terrace.
Tumango na lang kami at tumakbo papunta sa exit nitong ballroom.
Nagpatuloy kami sa paglakad ng mabilis. Hindi ako makatakbo dahil sa sapatos ko. Hanggang sa makalabas na kami ng Heragon Hotel. Hanggang dito sa labas at sa parking lot hinatid kami ni Brandon.
Nagulat kami ng napakapa si Alfred sa bulsa niya. Napatigil siya sa paglalakad at kapa ng kapa sa bulsa niya.
"DAMMIT!" napasigaw siya.
"Anong problema bro?" kunot noong tanong ni Brandon.
"'Yung susi ng kotse ko! It's missing!" pasigaw na sagot ni Alfred na mukha gulat na gulat.
Maski ako nagulat sa sinabi niyang missing ang susi ng kotse niya. Fudge! Anong oras na!
"Lagot! Papahanap ko nalang bro yung susi mo sa party. Oh," Sabay abot ni Brandon kay Alfred ng susi.
"Gamitin niyo muna 'yung motor namin na nandito. Balik niyo nalang bukas, bilisan niyo na!" sabi ni Brandon.
May inabot siya kay Alfred na susi. Tinuro niya din ang isang motor kay Alfred na nandito sa parking lot.
"Thanks bro!" pasasalamat ni Alfred.
Naglakad na kami ni Alfred palapit sa motor. Pinasuot ako ni Alfred ng isang helmet na nakasabit doon at sinuot niya din ang isa. Tapos sumakay na siya at sumakay na din ako sa likod niya.
Kumaway pa ulit kami kay Brandon. Tumango lang siya sa amin at kumapit na ako sa bewang ni Alfred. Inistart niya ang motor at umandar na.
Wa! Anong oras na! Lampas alasais na siguro! Lagot ako ne'to. Siguro mapapagalitan ako! Kunot ang noo ko dito sa loob ng helmet na 'to dahil sa kaba.
Malayo ata ang daan papunta sa village ni Alfred. Ang tagal na naming umaandar eh mga ilang minuto na! Pero hindi pa kami nakakarating dun. Lagot na. Late na late na talaga ako.
Mga ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na din kami sa village! Nagdrive na si Alfred papunta sa bahay nila. Pagkatingin ko sa gate nila ng hindi kalayuan. Nanlaki ang mata ko sa loob nitong helmet sa nakita ko. Fudge!
Si Ma'am Clara!
Nakatayo siya sa harap ng gate katabi ng guard at nakatingin sa amin. Hanggang sa huminto na kami sa tapat nila. Bumaba na kami ni Alfred sa motor. Tinanggal na namin ang suot naming helmet. Sinabit ko duon sa motor.
Nakacross arms si Ma'am Clara at taas kilay na nakatingin sa amin.
"Why ngayon lang kayong dalawa? Son? Chloe?" tanong ni Ma'am Clara sa amin.
Lagot na. Lagot na talaga.
Napaup and down si ma'am clara sa amin ni Alfred. Siguro dahil sa suot namin. Fudge! Oo nga pala! Hindi kami nakapagpalit ng damit namin kanina!
"And why... ganyan ang mga suot niyo?" kumunot ang noo ni Ma'am Clara.
"Today was out presentation mom."
"Presentation?" tanong ni Ma'am sa sinagot ni Alfred.
"Our play mom. The one we practiced last week at the laundry room remember?" pagsisinungaling ni Alfred kay Ma'am Clara.
"Oh that play." Sagot naman ni Ma'am Clara.
"Opo M-Ma'am. Success naman po ang kinalabasan..." pagsinungaling ko din.
"That's good. Wait a sec. Mukhang galing sa fashion shop natin ang damit ni Chloe ha Alfred?" tanong ni Ma'am kay Alfred habang nakatingin sa damit ko.
"Maybe the school bought it in our shop." Kibit balikat na sagot ni Alfred.
"Alright. Atleast it was a success. Anyway, Alfred pumasok ka na ng bahay natin at magbihis at kumain ka na. You too Chloe, pumunta ka na din muna sa apartment niyo. Naroon na ang Auntie mo. Magbihis ka na and rest ng kaunti para makapagtrabaho ka na."
Tumango kaming dalawa ni Alfred kay Ma'am Clara sa sinabi niya.
"Sige po ma'am Clara." Sabi ko.
Pumasok na kami ng gate. Naglakad na si Alfred papunta sa mansion nila at ako papunta sa apartment namin.
Binukas ko na ang pintuan ng apartment namin at nakita ko si Auntie sa sofa. Nanonood siya ng TV. Bakit nga pala ang agang matapos ng trabaho ni Auntie ngayon? Pero okay na rin 'yun. Para naman makapagpahinga kahit papano si Auntie.
"Chloe hija! Bakit ngayon ka lang? Teka, bakit ganyan suot mo?"
Napatayo si Auntie habang tinatanong 'yan.
"May p-presentation po kasi kami sa school. Isang play po..." paggaya ko sa dahilan ni Alfred kanina.
"Ganon ba Chloe. Napagaling mo talagang bata at napili ka para sa mga diyan." Tuwang tuwa na sabi ni Auntie.
Nakokonsesya tuloy ako. Nagsinungaling nanaman ako.
"Eh 'yang damit? Sa'yo na 'yan?" tanong ni Auntie.
"Ha? H-Hindi po. Ibabalik ko po bukas." Sagot ko.
Ibabalik ko naman talaga 'to bukas kay Alfred. Nakakahiya kasing angkinin ito.
"Wala po kayong trabaho ngayon?" tanong ko.
"Maaga lang ako natapos. Pinagpahinga ako ni Ma'am Clara dahil napansin niya sigurong pagod ako."
Tumango naman ako sa sagot ni Auntie.
"O siya, magbihis ka na muna."
Tumango ulit ako kay Auntie. Pumasok na ako ng kwarto namin.
Napatingin ako sa maliit na salamin dito sa kwarto namin. Napangiti ako sa sarili kong repleksyon. Ang ganda ko talaga ngayon. Mukha akong mayaman. Pero feeling ko lang. Ang saya at nakasama ako sa ganoong party. Siguro kung wala si Alfred at inaya ako sa party na 'yun. Hindi ako pupunta. Pero salamat kay Alfred at pinapunta niya ako.
Nagbihis na din ako ng White shirt at maong.
Lumabas na ako ng kwarto at ganun ko pading nakita si Auntie. Nakaupo at nanonood ng news sa TV.
"Maupo ka na muna Chloe. Pahinga ka muna bago ka magtrabaho." Biglang sabi ni Auntie pagkakita sa akin.
"Sige po."
Ginawa ko ang sinabi ni Auntie at naupo ako sa tabi niya.
"Grabe Chloe. Simula ng lumipat tayo dito sa apartment na'to, hindi na tayo masyado nakakapagkwentuhan..." malungkot na sabi ni Auntie.
"Oo nga po eh." Sagot ko din na medyo malungkot.
Tama naman si Auntie. Hindi na kami masyado nagkekwentuhan at napapadalas ang pagsinungaling ko sa kanya. Nakakalungkot isipin.
"Kamusta naman? School?" tanong ni Auntie.
"Okay lang naman po. Name-maintain ko naman po ang grades ko para sa scholar ko." Sagot ko kay Auntie.
Tumango tango naman siya. "Mabuti kung ganon."
"Si Lucas? Ano balita sa inyo?"
Nakaramdam ako ng inis sa pagbanggit ni Auntie sa pangalan ng lalaking 'yun.
"Wala na Auntie. Kalimutan mo na siya. Nakamove on na po ako." Sagot ko agad.
"Mabuti rin kung ganon. May bago na ba?"
"P-Po?"
"May bago ka na bang nagugustuhan? Mahal?"
Napalunok ako sa tanong ni Auntie.
"H-Hindi ko po alam Auntie eh." Nauutal na sagot ko.
"Lalake?"
Tumango ako diyan sa tanong ni Auntie.
"Paanong hindi mo alam?" tanong nanaman ni Auntie.
"Hindi ko po maintindihan..." Nabulong ko.
"Bakit hindi mo maintindihan?" tanong pa ni Auntie.
Hindi ako makasagot kaya nagkibit balikat na lang ako.
"Ano bang nararamdaman mo sa kanya Chloe?" tanong pa ulit ni Auntie.
Naisip ko ka agad si Alfred.
"'Yung ayaw ko po na galit siya sa akin. Tapos minsan po parang nami-miss ko siya. Saka parang nagseselos po ako kapag may kasama siyang iba." Sagot ko kay Auntie na para bang kaibigan ko lang siya.
"Baka mahal mo na siya?"
"PO?!" halos mapasigaw ako.
"Mahal mo na siya. Naku Chloe, baka lokohin ka lang nanaman niyan?" tanong ni Auntie.
"Hindi naman po siguro siya ganong tao..." sagot ko.
Si Alfred manloloko? Hindi naman siguro.
"Sino ba 'tong lalakeng 'to Chloe?"
Diyan ako napalunok. Napalunok ako sa tanong ni Auntie. Aba'y ano sasabihin ko? Si sir Alfred na anak ni Ma'am Clara? Hindi maari.
"S-Schoolmate ko lang po." Sagot ko.
Tumango sa akin si Auntie.
"Ah sige sige. Pumunta ka na sa mansion baka inaantay ka na nila Ma'am Clara doon."
"Sige po Auntie." Sagot ko at tumayo.
Nanood na ulit si Auntie ng TV. Ako naglakad na ako palabas ng apartment. Lumabas na ako at sinarado ang pinto. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa mansion nila Alfred.
Maglilinis ako ngayon ng Master's Bedroom. Gaya ng dati, pupunta ako sa room ng mga tools at kukunin ang mga gamit na panglilinis ko. Pagkatapos kong kunin ay pumunta na ako sa Master's Bedroom. Nagsimula na akong maglinis.
Habang naglilinis, hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa mga nangyari kanina at sa naramdaman ko.
'Yung tinanong ni Alfred na mahal ko na ba siya. At 'yung sinabi ni Auntie na baka mahal ko na nga ang taong tinutukoy ko na si Alfred. Tama nga ba? Totoo ba? Nararamdaman ko na nga ba 'to kay Alfred.
Mahal ko na ba siya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com