Chapter 32
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: Violet_Roses :)
Comment for more Dedications.
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
DiamondAlpha
--------------
CHAPTER 32
Chloe's PoV
Isang buwan na ang lumipas. Ang bilis, ano? Sobrang bilis.
Parang nung last month lang nagpapanggap ako dito sa school. Ngayon, ito. Malaya na ako at hindi nagtatago.
Marami akong narealize. Hindi naman pala marami ang mambubully dahil sa mahirap ang isang tao. Nakita kong ganon pa rin naman. Hindi ako pinapansin ng mga taong hindi ko kilala at pinapansin pa rin naman ako ng mga kakilala ko. Walang nagbago.
Maliban na lang sa kanila Sabrina, Arianne at Patricia. Hindi na nila ako pinapansin. Hindi na nila ako inaapi. Parang tinuring nila akong stranger. Ewan ko ba talaga sa kanila at ayaw nilang makipagkaibigan sa isang tulad ko. Ganon pa rin naman sila. Nakikita ko pa ring paminsan na nambubully sila ng kung sino sino.
Bahala na sila sa buhay nila. Wala na akong pakialam. Kung ayaw man nila makipagkaibigan, 'di wag.
Last day muna namin ngayon sa school. Sem break na kasi.
Eto kami ngayon nila Alfred, Brandon, Lucas, Bea at siyempre ako dito sa mall. Nagbobonding. Since mayroon kaming 2 weeks na bakasyon.
Andito kami sa may foodcourt. Kumakain. Libre ni Brandon eh.
"Brandon, ano na pala balita sa Fiancee mo?" tanong bigla ni Lucas kay Brandon.
"Baka pwede you can make sama sa kanya sometime sa atin?" Tanong din ni Bea kay Brandon.
Biglang nag iba ang aura ni Brandon.
"Hayst. Ewan ko, ni hindi ko na nga siya nakita matapos nung birthday ko eh." Sagot niya.
"Bakit naman?" Natanong ko bigla.
"I don't know. Pero sabi nila mom sa school rin natin siya nag-aaral. Pero hindi ko naman siya nakikita."
"Maybe you should find her." Sabi ni Alfred sa sagot ni Brandon.
"No way bro! Bakit ko naman siya hahanapin? I don't want to see her. Ever." Sagot ulit ni Brandon.
"Why so rude Brandon? Haha" Natanong ni Bea.
"Tss. Kung hindi ko na siya Fiancee. Siguro pwede ko na siya maging kaibigan. Kaso, aish. I don't want to marry her." Sagot ni Brandon.
"Why dude? Malay mo magustuhan mo din lang pala." Sagot ni Lucas sa kanya.
"I don't know. Change topic na guys." Parang naging irritated na 'yung tono ng boses ni Brandon.
"Uhmm, San kayo magbabakasyon ngayong sem break guys?" tanong bigla ni Bea.
Saan ba ako magbabakasyon? Wala naman. Ni lolo at lola ko hindi ko kilala. Sino namang bibisitahin namin ni Auntie? Wala. Kaya siguro buong sembreak nandun lang ako sa apartment. Kapag gabi magtatrabaho sa mansion nila Alfred. 'Yun lang siguro.
"Hindi ko alam eh." Sagot ni Brandon.
"Ako rin, I don't know." Sagot ni Luas.
Nagkibit balikat lang kami ni Alfred.
"Well, so wala tayong lahat plans haha. What if magplano tayo guys?" suggest ni Bea.
"Saan naman-"
Naputol ako bigla sa tatanongin ko ng biglang tumayo si Brandon. Nakatingin siya sa phone niya.
"Uhm guys maybe we should plan this some other time."
"What's wrong bro?" tanong ni Alfred kay Brandon.
"Sunduin ko lang si Dianne sa bar. Naglasing iniwan na yata ng boyfriend niya." Sabi ni Brandon.
"Ay ganun ba, sige go Brandon." Sagot sa kanya ni Bea.
"Bye. Ingat." Sabi naming lahat kay Brandon.
Nagpasalamat na rin kami sa kanya dahil sa panlilibre niya. Tapos saka na siya nagsimulang maglakad paalis.
"Guys una na rin kami ni Chloe. Malapit na rin kasi 'yung oras ng pagtrabaho niya."
"Ay. Sigi Alfred. Bye! Ingats kayo!"
"Daming ingat nun hon' ha? Haha sige Guys ingat kayo."
"Sige,"
Nginitian lang namin ni Alfred ang dalawa bago tumayo.
Nagsimula na kami pumunta sa parking lot. Nandon kasi 'yung motor ni Alfred.
"Chloe.."
"Hmm?"
"Sem break na."
"Alam ko." Natatawang sagot ko kay Alfred.
Ano bang trip niya?
"Don't you realize?"
Kumunot noo ko sa tanong niya.
"Realize what?"
"Hindi nanaman tayo pwedeng magpansinan sa bahay." Parang malungkot na sabi niya.
"Ay. Oo nga 'no." nasagot ko din.
"Chloe."
"Oh?" tanong ko.
"You're a clever girl right?"
"'Ndi naman." Sagot ko.
"You are. Brave pa nga eh."
"Oo nalang." sagot ko.
Natawa siya bigla.
"Isip ka nga ng paraan. Para maging legal na tayo." Sabi niya bigla.
"Eh? Ayaw."
"Why not?" tanong niya.
"Natatakot ako sa reaksyon ni Auntie. Lalo na sa mama mo. Kay ma'am Clara." Sagot ko.
Sakto namang nakarating na kami sa harap ng motor niya.
"Fine, fine. Mamimiss kita." Bigla niyang sabi.
"Hala? Parang aalis ako ah. Sa likod nga lang ng bahay niyo ang apartment namin." Sabi ko.
Parang baliw lang si Alfred eh. Para naman akong pupuntang ibang bansa na aalis. Haha
"Still. We can't talk so often. Can't talk like this."
"Okay lang 'yan Alfred. 2 weeks lang naman." Ngumiti ako.
"Fine then. Tara na. Sumakay ka na." sagot ni Alfred.
And without another word sumakay na ako. Nagsuot ako ng helmet at sumakay na rin si Alfred. Nagsimula ng pinaandar ni Alfred ang motor paalis dito sa mall.
Papasok na kami ngayon ni Alfred ng gate. Pagkapasok namin nakita namin si Ma'am Clara sa harap ng pintuan ng malaking bahay nila.
"Ma, why are you outside?" tanong ni Alfred kay Ma'am Clara.
"Hmm, pansin ko lang ha. Madalas na yata kayo magsabay dalawa pag-uwi? Naghihintayan yata kayo pag uwian niyo huh?"
Habang sinasabi 'yan ni Ma'am clara nakakunot noo siya. Nakataas din ang kilay niya habang nagtatanong.
"Naku ma'am hindi po." Sagot ko kaagad.
"Minsan lang naman Ma. Nakikita ko kasi siyang naglalakad and I just decide to let her hop in. We live in the same place anyways." Explain ni Alfred.
Isang dakilang sinungaling talaga. Dejoke.
"Ah sige sige. Son dalian mong magbihis and go downstairs after. Ikaw rin chloe pagkatapos mong magbihis ng pantrabaho pumunta ka rin mamaya dito. I have something to say."
"Ano 'yun ma? You can tell us now." Sagot ni Alfred.
Ano kaya 'yun?
"No. Later. Magbihis na muna kayong dalawa."
"Ah sige po ma'am Clara." Pagsang-ayon ko na.
"Fine Mom. Sige bihis na rin po ako." Sabi ni Alfred.
Nagsimula ng maglakad si Alfred papasok sa malaking bahay nila. Sumunod na rin sa kaniya si Ma'am Clara. Kaya naman nagsimula na rin ako maglakad papunta sa apartment namin.
Pagkarating ko ako lang nanaman ang tao. Nagtatrabaho pa si Auntie. Nagbihis kaagad ako ng whiteshirt at jeans. Tapos agad lumabas ng apartment at nagpunta sa bahay nila Alfred.
Pumasok na ako at dumiretso sa baba ng hagdanan.
Nakita ko dun ang isang babaeng nakapam bihis ng maid. Tumabi ako sa kanya.
"Hi." Nginitian niya ako.
"Uhh, Hi?" Patanong na sagot ko sa kanya.
"Nako, mukhang 'di mo na ata ako maalala Chloe." Sabi sa akin ng babae.
"Eh? Hehe 'ndi nga yata." Sagot ko.
"Ah. Ako 'yung maid na inutusan dati ni sir Alfred nung pinapatawag ka niya dati sa room niya. Yung naglilinis ka sa master's bedroom."
Dati? 'Yun ba 'yung time na blinock mail rin ako ni Alfred sa kwarto niya para maging kami? Para daw makamove on ako? Oo tama!
"Ay oo! Naalala ko na. Umm, Leah right?" tanong ko.
'Yun kasi ang naalala kong pangalan niya. 'Yun yung sabi niya nung tinawag niya ako sa master's bedroom dati.
"Yup! Buti naalala mo pa. Sana maging friends tayo." ngumiti ulit siya.
"Sure."
Nginitian ko rin naman siya.
"Bakit pala ngayon lang ulit kita nakita?" natanong ko.
Matagal na rin kasi simula nung inutusan siya ni Alfred na ipatawag ako sa kwarto niya. Tapos ngayon ko na lang ulit siya makikita.
"Ah. Kasi nag-iba na ako ng oras ng trabaho. Dahil nadagdag ka as maid sa gabi, ginawa akong maid sa umaga. Kaya siguro hindi tayo nagkikita."
"Ahh. Eh ngayon? Gabi na.." tanong ko.
"Ah.. Pinatawag kasi ako ni Ma'am Clara. May sasabihin daw. Uuwi na din ako pagkatapos."
"Ay parehas lang pala tayo. Pero pagkatapos magtatrabaho pa ako.." Nasagot ko.
"Oh ayan na pala sila." Bigla niyang sabi sabay lingon sa hagdan.
Nakita namin si Ma'am Clara at Alfred pababa. Bumaba sila at si Ma'am Clara humarap sa amin ni Leah.
"Okay I just want to tell you guys that.. We're going to a vacation."
Nagulat ako. Bakasyon? Saan naman?
"I have a business trip. Our vacation would be in tagaytay. Isang linggo.." sabi ni Ma'am Clara.
Nakatungo lang kami kay Ma'am clara at nakikinig.
"And I've chosen the two of you to be our maids there. Okay lang?"
"Opo naman ma'am ayos lang." sagot ko.
"Okay lang po ma'am." Sagot din ni Leah.
"That's good. Bukas ng umaga tayo aalis. Kaya kailangan makapag-ayos na tayo ngayon. Alright?" Tanong ni ma'am Clara.
"Yes ma'am." Sagot naming dalawa.
"And oh. Son, pwede kang magsama ng mga kaibigan mo. Para doon na din kayo sa resort magbakasyon."
"Sige ma." Sagot ni Alfred.
"That's all I had to say. Sige taas na ako sa taas at may gagawin ako sa office ko." Sabi ni Ma'am Clara.
Tumango kami.
Si Alfred dumiretso sa kusina.
"Ah Chloe, una na ko ha. Uuwi pa ako at mag-aayos. Balik na lang ako dito madaling araw."
"Sige." Sagot ko kay Leah at ngumiti.
Pagkatapos niyang umalis, nagsimula na din ako magtrabaho.
Mamaya na lang pagkatapos ko magtrabaho saka ako mag-aayos ng mga gamit. First time kong makakapunta sa tagaytay.. Teka kasama si Alfred magbabakasyon? Sana naman makausap ko siya o makasama. Ewan ko ba. Parang nitong mga nakaraang araw...
Nasanay na ako na lagging kasama si Alfred. Lalong gumaan ang loob ko sa kanya lalo na no'ng araw na sinuportahan niya ako sa pag-amin sa buong school ng sikreto ko.
Nararamdaman ko na rin ata ang sinasabi niya.
Gusto ko na rin na maging legal ang relasyon namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com