Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Leave comments and votes after reading! Thank you. :]

Chapter Dedicated to: AnneliciousOfficial :)
Comment for Dedications.

DiamondAlpha
---------------------------

CHAPTER 20
Chloe's PoV

Itinigil na ni Alfred ang sasakyan sa tapat ng isang malaking hotel. May malaking 'Heragon Hotel' ang nakasulat sa labas nito. Ito na ang hotel kung saan gaganapin 'yung party ni Brandon.

Bumaba na kami ni Alfred. Dinala naming ang invitation papunta sa loob. Mayroon din pala kaming regalo ni Alfred para kay Brandon na nakatago sa kotse ni Alfred kanina.

Ganda ng hotel na 'to ah. Nakapasok na kami at sobrang linis nitong hotel. Naglakad na kami ni Alfred papuntang Ballroom. Sinusundan ko lang siya dahil hindi ko alam ang daan papunta sa ballroom.

Malapit na kami sa malaking pintuan ng ballroom. Naroon ang dalawang malaking parang bodyguard at sa gitna ay ang tumatanggap ng mga invitations. Kaya binigay na namin ni Alfred ang invitation namin para makapasok. Pinapasok na nila kami.

Wow. Debu ba 'to? Joke lang. Pero grabe ang enggrade naman dito. Parang may artista o kung sino mang sikat na magpaparty. Ngayon lang talaga ako makakapunta sa gan'tong party. Kailangan kong makisama dapat aware ako sa mga ginagawa ko. Para akong takot na nakatingin sa mga tao. Pero I tried to keep it cool.

"Chloe mukha ka nanamang natatae." Sabay tawa ng mahina ni Alfred.

Napakurot naman ako sa braso niya na dahilan para medyo magflinch siya.

"Che. 'Lam mo namang ngayon lang ako makapunta sa ganito." Sagot ko at medyo nagpout.

"Relax. I'm here. I'm not going anywhere if you would too." Tapos hinawakan niya ang kamay ko.

"Siyempre naman. Sa tingin mo may alam ako kung saan ako pupunta dito? Sasama lang ako kung san ka pupunta. Dito lang ako sa tabi mo." Sagot ko.

"So you mean if you know this place iiwan iwanan mo ako?"

"Siyempre hindi! He basta. Mahirap i-explain." Sagot ko sa tinanong niya.

Medyo madami na din palang tao dito. May mga classmate kami pero hindi ko masyadong kaclose. Tapos madami pang ibang tao na hindi ko kilala

"Alright. 'Dun na tayo maupo." Turo niya sa bakanteng upuan at table.

Tumango ako at saka kami naupo dun.

May mga sapin na blue ang table at upuan. Tapos nakataob ang mga plato at baso. Table for 6 ang naupuan namin pero kaming dalawa lang ni Alfred ang naupo.

Napatahimik kaming lahat dito sa ballroom ng magsalita na ang Emcee.

"Goodafternoon Ladies and gentlemen. In the honor of Coladilla family, I, Ian Mendoza, your emcee for today's party, welcome all of you in this enchanted time of this day. Welcome everyone and suit yourself in those seats and enjoy." Panimula ng Emcee.

"He's a good friend to everyone and a very courteous person in one's eyes. We are here to witness his happiness in embracing his 18th birthday. Let as all welcome him with a round of applause, the birthday celebrant, Mr. Brandon Coladilla!" dagdag ng Emcee.

Lumabas na si Brandon sa pintuan na may parang kurtina. Nagsipalakpakan ang lahat ng tao sa ballroom. Tumabi si Brandon sa Emcee sa stage. Agad namang binigay ng Emcee ang mike kay Brandon. Magspe-speech yata.

Ngumiti muna ng sandal si Brandon bago magsalita.

"Goodafternoon to all of you guys." Panimula niya. Nagkamot siya sa batok niya parang wala na siyang masabi. Napatawa ako ng konti.

"First of all, thanks for being here today at my party. Hindi ko alam kung bakit kailangang ganito kaenggrande pero gusto ng parents ko eh. Feeling ko tuloy nagdebut ako." Natawa ang mga tao dahil sa sinabi niya.

Tutok na tutok kaming lahat sa kanya at nakikinig sa speech niya.

"Thank you Mom and Dad for being here today. Salamat sa paghanda nitong party para sa akin." Ngumiti ulit si Brandon.

"Akala ko ang kapatid ko lang ang napaghahandaan niyo ng ganito pero hindi pala. Thanks talaga. At para naman sa kapatid kong babae na si Ate Dianne Coladilla, ate, salamat sa lahat ng kasupladitahan mo sa akin. Just kidding. Thanks for being there for me eventhough na makulit ako at nagnanakaw ako ng napkin mo para ibigay sa mga kaibigan kong masungit." Kumindat siya sa isang babae sa isang table siya kasabay ng pagtawa ng mga tao.

Nakita ko namang umirap 'yung babae kay Brandon. 'Yung kapatid niya siguro.

Si Alfred na nakangiting umiiling iling. Napatawa na lang din ako.

"Thanks to my family, friends, fake friends, real friends, teachers, at sa lahat na ng nandito. Nakakatouch at nageffort kayong pumunta dito. Happy Birthday to me! Happy birthday din sainyo in advance waha! Enjoy at ma party!" parang bata niyang sabi.

After niyang sabihin 'yan bumaba na siya ng stage. Kasabay ng pagpapasounds ng paligid. Nagpatugtog sila ng songs.

"Waaa. Are we late already?"

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng tatlo kong kaibigan na si Sab, Pat at Rianne. Parang galing sa takbo pero magaganda ang porma.

"Kakatapos lang ng speech ni Brandon." Sagot ko sa kanila.

"Waa, di namin naabutan huhu. Kayo kasi antagal niyo kumilos!" pagsisisi ni Sabrina sa dalawa niyang kasama.

"Ugh! Excuse me!" Sagot ng dalawa sabay flip ng hair nila.

Napailing nalang ako na napatawa.

"Hi Alfred! Dito na kami mauupo ha! Wala na kasing bakante ok? No angal." Sabay upo ng tatlo sa table namin.

Hindi na kami umangal ni Alfred.

Katabi ko si Alfred at Sabrina. Si Alfred tahimik lang. Tapos si Sabrina kinausap ako.

"Uy girl may kekwento ako..." chika nanaman sa akin ni Sabrina.

Nagkunwari na lang akong nakikinig. Hindi kasi ako masyadong interesado sa mga kinukwento niya. Palibhasa kasi away o kung anong masama.

Binigyan kami ng mga waiter ng tig-iisang cocktail na inumin. Pakonti konti lang ang inom ko at hindi ako sanay.

"Hi friends."

Nakarinig kami ng boses na malungkot. Napalingon kami. Si Birthday Boy!

"Uy Brandon! Happy birthday!" sabay sabay naming apat na bati sa kanya.

"Thanks..." sagot niya at naupo sa bakanteng upuan.

Bale puno na ang table namin. 6 na kami.

"Oh bakit parang ang tamlay mo?" tanong ko.

"Why aren't you seating with your family?" tanong din ni Alfred.

"Nakakabadtrip kasi sa table namin." Bad mood na tono na pagkasabi ni Brandon.

"Why naman?" tanong ni Sabrina. 'Yung dalawa, nakikinig lang.

Nagbuntong hininga si Brandon.

"My parents. Darn them. Sana hindi nalang nila 'to hinanda. Sana hindi nalang sila pumunta!" parang gustong sumigaw ni Brandon pero pinipigilan niya.

Mas naging serious ang mukha naming lima dito sa table.

"They said they have good news. But heck! Bad news naman pala!"

"Bro calm down. What happened really? Kanina nagpapasalamat ka lang sa kanila." Sabi ni Alfred kay Brandon.

"Well I'm taking back all I thanked them! Akala ko pa naman once and for all inisip nila ako. Pero hindi, business pa din pala! Our company is falling. They said they prepared this party just because they're looking for someone for me to marry. Someone na mataas daw ang kompanya para i-merge sa amin!"

"Watdaef."

"So cruel."

"Grabe sila."

Kanya kanya naming komento sa sinabi ni Brandon.

"Why didn't you disagree?" tanong ni Alfred.

"There was nothing I could do Bro! Sila naman lagi nasusunod!" naiinis na sabi ni Brandon.

"Well? Nakahanap na ba sila ng girl na pakakasalan mo?" naiintrigang tanong ni Sabrina kay Brandon.

"Sadly, yes. That girl," tapos may tinuro si Brandon.

Lumingon kami sa tinuro niya.

"Her?" tanong ni Sabrina.

Tinignan ko 'yung babae na nakaupo sa kabilang table. Maganda siya. Maputi. Halatang simple dahil sa outfit niya. Sa unang tingin mukhang mabait. Sana mabait talaga.

"She looks familiar..." bulong ni Riane.

"Oo nga nakaaway na ba natin 'yan sab?" tanong ni Pat kay Sabrina.

"I don't think so. Wait, Brandon what's her name?" tanong ni Sabrina kay Brandon.

Para naman sa akin 'tong babaeng 'to hindi ko kilala. Hindi ko pa 'to nakikita sigurado ako.

"I forgot ummm, basta Velasco ang apelyedo niya. Mataas din ang kompanya nila." Sagot ni Brandon.

Tumango naman sila.

May biglang babae na tumawag kay Brandon.

"Brandon come over here! Open your gifts!" Sabi ng babae sa kanya.

Tumayo naman si Brandon at sumunod sa babae.

"Guys, akin na mga regalo niyo. I'll bring them there for Brandon to open." Sabi ni Alfred.

Tumango naman sila sa kanya sabay abot ng kanya kanya naming regalo. Pagkatapos dinala na ni Alfred ang mga regalo namin para kay Brandon.

Tinuloy ni Sabrina ang pagkekwento niya kanina. Hindi ko mapigilang makinig. Kaya nakinig na lang din ako sa mga sinasabi niya.

Mga 10 minutes siguro ay nagkekwento pa din si Sabrina. Hindi matigil ang bunganga eh. Hindi napapagos. Kwento ng kwento.

Bigla naming narinig ang pagsalita ng Emcee sa mike.

"Hey guys who are still seating! Aren't you going to dance? Find your partner and dance with the sweet song!" sigaw ng Emcee.

Napatingin kami sa paligid. Sumasayaw na nga sila. Kaming iba nakaupo ba.

"Ay, nawili ako sa pagkwento hindi na tayo na-aware sa nangyayari sa paligid. Come on girls sayaw tayo find tayo sarili nating partners!" sabi ni Sab.

Napahanap agad ako kay Alfred.

Nga pala, hindi na siya bumalik after niyang ibigay ang regalo.

Hinanap ko siya sa paligid ng ballroom. Hanggang sa magulat na lang ako ng makita ko siya. Nakita ko si Alfred nakatayo at sumasayaw.

Sumasayaw kasama ang iba.

Parang kumirot ang puso ko ng makita ko siyang may kasayaw na ibang babae. Nasa bewang ng babae ang dalawang kamay ni Alfred at ang kamay ng babae ay nasa leeg ni Alfred.

Ito nanaman 'tong nararamdaman kong hindi ko maintindihan. Bumabalik balik nanaman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com