Chapter 29
Leave comments and votes after reading! Thank you for 5.5k reads. :]
Chapter dedicated to: RightGirl10 :)
Promoting~
~Read her stories please. Kahit try lang. :) Matsala. Try her story: My Threatend Heart.
Comment for more Dedications.
Thanks for Bea's OP for the photo at the media! Credits to you atee. ;*
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 29
Chloe's Pov
Mga ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin kami sa parking lot ng school. Agad nagpark si Alfred. Bumaba na siya ng motor at bumaba na rin ako. Tinanggal ko ang helmet na suot ko at inabot sa kanya.
"Chloe.. we're kinda late. Okay lang ba na hindi kita mahatid sa room mo?" Tanong ni Alfred.
"Oo naman." Sagot ko.
"Sige. Bye Chloe. Ingat. See you later." Nginitian niya ako.
Nginitian ko naman din siya.
"That's it Chloe. Just always smile. Huwag palaging stressed." Sabay tawa niya.
Napatawa rin naman ako.
"Haha. Sige. Bye na. Ingat ka rin." Sabi ko.
"Get well soon okay? I can still see you're not okay."
"Ano ba Alfred? Okay nga lang ako.." Pagpilit ko sa kanya.
Umiling iling siya.
"Stop denying. Basta. I hope you'll be okay soon." Sabi niya.
Pero nagulat ako sa mga sunod niyang sinabi.
"I love you and I don't like seeing you like this."
Nanlaki ang mata ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Napaiwas pa ako ng tingin kay Alfred.
Paminsan lang kasi siya magsabi ng ganyan. Mag... iloveyou... Minsan lang as in. Kaya bawat pagsabi niya ng ganyan sa akin iba ang nararamdaman ko. Hindi ko pa rin maintindihan. Kaya wala pa rin akong masabi tuwing sinasabi niya 'yan.
"Hahah," tawa niya sabay kurot sa pisngi ko.
"I'll be going." Sabi niya ng nakangiti.
Dahan dahan na lang ako tumango.
Hindi pa rin ako makapagsalita.
Tinalikuran na niya ako at nagsimulang maglakad papunta sa way ng building niya.
Napapikit na lang ako at iling. Tapos natauhan ako na late na nga pala ako. Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa building ko.
Habang naglalakad iniikot ikot ko ang mata ko sa paligid. Nagtitingin kung nandito sila Sabrina. Magtatago ako pag nakita ko sila. Siyempre wala akong mabibigay na miniature house kaya siguradong magagalit nanaman sila sa akin.
Hanggang sa tuluyan na akong makarating sa room ko.
Nakaupo na silang lahat. Pero wala pa namang prof. naming kaya ayos lang na maupo kaagad ako. 5 minutes pa lang naman ang late ko. Buti na lang.
"Goodmorning Class." Bungad ni Ma'am pagkapasok sa room.
"Goodmorning ma'am." Bati rin naming lahat.
"Alright class. Bring out your books and open 'em on page 135." Bilin ni Ma'am.
Kami naman iotng sumunod. Nilabas ko na ang libro ko mula sa bag ko at nagsimulang ilipat lipat ang pages hanggang sa makita ko ang page na sinabi ni Ma'am.
Nagstart na rin kaming magdiscuss.
LUNCH time na namin ngayon. Apat kami ngayon nila Lucas, Bea at Alfred. Nakaupo sa isang table dito sa cafeteria at kumakain.
Si Alfred at Lucas nag-uusap tungkol sa basketball habang kumakain.
Kami ni Bea tahimik lang na kumakain.
"Chloe," bigla akong tinawag ni Bea.
Napatingin naman ako sa kanya.
Nilapag niya 'yung kutsara't tinidor niya sa plato niya. Tapos na pala siya kumain. Nagpunas muna siya ng bibig niya bago magsalita.
"Why pala hindi na sumasabay sila Sabrina?"
Napalunok ako sa tanong niya. Oo nga naman. Hindi na sila sumasabay. Nagsimula naman ang lahat nung malaman nilang mahirap ako ah. Ba't pa 'yan natanong ni Bea.. Hindi ba nahahalata na ang dahilan ang kahirapan ko?
"Alam mo na..." Makagat labi at mahina kong sabi.
Ayoko kasing marinig ni Alfred ang dahilan kung bakit hindi na sumasabay sila Sabrina.
"Ay! O'nga pala." Nagpeace sign si Bea sa akin.
Tumango na lang ako as a sign of okay lang.
Natapos na rin ako kumain at inayos ko ang pinagkainan ko. Ginilid ko ng konti yung plate ko. Tapos saka ako uminom ng tubig.
Napatingin kami kanila Lucas at Alfred. Hindi pa rin sila tapos kumain. May sarili silang mundo eh hindi kami makarelate ni Bea sa pinag-uusapan nila.
"Chloe! Let's do selfie na lang." Masayang sabi ni Bea.
Magkatabi lang kasi kami. Tapos si Lucas at Alfred ang magkatabi. Bale magkatapat lang kami ni Alfred at si Lucas at bea naman ang magkatapat.
Tumango na lang ako kay Bea ng nakangiti.
Nilabas niya na 'yung iPhone niya mula sa bulsa ng palda niya.
Lumapit siya sa akin. Tapos pinindot niya na ang camera at tinapat sa mukha namin.
Hinanda ko na ang smile ko. Pati siya nagsmile na rin. Nakatingin lang ako sa may camera at kumuha nan g shot si Bea.
Tapos bigla siyang nag-iba ng pose. Nakapout naman si Bea ngayon. Ako wala akong alam na isusunod kong pose kaya ang ginawa ko ngumiti na lang ako ng labas ngipin. Tapos kinuha na ulit niya ang shot.
"Op' hon'! Isali mo naman kami ni Alfred!" Sabay lapit ni Lucas.
"Haha sige hon'" Sagot ni Bea at gumawa ng paraan para magkasya kami sa picture.
Biglang umiwas si Alfred.
"Ano ba Alfred! Make sali na rin." Sabi ni Bea sa kanya.
"No thanks."
"Sige na dude! Ngayon lang tayo magpipicture na apat oh." Sabi na rin ni Lucas sa kanya.
Umiling lang naman ang sagot ni Alfred.
Naisipan kong sabihan na rin siya.
"Sige na Alfred. Ngayon lang." Nginitian ko siya.
Napangiti nalang bigla si Lucas at Bea nung ako ang nagsalita. Tapos tinignan nila si Alfred.
"Ah, fine." Sabi ni Alfred.
Lumapit na rin siya sa amin hanggang sa magkasya kaming apat sa picture.
"Oh kay 1, 2, 3."
Sabay sabay kaming ngumiti at kinuha na ulit ni Bea ang shot.
"'Yun oh! Cute! I'll post this sa instagram. Hashtag Teacher's Day! Haha" Sabi ni Bea sabay kalikot sa cellphone niya.
Bumalik na rin naman kami sa kanya kanya naming pwesto.
"Wait guys, 'di ba deretso na tayo sa Auditorium pagkatapos ng lunch?" natanong ni Lucas.
"Oo hon'. You're so kabaw talaga." Sagot sa kanya ni Bea.
"Naninigurado lang naman ako hon'.. Tss." bulong ni Lucas.
"Joke lang naman Hon'!" Sabay yakap ni Bea kay Lucas.
Haha. Ang sweet talaga nila kahit kalian.
"What time does the program start?" tanong bigla ni Alfred.
"1:15 daw we should be kumpleto na sa auditorium." Sagot ni Bea.
"Ah sige. Chloe, how's your speech going?" Tanong sa'kin ni Alfred.
"Okay lang. May nahanda na ako." Nginitian ko siya.
"Magspe-speech ka Chloe?"
"Oo eh." Sagot ko sa tanong ni Lucas.
"Really? Goodluck!" Sabay ngiti sa akin ni Bea.
"Yeah Goodluck chloe." Nginitian rin ako ni Lucas.
"Thanks Guys." Nginitian ko sila pabalik.
Meron naman na talaga akong nahandang speech kanina. Kahit sobrang busy ko kanina naisingit ko pa rin talaga sa time ko ang gumawa ng speech. Buong school mamaya ang makikinig sa akin kaya pinaghandaan ko talagang mabuti ang mensahe ko para sa mga teachers.
Medyo kinakabahan pa ako mamaya dahil baka iba ang masabi ko pero think positive. Kaya ko 'to.
"Oh, bell na." Nasabi ko.
Bigla na kasing nagring ang bell. Ibigsabihin 1:00 na.
"Tara na guys?" biglang tayo ni Bea.
Tumango naman kaming tatlo sa kanya. Tapos tumayo na rin kami.
Naglakad na kami papuntang Auditorium. Pagkarating naming sa pintuan pumasok na kami. Medyo marami ng tao pero marami naman ang seats. Kaya naghanap na kami ng magandang pagpwestuhan.
"Guys dun na lang tayo," sabi ni Lucas at may tinurong bakanteng mga upuan.
"Tara," Sagot naman ni Alfred.
Naglakad na kami sa pwestong sinabi ni Lucas at mahirap na baka maunahan. Nakaupo na rin kami. Tabi tabi kaming apat.
Si Lucas, Bea, Alfred at ako.
Maayos rin ang pwesto na napili namin. Hindi masyadong likod at hindi masyadong harap. Sakto lang.
May 5 minutes pang natitira kaya naghintay na lang kami.
Hanggang sa magsimula na ang Program. Biglang umakyat sa stage ang isang lalaki. Professor yata siya dito sa university namin dahil nakikita ko rin siya minsan. Siya siguro ang MC ngayon.
"Good afternoon Everyone! We're here to celebrate the passion and hard work of our dear and beloved teachers. Students, kindly show some appreciation in our program today. To start our day-"
"Opening ceremony pa lang pala," biglang bulong ni Alfred sa tabi ko.
Hindi ko na lang pinansin. Nagpatuloy ang opening ceremony hanggang sa hindi ko na lang namamalayan na may mga limang lalaki na umakyat sa stage at pare-pareho ng bihis.
"Anong meron?" inosenteng tanong ko.
"Ha? May sasayaw lang," sagot naman niya.
Tumango na lang ako. Prente na akong nanunuod sa mga sumasayaw
Biglang nagvibrate ang cellphone ko. May nagtext. Agad ko naman kinuha ang phone ko mula sa bulsa ko para tignan kung sino ang nagtext.
From: Arianne
HEY U SLAVE! Nandto kmi ngaun sa hall sa labas ng Auditorium. We know na nasa loob ka. Come out dis instant!
Napatingin ako kay Alfred. Medyo hinarang ko sa kanya ang phone ko para hindi niya mabasa.
To: Arianne
Arianne. Pwede mamaya na lang pls? Kakastart pa lang ng program.
'Yan ang nireply ko kay Arianne at mabilis na tinago ang cellphone ko.
Pero pagkabulsa ko agad ng phone ko nagvibrate na ulit bigla. Kaya muli kong nilabas.
From: Arianne
Oh? So hindi mo sinusunod ang utos naming lumabas ka diyan? Dis is Sabrina and im demanding u 2 get out from there!!
Napakagat labi ako matapos kong sabihin 'yan. Nakakainis naman. Imbis na nageenjoy ako dito na manonood ng program kokontra sila. Nakakainis talaga.
Wala akong ibang choice kung hindi pumunta. Sabihin ko na lang na naiwan ko ang miniature house. Kaysa naman hindi ako pumunta baka mas lalo lang silang magalit.
Napagbuntong hininga ako at kinalabit si Alfred.
"Alfred... labas lang ako." Paalam ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya.
"Where are you going?" tanong niya.
"Mag-ccr." Sagot ko sa kanya.
"We went to the comfort room before we ate lunch. Magccr ka nanaman?"
"H-Ha? Oo eh." Nag-aalangang sagot ko.
Kasi alam naman nating hindi talaga ako iihi.
"You're gonna meet someone aren't you?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pa'no niya alam? Instict niya? Fudge naman oh.
"Hindi Alfred. Sige na, naiihi na talaga ako." Paalam ko.
Tumayo na ako.
"Fine. Sige balik ka agad Chloe. I'll save your seat." Nginitian niya ako.
Nginitian ko din siya at tumango.
Buti hindi na masyado nagtaka si Alfred.
Lumabas na ako ng Auditorium. Naglakad ako sa hall para makita kung nasaan sila Sabrina. Bahala na kung anong manyari.
Nakita ko na sila. Agad ko naman silang nilapitan. Kami lang ang tao ngayon dito sa hall. Nasa loob kasi yata lahat ng studyante.
Pagkalingon nila sa akin. Tumaas ang kanya kanya nilang mga kilay. Tatlo pa silang nakacrossed arms sa akin.
"Pupunta rin lang naman pala." Sabay irap ni Rianne sa akin.
Hindi ko na lang 'yun pinansin kahit inis na inis na ako.
"Bakit?" Tanong ko.
"Duh? Today's the second day stupid. Sabi namin kailangan may miniature house kang nagawa. Now where is it?" Mataray na tanong ni Sabrina.
"Ndi ko natapos." Deretso kong sagot.
"Kaya hindi ko muna dinala." Sagot ko pa.
Hindi na ako natakot. Mas nauuna ang inis ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Ay aba.. parang wala lang sa'yo ha?!" Tanong ni Rianne.
Hindi ako sumagot.
"Why kasi hindi mo tinapos?! Gaga ka pala eh! Alam mong kailangan naming 'yun!" pasigaw rin na sabi sa akin ni Patricia.
"Ba't hindi kayo ang gumawa..."
Nabulong ko 'yan ng mahina dahil sa pagkainis.
"WHY THE FCK DID YOU SAY?"
Bigla akong sinampal ni Sabrina. Kahit kalian talaga! Kahit walang ginagawang masama sila ang gagawa ng masama! Kainis!
"Halos hindi na nga ako makatulog kagabi para lang sa Miniature House niyo!" Bigla kong nasigaw.
Wala akong pakealam kung mainis sila.
Napahawak ako sa pisngi ko. 'Yung pisnging sinampal niya. Masakit kaya. Pakiramdam ko namumula na 'to. Malakas talaga sumampal si Sabrina. Siguro dahil sanay na.
"Take note of this Chloe..."
Hinawakan ni Sabrina ang buhok ko. Gusto ko pumalag pero mas sumasakit lang dahil sa higpit ng hawak niya.
"SLAVE KA LANG NAMIN." Matigas na sabi niya.
Pagkatapos niyang sabihin 'yan binitawan niya na ang buhok ko.
Inayos ko ang buhok ko na nagulo. Pakiramdam ko kahit anong oras maiiyak nanaman ako. Papatak ang luha ko maya maya lang dahil sa inis at lungkot ko.
"Well... I wasn't expecting any of this."
Sabay sabay napalingon ang tatlo sa likod ko.
'Yung tono ng boses niya pinagsamang gulat at galit.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil nakilala ko ang boses na 'yun. Ibigsabihin.. S-Sinundan niya ako? Ayokong lumingon. Dahil alam ko.
Alam kong siya ang nagsalita.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com