Chapter 33
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: Auntita MsDyosangAuthor :)
Comment for more Dedications.
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
DiamondAlpha
—————————————-
CHAPTER 33
Chloe's PoV
Naglilinis ako ngayon sa Master's Bedroom. Nagwawalis. Nagtatrabaho pa rin kasi ako. Mamaya ko pa aayusin ang gamit ko.
Natigilan ako bigla sa pagbukas ng pinto.
"Ay Ma'am Clara," nasabi ko.
Napatayo ako ng maayos at natigil sa pagwawalis. Napaharap ako sa kanya.
"No no, just continue cleaning. May kukunin lang ako." Sabi sa akin ni Ma'am.
Tumango naman ako at sinunod ang utos ni Ma'am Clara. Nagpatuloy ako sa paglilinis.
Sa peripheral vision ko nakita ko ang ginagawa ni Ma'am. May kinukuha siya sa drawer niya na. Hindi ko na lang pinansin.
"Ah Chloe,"
"Ma'am?" Napalingon ako kay Ma'am clara sa pagtawag niya sa akin.
Namangha ako bigla sa hawak niyang kwintas sa kamay niya. Ang ganda. Color asul siya na para bang kulay ng dagat. Mukhang mamahalin din. May mga diamond din kasi na nakapaligid sa gitna ng kwintas.
"Wow." Bigla kong nasabi.
Biglang napangiti si Ma'am Clara. Naupo siya sa kama at nilapag ang isang maliit na kaha sa kama.
"So beautiful right?" tanong sa akin ni Ma'am habang pinapakita 'yung kwintas.
"Oo ma'am. Sobrang ganda. Sainyo po ba 'yan?" Tanong ko.
"It was my grandmother's. Passed to my mother. And was passed to me." Sagot ni Ma'am.
Tumango tango naman ako.
Wow talaga ang pamilya ni Alfred. Napakaingat sa mga gamit nila. Ang gaganda pa ng mga ari arihan nila.
"Uh Chloe, do you have any news for me?"
"Po?" Takang tanong ko sa 'yo.
"My son. Alfred. So, are you seeing him with a girl? May girlfriend na ba siya? Nililigawan? I told you to keep an eye on him." Sabi ni Ma'am.
Agad ko namang naalala ang pinag-usapan namin dati ni Ma'am Clara habang naghuhugas ako. Oo nga pala! Gusto nga pala ni Ma'am Clara na balitaan ko siya sa makakarelasyon ni Alfred.
Nabalutan nanaman ng kaba ang buong katawan ko. Siyempre dahil naiisip ko na a-ako ang karelasyon ni Alfred. Paano ko kaya 'yun masasabi kay Ma'am?
"Ah eh, nakikita ko po siya minsan na may kasamang babae.." pinilit kong huwag mautal habang sinasabi 'yan.
"Do you know the girl's name?" tanong ni Ma'am.
Fudge that question. Hindi ko naman pwede sabihing ako 'di ba? Napalunok ako ng sandal.
"H-Hindi ko po kilala eh.." sagot ko.
"Ay ganun ba." Sabi ni Ma'am Clara.
"Bakit niyo po ulit natanong?" tanong ko kay ma'am.
"Ah kasi I was thinking na ibigay sa babaeng makakatuluyan ni Alfred.. this necklace."
"Talaga po?!" Gulat na tanong ko.
"Hey Chloe don't shout. But yeah. I'm going to give that girl this."
"Wow.." Mangha ko nanamang bulong.
Ibigsabihin.. s-sa'kin mapupunta 'yang kwintas? Ano ba 'tong iniisip ko. Hindi rin naman siguro. Kung malaman ba ng mama ni Alfred na ako ang karelasyon niya.. ibibigay ba niya sa akin ang kwintas? Hindi siguro.
"Yup, and im feeling that im going to meet that girl in tagaytay."
Napalingon ako dahil diyan sa sinabi ni ma'am. Kumunot ang noo ko.
M-May ipakikilala ba si Ma'am Clara na babae kay Alfred sa tagaytay? H-huwag naman sana.
"Kaya naman dadalhin ko 'to sa tagaytay." Sabi ni Ma'am clara at tumayo kasama ang kwintas.
Napatango na lang ako ng mabagal.
"O siya, tapusin mo na ang paglilinis mo para makapag-ayos ka na rin ng gamit mo mamaya. I'll go outside."
"Sige po ma'am." Sagot ko kay Ma'am Clara.
Nakita kong lumabas na rin si Ma'am dito sa master's bedroom. Tumayo na rin ako sa pagkakaupo ko at hinawakan ulit ang walis. Pinagpatuloy ko na rin ang pagwawalis ko.
*
Madaling araw na. 2am. Halos wala pa akong tulog dahil nag-ayos pa ako ng gamit ko kanina. Pero okay lang. Mamaya na lang ako sa byahe matutulog.
Nakaupo ako ngayon ng maayos sa sofa ng mansion nila Alfred. Hinihintay ko lang sila Ma'am Clara para umalis na. Si Leah wala pa naman. Siguro papunta pa lang siya. Ang usapan kasi 2:30 dapat ayos na kami.
"Chloe!"
Napalingon ako sa likod ko dahil sa boses na tumawag sa pangalan ko.
"Oh leah," sagot ko.
Si Leah lang pala. Kakapasok niya lang ata dito sa mansion nila Alfred. May dala dala siyang isang roller bag na hila hila niya.
"Wala pa ba sila Ma'am Clara at sir Alfred?" Tanong ni Leah.
"Wala pa eh." Sagot ko.
Tumango na lang naman siya.
Naupo na rin siya sa tabi ko. Tahimik lang kaming nagiintay. Mga ilang minuto pa pero hindi pa din bumababa sila Ma'am Clara.
Bigla na lang kaming napalingon ni Leah ng sabay sa narinig naming pagkatok. May narinig kasi kami na katok mula sa pintuan.
Pero nanlaki lang ang mata ko sa nakita ko.
Sila Bea, Lucas at Brandon kasi ang nakita ko. Nagkatinginan kaming apat at halatang nanlaki ang mata nila dahil nakita ako.
Pero agad akong tinuro ang hintuturo ko at tinapat sa bibig ko. Medyo pinanlakihan ko rin sila ng mata. Sign of pagtahimik. Kasi baka malaman ng mama ni Alfred na magkakakilala kami. Na close kami. Buti nalang nasa likod ako ni Leah at hindi niya ko nakikita dahil nakalingon rin siya sa kanila.
"Ah pasok po kayo." Biglang sabi ni Leah sa kanila.
At pumasok nga silang tatlo. May kanya kanya rin silang dalang bag. Sila siguro yung mga inaya ni Alfred na sumama magbakasyon sa tagaytay.
Naupo sila sa kabilang sofa. Si Bea naman lumapit sa amin.
"Where's Alfred?" casual na tanong ni Bea sa amin.
"Ay wala pa po eh." Sagot ko sa kanya na para bang hindi talaga kami close.
"Pero pababa na rin po siguro sila." Sagot rin ni Leah sa kanya.
"Ahh, sige." Sagot ni Bea.
Pagkatapos naupo na rin si Bea sa tabi nila Brandon at Lucas. Nagkanya kanya silang gawa sa cellphone nila. Pero kami ni Leah tahimik parin na nakaupo.
Mga ilang minute din ang lumipas at nakita na din namin sila Ma'am Clara at Alfred pababa.
"Oh that's good. We're already complete." Sabi kaagad ni Ma'am Clara.
"Hi po tita," Bati ng tatlo sa kabilang sofa.
"Oh hello," Sabay ngiti ni Ma'am Clara sa kanila.
"Alfred, are they your friends na isasama mo?" tanong ni Ma'am Clara kay Alfred.
"Yes Ma'." Sagot ni Alfred.
"That's good. Atleast para may kasama ka dun," sabi ni Ma'am.
Biglang napatingin si Ma'am Clara kay Bea. Tapos medyo naningkit ang mata niya.
"Wait a sec, Are you bea?" Tanong ni Ma'am Clara kay Bea.
"Ah, opo. Why po?" sagot ni Bea.
"So, ikaw 'yung ex ni Alfred?"
"Ah eh, opo. Pero past is past po. We're okay na po. Magkaibigan na po kami now." Sagot ni Bea sa tanong ni Ma'am Clara.
"That sounds okay. Alright let's go?" Sabi ni Ma'am Clara.
Tumango naman kaming lahat at nagsitayuan.
Binigay ni Ma'am Clara ang bagahe niya kay Leah para siya ang magbubuhat. Kusa ko rin namang kinuha ang bagahe ni Alfred dahil ako rin ang magbubuhat. Binigay at inabot sa akin ni Alfred ang bag niya na parang katulong lang talaga ako. Medyo mabigat pero kaya ko namang isabay buhatin kasama ang bagahe ko.
Naglakad na kaming lahat palabas. Pinangunahan ni ma'am clara ang paglalakad papunta sa sasakyan na sasakyan namin papuntang tagaytay.
Pumasok na kami sa Van at nakita na namin don ang driver.
Walang nakaupo sa shotgun seat. Sa second row naman nandon si Maam Clara at Alfred. Sa Third row sila Brandon, Bea at Lucas. Kami naman ni Leah ang nasa dulo kasama ang ilang bags. Gusto ko kasi ng may parang masasandalan para makaidlip ako. At sa pinakalikod ay yung compartment kung nasaan lahat ng bagahe namin.
Nagsimula ng umandar ang van.
"Tulog muna 'ko." Sabi ko kay Leah.
"Ako din." Tumango si Leah sa'kin.
Sumandal na ako ng maayos at saka pinikit ang dalawang mata ko.
Bigla nanamang pumasok sa isipan ko 'yung kwintas na pinakita ni Ma'am Clara sa akin kagabi. Kanino kaya 'yun mapupunta? Sa tagaytay daw makikilala ni Ma'am Clara ang makakatuluyan ni Alfred. Sino kaya? Maya maya nakatulog na din ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com