Chapter 31
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: CrissieAnne :)
Comment for more Dedications.
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
DiamondAlpha
—————————————-
CHAPTER 31
Chloe's PoV
Nakapasok na ulit kami ni Alfred ng Auditorium.
"I'll come with you."
"No Alfred. Maupo ka na sa upuan natin. Baka hinihintay ka na nila Bea and Lucas."
"You sure Chloe?"
"Oo Alfred. Saka magspe-speech lang naman ako eh." Nginitian ko siya.
"Sige Chloe. Goodluck." Sagot niya.
Tumango lang ako sa kanya.
Nag-iba na kami ng daan. Pumunta na si Alfred sa pinag-upuan namin kanina. Ako naman dumiretso na ng backstage.
"Brandon?" Bigla kong natanong ng madaanan ko si Brandon sa backstage.
"Oh Chloe,"
"Ba't ka nandito? Ngayon pa lang kita nakita buong araw ah." Sabi ko sa kanya.
"I'm one of the staff in this program kasi. Haha, akalain mo 'yun? Anyway, ikaw. Bakit ka rin nandito?"
"Ahh. Isa din kasi ako sa mga magspespeech." Sabi ko sa kanya.
"Oh?! Nagstart na ha. Pang-ilan ka?"
"Panghuli pa." Sagot ko sa kanya.
"Edi dapat pala dalian mo. 6th speech na oh." Sabi ni Brandon sakin.
"Saan ba sila?" natanong ko.
"This way. Makikita mo 'yung nakapila diyan na mga nagpespeech." Sabay turo niya sa isang daan.
"Sige sige. Salamat Brandon." Pagpapasalamat ko sa kanya ng nakangiti.
"Sige welcome. Goodluck."
Sinunod ko na ang daan na binigay sa'kin ni Brandon. At tama nga siya nakita ko ang dalawa babaeng nakatayo na mukhang nagreready sa speech nila.
"Thank god Chloe, akala ko hindi ka na makakapunta." Biglang bungad sa akin ni Mrs. Cruz.
"Sorry ma'am." Pagsosorry ko.
"It's alright atleast you came. So are you ready about your speech?" Tanong ni Ma'am sakin.
"Yes ma'am." I smiled.
"Good sige. Goodluck Chloe. Teka tawag yata ako don." Sabi ni Mrs. Cruz.
Bigla na siyang umalis sa harap ko at may pinuntahan.
Tumngo na lang ako. At nakipila sa likod ng dalawang babae. Naririnig ko na din ang pagspeech ng number 7 sa stage.
Malapit na ako. Medyo kinakabahan ako pero kaya ko 'to.
Habang nag-aantay prinaktis praktis ko sa utak ko ang speech ko.
Hanggang sa di ko na malayan na ako na pala ang magspespeech. Pinapunta na ako sa stage.
Kaharap ko na ang madaming tao. Kaharap ko ang madaming studyante at mga guro at lahat sila ay makikinig sa akin.
I took a deep breathe bago itapat ang bunganga ko sa mike.
Biglang nahagip ng mata ko ang tatlong babaeng kakapasok galing sa pintuan dito sa Auditorium. Tss.. Sila Sabrina, Patricia at Arianne lang pala. Nakita yata nilang nakatingin ako kaya agad nila akong inirapan.
Hindi ko na ulit sila pinansin at nagsimula ng magsalita.
"To our principal, guest speakers, students and especially the teachers, Goodafternoon."
Nginitian ko silang lahat at nagpatuloy.
"Thank you for giving me an opportunity to give my speech today. For the teachers. Happy teachers day everyone."
Bigla silang nagpalakpakan.
"Teachers. They have their own sense of responsibility in making a student creative. They display affection, sympathy, compassion, and love for students. They also communicate and interact with students with discussion, debate, exchange, relating experiences and having appreciation on differences. They create human assets for our future. They can bring out creative changes in this world. What more can teachers do, right?"
Muli nanaman silang nagpalakpakan.
"Teachers are somewhat like our parents. We are with them for almost 8 hours in a day. Not only to create conducive learning but also to nurture students living fully without conflict so that our lives won't become a battle field. They enable us to work, build, to create together, and to live life without fear. Because when there is no fear, there will be freedom."
Nagpalakpakan muli at mayroon pang sumipol.
"Thank you very much for understanding and bearing with our different attitudes. Thanks for allowing us to participate in school, competitions, exposing our talents and abilities, and for being supportive for every activities. Thank you teachers for every wonderful thing that you have done to each one of your students."
Nagpause ako.
"So that's it! Thanks for having me again today on this stage. Happy teachers day! Wish you all the best!" Sigaw ko ng nakangiti.
Lahat nanaman sila naghiyawan.
"Alright! Thank you very much ms. Chloe for such a wonderful speech—-"
"Oh I'm not finish yet. Can I share to all of you a secret?" Bigla kong pagputol sa Emcee.
Nagsitahimik na rin lahat ng tao.
"Oh well then go ahead Ms. Chloe." Sagot ng emcee.
Tumayo ako ng tuwid. Humarap ulit ako sa lahat ng tao dito sa Auditorium ngayon.
Napatingin ako sa pwesto nila Sabrina. Nakakunot ang mga noo nila at halatang nagtataka. Medyo nagsmirk ako sa kanila.
"I just have something to share you guys..."
This is it. Gagawin ko na. Sasabihin ko na sa lahat.
Biglang nahanap ng mata ko ang pwesto nila Alfred. Tinignan ko lang si Alfred. Mas nararamdaman ko ang lakas ko kapag nakatingin ako sa kanya.
Puno ang mata niya ng alala. Para rin siyang kinakabahan.
Pinilit kong ngumiti kay Alfred. Sinasabing okay lang. Tinignan niya naman ako na para bang sinasabing wag kong ituloy ang balak ko. Pero hindi ko pinansin at nagpatuloy.
"I... I-I'm not what you think I am."
Nasabi ko rin.
Halata sa mga mukha ng madla ang pagtataka. Hindi yata nila ako naintindihan.
"This school is a school for rich people. Beautiful people, handsome people, awesome people, cool kids. And I act to be like them."
Nagulat ang iba sa sinabi ko. Maging ang mga teachers ay nagtaka pero tumutok parin sa akin.
Napalunok ako.
"Alam kong.. Madami sa atin dito ang ayaw sa mga mahihirap. Aminin man natin o hindi. Meron yung mga mambubully porket alam nilang walang kaya ang mahihirap. Inaapi nila ang mahihirap.. Hindi nila pinapatahimik ang buhay ng mga mahirap.. at ayaw ko ng ganon kaya naman nagpanggap ako.. bilang isang kagaya niyo."
"Isa pa... Nagtatrabaho ako bilang m-maid. Katulong po ako.."
Marami ang nangapos hininga. Marami ang nagulat sa mga sinabi ko.
Hindi ko alam kung ano ang reaksyon nilang lahat. Kung kagaya ba nila bea na tanggap ako, o kagaya ba nila Sabrina na imamaliit ako..
Bigla na akong nag-alala. Tama ba 'tong ginagawa ko?
Napatingin ulit ako kay Alfred. Bakas na sa aura ng mukha ko na kinakabahan ako. Bigla akong nginitian ni Alfred.
Pinilit ko pa ulit magsalita.
"Kaya ko po 'to sinasabi sainyo ngayon.. Dahil, ayoko na pong magpanggap. Gusto ko na po maging malaya. Marami na po kasing nangyayari dahil sa pagpapanggap ko na 'to.."
Napalunok ako. Para akong naiiyak.
"Kahit ano pong komento pwede niyo pong ibigay ngayon. Kung tanggap niyo po ako. Kung ayaw ninyo sa akin. K-Kahit ano.."
Walang umiimik ngayon sa Auditorium. Katahimikan ang bumalot sa aming lahat.
Nagulat na lang ako bigla sa pagtayo ng isang lalaking nerd.
"Ayoko na rin magpanggap!!"
Napalingon lahat ng tao sa kanya dahil sa malakas na pagsigaw niya.
"M-Mahirap lang din ako!" Dagdag pa ng lalaking nerd.
Maging ako nagulat sa pagsigaw niya. Lalo na sa sinabi niya.
"Me too!!" sigaw rin ng isang babaeng parang maarte.
"I act like mayaman.. pero ang too po.. poor lang ako!!" sigaw niya.
Ngumiti ako. Tinapat ko ulit ang bunganga ko sa mike.
"You see! Marami din pala ang mga kagaya ko dito!" sigaw ko.
"But, it shouldn't matter right? Sa ugali dapat natin tinitignan ang isang tao. Hindi sa istilo ng buhay. Pwedeng makisama ang mahirap sa mayaman, at pwede ring makisama ang mayaman sa mahirap. Walang paghuhusga."
"May point si ms. Chloe!"
"Tama nga naman siya!"
"Simula ngayon wala na dapat ang aapi sa mahihirap!"
"Correct! We agree!"
"Woo! We salute you ms. Dapayoso!"
Kung ano anong komento ang binigay nila sa akin. Biglang nagsipalakpakan ang iba at naghiyawan.
Ang saya ko at nalabas ko na ang lahat ng 'to.
"Maraming salamat po sa inyong lahat sa pakikinig sa akin.." ngumiti ako.
Nakita ko sila Sabrina at ng dalawang kasama niya na nagwalk out. Lumabas sila ng auditorium na halatang inis na inis. Haha! Wala na akong pakialam sa kanila. Hindi na nila ako slave!
Yumuko na ako dito sa stage kaharap ang mga tao. At saka humarap sa Emcee.
"Wooo! Let's give a big round of applause to this tough girl that shared us her secret!"
At muling nagpalakpakan ang mga tao dahil sa sinabi ng Emcee.
Ngumiti na lang ulit ako sa kanilang habang pababa ako ng stage. Habang nasa hagdanan ako pababa nakita ko sila Alfred, Lucas, Bea at pati si Brandon sa baba.
"Chloe! You're so brave! Buti nasabi mo na sikreto mo!" sabi sa'kin ni Brandon.
"Woot! Woot! Chloe you're the best!" sabi rin ni Lucas.
"O to the M to the G!! Maid ka pala chloe! Well who cares! I still love to be your frieend!" Bungad rin sa akin ni Bea.
"Thanks guys." Nginitian ko sila.
"Clever girl," bigla akong niyakap ni Alfred. "I knew you can do it." Bulong niya habang nakayakap sa akin.
"Thank you Alfred.. so much," niyakap ko siya pabalik..
Niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil sa pasasalamat ko sa lahat sa kanya.
"Opps! Celebrate tayo guys! Group hug!" Biglang sigaw ni Brandon at nakiyakap sa amin.
"Group huuuuug!" narinig kong sigaw ni Bea.
Yumakap na rin sila Bea at Lucas sa amin.
Ang saya naman. Sobrang saya. Ito ang pinakamasayang araw ko dito sa school na 'to. Dahil simula ngayong araw na 'to hindi ko na kailangan magtago bilang isang mahirap. Hindi na ako ulit pa mabablock mail dahil sa sikreto ko. Hindi na rin ako maapi nila Sabrina. At last...
Malaya na rin 'ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com