Chapter 37
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Salamat po talaga sa mga nagbabasa! Hindi ko akalaingmay kikiligin sa last chapter. hahaha.
Chapter Dedicated to: fukulot10
Comment for more Dedications.
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 37
Chloe's PoV
Tuluyan ng lumubog ang araw. Tuluyan naging madilim ang kalangitan. Napatingin naman ako sa tubig at nakita ko ang tubig na kumikinang kinang. Ang ganda talaga. Parang ayoko na umalis dito sa Tagaytay.
Hindi pa din kumikibo si Alfred. Nakatayo pa din siya at nakaakbay sa akin. Mukhang parang parehas kaming ayaw umalis dito.
"Nilalamig ka ba?" biglang tanong sa akin ni Alfred.
Napatingin ako sa kanya saka umiling.
"Hindi naman,"
Hindi naman ako nilalamig. Pero napag-alaman kong dito sa Tagaytay malamig. Para daw itong Baguio City sa lamig. Pero ngayon, hindi ko pa naman nararamdaman ang lamig.
"Alfred! Chloe!"
Sabay kaming napalingon ni Alfred sa tumawag sa amin.
At nakita namin si Brandon, Lucas at Bea.
Agad naman namin silang nilapitan.
"You guys are here pala eh!" sabi ni Bea.
"Haha oo, bakit?" natanong ko.
"Eat na ulit tayo!" sagot ni Bea.
"Ha? It's too early Bea," sagot sa kanya ni Alfred.
"Hmp. Eh gutom na ko eh!"
"Ako din bro nagugutom na." sabi din ni Brandon.
"Me too im kinda hungry already." Sabi naman ni Lucas.
Napatingin bigla si Alfred sa akin.
"Medyo gutom na rin hehe" nagpeace sign ako sa kanya.
"Fine, fine. Kain na tayo. You guys are such gluttons."
Napatawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Alfred.
Tapos naglakad na ulit kami papunta sa leisure area. Sa may garden doon na din lang sa pinagkainan namin kanina. Pumili na ulit kami ng mauupuan at umupo.
"Guys there's bulalo. Try natin?" tanong bigla sa amin ni Bea.
Napatingin din kami sa maliit na papel sa table namin.
Nakalagay "Try our new Special Bulalo"
"Yeah sure, sabi nila uso daw 'yang bulalo dito sa tagaytay." Sagot ni Lucas sa kanya.
Sumang-ayon na din naman kaming lahat at tumango. Nag-order na kami ng bulalo at 'yon ang kinain namin.
~~~
Kakatapos namin ngayon kumain.
"Ang bilis naman ng oras. Gabi na," nasabi ko bigla at napatingin sa kalangitan.
"Guys! Ano na gagawin na'tin?" Tanong ni Brandon.
"Go back to our rooms na?" Natanong din ni Bea.
"Eh ano pa bang pwedeng gawin?" tanong ko din.
"Guys oh!" sabi ni Lucas.
Nakita naming may pinulot siya na bote sa tabi ng halaman.
Kunot noo namin siyang tinignan.
"What are we gonna do with that bottle?" tanong ni Alfred.
"I know! Truth or dare!" sagot kaagad ni Bea.
Lahat kami napatingin sa kanya.
"Game." Sagot ni Brandon sa kanya.
"San ta'yo pepwesto?" Tanong ni Lucas
"Hmm, over there!" May tinuro si Bea na part dito sa garden.
Madamo siya at katabi mga halaman. Okay na din para paglaruan ng Truth or Dare.
"Sige,"
Tumango kaming lahat kay Bea. Naglakad na kami sa tinuro niyang pwesto na paglalaruan.
Nag-indian sit kaming lahat. Paikot kaming umupo at nilagay na ni Lucas sa gitna namin ang napulot niyang bote.
"Who goes to spin first?" tanong ni Alfred.
"Ikaw nalang mauna mag-ikot Bea. Kasi ikaw naman nakaisip ng game." Sabi ko kay Bea.
"Sure sure!" sabay tango niya sa akin.
Inikot na niya ang bote.
Tumuro ito kay Brandon.
"Alright Brandon. Truth or Dare?" tanong ni Bea sa kanya.
"Truth!"
"Who's your first love?" Seryosong tanong ni Bea.
"No one."
"Ows?"
"Oo nga." Sagot ni Brandon kay Bea.
"Even nung elementary ka? Highschool?" kunot-noong tanong ni Bea.
"Yup! Cassanova over here." Mayabang na sagot ni Brandon.
"Yabang." Sabi ni bea.
Ngayon inikot naman ni Brandon ang bote.
Biglang tinuro ng bote si Lucas.
"Sa'yo tumuro dude. Truth or Dare?" tanong ni Brandon kay Lucas.
"Truth din," sagot ni Lucas.
"Uhm, teka wala akong maisip na tanong haha"
Pinag-isipan muna ni Brandon sandal ang itatanong niya kay Lucas.
"Who's your first love?" tanong ni Brandon.
"You're so gaya gaya!" sabi ni Bea kay Brandon pagkatanong niya.
Natawa naman kami.
"Eh wala akong matanong eh haha. So 'yun nga lucas. Who's your first love?" pag-uulit ni Brandon sa tanong niya kay Lucas.
"Si Bea."
"Ohh?? Eh diba, first girlfriend mo si Chloe?"
Nagulat ako sa tanong ni Brandon. Ipaalala ba naman ang past eh. Pero ayos na sa akin. Wala ng epekto. Si Alfred na mahal ko.
"Yeah. Pero nga pinagpustahan lang." sagot ni Lucas.
"Awtsu." Sabay tingin sa akin ni Brandon at nagpout ng nakakaloko.
Binato ko siya bigla ng bulaklak.
"Che! Past is past." Sabay inirapan ko siya.
Binelatan lang naman at tinawanan lang naman ako ng loko.
Inikot na ni Lucas ang bote.
Tumigil ang pag-ikot ang naituro ay si Alfred.
"Bro, truth or dare?" Tanong ni Lucas
"Truth din." Sagot ni Alfred.
"Umm, bakit ang bilis mo nakamove on dati kay Bea?"
Napatingin din naman ako kay Alfred ng itanong 'yan ni Lucas. Gusto ko din malaman ang sagot niya.
"Simple. Kasi inayawan ko na kaagad siya. The moment that I knew that she was cheating on me my feelings for her automatically disappeared. Sakto namang dumating si Chloe sa buhay ko. Kaya ayun. I moved on that easily by felling inlove with Chloe. "
"Ahh,"
Bigla namang napatingin sa akin si Lucas at ngumiti ng nakakaloko.
Palihim din akong napangiti. Okay. Aaminin ko. Kinilig ako sa sagot ni Alfred kanina. Ibigsabihin ako din ang dahilan ng pagmomove on niya kay Bea? Kasi siya din ang dahilan ng pagmomove on ko kay Lucas. Fudge kinikilig talaga ako.
Inikot na ni Alfred ang bote.
Lagi gulat ko ng tumuro ito sa akin.
Napatingin ako kay Alfred.
Bigla siyang ngumiti.
"It pointed you, Baby."
"BABY?!?!" sabay sabay na sigaw ng tatlo sa amin.
"At kelan naging sanggol si Chloe?!" gulat na tanong ni Brandon.
Kelan ako naging sanggol? Nung bata ako. Nung mga 1 year old siguro Brandon.
"Aba lumelevel up silaaa. May endearment na ha!" sabay ngiti ni Bea ng nakakaloko.
"Lelevel up pa 'yan hon'. Siguro sa susunod kasal na 'yang dalawang 'yan" sabi din ni Lucas at tumawa.
Napailing na lang kami ni Alfred sa mga reaksyon nila.
"Truth na lang din ako." Sabi ko kay Alfred.
"When did you start loving me?"
Nagulat ako sa tanong niya.
Kelan nga ba? Napaisip ako sandali. Nakatingin lang siya sa akin. Pati si Brandon, Lucas at Bea nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot.
"'Yung nag-away tayo! Oo 'yun. Remember 'yung time na may kumausap sa akin sa Parking lot? Tapos biglang sumulpot si Lucas tapos nagpakilala siya na boyfriend ko? 'Di ba nagalit ka? 'Yun. May naramdaman na ako nun." Sagot ko.
"It started since then? Bakit hindi mo pa inamin sa akin?" tanong niya pa.
"Eh kasi hindi ko pa sure nun. Kung mahal na nga ba kita.." sagot ko ulit.
Tumango tango naman siya.
"Really? Nag-away pala kayong dalawa nun?" Natanong ni Lucas.
"Oo. Ang gago mo kasi nun eh." Sagot ko sa kanya.
"Ahaha, sorry na." sabay peace sign niya sa amin ni Alfred.
"Wait huh. Bakit wala akong alam dun ha?" tanong bigla ni Bea at tumingin ng masama kay Lucas.
"Hehe. Sorry hon'. 'Di ko nasabi sa'yo. Pero don't worry tagal naman na nun." Sagot ni Lucas kay Bea.
"Amp. Okay." Sabay pout ni Bea.
Sinimulan ko ng ikutin ang bote.
Tapos tumuro ito kay.. Brandon!
"Ako nanaman.." komento niya pagkaturo sa kanya.
Tumawa naman ako bago siya tanungin.
"Truth or Dare Brandon?"
"Dare! Puro kayo truth eh." Sagot niya sakin.
Tumango naman ako at nag-isip muna ng dare niya.
"Aha!" nasabi ko at napangiti.
Napatingin naman siya sa kin.
"Dare ko sa'yo na tawagan mo ang Fiancee mo ngayon at sabihan mo siya ng 'I love you'" nakasimrk na sabi ko sakanya.
"Naman. 'Yun lang pala eh," parang wala sa kanya na sabi niya.
Nilabas niya mula sa bulsa niya ang phone niya.
"Wag ka mandaya ha!" Sabi ko sa kanya.
"Oo oo," sabi niya at dinial na ang phone number ng Fiancee niya.
"Oh tignan niyo pa," sabay harap niya sa amin ng cellphone niya.
Nabasa namin ang nakalagay na "Calling Stupid Fiancee...."
Grabe naman si Brandon magpangalan sa fiancée niya.
Biglang may sumagot. Tinapat na ni Brandon ang cellphone niya sa tainga niya.
"I love you."
Tapos binaba niya kaagad.
"Ano ba 'yan Brandon! Why binaba mo agad. You should've waited sa reaksyon niya!" complain ni Bea ng ibaba ni Brandon ang tawag.
"Nah. Wala naman akong pakealam sa reaksyon nun." Sabi ni Brandon.
Kahit kalian talaga napakasama niya sa Fiancee niya.
Inikot na ulit ni Brandon ang bote.
Tumigil sa pag-ikot ang bote at tinuro naman ngayon si Bea.
"Oh bea, truth or dare?" tanong ni Brandon.
"Dare!" matapang na sagot ni Bea.
"Hmm. I dare you to not speak taglish or should I say 'Conyo' for the whole day. Tomorrow."
"Huh!" pagreact ni bea sa dinare sa kanya ni Brandon.
"That's your dare." Sabay smirk ni Brandon kay Bea.
"Fine! And if I failed?" tanong ni Bea.
"Isang taglish na sentence mo dapat bigyan mo ako ng 1k sa credit card mo." Sabi ni Brandon.
"What?!" sigaw ni Bea sa kanya.
"You heard me," sagot ni Brandon.
"Okay fine!" tapos iniripan ni Bea si Brandon.
"Guys.. tama na ulit? Inaantok na ko eh." Biglang sabi ni Lucas at biglang humikab.
Napatingin naman si Alfred sa orasan niya.
"Oo nga tara. Let's sleep already. Para maaga tayo bukas." Pag-sang ayon ni Alfred.
"Sige sige,"
Tumango naman kaming lahat at nagsitayuan na.
That was a fun game.
Pumasok na ulit kami ng resort. Pumunta ng elevator at tumaas na sa floor namin.
"Goodnight guys,"
Nagpaalam muna kami ni Bea sa mga lalaki bago pumasok sa kwarto namin.
"Sige Chloe goodnight na din. I'm going to sleep na eh." Sabi sa akin ni Bea at dumireto sa kama niya.
Tumango naman ako sa kanya.
"Sige, goodnight." Nginitian ko siya.
Ngumiti na lang siya pabalik.
Nagbihis na muna ako ng pantulog. Tapos saka nahiga sa kama ko. Nagkumot na ako. Pinatay ko na din ang ilaw dito sa kwarto. Tulog pa din si Leah eh. Tapos si Bea nakahiga na din.
Ang saya dito sa tagaytay. Kahit unang araw pa lang.
Nahiga na ako ng maayos. At pinikit ang dalawang mata ko. Maya maya nakatulog na din ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com