Chapter 30
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: Eomma PurpleEnchanted :)
Comment for more Dedications.
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 30
Chloe's PoV
"Well... I wasn't expecting any of this."
Sabay sabay napalingon ang tatlo sa likod ko.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil nakilala ko ang boses na 'yun. Ibigsabihin s-sinundan niya ako? Alam kong siya ang nagsalita.
Si Alfred.
"Oh gosh!! Alfred?!" gulat na sigaw ni Arianne.
"The fck are you doing here?!" Sigaw rin ni Sabrina.
"Uhmm! Is the program done already?!" Painosenteng tanong naman ni Patricia.
Nakita ko namang napaatras ang tatlo. Siguro lumapit si Alfred sa gawi nila. Kinabahan ako. Nakatalikod pa rin kasi ako. Natatakot akong lumingon. Hindi ko alam bakit.
"Quit playing around,"
Nanlaki ang mata ko ng biglang sumulpot si Alfred sa tabi ko.
"I heard everything." Dagdag pa niya sa sinabi niya.
Napalunok ako. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ayoko makita reaksyon niya.
Knowing na nagsinungaling ako. Hindi ko sinabi ang deal namin ni Sabrina. Tapos bigla niya na lang malalaman ngayon. Malalaman niya ng hindi ko sinasabi.
"So this is the reason why Chloe's so stressed these days. Kayong tatlo. Parang hindi kayo tao!" galit na sigaw ni Alfred.
Halatang nagulat silang tatlo.
Pero nakayanan pa rin ni Sabrina na magsmirk. Pinapakita niya lang talaga ang pagkasama ng ugali niya.
"Oh please Alfred. Halata namang tao kami diba?" mapilosong sagot ni Sabrina.
Nayukom bigla ni Alfred ang palad niya.
"Damn you three! Wala kayong karapatang gawing slave si Chloe!" Nagulat ako sa malakas na pagsigaw ni Alfred.
Buti nalang kami kami lang ang nandito sa hall.
"Trip namin. We want to okay?" sagot sa kanya ni Rianne.
" Wala rin lang naman siyang laban sa amin. Right Chloe?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Sabrina. Yumuko lang ako.
"Walang laban?"
"Yes Alfred." Nakita ko ang pagsmirk ni Sabrina, We know her secret."
Nanahamik sandal si Alfred. Halatang nagulat siya sa sinabi ni Sabrina na alam na nila ang sikreto ko.
"So you blockedmailed her?"
"Obviously."
Alam kong sobrang pikon na si Alfred dito sa tabi ko. Gusto ko na ngang tapusin 'to. Pero paano? Ewan ko.
"You guys are heartless! Hindi porket mahirap siya mamaliitin niyo na lang si Chloe ng ganyan!"
"Bla bla Alfred. Wala kang magagawa. Kung hindi na siya magiging slave namin, we have no choice to spread her precious secret!"
Napapikit ako. Bakit ba ganyan sila kasama?
"Alfred.. t-tama na.. wala tayong magagawa..." nabulong ko.
Wala na ring nasabi si Alfred. Kasabay naman noon ang pagtawa ng malakas ni Sabrina. Biglang nakisabay sa pagtawa ni Sabrina ang dalawa. Sobrang nakakapanginsulto lang.
"Haha! Now what? Speechless kayong two? Haha wala kayong magagawa." Biglang sabat ni Rianne.
"May weapon kami kung titigil si Chloe na maging slave namin. Haha, we'll spread her secret." Singit na rin ni Patricia.
"I don't know about you ba Alfred. Pinatulan mo si Chloe na maid."
Gusto kong sagutin si Sabrina diyan. Pero hindi ko magawa dahil katulad nga ng sinabi niya wala akong laban. Pero parang sumusobra na yata siya.
"Why Sabrina? Do you see love in social classes? Ako hindi. I don't mind Chloe being in the low class. I love her for who she is."
Dahil sa sinabi ni Alfred nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa mukha ko. Ramdam ko nanaman ang pagkamula ng pisngi ko.
"Pathetic love Alfred,"
"You're pathetic Sabrina. Kaya walang nagmamahal sa'yo ng totoo." Sagot ni Alfred kay Sabrina.
Napatawa naman si Sabrina. Hindi ko alam bakit.
"Haha, are you kidding me? Ako kaya ang hindi nagmamahal ng totoo not them haha."
Bigla nanamang kinuyom ni Alfred ang palad niya na para bang inis na inis na siya.
"Calm there Alfred. Baka sumabog ka pa." Sabi ni Rianne sa kanya.
"Kung hindi lang kayo mga babae, I'd probably be punching your faces." Pigil sigaw ni Alfred sa kanila.
"Oh! So buti pala we 3 are girls 'no? haha" pilosopong sagot sa kanya ni Patricia.
"So pa'no ba 'yan? Una na kami. We have stuffs to do pa." Nagsmirk na naman si Rianne pagkasabi niyan.
"Oh and remember Chloe, you're still our slave. Kung ayaw mo na, alam mo na" biglang kumindat sa akin si Sabrina ng mapang-asar.
Sabay sabay na umalis ang tatlo.
Naglakad sila paalis dito sa hall.
Nanatili lang kaming tahimik ni Alfred.
Hanggang sa makarinig ako ng isang buntong hininga galing sa kanya. Sa peripheral vision ko nakita ko ang pagharap niya sa akin. Pero nakayuko lang ako. Ayoko siyang tignan. Nakokonsensya pa rin ako at nagsinungaling ako.
"I can't believe you too Chloe," rinig sa boses niya ang inis. "You lied to me,"
"S-Sorry.." tanging nasagot ko.
"Damn it! Sinabi mo man lang sana.."
Halatang pinipigilan lang ni Alfred ang inis niya habang kinakausap ako ngayon.
"Sorry! S-Sinabi kasi nila Sabrina.. na kapag sinabi ko.. i-ikakalat nila ang sikreto ko.." nauutal kong sagot.
"Argh! Kailan ba matatapos ang pagtatago mo Chloe?" iritadong tanong ni Alfred.
Hindi ko rin alam. Kailan nga ba? Kapag puti na ang uwak? Ewan ko. Sana nga Alfred, matapos na rin 'to.
"E-Ewan ko,"
"So? Are you going to continue being their slaves?" natanong bigla ni Alfred.
Wala akong imik. Am I? itutuloy ko pa ba? Or hindi na para kumalat na ang sekreto ko para makawala ako sa kalokohang pagtatago na 'to?
"A-Ano ba dapat?" balik tanong k okay Alfred.
"Your decision Chloe."
Tama siguro siya. Decision ko 'to. Kaso hindi ko alam ang idedesisyon ko. Ang hirap.
"Tulungan mo 'ko Alfred... h-hindi ko alam."
Mahina ang boses ko sa pagsabi ko niyan pero sapat lang para marinig ni Alfred.
"Help you decide?"
Tumango ako pagkatanong niya niyan.
"I can't either," dagdag pa niya sa sinabi niya.
Napatingin ako ng deretso sa kanya.
"Siguro Chloe.. If I were you, I wouldn't know what to do either."
Wala akong imik. Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Sorry if I can't help you now Chloe. Hindi ko lang din alam ang gagawin."
Naramdaman ko nalang bigla ang kamay niya.
Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Tinignan ko siya at binigyan niya ako ng isang ngiti para mapagaan ang loob ko.
"You're strong enough Chloe. You're clever. Alam kong makakaisip ka rin ng tamang desisyon."
Nginitian ko siya pabalik.
"Thank you. Thank you talaga Alfred. Nagpapasalamat akong nasa tabi kita ngayon."
Napatigil kami sa bigla naming narinig na hiyawan sa Auditorium.
"Thank you very much for all those performance for the teachers, students! Let us now proceed for the wonderful students giving their speeches for the teachers!"
"Giving of speeches already?" Natanong ni Alfred.
Napatingin siya sa akin.
"Kailangan na natin bumalik. Kailangan ko na pumunta sa backstage." Sabi ko sa kanya.
Tumango naman siya.
Nagsimula na kaming maglakad.
Di bale, ako ang pinakahuling magbibigay ng speech at sampo kami. Kaya ayos lang kung papunta pa lang ako.
Habang naglalakad hindi ko maiwasan maalala ang pangyayari kanina. Biglang may pumasok sa isip kong ideya. Pagkaisip ko dito naramdaman kong tama 'to. Alam kong ikabubuti ko na 'to.
Alam ko na ang gagawin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com