Chapter 35
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: dahliatimoteo :)
Comment for more Dedications.
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
Note: Short Update. :) Sarreh.
DiamondAlpha
—————————————-
CHAPTER 35
Chloe's PoV
"STOP THE LIES! AND TELL ME EVERYTHING! NOW!"
Goosebumps. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa pagsigaw ni Ma'am Clara. Nakakatakot siyang tignan ngayon. Shocks ano kaya ang reaksyon niya? Malamang galit siya. Fudgge.
"Aren't you guys gonna talk?!" pagalit na sigaw ni Ma'am Clara sa amin.
Hindi kasi kami kumikibo. Parehas kami ni Alfred na nanigas sa kintatayuan namin. Halatang nagulat din si Alfred. Meron pa kayang maisip na palusot si Alfred? Napatingin ako sa kanya.
"Yes mom.. Totoo,"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Alfred.
Inamin niya?! Sinabi niya kay Ma'am Clara na totoo?! Shocks!
Nakita ko ang reaksyon ni Ma'am Clara na gulat na gulat. Ano na mangyayari susunod? Wala na? Mawawala na ang trabaho ko? Magagalit sa akin si Ma'am?
Naibaling ni ma'am clara sa akin ang tingin niya.
"Chloe?" tanong ni Ma'am.
Napalunok ako bago sumagot.
"O-Opo."
Umamin na din ako. Ano pa bang ipapalusot ko kapag sinabi kong hindi? Wala na akong madadahilan kapag itatanggi ko pa.
Di rin naman kasi kami nag-iisip. Iniwan ba naman naming bukas ang pintuan tapos mag-uusap kami tungkol sa amin. Kasalanan rin lang naman namin. Kailangan naming panagutan.
Napayuko ako. Hindi ko makita ngayon ang reaksyon ni Ma'am. Ni pati si Alfred hindi makatingin sa mama niya ng deretso.
Ito 'yung sinabi ko bago ako pumayag kay Alfred na maging kami eh. Ang malaman ni Ma'am Clara. Siguro.. pagkatapos nito at pagbalik namin sa Perilton Village sasabihin ni Ma'am Clara kay Auntie ang nalaman niya. Ano na lang ang sasabihin ni Auntie sa akin? Na tinago ko ang lahat ng 'to sa kanya? Siguradong—-
"M-Ma'am?"
Nagulat ako bigla. Nanlaki ang dalawang mata ko sa ginawa ni Ma'am.
Bigla kasing lumapit si Ma'am Clara sa amin ni Alfred tapos.. niyakap. Oo niyayakap niya kami ngayon! Niyayakap kaming dalawa ni Alfred ngayon!
A-Anong ibisabihin nito?
Kumalas sa yakap si Ma'am Clara.
Mas nagulat ako ng makita ko siyang nakangiti sa amin. Hindi ba siya galit? Napatingin ako kay Alfred at hindi din siya makapaniwala sa ginawa ni Ma'am Clara.
"Ma' bakit-anong—-"
Naputol sa sasabhin si Alfred dahil pinutol siya ni Ma'am.
"I KNEW IT." Sabay ngiti ni Ma'am Clara.
T-Teka, naguguluhan ako!
"Alright, I started to know simula pa lang noong mahuli ko kayo sa Laudry Room. Remember noong nag-aaway kayo? Na ang dinahilan niyo ay play 'yon para sa school niyo. I didn't believed that reason because I asked your theatre teachers and they said na walang ganon na pinapagawa sa inyo."
Napanganga ako. So simula pa noon?! Napapansin na pala kami ni Ma'am Clara?! Pero bakit hindi siya nagalit?
"I wanted to make sure so tinignan ko pa ang bawat kilos niyong dalawa. Akala niyo hindi ko alam pero alam kong nagkikita kayo sa first waiting shed sa village na tin tuwing umaga. Lagi kayong nagsasabay. Right?"
Mas lalo akong nagulat. Alam din pala 'yun ni Ma'am! Grabe! Bakit hindi niya man lang sinasabi?
"And I knew that there was a relationship between the two of you."
Hindi ako makapagsalita sa gulat. Maging si Alfred walang kibo. Nakakagulat ang lahat ng narinig namin.
"Madami pang pangyayari na nakita ko sa inyo that convinced me na kayo. Now I wanted to confirm it and I did! So talagang kayo huh?" tanong pa ulit sa amin ni Ma'am Clara.
Dahan dahan naman akong tumango kay Ma'am.
Natahimik kami dito sa kwarto. Awkwardness ang bumalot sa aming tatlo.
"Oh c'mon guys! I'm not mad. I was just scaring you guys hahah" Biglang natawa si Ma'am.
Nagulat ako sa paghawak ni Ma'am Clara sa kaliwang balikat ko.
"I'm not gonna be mad at you Chloe."
Napatingin ako kay Ma'am at bigla niya akong nginitian.
"I mean, bakit naman? Not because poor kayo ng Auntie mo Chloe eh ayaw na kita para kay Alfred." Sabi pa ni Ma'am.
"P-Pero ma-am 'di ba sabi niyo.. noong araw na magtatrabaho ako sainyo.. na dapat walang mamagitan sa amin ni Alfred?" Tanong ko.
Oo tanda ko pa 'yung araw na 'yun. 'Yung araw na sinabi 'yan sa akin ni Ma'am Clara.
"Oh yeah. Because I thought you weren't right for him. Pero nagkamali ako." Sagot ni Ma'am Clara.
"I can see beauty in you. Ang simple ng itsura mo. But not just in your physical look that I liked. Pati na din sa ugali mo. You're a kind and generous girl chloe. I can see how you work hard for something good. And I think that's pretty perfect for my son."
Nagsitaasan ang mga dugo sa mukha ko. Feeling ko sobra akong namula sa sinabi ni Ma'am Clara. Nasiyahan ako ng sinabi niya ang lahat ng 'yan. Akala ko pa naman... magagalit si Ma'am kapag nalaman niya. Hindi pala.
"T-Thanks ma'am." Pasasalamat ko.
Ngumiti ako kay Ma'am at nginitian niya naman ako pabalik.
"Ito rin ang sinabi ko sa'yo bago tayo umalis sa manila Chloe. Na makikilala ko here ang makakatuluyan ni Alfred." sabi ni ma'am.
"Ahh," Napatango ako.
Ako pala 'yong tinutukoy ni Ma'am Clara na babaeng makikilala niya dito sa tagaytay na makakatuluyan ni Alfred. Hindi ko naman inasahan ang lahat ng 'to..
Ibinaling niya naman ang tingin niya ngayon kay Alfred.
"Alfred ha. Take good care of Chloe. Don't waste a girl like her."
"Oo naman ma'. I know that already." Sagot niya.
Hindi talaga ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na gusto talaga ako ni Ma'am para sa anak niya. Siguro ngayon, pwede na kaming maging legal? Pero teka, si Auntie..
"A-Ah ma'am clara." Tawag ko kay ma'am.
Tumingin naman sa akin si Ma'am.
"Hmm chloe you better stop calling me Ma'am Clara? Maybe you should call me ...mom?"
"Ma'!" saway ni Alfred sa mama niya.
"H-Ha? Ah eh—-"
"Tutal legal naman na kayo sa akin." Sabay ngiti ng nakakaloko ni Ma'am Clara.
Ano daw? Tawagin ko siyang.. mama? Este mom? Eh.. hindi ko sanay. Nasanay na akong Ma'am Clara ang tawag sa kanya.
"Pero M-Ma'am Clara.. baka po magalit si Auntie kapag nalaman niya.." sabi ko.
"She's right mom.. Hindi pa kasi alam ng Auntie niya ang tungkol sa amin." Sabi din ni Alfred kay ma'am.
"Hindi pa? Bakit hindi niyo sinasabi?" tanong ni Ma'am sa amin.
"Kasi baka sabihin sa'yo ma'." Sagot ni Alfred.
Biglang natawa si Ma'am Clara.
"Haha! 'Yun lang ba? Oh edi sabihin niyo na para legal na din kayo sa pamilya mo Chloe." Sabi sa akin ni Ma'am.
"Ay hindi lang po dahil dun. Sabi po kasi sa akin ni Auntie na hindi daw muna siya makakapayag kapag kapag magboboyfriend ako. Kaya nga po ako natatakot sabihin sa kanya eh..."
"Really? Well what if malaman niya na si Alfred ang boyfriend mo? Maybe she'll change her mind? Alfred's a nice guy I bet your Auntie will like him too for you." tanong ni Ma'am Clara sa akin.
Nagkibit-balikat lang ako.
Hindi ko alam. Paano kung magalit si Auntie? Pero may part din sa akin na gusto kong sabihin kay Auntie. Hindi natin malalaman ang kalalabasan kung hindi susubukan, 'di ba?
"Give it a shot. Try mo lang sabihin." Sabay ngiti ni ma'am sakin.
Pinatik ni ma'am Clara 'yung balikat ko pagkasabi niyan.
"You could bring Alfred while doing that. Sabay niyong sabihin sa Auntie mo." Dagdag pa ni Ma'am Clara.
Nginitian ko naman pabalik si Ma'am.
"Sige po ma'am.. Try ko po. Pagkabalik natin sa manila." Sagot ko kay Ma'am.
"Well then that's good! Heard that son? Ipapakilala ka daw niya sa Auntie niya."
Napatingin ako kay Alfred.
"Oo ma' narinig ko." Sagot ni Alfred at ngumiti.
Bigla kaming napalingong tatlo sa pintuan. Narinig kasi namin na bigla 'tong bumukas.
Iniluwa nito sila Bea, Lucas atsaka si Brandon.
"Ay!" sabay sabay na sabi ng tatlo ng makita kami. Nagulat yata sila dahil nakita nila kami nila Ma'am Clara na nag-uusap.
"Ah eh, sige po tita.. Labas po muna kami—-"
Naputol si Brandon sa sasabihin niya dahil inunahan na siya ni Ma'am Clara.
"No stop. Hindi naman kayo nakakadisturbo. Paalis na din naman ako."
"Ahh.." tumango tango si Brandon.
"Wait a sec," sabi ni Ma'am Clara.
"Kaibigan niyo ba 'tong si Chloe?" tanong ni Ma'am sa kanilang tatlo.
Mabilis naman silang umiling. Halatang nagsisinungaling lang.
"Now kids stop lying. No need to lie. Alam ko na ang relasyon nitong dalawang 'to and I'm fine with it. Now kung friends kayo ni Chloe 'wag na din kayo magpanggap na hindi kasi okay lang sa akin. Haha" sabi ni Ma'am Clara sa kanila.
Medyo nagulat pa sila sa mga sinabi ni Ma'am bago magsalita.
"Ay hehe, ah yes tita. Friends kami niyang si Chloe." Sabi ni Brandon.
"Yah super close po kamii," sabi din ni Bea.
"Barkada po kaming lahat dito. Haha" sabi naman ni Lucas.
"Pasensya nap o kung nagsinungaling kami ah," pagsosorry nila.
"Nah it's fine I understand." Sagot naman ni Ma'am Clara sakanila.
"Ah so barkada pala kayo dito?" tanong ni ma'am sabay tingin sa aming lahat dito sa kwarto.
Tinanguhan naman naming lahat si Ma'am Clara.
"Ah sige. Make this trip para sa barkada niyo. Bukas kasi aalis ako, business matters. Isasama ko si Leah so yeah. Kayo kayo lang ang maiiwan dito."
"Yes!!" sabi kaagad ni Brandon.
"Yehey!" sabi din ni Bea.
"Ayos!" sinabi din yan ni Lucas.
"Wow ha? Saya niyo mawawala ako? Kidding. So 'yun nga nothing to worry because bayad na ang stay niyo dito for a whole week." Sabi ni Ma'am clara.
Bigla nalang kaming nagkatinginan ni Alfred at nagngitian. Pati yung tatlong sila Bea, Lucas at Brandon nagsi-apiran. Saya siguro namin kasi solo namin ang trip na 'to.
"Sige 'yun lang guys. Sige punta na ako sa room ko. Enjoy your trip guys," sabi ni ma'am Clara bago maglakad papuntang pintuan at lumabas.
Sinarado din ni Ma'am Clara ang pintuan pagkalabas.
Sabay sabay kaming nagkatinginang lahat.
"Woo! Party tayo guys! Solo na natin 'tong trip na 'to!" Sabi ni Brandon na tuwang tuwa.
"Wait. Okay lang talaga kay Ma'am Clara 'yung relasyon niyo Alfred?"
"Yup," masayang sagot ni Alfred sa tanong ni Bea.
"Nice naman! Buti nalang. I thought hindi ko maeenjoy 'tong vacation na 'to with Chloe! Haha. Kasi ako lang babae sa atin kung nagkataon." sagot ni Bea.
Natawa din naman ako.
"O siya guys, balik lang kami ni Chloe sa room namin. Bihis lang kami then tawagin na lang namin kayo after naming magbihis para maglunch."
Pagkasabi niyan ni Bea agad niya akong hinila.
"Sige sige."
Tumango naman sila sa amin.
Pagkatapos nun lumabas na kami ni Bea ng room nila tapos pumasok ng room namin.
Pagpasok namin nakita namin si Leah na tulog. Yaan na. Pagod siguro.
Pumunta na si Bea sa kama niya para magbihis. Ganun din naman ako.
Napaisip ako habang naghahanap ng masusuot.
Ang saya. Swerte ba dito sa tagaytay? Sinuwerte kasi ako ngayon dito. Akalain niyo, andaming nangyari. Kanina lang.. umamin na ako kay Alfred na mahal ko siya. Sumunod naman naging legal na kami kay ma'am clara. Sobrang saya lang talaga.
Sana lang huwag ng mawala ang lahat ng sayang 'to sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com