Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Hi! After 654321 years nakapagUD na din ako. Sorry kung natagalan. I had my author's block. 💔💔 Pasensya. Thanks to 👉YumiiPotato she helped me with this UD. Let us thank her. 😹😹

Leave comments and votes after reading! Thank you. :]

Dedicated to: Flooooowy (Ate Flora) xD

Comment for more Dedications.

(Join our group on facebook for the ones who would like!)

DiamondAlpha

------

CHAPTER 40

Chloe's PoV

"Zoe Chrisselle Villaflor."


Matapos niyang sabihin 'yan kay Alfred tinalikuran na niya kami.


"I don't want to play anymore!" sigaw niya sa amin.


"What?!" takang tanong kaagad ni Bea.


"I got hurt."


"OA mo naman!" at napairap si bea.


Oo nga naman! Para dun lang aayaw na siya sa laro? Tsk. In the first place bakit kasi hindi siya umiwas sa bola kanina? Haynako.


"Ikaw kaya ang tamaan ko ng bola?!" mataray na tanong ni Zoe kay Bea.


"Tsk! Unfair!" naiiritang sagot ni Bea.


"Anong unfair dun huh?"


"Tapusin natin yung laro!" sigaw ni Bea.


"I said I don't want to." pinulot ni Zoe 'yung bola mula sa buhanginan.


"If you want to play, find another ball, and find another match." Zoe said and smirked.


"I changed my mind. I don't want to date him." kalmadong sabi pa ni Zoe at tinuro si Alfred.


"Why?"


Nagulat ako ng itanong 'yan ni Alfred.


Kailangan tanungin kung bakit ayaw niya? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang siya at hindi niya madedate si Zoe?!


"I have my reasons." sabay kindat niya kay Alfred.


Kadiri nung pagkindat!


"Guys tara," aya ni Zoe sa mga kaibigan niya.


Pinanood lang namin siya umalis kasama ng mga kaibigan niya.


"Grabe naman ." sabi ni Lucas at umiling iling.


"KJ." Naiiritang sabi din ni Brandon.


"I know right! Para namang ikinamatay niya yung pagtama ng bola sa kanya." Naiinis ding sabi ni Bea.


NapakaKJ ng babaeng 'yon. OA. Grabe. Siya na ang pinakamaarte sa lahat ng nakilala ko. Hindi naman siya nasugatan o ano. Ni gasgas wala. Natamaan lang naman ng isang beses tapos tinigil kaagad niya ang laro.


Napansin ko naman si Alfred na nanahimik.Napatingin ako sa kanya at para siyang wala sa sarili niya. Nakatingin lang siya sa buhanginan at halatang may iniisip. May problema ba siya?


"Okay ka lang?" nalapitan ko siya at tinanong.


"Ha?" napalingon siya sa akin. "Ha oo. Yeah I'm okay." Sagot niya.


"Lalim ng iniisip mo ah?" natanong ko.


"I think I'm just tired." Sagot niya.


Kumunot naman ang noo ko. Saka dahan dahang napatango sa kanya.


"Guys, balik na muna tayo sa rooms natin?" aya ni Alfred.


"Sure. Tapos meet nalang tayo mayang 7 for dinner?" sagot ni Bea.


"Sige tara. Pahinga na muna tayo," sagot ni Brandon.


Tumango naman kaming lahat.


Nagsimula na kaming maglakad papasok ng resort. Wala kaming lahat imik at mukhang nabadtrip kaming lahat dahil kay Zoe.


-

"Wala ba kayong napansin kay Zoe?"


Nandito na kami sa kainan ng resort ngayon. Kumakain. At walang bukambibig si Alfred kundi si Zoe. Nakakainis lang.


"Wala. Bakit ba bro?" kunot noong tanong ni Brandon sa kanya.          


"Bakit parang iba 'yung kinikilos niya?" tanong ni Alfred.


"Panong iba?" tanong ni Lucas.


"I don't know. I just feel something different on her."


Anong sabi ni Alfred? Feel something different?


"How different?" natanong na din ni Bea.


"Basta. Kakaiba.." 'yung itsura ni Alfred habang nagsasalita, halatang naguguluhan.


Nanatili akong tahimik. Kumain na lang ako. Ayo'ko ng topic nila.


"Ano ba, wag na natin 'yun pag-usapan." Sabi ni Brandon.


"Right. We shouldn't care for that bitch anymore." Pagsasang-ayon ni Bea kay Brandon.


Nakita ko namang nagbuntong hininga si Alfred at tumango.Tapos kumain na lang din siya at hindi na binanggit pa si Zoe.


Pinag-usapan pa namin ang pupuntahan namin bukas sa picnic grove habang kumakain. Hanggang sa matapos kaming lahat at nagsitayuan na.


Napagdesisyunan na naming bumalik sa mga rooms namin.


Umalis na kami ng kainan at nagelevator na papunta sa floor namin.


Nasa harapan na kami ng room namin ni Bea. Binuksan ko na ang pintuan dahil ako ang may hawak ng susi.


"Bye guys. Bukas ha." Paalala ni Bea sa kanila.


Tumango lang naman sila.


Nagpaalam na din kami sa isa't isa.


"Goodnight Alfred." Pahabol ko at nilapitan si Alfred bago siya pumasok ng room nila.


Hindi kami masyado nakapag-usap simula kanina. Ewan ko bakit.


"Yeah, Goodnight Zoe," he answered without looking.


"Zoe?" takang tanong ko.


"Ha-Chloe pala.."


Bigla siyang napailing pagkasagot niya niyan.


"Sorry wala lang ako sa sarili ko ngayon. Pasok ka na sa room niyo. Sleepwell baby."


Papasok na sana siya ng room nila ng pigilan ko siya.


"Okay ka lang ba talaga?" pagtatanong ko.


"Yup. Just need some rest. You should rest too."


Nginitian ako ni Alfred pero sa tingin ko talaga parang may mali. I just smiled back.


And without another word pumasok na kami sa room namin.


Nakita kong wala si Bea. Siguro nasa banyo nagbibihis.


Naupo muna ako sa kama ko. Nang makalabas na si Bea ng cr ako na sumunod at nagbihis na din ng pantulog.


After magbihis nahiga na ako sa higaan. Nakita ko si Bea na matutulog na din.


"Chloe turn off the lights na," sabi ni Bea at humikab.


Tumango naman ako at tumayo. Nasa tabi ko lang kasi 'yung switch ng ilaw. Inoff ko na at bumalik na sa higaan. Nagkumot na ako.


"Night Chloee~" Rinig kong sabi ni Bea.


"Goodnight Bea," sagot ko naman.


Hindi na sumagot pa si Bea.


Tumagilid ako ng higa sa kama. Parang di ko pa feel matulog.


Napansin ko talaga sa mga kinilos kanina ni Alfred ay kakaiba. Halatang iniisip niya 'yung Zoe Chriselle na yun. What's with her? Tinanong pa talaga ni Alfred kanina 'yung full name niya.


I closed my eyes. Tapos pinilit kong matulog.


-

8am na ng umaga. Nakaready na kaming lahat papuntang picnic grove. Nasa kotse na kami ngayon at si Alfred ang nagdadrive. At gaya ng pagpunta namin sa Japanese garden ay tinuro ni Bea ang daan habang tinitignan sa google map ng CP niya.


Hindi pa kami nag-aalmusal. Sa picnic grove na lang daw kami kakain sabi ni Brandon dahil may alam daw siyang kainan don kaya hindi pa kami nakakakain.


Nang makarating kami ay nagpark na si Alfred.


"Guys we're here!" sabi ni Alfred at itinigil ang kotse.


Nagsilabasan na kami ng kotse. Tapos nilock na ni Alfred ang kotse. Merong bayaran ng parking fee at nagbayad muna kami ni Alfred ng P35 dun. Saka namin binalikan sila Bea.


"Dude san 'yung kainan na sinasabi mo?" tanong ni Lucas kay Brandon.


Lumingon-lingon muna si Brandon.


"'Yun oh! I could see it from here. Tara," sabi ni Brandon at nanguna sa paglalakad.


Kami naman tong mga sumunod sa kanya. Simpleng kainan lang siya na parang kubo. Open space at walang mga glass ang mga bintana ng kainan. Kahoy lang. Nakahilera din ang mga pagkain. Medyo madumi ang sahig pero okay lang. Karinderya for short.


"Ugh- Could we eat at somewhere else?" biglang natanong ni Bea pagkapasok namin.


"Why hon'?" narinig ko namang tanong ni Lucas kay Bea.


"I mean, look at this place," sabi ni Bea at inikot ang mata dito sa loob ng karinderya.


'Yung mata ni Bea halatang nandidiri. Nako, mukhang umiiral nanaman ang kaartehan ni Bea pagdating sa mga bagay bagay.


"Come on Bea. Ayos na dito." Sabi ni Brandon.


"Right Bea don't you want to eat?" tanong din ni Alfred kay Bea.


"Ofcourse I want to! 'Di pa din kaya ako nagbreakfast. Pero di ba pwede somewhere else na lang?"


"Sige na bea, mukhang malinis naman dito eh." Pagkukumbinsi ko sa kanya.


"Plus ito lang ang alam kong malapit na kainan dito sa picnic grove." Sabi pa ni Brandon.


"Alright fine. To try something new na rin," sagot ni bea at tumango.


"Good. Tara dun tayo," sabi ni Brandon.


Lumapit siya sa isang table at naupo sa isa sa mga upuan.


Naupo na din kami.


Tumayo si Brandon at Lucas para mag-order. Pagkatapos nila umorder bumalik na sila at hinintay na namin ang mga order namin.


"Guys ano inorder niyo?" tanong ko kay Lucas at Brandon.


"Tocino with eggs at Fried Chicken ang ulam na kinuha namin. Tapos tig-iisang rice tayong lahat. Tapos kumuha na din pala kami ng tig-iisang lumpiang sariwa para sa'tin." Sagot ni Lucas.


"Lumpiang sariwa?" takang tanong ni Bea.


"Basta bea masarap 'yun." Sagot ni Brandon sa kanya.


Napatango naman si Bea.


Dumating na 'yung order namin. Tapos kumain na din kami. Kung ano ano pa ang pinag-usapan namin about sa outing ngayon bago matapos kumain. Pagkatapos namin kumain tumayo na kami. Nagbayad muna sila, libre naman daw ngayon ni Lucas.


"May bayad ba entrance sa picnic grove?" Natanong ni bea habang naglalakad.


"Meron, 50 pesos isang tao." sagot ni Alfred.


"KKB na muna tayo dito?" tanong ni Brandon samin.


"Sige," tumango kami.


Nagbaon ako ngayon ng 100. Kaya may 50 pa akong matitira.


Nagbayad na kami sa babae sa payment area. Saka kami pinapasok ng picnic grove.


"Wow. So lawak." Sabi kaagad ni Bea pagkapasok.


Tama si Bea malawak ang loob. Madami ang tao pero hindi naman masyadong crowded. Nakita namin na madaming puno. May malawak na damuhan kung saan maraming batang naglalaro at may ibang nakaupo at nagpapahinga. Malamig ang simoy ng hangin at natatanaw rin namin ang taal volcano sa 'di kalayuan. Perfect example of a relaxing place. A paradise.


"San tayo punta first?" excited na tanong ni Bea.


"Guys! Sakay na lang muna tayo sa mga kabayo!" tanong ni Brandon sa amin at may tinuro.


Napatingin kami sa tinuro niya at nakita namin ang ilang kabayo na nakahilera doon at mukhang pinapaupahan.


"Like ni Brandon kasi kalahi niya 'yung mga kabayo." bulong ni Bea sa akin na patukoy kay Brandon.


Napatawa naman kaming dalawa at napatingin kay Brandon. Napansin naman yata ni Brandon 'yun.


Kumunot ang noo ni Brandon at humarap sa amin.


"Kayong dalawa pinagpapantasyahan niyo ako ha! Remember! May mga boyfriend na kayo."pagmamayabang ni Brandon na mas lalo naming ikinatawa ni Bea.


Napa-iling nalang kami ni Bea sa kanya.


"Guys sige tara!" Sabi ni Lucas at umakbay sa katabi kong si Bea.


"Yeah let's go. Habang wala pa masyadong tao," sagot ni Brandon.


Naglakad na kami papunta sa mga kabayo. May nakita kaming lalaki doon.


"Ma'am, sir sakay po kayo ng kabayo?" nakangiting tanong ng lalaki.


"Yes. Magkano po?" Tanong ni Alfred sa lalaki.


"'Yun oh! Libre nanaman ni Alfred!" tuwang tuwa na sabi ni Brandon na parang bata.


"Small horse po ba ang kukunin o yung Big horse?" tanong ng lalaki sa amin.


"5 big horses po. Sa may circle lang po kami." Sagot ni Alfred.


"P200 po ang isang sakay per hour. Bale... P1000 po lahat," sabi ng lalaki sa amin.


Nagulat naman ako sandali. 1k?! Hindi na dapat ako magulat. Mayayaman lahat ng kasamo ko eh.


Kinuha na ni Alfred ang wallet niya mula sa bulsa niya. Kumuha na siya ng isang buong 1000 at iniabot sa lalake.


"Ok po! Pili na lang po kayo ng kabayo niyo diyan," at pinakita sa'min ng lalaki ang mga malalaking kabayo.


Mabuti nalang hindi ako takot sa kabayo. Mahilig din ako sumakay sa mga ganyan noon nung bata ako. Noon namasyal kami dati sa baguio ni Auntie lagi akong naghohorse back riding.


"Yey! I'll take this horse-"


Napatigil si Brandon sa pagtatakbo niya papunta sa isang kabayo. Para siyang nafroze in action. Bigla namang nagsitawa sila Bea, Lucas at Alfred pero hindi ko naman alam kung bakit.


"Brandon malambot ba?" mapigil tawang sabi ni Bea.


"Baka naman mamasa masa dude?" matawa tawa ding nasabi ni Lucas.


"Matigas ata bro. Pfft." Pati 'yung katabi kong si Alfred natawa.


Bigla na ulit akong napatingin kay Brandon.


Ng iniangat ni Brandon yung paa niya na parang diring diri. Kinakadkad niya pa yung paa niya sa damuhan. Paano ba naman.


Nakatapak siya ng tae.


"Tngna guys. Blinender pa ata 'to." diring diri na sabi niya habang kinakaskas pa rin yung paa niya.


Nakahawak na si Brandon sa ilong niya.


Pati ako natawa na. Tawa lang kami ng tawa habang nakatingin kay Brandon. Nilalapitan niya kami. Mukha siyang kaawa awa. Kami naman ayaw dumikit sa kanya at takbo kami ng takbo.


"Waaaah! Guys tulungan niyo ako. Huhu!" sabi ni Brandon.


"Pfft! 'Di ka pa naman mamamatay dahil dyan!" sabi ni Lucas.


"Stay away from me Brandon ang baho!" sabi ni Bea at tumakbo ulit kami.


Hahaha! Nakakatawa talaga itsura ni Brandon ngayon!


"Kaibigan ko ba talaga kayo!?" sabi ni Brandon at huminto.


"How about put some napkin to take it off bro? pfft." Mapang-asar na sigaw pabalik ni Alfred.


Lumapit naman si Lucas sa kanya ng nakatakip ang ilong at tinapik yung balikat niya.


Nilingon niya kami.


"Guys, ako na bahala kay brandon. Punta lang kami sa CR dito. Hon, assist yourself for a while I'm gonna help this man to solve his poop problems. Pfft. Balik nalang kami mamaya guys," sabi ulit ni Lucas at inakbayan na si Brandon.


Tinanguhan naman namin sila.


Umalis na sila papalayo at akbay akbay nila isa't isa. Inaalalayan ni Lucas kumbaga si Brandon. Pero si Lucas tinatantya niya yung distansya niya. Oo nga naman mamaya baka mabahiran pa.


"Grabe talaga si Brandon." Natatawa ko pading sabi at iniling iling ang ulo ko.


"Tama! Sa sobrang excited ayan," sagot ni Bea.


"Haha, nakatapak tuloy ng tae ng kabayo," pailing iling na sabi din ni Alfred.


Nakaka-goodvibes talaga kahit kailan si Brandon.


Napatigil kami bigla tatlo ng may magsalita sa gilid namin.


"Oh look who's here?" Napalingon kami sa nagsalita.


What the fudge are they doing here?!


It was zoe. With her friends na sa tingin ko kaugali niya.


"If it isn't it the guys from yesterday. Mga basura. Mabaho na nga, 'di pa mapapakinabangan. oh I forgot. Pakalat kalat nga pala kayo." Dagdag pa niya.


Wtf? Tinawag niya kaming basura? Mabaho?!


"Who the f*ck are you to tell us that bitch?!" sagot ni Bea at halatang nainis.


Napatingin ako kay Zoe at nakakalma lang siya at ngumiti.


"I'm zoe. Nakalimutan mo na agad?"


"Damn you! Anong karapatan mong sabihan kami ng mabaho?!" tanong ni Bea kay Zoe.


"Nadaanan namin friend niyo. Sobrang baho niya amoy tae."


Okay nakakainsulto naman na yata siya masyado?!


"He accidentally stepped on shit! ACCIDENTALLY. That's why. Bitch." Sigaw ni Bea kay zoe at sinamaan ng tingin. Inis na inis na siya.


"Whatever." Bulong ni zoe and smirked. Tapos naglakad na sila at nilagpasan kami ng mga kaibigan niya.


Ang kapal talaga ng mukha nung zoe! Napakaarte. Nakakabadtrip.


"Kainis! Nagoodvibes nga ako ni Brandon. Nabadvibes naman niyang Zoe!" sabi ni Bea.


"Kalma. 'wag na natin siya pansinin." Sagot ko kay Bea.


Napatingin naman ako kay Alfred. Nakalingon pa din siya sa kanila Zoe. Ano nanaman ba ang meron?! Nakakainis talaga 'yung babaeng 'yun!


Napailing ako.


"Guys, sakay na tayo sa mga kabayo?" aya ko sa kanila.


"Tara," at tumango sila.


Sumakay na din ako sa kabayo na napili ko. Kulay puti ang sinakyan ni Bea, kay Alfred itim, at yung sa akin brown.


Pinatakbo ko na ang kabayo. Medyo mabagal sa una saka ko binilisan.


Nagpaikot ikot lang kami dito sa circle. Malawak din dito.


Bigla kaming nagkahiwalay hiwalay ni Bea at Alfred. Napunta ako sa side na mabato.


Nagulat ako at nanlaki ang mata ko sa natanaw ng mata ko. Si Zoe. Siya lang ang nakita ko at wala ang mga kaibigan niya. Nakakainis talaga naalala ko ang mga pinagsasabi niya kanina.


Nakita kong parang hirap na hirap siyang kontrolin ang kabayo. Pabebe. Hindi niya pala alam magkontrol ng kabayo hindi pa siya kumuha ng tourgide.


"Fudge!" nasabi ko.


Nanlaki ang mata ko ng makita kong patakbo ang kabayo ni Zoe sa gawi namin ng kabayo ko.


Agad kong kinontrol ang kabayo para umiwas. Pero shocks! Mabilis ang pagtakbo ng kabayo ni Zoe at nasundan parin ang gawi ng kabayo na sakay ko.


Napapikit na lang ako at naramdaman ko na ang lakas ng impact ng pagkabunggo ng kabayo namin.


"Ahhh!"


Naramdaman ko ang pagkahulog ko sa kabayo.


Shocks ang sakit! Napamulat ang dalawang mata ko.


Nakita kong nahulog din si Zoe. Nakakainis naman! Hindi niya kasi kontrolin ng maayos yung kabayo niya.


"What the hell is happening here?!" Napatigil ako sa pagkilos dahil sa narinig ko.


Pamilyar na boses. Napalingon kami ng sabay ni Zoe.


It was Alfred.


"What happened?!" pagtatanong ulit ni Alfred ng mas gulat na gulat.


"Ouch!" biglang sigaw ni Zoe at halos ilabas na ang sugat na natamo siya mula sa pagkakahulog namin sa kabayo.


"What happened? Ano bang nangyari?" tanong ulit ni Alfred.


"Binangga ng kabayo ni Chloe ang kabayo ko." diniinan niya pa yung binangga na word.


"Ano?! 'Yung kabayo mo 'yung nagpalapit sa kabayo ko!" Inis na sagot ko kay Zoe.


Sinubukan ko na tumayo pero parang kumirot din yung bandang tuhod ko.


"Aray.." dahan dahang pagkakasabi ko.


Napasulyap ako kay Alfred at nakita ko siya na buhat na si Zoe ng pabridal. Tinitigan niya lang ako.


"Chloe dadalhin ko lang si Zoe dun sa place ng mga kaibigan niya. Pumunta ka na lang din dun at mukhang nasugatan siya." sabi ni Alfred at tinalikuran na ako.


"What the..."


Nagulat ako. Mas pinili pa ni ni Alfred tulungan 'yang Zoe na 'yan kaysa sa akin?!


I saw Zoe smirked. Smirk na parang nang-aasar. Then I realized na nakalayo na pala sila. Isa lang nararamdaman ko ngayon. Para akong sasabog! Naiinis ako!


Hanggang sa mapansin ko nalang na nakalayo na sila.


"Di man lang ako tinulungan tumayo!" Naiiyak na sabi ko.


Hirap na hirap akong tumayo. Oh shocks! May sugat at gasgas din pala akong natamo sa tuhod ko!


Naiiyak ako. Di ko alam kung ano ang mas masakit! Ang pagtulong ni Alfred sa iba kaysa sa akin o itong sugat ko!


Nakakainis ka Zoe! Nakakainis ka Alfred!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com