Chapter 19
Chloe's and Alfred's clothes at the media-->
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated again to: YumiiPotato :)
Comment for more Dedications.
Note: All of the places here on my story aren't true to life. Imagination ko 'to lahat.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 19
Chloe's PoV
"Goodbye class."
Nagpaalam na 'yung prof naming. Nagsitayuan na din kami at nagpaalam sa kanya.
Lunch na meaning uwian na din naming dahil nga Half Day lang kami ngayon. Kinuha ko na ang bag ko at tumayo. Naglakad na ako palabas ng classroom.
Bumungad naman ka agad sa akin si Alfred.
"Let's go." Aya niya.
"Saan?" tanong ko.
"To get ready for Brandon's party."
Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya.
"Agad-agad? Hindi muna tayo kakain? Lunch palang kaya."tanong ko.
Aba 12 o'clock palang ah. Maghahanda ka agad para sa party? 2 hours? Daig pa ni Alfred ang babae kung maghanda kung ganon.
"Nah. There'd be lots of foods at Brandon's party."Sagot niya.
"Pero 12 palang ah? Mamayang 2 pa 'yung party."
"Madami pa tayong ihahanda. We will buy clothes plus ipapaayos pa kita."
Kumunot nanaman muli ang noo ko sa sinagot niya.
"Ipapaayos? Bakit may sira ba ako?"takang tanong ko.
Pangit ba ako ngayon? Haggard? Hindi ba pwedeng ganito na lang ang itsura ko sa party ni Brandon. Pwede naman na 'to ah. Simple lang. Kailangan talagang magpaayos?
"No Chloe, we just need to fix ourselves." Sabi niya.
"Ano ngang sira natin?"tanong ko pa ulit.
Napapoker face naman bigla si Alfred.
"We aren't broken, crazy. I meant we need to fix ourselves dahil enggrandeng party 'yun Chloe." Explain niya.
Napatango na ako.
Gets ko na. Tama nga naman. Dapat mag mukhang maayos sa party dahil enggrande 'yun. Hindi pwede ang haggard.
"Ah. San tayo bibili ng damit?"tanong ko.
"Leave it to me. Basta tara na."
Tapos hinawakan niya na ako sa kamay at hinila. Sumunod nalang ako.
"Asan motor mo?" tanong ko.
Nandito na kami ngayon sa parking lot. At napansin kong wala ang motor niya dito sa dapat na kinapaparkan niya.
"Wala motor ko dito."
Napalingon ako sakanya.
"Ha?! Bakit?" tanong ko.
Nasira kaya? Ninakaw? Sinanla? O pinahiram niya?
"We'll use my car."Sagot niya.
Halos malaglag ang panga ko sa sasakyang nilapitan niya.
"Your... car?" tanong ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa tabi niya.
"Yeah."Sagot niya.
Naglabas siya ng susi tapos may pinindot. Tumunog ang kotse at binukas ni Alfred ang pintuan ng driver's seat. Ako naman nakatingin pa din ako sa kotse.
Edi wow. Siya na talaga ang mayaman. Grabe ang shiny nitong kotse. Mukhang bago pa. Hindi ko baa lam ang tatak kasi wala akong alam sa mga ganito. Pero wow lang talaga.
"Brand new ba 'to?" natanong ko.
Naituro ko ang kotse habang tinatanong 'yan.
"Nope."
"Really?"gulat kong tanong.
"Yeah. Actually mas matanda pa 'tong kotseng 'to kaysa sa akin."
Nagulat nanaman ako sa sinabi niya. Seryoso? Hindi bago 'tong kotse? At talagang mas matanda pa 'tong kotseng 'to kaysa kay Alfred? Hindi ako makapaniwala.
"...seryoso?"dahan dahan kong sabi.
"Oo nga. My Lolo owned this and just passed it to me."
"Ohs, bakit walang gasgas man lang? Parang bago."Sabi ko pa ulit.
"Ofcourse. Magaling kaming mag-alaga ng sasakyan. And minsan ko lang 'to gamitin. I usually use my motor." Sagot niya.
Napatahimik na ako after niyan. Wala na akong masabi. Sobrang mangha pa ako.
"Hey Chloe. You're just gonna stand there? Sumakay ka na." sabi niya at sumakay sa driver seat.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Siyempre hindi naman ako tatayo lang dito, ano. Kaya naglakad na ako papunta sa pintuan ng shotgun seat. Sumakay na ako.
Naupo na ako at inistart na ni Alfred ang sasakyan. Napatingin ako sa loob ng kotse. Sa salamin. Sa likod. Upuan. Grabe. Parang brand new talaga 'to.
Nakakabilib lang talaga ang pamilya ni Alfred. Una, ang Lola niya na nagpatayo ng Lighthouse sa gubat. Akalain ninyo? Nakapagpatayo sila ng Lighthouse. Sa gubat pa. Tapos ngayon itong forever young na kotse ni Alfred na parang brand new talaga. Sobrang nakakabilib ang pagkayaman ng pamilya ni Alfred.
Samantalang ako bahay lang hindi mabili.
Kumbaga langit si Alfred at lupa naman ako.
After ng ilang minuto ay tinigil na ni Alfred ang kotse. Nasa isang parking lot na kami. Nasa isang mall kami na hindi pamilyar sa akin. Pero malaki.
"Tara na Chloe." sabi niya at lumabas.
Lumabas na rin ako.
Nakita kong may pinindot nanaman si Alfred sa mga susi niya at tumunog nanaman ang kotse. Automatic sigurong naglock ang kotse. Nice.
And as usual hinawakan niya ang kamay ko. Tapos naglakad na kami palabas ng parking lot.
Pumasok na kami sa loob ng mall. Sumunod na lang ako kung saan man ako ipupunta ni Alfred. I have my trust sa kanya. Alam niya naman siguro kung saan kami pupunta. Lakad lang kami ng lakad. Taas ng taas sa mga stairs.
"Fafa FredFred!"
Napalingon ako sa sumigaw. Nasa harapan na pala kami ng isang parlor.
Bakla siya at lumapit siya sa amin ni Alfred.
"Damn Michael, I told you not to call me that!" inis na sabi ni Alfred pagkalapit ng bakla.
"Amp! Syor, FredFred! Pero pramis mo din sa akern na neverloo mo na aketch itatawag ney Michael!"
Parang mikroponong sinagot 'yan ng bakla. Napakalakas ng boses e.
"But that's your name."sagot din naman ni Alfred.
"Duh! Im a shokla rimimber? Dapat hinde na yern ang itawag mo sakeyn Fred!"sagot nanaman ng bakla.
"Then what?"tanong ni Alfred.
"Mika! Mikang! Michaela! Ela! Miks! Mi---"
"Oo na! I'll call you Mika for crying out loud."Sagot ni Alfred.
"Ahihi! Thanks Fred your so Wafu talaga!"parang kinikilig na sabi nung Mika.
"Ahahay!" sigaw bigla nung Mika.
Nabigla ako dahil napatingin siya sa akin.
"Ang ganders mo namern gurl!"Sabi niya at lumapit sa akin.
"Emegerd! Jowa mo Fred?"tanong ni Mika at tumingin kay Alfred.
"Yeah."At tinaas ni Alfred ang hawak kamay namin.
"Kya! Di inexpect ng byoti ko 'yan! Si Fred nagkahart hart sa babae? Wow!"Manghang sabi ni Mika.
"Super swerte mo girl! Di kineri ng byoti ko ang byoti mo. Ano pala nameskie mo?"tanong ni Mika at ngumiti sa akin.
"Nameskie?"takang tanong ko.
"Name! Pangalan! Hihi."Masayang sagot ni Mika sa akin.
Ah. Pangalan pala. 'Sensya hindi ko siya masyadong maintindihan.
"Chloe Dapayoso."Nginitian ko siya.
"Wow! Ganders din ng name mo! Call me nalang Mika! Mikang! Michaela! Miks---"
"Okay time's running, Mika. Kailangan na naming makapag-ayos." Putol ni Alfred kay Mika.
"Amp! Kung hinde lang kita labs at hinde ang pamilyaloo mo ang sume-sweldo sa akern..."
"O What?" tanong ni Alfred.
"Waley! Amp. So ano ba gagawin natern kay Chloe?" tanong ni Mika.
"Make her more beautiful. We're going to a party later." Sagot ni Alfred.
Tinignan naman ako ni Mika sa mukha at buhok. Nilagay niya ang kamay niya sa baba niya at parang nag-iisip.
"Hmmm. Doncha worry FredFred! I know na what to do! Tara na sa loobs." Sabi ni Mika at pinapasok kami sa loob ng parlor.
Pumasok na kami sa parlor.
Malaki din ang parlor. Mayroon na ding mga tao. Malinis ang loob at mabango.
"Halu ser Alfred!" sabay sabay na sabi ng mga bakla dito sa parlor.
"Halika Chloe, maupo ka here." Sabi ni Mika at pinaupo ako sa isang upuan.
Bumitaw ako sa kamay ni Alfred. Lumapit ako sa upuang tinuro ni Mika at naupo.
"I'll be your fairy grandmother and imma transform ya to a beautiful princess! Hihi." Sabi ni Mika at nagsimulang gumawa ng kung ano ano sa buhok ko.
Tumawa na lang ako.
"Hoy Bakla, nasobrahan ka ata sa panonood ng Disney eh?" tanong ng isang bakla sa likudan niya.
"Che! Manahimik ka diyan bakla huh!" sagot ni Mika sa kanya at nagpout.
Nagpatuloy na si Mika sa pag-ayos ng buhok ko. Napatingin nalang ako sa mukha ko sa katapat kong salamin. Maganda ba ako? Parang hindi. Ang haggard ng mukha ko sobrang pangit. O baka kulang lang ng ayos? Ano kaya magiging itsura ko mamaya kapag natapos 'to?
"A dream is a wish your heart makes
When you're fast asleep
In dreams you will lose your heartache
Whatever you wish for you keep---"
Naputol ang pagkanta ni Mikang habang inaayusan ako ng pinutol nanaman siya ng bakla kanina.
"Hoy Bakla! Ingay mo! Nakakadisturbo!" angal nanaman ng bakla.
"Che! Why you're so panira talaga ng trip Bakla! Ganders ng boses ko eh!" sagot ni Mikang.
"Eww." Sagot ng bakla.
Inirapan na lang siya ni Mika.
"Emegerd Chloe! I lalabs your hairlalou. Ang daling ayusin. Hihi." Sabi bigla sa akin ni Mika.
Nginitian ko na lang siya.
"Girl oh para ndi ka mabored." Abot sa akin ng isang bakla ng magazine.
"Salamat." Sagot ko sabay tanggap sa inabot niyang magazine.
Binuklat ko na ang magazine habang inaayusan ang buhok ko. Nagbasa basa muna ako.
After ng halos isang oras. Mga 45 minutes siguro. Ang tagal nga eh. Binoblower na ako ngayon. Nakita ko si Alfred sa likod ni Mika.
"Is she done already?" tanong ni Alfred.
"Kita mong bino-blower ko pa lang hairlalou niya diba?" pilosopong sagot ni Mika.
Nakita ko sa salamin na nagdeath glare si Alfred kay Mika.
"Jokes only! After kong iblower itech make-upan ko lang siya ng very very light then gora na kayo!" Sabi Mika.
Tumango lang naman si Alfred.
"Close your mata Chloe." Sabi ni Mika hawak ang mga make up.
Sumunod na lang ako. Pinikit ko ang mata ko.
Naramdaman ko na ang paglagay niya ng make-up sa mukha ko. 'Di kaya masira ang mukha ko ne'to? De joke lang exagge ako. Sabi nga ni Mika ay very light lang daw ang ilalagay niya. Kaya okay lang 'to.
Matapos ang ilang minute ng paggawa niya ng kung ano ano sa mukha ko nagsalita si Mika.
"And bibbidi bobbidi boo! Open your eyes. Hihi."
Sinunod ko ang mga sinabi ni Mika. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko.
"Oh diba? Bonggacious!" nakangiting sabi ni Mika habang nakatingin sa akin sa salamin.
Napapikit pikit ako. Mukha akong mayaman dahil sa hairstyle ko. Pati mga nilagay na make up sa mukha ko nagpamukha sa aking mayaman. Ang ganda. Parang hindi ako 'tong nakikita ko. Hindi ko akalaing may ganito pala akong maibubuga. Fudge.
Tumayo na ako. At humarap sa kanila Alfred.
Nakangiti pa din si Mika sa akin. Parang tuwang tuwa sa ginawa niya sa mukha at buhok ko.
Si Alfred nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang reaction niya.
"Naku naku! Naiinlab si FredFred sa ganders ng jowa niya! Hihi. Im so galing talaga!" tuwang tuwang sabi ni Mika.
"Ay hello ma'am come in! Ano hanap po nila?" nakita kong sigaw ni Mika at lumapit sa isang babaeng kakapasok dito sa Parlor.
Naiwan kami ni Alfred ditong nakatayo. Nakatitig pa din siya sa akin. Hindi siya nagsasalita.
"Alfred? Huy." Nagsalita na ako.
"You look different."
Kumunot noo ko sa sagot niya.
"Ha? Bakit? Pangit ba?" conscious na tanong ko.
"What? no. You actually look so gorgeous."
Feeling ko namula ako sa sinabi niya.
"T-Thanks." Sagot ko.
Tumitig nanaman siya sa akin. As in nakatayo lang siya at nakatingin sa akin.
"Huy Alfred, ano na?" tanong ko sa kanya.
"Oh, ah. Let's... Let's go." Parang wala sa sariling sagot ni Alfred.
Naglakad na siya papunta sa bayaran dito sa parlor.
Nagkibit-balikat nalang ako at sinundan siya sa paglalakad.
Binayadan niya na 'yung babae sa Parlor. Hindi naman na siya pinabayad ng babae. Sila ata may ari nitong parlor eh. Yaman talaga.
"Bye Mika! Thankyou nga pala!" pasasalamat ko kay Mika.
"Gora na kayo? Sige babush! Balik kayo here ha." Sagot ni Mika.
Tumango tango nalang ako ng nakangiti.
Lumabas na kami ni Alfred ng Parlor. Naglakad na ulit kami. Tinignan ko ang orasan ng cellphone ko at 1:05 pm na.
"Alfred saan na tayo ngayon?" tanong ko habang naglalakad.
"Bibili na ng damit." Sagot niya.
"Where?" tanong ko.
"Here." At bigla na siyang huminto sa paglalakad.
Tumingin ako sa nasa harapan namin.
"Fudge. Wow."
Ang laki naman ng Fashion Shop na'to. Parang bahay, eh? Ang liwanag pa. Ang daming mga ilaw. Tapos ang gaganda ng mga damit sa loob. Transparent kasi ang shop. Pati 'yung pintuan glass.
"Sir Marquez!" sabi kaagad ng isang saleslady sa loob. Ay mali. Manager ata 'to.
Kilala nanaman siya dito sa shop na 'to? Napapabilib nanaman ako.
"Goodafternoon ma'am, sir." magalang na bati ng manager sa amin.
"We currently need a dress and a suit. We're about to go to a party." Sagot naman ni Alfred.
"What kind of party sir?" tanong ng manager.
"Formal. And oh, hindi na namin ipapabalot. We'll wear it already." Sagot ni Alfred.
"Okay sir."
Pagkatapos sabihin 'yan ni Alfred tinignan kami ng manager.
"Hmmm, Mark!" tawag ng manager.
Agad namang may lumapit sa amin na lalaking nagtratrabaho dito.
"Assist sir Marquez on finding his suit." Utos ng manager dun sa Mark.
"Yes Ma'am." Sagot naman ng Mark kay manager.
"Right this way sir." Sabi ng Mark kay Alfred.
Nagpaalam muna si Alfred sa'kin at sumunod na sa tinurong way ng lalaki.
"Ma'am, boyfriend niyo ho ba si Sir Marquez?" biglang tanong naman ng manager sa akin ng nakangiti.
Kaya napatingin ako sa kanya.
"Ummm, opo." Nahihiyang sagot ko.
"Ang swerte niyo naman po. Sila po ang may ari dito. Sige this way po ma'am." Sabi ng manager sa akin at naglakad.
Sumunod naman ako sa kung saan siya pumunta.
Swerte daw ako kay Alfred. Sinabi din 'yan ni Mika kanina. Swerte nga ba talaga ako kay Alfred? Siguro nga. Kaya kung ganon, pahahalagahan ko na siya.
"Anong color po ba gusto niyo ma'am?" tanong sa akin ng manager.
"May blue po ba?" tanong ko.
"Ofcourse ma'am! Lahat po ng kulay mayroon sa amin." Sagot ni Manager at may pinakita sa akin.
"Wow."
Namangha ako sa nakita ko. Fudge! Magkano kaya 'tong mga 'to. Ang gaganda. Ang daming mga dress. Mukhang mamahalin.
"Pili ka lang po." Sabi ni manager sa akin.
Tumango naman ako sa kanya.
Sa mga blue dresses ako nagtingin. Nagpahelp na rin ako kay manager maghanap ng dress para tama ang mapili ko.
Binigyan niya ako ng madaming blue dresses. Saka pabalik balik ako sa dressing room para magsukat ng dress. Lahat magaganda. It's hard to choose. Pa-iba iba ang itsura ng dress na suot ko sa full length mirror. After siguro mga 30 minutes ng pagsusukat may napili ako.
Ito ang pinakanagustuhan ko sa lahat. Napangiti ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin.
"Ito nalang po." Sabi ko kay Manager.
"Nice choice po ma'am. Bagay po sainyo itong napili niyo." Nakangiting puri niya habang tinitignan ang napili kong suot.
"Salamat." Sagot ko ng nakangiti.
"Ah ma'am, sa tingin ko po ito ang babagay na pumps para diyan."
May hawak siyang pumps. Maliit lang ang heels mga 3 inches lang siguro. Silvered blue pumps siya. Kumikinang kinang. Maganda.
"Sige Manager. Ito nalang po." Nakangiting sagot ko.
Pinasukat niya muna sa akin. Sakto lang naman. Fit siya sa paa ko at comportable akong suotin ito. Binigyan din niya ako ng mga necklace at bracelet.
"'Yan na ma'am! Ang ganda ganda niyo po. Bagay lahat ng suot niyo sainyo." Puri ulit sa akin ni Manager.
Nginitian ko siya.
"Sige tara na po sa counter." Sabi ko.
Tumango siya at naglakad na kami sa counter. Nakapaper bag ang suot kong uniform kanina pati na din ang school shoes ko.
Papalapit na kami sa counter at nakita ko si Alfred na nakaupo sa sofa doon. Naka-suit na siya.. Mas lalo siyang gumwapo sa suot niya.
Nang makita niya kaming paparating agad siyang tumayo.
Hanggang sa magkalapit na kami.
"Nice dress."
"Nice suit."
Sabay naming sabi.
Parehas kaming napangiti.
"Thanks."
"Salamat."
Sabay nanaman naming pasasalamat.
Napatawa kaming dalawa.
Napatigil na lang kami bigla sa pagtawa at nagkatinginan ng nakangiti.
"Ang sweet niyo naman pong dalawa!"
Napatingin kami sa sabay na pagsigaw nung mark at ni Manager habang nakangiting nakatingin sa amin.
"Magkano nga pala lahat?" tanong ni Alfred kay manager.
"Libre na lang sir! Tutal kayo din lang naman po ang sumesweldo sa akin at sa amin." Nakangiting sagot ni Manager kay Alfred.
"Thanks. We'll be going now."
"Sige po ma'am at sir. Come again po!" sagot ni Manager kay Alfred.
Nagpasalamat na din ako.
Naglakad na kami palabas ng shop. Dala dala naming ang kanya kanya naming paper bag ni Alfred na laman ay ang mga uniform namin.
"Saan na tayo?" tanong ko kay Alfred.
"We're done fixing ourselves. Tara na sa party ni Brandon." Sagot niya.
Nakangiti naman akong tumango.
Hawak kamay kaming naglakad papunta sa parking lot. Tinignan ko ulit ang orasan ng cellphone ko. 1:47 na. Malapit lang naman ang pinagparkan namin kanina kaya nakasakay agad kami.
Sumakay na si Alfred sa driver's seat at ako naman sa shotgun seat. Inistart na ni Alfred ang kotse. Naupo ako ng maayos at nagseatbelt.
"Thanks for all of this Alfred." Pasasalamat ko sa kanya.
Ngumitisiya sa akin.
"You're always welcome Chloe." Sagot niya.
Nagdrive na si Alfred papunta sa party.
Ang saya ko. Ngayon lang ako naka-experience ng ganito. Napatingin ulit ako sa suot ko. Pati sa buhok ko. Ang laki talaga ng pasasalamat ko kay Alfred dahil dito. Swerte nga ako kay Alfred. Sobrang swerte ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com