Chapter 38
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Dedicated to: Yumiipotato. Andito ka bhe. ;*
Comment for more Dedications.
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
DiamondAlpha
———————
CHAPTER 38 Chloe's PoV
Bumangon ako ng 7:00 o'clock. Napalingon ako sa kama ni Bea at nakita ko pa siyang tulog.
Nakita ko si Leah na paalis ng kwarto dala dala ang mga gamit niya.
"Leah!" pagtawag ko sa kanya.
Napalingon naman siya.
"Hmm?" tanong niya.
"San ka pupunta?" tanong ko sa kanya sabay lapit.
"Ah lilipat na kasi kami ni Ma'am Clara ng resort eh. Dun daw kami sa resort ng client niya." sagot niya
Tumango naman ako.
"'Di daw talaga ako sasama bilang maid?" natanong ko kay Leah.
"Hmm, 'wag na daw sabi ni Ma'am eh. Balita ko, kayo daw ni sir Alfred. Yiie, bagay kayo" ngumiti sa akin si Leah ng nakakaloko.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Saan mo naman nalaman 'yun?"
"'De joke lang. Alam ko na 'yun 'no dati pa."
"HA?" pagulat na tanong ko.
Medyo hininaan ko ang boses ko para hindi makaistorbo sa mga kabilang kwarto.
"Yup. Nung time na pinatawag ka ni Alfred sa kwarto niya.. Tapos nung blinock-mail ka niya? Nandun ako sa labas ng pintuan. Hehe"
Napanganga ako sa sinabi niya. Nandun siya?!
"Kinikilig pa nga ako nun eh. Buti nga napapayag ka pa niya." Sabi niya at ngumiti.
Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya.
"O'siya, puntahan ko na si Ma'am Clara ha" paalam niya.
Pinigilan ko naman muna siya.
"Wait! Umm. Gusto mo pakiusapan ko si Ma'am Clara na magstay ka sa amin? Para makaenjoy ka din dito." Tanong ko sa kanya.
"Ha? Wag na no. Workaholic kasi ako eh. Kaya okay lang na magtrabaho ako kaysa mag enjoy," nginitian niya ako.
"Ayy sige," tumango ako sa kanya.
Paalis na sana siya pero may pinahabol pa siya
"Ay nga pala! Pinapasabi sa'yo ni Ma'am Clara na bantayan mo na lang daw si Alfred ng maigi at umiwas na lang daw kayo sa mga kalokohan."
"Ah sige sige," sagot ko at ngumiti.
Wala nang sinabi pa si Leah at tuluyan na siyang umalis sa kwarto.
Bumalik muna ako sa kama ko at nahiga ulit. Mamaya ko na lang gigisingin si Bea para maghanda kami sa pagpunta namin sa Japanese Friendship Garden. Maaga pa naman.
~~
Tapos na kami ngayon ni Bea mag-ayos.
Magjejeans sana ako kanina pero sinabi sa akin ni Bea na baka mainitan ako kaya pinahiraman niya ako bigla ng skirt at top. Binigyan niya ako ng dark violet na skirt at tinerno niya naman 'to sa light pink na top. Si Bea nagskirt din na kulay red at black top na may design na red roses.
Ngayon lang ako nakapag-suot ng ganito. Nagmukha akong mayaman at sosyal sa damit ko ngayon. Natuwa naman ako kahit papano dahil dito.
"And because im a careless girl, Chloe you hold the key. Ikaw na din maglock nitong room pagkalabas na'tin."
Medyo nagulat ako sa pagsalita ni Bea. Parang naalala ko 'yung pagkamaldita niya dati. Nagtaka akong tumingin sa kanya.
"No conyo remember? Dare ni Brandon,"
Ng ipaalala 'yan sa akin ni Bea ay agad naman akong tumango.
Oo nga pala. Hindi siya pwedeng magsalita ng taglish ngayong araw. Kung hindi may isang libo si Brandon sa kanya. Haha
"Ah sige sige" sagot ko sabay kuha ng susi.
Lumabas na kami ng kwarto namin. Sinarado ang pintuan at nilock. Binulsa ko kaagad ang susi ng maayos. Pagkalingon namin sa hallway nakita na namin ang tatlong si Alfred, Lucas at Brandon.
"Goodmorning guys," bati ng mga lalaki sa amin ni Bea.
Bumati naman kami pabalik.
Nakita namin si Alfred na nakatingin sa phone niya at parang may binabasa.
"Guys kinuha na ni Mama ang van na sinakyan na'tin papunta dito sa resort." Biglang sabi ni Alfred na ikinagulat namin.
"What?!" natanong ni Bea sa gulat.
"Ano sasakyan natin nyan?" tanong ni Lucas.
"Uso tryicle dito guys." Sabi ni Brandon.
"I don't want to make sakay sa tryc—"
Biglang nacoveran ni Bea ang bunganga niya.
Natawa naman kami. Nagtaglish siya!
"Opps! 1k for me." Sabay ngiti ni Brandon kay Bea ng nakakaloko.
"Aish!" bea cussed.
"Oh wait guys," tumingin ulit si Alfred sa phone niya at may binasa. "Sabi ni mama may pinadala daw siyang kotse dito sa resort. How 'bout we use that?" dagdag niya pa sa sinabi niya.
"Eh Bro san yung susi?" tanong ni Brandon.
"Nakaleave ang driver na inutusan ni mama magdala ng kotse dito. Magbabakasyon din daw dito sa tagaytay 'yung driver. So right when we get down there we'll get the key from him and the car's ours."
"Ohh. So let's go then?" aya ni Lucas.
"Leggo,"
At tumango naman kaming lahat sa sinabi niya. Nagsimula na kaming maglakad at pumasok na ng elevator. Dumiretso kaagad kami sa parking lot.
Magkaakbay si Bea at Lucas na naglakad.
Kami naman ni Alfred intertwined fingers at holding hands na naglakad.
Si Brandon ayun sa likod namin. Forever alone ang peg niya.
Pagkarating namin sa parking lot pinuntahan na namin ang sinasabi ni Alfred na sasakyan. Binigay na ng driver ang susi kay Alfred at umalis.
"Tara na guys hop in," sabi agad ni Alfred pagkabukas niya ng kotse.
Pinasakay ako ni Alfred sa shot gun seat. Sumakay na din siya sa driver's seat. Tapos nasa likod naman namin ang tatlong sila Bea, Lucas at Brandon. Medyo malawak at malaki din ang sasakyan kaya hindi sila siksikan sa likod.
"Uh guys. I don't know the way to go there." Biglang nasabi ni Alfred.
Napalingon naman kay Bea.
"Bea alam mo ba ang address ng Japanese garden?" tanong ko.
"Wait. I'll check google map then I'll tell you the way Alfred." Sabi ni Bea sabay labas niya ng phone niya.
Tumango naman si Alfred kay Bea.
Tapos ayun nga, sinabi sabi ni Bea ang daan kay Alfred papuntang Japanese Friendship Garden. Mabuti na lang at hindi kami naligaw.
Pagkalipas ng halos 30 minutes dito sa kotse
"Is that it?" natanong ni Alfred at may tinuro.
Napatingin naman kaming lahat sa tinuro niya.
"Oo 'yan na. Nandun na 'yung sign eh." Sagot ko kay Alfred.
Nakita ko kasi 'yung malaking sign na nakalagay "Tagaytay City, Japanese Friendship Garden"
Agad namang pinark ni Alfred ang kotse sa tabi.
"Alright andito na tayo!" parang excited na sabi ni Brandon.
Lumabas na kaming lahat sa sasakyan. At naglakad na papasok. Nagbayad na muna kami ng entrance fee bago pumasok.
"Aray!!"
Nagulat kaming lahat at napatingin sa sumigaw niyan.
At nakita namin si Brandon na may nabunggo na isang babae. Nako, sa sobrang excited ne'to, ayan nakabangga na siya.
"Sorry ate!" pagsosorry kaagad ni Brandon sa babae.
'Yung babae nakasalamin. Inayos niya muna ang salamin niya bago tumingin kay Brandon.
"U-Uhh okay lang." gulat na sagot ng babae kay Brandon.
Teka, ba't siya nautal?
Napatingin 'yung babae sa amin.
"Namamasyal po kayo dito?" natanong ng babae.
"Duh?" medyo sarcastic naman na sagot ni Bea sa babae.
"Ah hehe.. Umm gusto niyo po ng tour?" tanong ng babae. "M-My name's Trixie by the way." Pagpapakilala niya.
Nagkatinginan muna kaming lahat.
"Why? Kabisado mo na ba dito Trixie?" natanong ni Lucas sa kanya.
"Yup! I go here whenever I have spare time since I was a kid. Kaya kabisado ko na po." Sabay ngiti ni Trixie.
Natahimik muna kami sandali. Should we trust her? Sa bagay. Mukha naman siyang mabait.
"Umm, so gusto niyo po ba ng tour?" pag-uulit ng tanong ni Trixie.
"Hmm. Sure! Why not?" sagot ni Bea kay Trixie.
Napatingin naman si Bea saamin. Tinatanong ng mata niya kung payag din ba kami.
"Yeah sure." Pagsasang-ayon namin.
Bigla namang napangiti si Trixie. Bigla siyang napatingin kay Brandon at umiwas. Ano meaning no'n? Kilala niya ba si Brandon? Napansin kong bigla ding tumingin si Brandon sa kanya na nagtataka. Bigla namang umiwas si Trixie.
"Sige po. Let's start it of here," sabi ni Trixie at naglakad.
Nilapitan ko bigla si Brandon.
"Pst Brandon." Bulong ko sa kanya.
Agad naman siyang napatingin sa akin.
"Kilala mo ba 'yun? Si Trixie?" sabay tingin ko kay Trixie.
"Huh? No. She's not even familiar. Weird nga eh. Parang iniiwasan ako. Nahuhumaling nanaman siguro sa kagwapuhan ko."
Napairap na lang ako sa sagot ni Brandon. Kayabangan nanaman niya umiiral. Haha
Bumalik na ulit ako sa tabi ni Alfred.
"This place has its wishing wells for you to enjoy with. This place is also a great place for meditation and great concentration." May tinuro si Trixie na well.
Napatango naman kaming lahat sa kanya.
"You can shoot coins?" natanong ni Bea kay Trixie.
"Yes po! You can shoot coins and make wishes." Sagot ni Trixie.
"Ahh." Tumango ulit si Bea.
Nagpatuloy lang sa paglalakad si Trixie. At kami naman itong sumusunod sa kanya.
Napapatingin din kami sa paligid habang naglalakad. Ang ganda kasi. Mabubulaklak ang daan. Ang sarap tignan at hindi nakakasawa.
"This place also have the famous red bridge here. Sa ilalim po nitong pond merong mga koi fishes at mga tadpoles. Water lilies are swimming and swaying around too." Sabi ni Trixie.
Tinuro niya isang red bridge.
"Pwedeng dumaan diyan sa mga bridges o for eyes only?" tanong ni Brandon kay Trixie.
"P-Pwede p-po." Sagot niya ng hindi tumitingin kay Brandon.
Yung totoo? Iniiwasan ba talaga nitong si Trixie si Brandon? Gusto ko itanong pero nahihiya ako dahil hindi ko naman kaclose si Trixie.
Tumango nalang ulit kami sa kanya at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.
"Kyah-!" napasigaw ako.
Napatid ako sa isang bato! Hindi ko napansin at nakita!
Bigla kong naramdaman ang paghawak ng kamay sa kamay ko. Sino ba pa nga ba?
"Tss. Lagi na lang. Are you really that clumsy baby?" sabay ngiti ni Alfred ng nakakaloko.
"Eh. Sorry naman. Hindi ko nakita..." napayuko ako.
"Huwag ka kasing bumibitaw sa kamay ko." Mas hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko. "Never let go of me baby."
Naramdaman ko ang pagpupula ng pisngi ko. Naman!
Napangiti na lang ako bigla sa kanya.
"I won't. I'll Never." Nasagot ko sa kanya.
"Thanks ha. Siguro kung hindi mo ko hinawakan sa kamay nahulog na ako diyan sa pond." Pagpapasalamat ko sa kanya.
Ngumiti si Alfred sa akin pabalik.
"ALFRED! CHLOE!"
May sasabihin pa sana si Alfred sa akin pero napatigil siya. Pati ako natigilan at sabay kaming napalingon sa tumawag saamin.
"Nahuhuli na kayo oh!" sarcastic na sabi ni Brandon sa amin at tinuro ang distansya namin sa kanila.
Hala oo nga! Nahuli na kami! Ang layo na ng nilalakad nila mula sa pwesto namin.
Natawa naman kami ni Alfred. Saka kami tumakbo para abutan sila.
"Madami din pong mga mini waterfalls na makikita ninyo dito. Like those," tinuro ni Trixie ang mabatong parte at may tubig na umaagos mula dito.
"Umm, 'yun na po lahat ng alam kong sights dito. May tatanong pa po ba kayo?" Tanong ni Trixie sa amin.
"Is this place only for friendships?" tanong ni Lucas sa kanya.
"Hindi naman po sa pagkakaalam ko. Couples are also required at this place. Also for the broken hearted ones. Lahat po maaring pumunta dito. This place lets the nature of japan surround your souls with happiness and relaxation." Sagot ni Trixie.
"May kainan dito?" tanong ni Bea sa kanya.
"Meron po! Malapit lang po dito may Japanese Restaurant." May tinurong daan Trixie sa amin.
"Ah sige thanks ha." Pasasalamat ni Bea.
"My pleasure po." Nginitian ni Trixie si Bea.
"Tourgide ka ba talaga dito o kami lang ang tinotour mo?" seryosong tanong ni Brandon kay Trixie ng nakakunot ang noo.
Biglang nanlaki ang mata ni Trixie.
"U-Umm, k-kayo lang po t-tinour ko." Hindi makatingin ng deretso si Trixie kay Brandon habang sinasabi 'yan.
"Why?" mas lalong nagtaka si Brandon.
Hindi makasagot kaagad si Trixie.
"C'mon Brandon she's just being nice." Biglang singit ni Bea.
"Ah opo. Gusto ko lang po talagang magtour. S-Sige una na po ako h-ha? B-Balikan niyo nalang po 'yung mga napakita kong sights kung gusto niyo.." pagpapaalam niya.
Bakit ba siya nauutal?
"Ookay?" takang sagot ni Bea.
"Sige Trix. Salamat sa tour." Ngintian ko siya.
She smiled back.
Nagpaalam na din ang iba sa kanya.
At tuluyan ng umalis sa harap namin si Trixie.
"She's kinda weird." Nasabi ni Alfred.
"So weird." Pag-sang ayon naman ni Brandon sa kanya.
"Anong nakain nun naisipan tayong i-tour?" natanong bigla ni Lucas.
"Baka gusto lang talaga niyang magtour?" patanong na sagot ko kay Lucas.
"Pero bakit sa'tin lang?" tanong ni Brandon.
"Guys stop! Let's not mind her she's gone now. Enjoyin na lang kaya natin dito?" biglang sabi ni Bea.
Sumang-ayon naman kaming lahat at hindi na ginawang topic 'yung si Trixie.
"Guys how 'bout we start from the well again?" aya ni Bea.
"Sige tara,"
At bumalik na kami sa pwesto kung nasaan ang wishing well.
"Tara guys wish na tayo!" sabi kaagad ni Brandon.
Tumango kaming lahat at nagkanya kanyang labas ng barya.
Pinaikutan namin ang wishing well.
Kinapkap ko ang bulsa ko at buti na lang may nabaon pa ako kanina na mga barya. Dumukot na ako ng piso.
Nagready na kaming lahat para sa pagtapon ng kanya kanya naming barya sa wishing well.
I closed my eyes before I wished. Binanggit ko na sa utak ko ang wish ko at hinagis ko na ang piso sa wishing well. Sabay sabay kaming naghagis. Malalim masyado ang well kaya hindi ko nakita ang pagbagsak ng piso namin.
Sana magkatotoo ang wish ko.
"Sana wala isa sa amin ang magkaproblema. Sana laging maging masaya ang barkadang 'to."
———————
Sophialovesblue's note:
Gosh. I know super sabaw/bitin ng chapter na 'to and I'm so sorry. ✌✌✌ And JBM readers, I wanna say I love you all.♥♥ Thanks for 10k reads and 1k votes. You guys made me so damn happy. :) That's all. Kiii bye.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com