Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Leave comments and votes after reading! Thank you. :]

Chapter dedicated to: SarangAnne07 :)

Comment for more Dedications.

(Join our group on facebook for the ones who would like!)

DiamondAlpha: I'm an author na hindi marunong magpakilig so waley. xD

--------------.

CHAPTER 33

Chloe's PoV

"Chloe.. Chloe gising nandito na tayo,"


Naramdaman ko ang pagyuyogyog sa akin dahilan para magising ako. Unti unti kong binukas ang dalawang mata ko. Pagmulat ko nakita ko kaagad si Leah. Nakita ko din sila Bea na pababa na sa pintuan nitong van.


Napaayos ako ng upo. Nag-unat unat din ako dahil medyo nangawit ako sa posisyon ng pagtulog ko kanina.


"Tara na Chloe." Aya ni Leah ng masigurado naming nakababa na silang lahat.


Dinala ko na lahat ng dapat bitbitin palabas ng van. Pinauna kong lumabas si Leah bago ako.


Pagkababa ko agad kong sinarado ang pinto.


Napatingin ako sa paligid sa labas at pansin kong nasa isang parking lot kami ng isang resort. Dito siguro kami magste-stay.


"Tara dalhin na natin gamit nila Ma'am Clara," sabi ko kay Leah.


Tumango naman na siya at naglakad papunta sa likod ng sasakyan para kunin ang mga gamit. Kinuha ni Leah ang bag ng gamit niya at bag ng gamit ni Ma'am Clara. Kinuha ko na din ang bag ko. Teka? Nasaan yung bag ni Alfred? Ako din kasi dapat ang magdadala nun.


Hinanap ko si Alfred kung nasaan siya. Tapos nakita kong dala dala na niya ang bag niya.


Nakatingin lang ako sa kanya dahilan para mapatingin din siya sa akin.


"I can handle this. Ako na magbubuhat." Bigla niyang sabi sa akin.


Tumango nalang ako at tumingin sa iba.


"Alright we're here! Let's go inside and get us our rooms." Sabi sa aming lahat ni Ma'am Clara at nanguna sa paglalakad.


Sumunod lang kami hanggang sa makapasok na kami sa malaking resort.


Si ma'am na raw ang bahala kumuha ng key rooms namin. Kaya pumunta na si Ma'am Clara sa maidesk. Kami naman naupo muna kaming lahat sa malalaking sofa dito sa lobby.


"Guys!" biglang sabi ni Bea.


Napatingin naman kaming lahat sa kanya.


"Picture picture tayo later! After nating magfix ng mga things natin?" aya ni Bea habang nakatingin sa kanila Lucas.


Gusto ko sana makisama pero hindi naman pwede. Ang alam ni Ma'am Clara hindi ako kasama sa barkada nila. Kaya hindi na lang kami kumibo ni Leah.


"Sure why not!" sagot ka agad sa kanya ni Brandon.


"Tara ba!" Sagot din ni Lucas.


Tumango tango lang si Alfred sakanya ng nakangiti.


"Yes! It's so beautiful kasi dito sa Resort. Sarap tuloy magselfie." Mangha at parang excited na sabi ni Bea.


Oo nga naman. Halatang halata na mamahalin itong resort na 'to. Ang linis linis at ang daming mga ilaw na magaganda. Ang gaganda din ng mga dekorasyon nila. Mama ba naman ni Alfred ang magbabayad ng pagstay namin dito. Siguradong mamahalin.


Bigla naming nakita si Ma'am Clara na papalapit.


"I took 3 deluxe rooms. Hiwalay na lang ang mga lalaki sa mga babae. 'Yung isa is mine solo ko lang haha. Di bale bukas aalis din lang ako dahil may aasikasuhin ako." Sabi ni Ma'am Clara..


Tumango tango kami.


"Heto 'yung susi ng girls. Room 83," Inabot ni Ma'am Clara ang susi kay Leah.


"At 'to naman sainyo boys, Room 84" sabay abot ni Ma'am Clara kay Alfred ng susi.


Ibigsabihin magkatabi lang ang rooms nila Alfred sa amin.


"O siya, tara na sa taas." Dagdag ni Ma'am sa mga sinabi niya.


Nagsitayuan na kami sa pagkakaupo namin at sinundan si Ma'am. Naglakad kami papunta ng elevator at sumakay. Medyo malaki naman ang elevator kaya nagkasya kaming lahat. Tumaas kami papuntang Third Floor kung saan nandon ang rooms namin.


Bumukas na ang pintuan ng Elevator at lumabas na kaming lahat.


Hinanap na namin kung nasaan ang room numbers namin.


"Uy basta guys ah, after niyong mag-ayos ng gamit picture picture tayo dito sa resort." Sabi ulit ni bea sa kanila Lucas.


Tumango lang sila. Tapos nagkanya-kanya bukas na kami ng rooms. 'Yung room rin ni Ma'am Clara katabi lang namin kaya magkakalapit.


Pagkatapos buksan ni Leah ang kwarto naming mga babae pumasok na kami.


"Ah teka lang Chloe idala ko lang 'tong gamit ni Ma'am sa room niya." Sabi sa akin ni Leah.


Tinanguhan ko siya. Tapos lumabas na si Leah ng room kasama 'yung mga gamit ni a'am Clara.


Nagulat ako bigla pagtalikod ko.


"Huwaaa chloe!-"


"Shhh," pagpigil ko kay Bea na mukhang sisigaw.


"Ay," sabay tikom niya sa bibig niya.


"Sorry, haha. Grabe kasi Chloe. It's so hard magpanggap na hindi tayo close. Ang hirap mag-adjust." Sabi ni Bea sa akin.



"Oo nga eh," sagot ko sa kanya.


"Sama ka mamaya magpicture picture?"


"Hindi pwede eh." Sagot ko sa kanya.


Hindi siya sumagot at mabilis akong tinalikuran. Kumunot ang noo ko ng bigla kong narinig ang pagpasok ni Leah sa kwarto.


Nag-ayos na si Bea ng gamit niya at ganun na din ako. Apat ang beds kaya may sobrang isang bakante. Pinili ko 'yung kama na nasa right side ng room. Katapat ko lang yung kay Bea at katabi ko naman yung kay Leah.


Mabilis kaming natapos sa pag-aayos.


"Kayo na guys muna bahala dito ah," Sabi sa amin ni Bea.


Without another word lumabas na siya. Siguro magpipicture picture na sila nila Lucas. Kaya naiwan kami ni Leah dito sa room.


Nakaupo lang ako dito sa kama ko ng mapatingin ako kay Leah.


"'Di ka lalabas Leah?" natanong ko.


Umiling naman siya.


"Hindi ayoko. Wala din lang naman ako gagawin." Sagot niya.


"Ano din naman gagawin mo dito?" tanong ko.


"Matutulog. Hehe"


"Ay haha sige," sagot ko sa kanya at tumango.


Natigilan kami pareho sa narinig namin katok galing sa labas ng pintuan. Nagkatinginan pa kami ni Leah hanggang sa mapagdesisyunan kong tumayo para buksan ang pinto. Ako kasi ang mas malapit.


Pagkabukas ko bumungad ka agad sa akin si Ma'am Clara.


"Ah Ma'am, may kailangan po kayo?" tanong ko.


"Oh yes Chloe, umm. Can you bring this to Alfred's? Naligaw kasi sa mga gamit ko." Nakita kong may iniabot si Ma'am Clara na tshirt.


Kusa namang kinuha 'yun ng dalawang kamay ko.


"Sige thanks. May aayusin pa kasi ako sa room ko." Sabi ni Ma'am Clara bago umalis.


Huh? Bakit naman kailangan ako pa ang magbibigay kay Alfred eh pwede namang si Ma'am. Si ma'am talaga palautos. Sa bagay medyo tamad si Ma'am eh. Dejoke.


Lumabas na ako ng room namin dala dala ang tshirt ni Alfred. Color red yung tshirt.



Kakatok na sana ako sa pintuan nila ng may maalala ako. Pa'no ko naman 'to mabibigay kay Alfred eh 'di ba nga nagpipicture picture sila? Pano kaya? Ay alam ko na. Kahit iwan ko nalang sa kama ni Alfred. Pero teka bukas ba?


Sinubukan kong ipihit ang doorknob kung nakalock. Hindi? Grabe naman silang boys. Hindi naglalock. Mamaya mapasukan sila niyan.


Tuluyan ko ng binuksan ang pintuan ng kwarto nila at kaagad pumasok.


"WAHH!"



Bigla nanlaki ang mata ko at napasigaw ako sa gulat.


Bigla kasing bumungad si Alfred sa akin na nakatalikod. S-Shirtless. Alam kong si Alfred 'to dahil sa brownhair niya. P-Pero shocks 'yung katawan! Nakatalikod pa lang siya, ang s-sexy na!


Agad akong napatalikod sa kanya. Napahawak ako ng mahigpit sa tshirt na hawak ko.


"Chloe?!"


Napaflinch ako sa pagtawag niya sa pangalan ko na mukhang gulat din.


"Bakit di ka kumatok nung pumasok ka?!" Natanong niya.


"A-Akala ko w-walang tao." Utal utal kong sagot sa kanya.


"And why aren't you facing me?" medyo kalmado niya ng tanong.


Pakiramdam ko naka-smirk siya habang sinasabi 'yan.


"B-Bakit kasi wala kang pantaas na damit!" Balik tanong ko sa kanya.


"Kasi ang init. Malay ko bang papasok ka" narinig kong sagot niya.


"O-Oh ito! May tshirt akong dala. Sa'yo 'to pinabibigay ni Mama mo. Oh," inabot ko sa kanya ng nakatalikod 'yung tshirt niya.


Oo nakatalikod ako habang inaabot! Muntanga nga eh.


"Thanks, haha" inabot niya din naman 'yung tshirt. Mukhang tatawa tawa pa.


"Alright you can face now. Suot ko na."


Pagkasabi niya niyan nakahinga ako ng maluwag Humarap na din ako sa kanya.


"Ba't ka ba pumunta dito?" tanong niya.


"Pinamimigay nga kasi ni Ma'am Clara 'yang tshirt mo. Naligaw daw kasi sa mga gamit niya," sagot ko sa kanya.


Tumango naman siya.


"Eh ikaw? Bakit nandito ka pa? 'Di ba sabi ni Bea magpicture picture daw kayo?" Natanong ko din.


"Nagpaiwan ako. I didn't like to."



Tumango naman ako sa sagot niya.


"Ay sige labas na 'ko-" Papalabas na ako ng pintuan ng bigla niya akong harangan gamit ng kamay niya.


Nanlaki ang mata ko. Bakit siya nanghaharang? Baliw ba siya? Kunot noo akong tumingin sa kanya.


"Ah Alfred, lalabas na 'ko." Sabi ko sa kanya.


"And where are you going?" nagulat ako sa paglapit ng mukha niya pagkasabi niya niyan.


"E-Edi sa labas. Babalik sa kwarto n-namin." Sabi ko sa kanya.


Napaatras ako dahil sa sobrang lapit niya. Pero sadyang makulit siya kaya lumapit nanaman siya sa akin. Paulit ulit lang kami hanggang sa wala na akong aatrasan.


"Huwag ka na muna bumalik. Can't you stay here for just a while?"


Fudge! Sobrang lapit na ng mukha niya habang sinasabi 'yan.


"B-bakit?"


"I kinda miss you already Chloe.."


Natulak ko siya bigla. Hindi kasi ako makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang lapit niya.



"Grabe Alfred? Kahapon lang tayo magkasama. Miss agad?" sarkastiko kong sabi sa kanya.


Bigla niya akong hinawakan sa bewang. Nilapit niya ako sa kanya. Hindi niya ako hinarap at pinatong niya ang ulo niya sa kaliwang balikat ko. Niyayakap niya ako.


Napalunok ako.


Biglang lumakas tibok ng puso ko. Fudge lang! Nararamdaman ko na 'yung nararamdaman ko dati! 'Yung para bang.. mahal ko na siya?


"Oo nga Chloe. Miss na kita.." dinig kong bulong niya.


"H-Ha? B-Bakit? A-Ambilis naman.." natanong ko.


"Because.. I love you."


Parang nakuryente ang katawan ko pagkasabi niya niyan. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Ito na ba talaga? Tama na ba 'tong nararamdaman ko?



"I.. I love you too."


Bigla niya akong hinarap. Pero nakahawak pa din siya sa bewang ko. Nakita ko ang gulat sa mukha niya.


Shocks. N-Nasabi ko ba talaga?


"T-Totoo Chloe?" ngayon ko lang yata siya nakitang mautal ng ganito.


"oo." Nginitian ko siya.


"Yes!" bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit.


Oo totoo. Ngayon ko lang narealize. Na 'yung nararamdaman ko dati na hindi ko maintindihan, yun pala ay pagmamahal. Ang sarap sa pakiramdam na nalaman at nasabi ko na din sa kanya. Mahal talaga kita, Alfred.


Yinakap ko siya pabalik.


Pero bigla ako nanigas sa kinatatayuan ko ng makarinig ako ng malakas na sigaw.


"WHAT ON EARTH DID I JUST HEAR?"


Kumalas kaagad kaming dalawa ni Alfred sa yakap namin at napaharap. Shocks! Si Ma'am Clara! Pang-ilan na ba 'to na nangyari? Oo nga pala! Bukas 'yung pintuan kanina! Patay na.


"IS THIS TRUE? HA CHLOE? SON?"


"M-Ma'am/Ma-"


Naputol kami sa pagsasalita ni Alfred dahil bigla nanamang sumigaw si Ma'am Clara.


Napalunok ako bigla. Wala na kaming takas. Wala na kaming mapapalusot.



"STOP THE LIES! AND TELL ME EVERYTHING! NOW!"



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com