Chapter 41
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Pagpasenyahan po please kung maiksi lang ang update. Medyo blocked padin ako eh. Hue.
Dedicated to: Krishhann (Bisprin)
Comment for more Dedications.
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
DiamondAlpha
——————-
CHAPTER 41
Nakakainis ka Zoe! Nakakainis ka Alfred!
Hirap na hirap pa din akong tumatayo. Shocks nagkasugat talaga ako! Medyo may dugo na lumabas,
"Chloe!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Tumatakbo siya papalapit sa akin.
Si Bea pala.
"Oh gosh what happened to you?!" alalang alalang tanong ni Bea.
Buti pa siya ganyan kung mag-alala sa akin. Si Alfred kanina? Wala.
Tinulungan akong tumayo ni Bea. Inalalayan niya din ako sa paglalakad.
"Chloe anong nangyari sa'yo?" tanong ni Bea sa akin.
"Binunggo ng kabayo ni Zoe 'yung kabayo ko." Inis na sabi ko.
"Really?! That bitch talaga. Where is she di ka man lang tinulungan?!" tanong niya habang naglalakad kami.
Umiling ako.
"Parehas kaming nahulog sa kabayo namin."
"Parehas nahulog? Then where is she?" tanong pa ni Bea.
"Tinulungan ni Alfred." Dere-deretso kong sagot na may halong inis at galit.
"WHAT?!" gulat na gulat na expression ni Bea.
"Bakit siya ang tinulungan at hindi ikaw?!" pagtatanong pa ni Bea.
Nagkibit-balikat lang ako.
"Di ko nga rin alam." Feeling ko sasabog na talaga ako sa inis.
Nakita ko na papunta kaming cottage.
"Nagrent nga pala sila Brandon and Lucas ng cottage for us." Sabi ni Bea sa akin at tinuro ang isang cottage.
Tinanguhan ko na lang naman siya.
Napatingin nga ako sa cottage na tinuro ni Bea at nakita ko dun si Lucas at Brandon na nagpapahinga.
"Oh?! Anong nangyari kay Chloe?!"
Bungad kaagad nila Brandon at Lucas pagkadating namin sa cottage.
Inalalayan muna ako ni Bea na maupo sa mahabang upuan roon.
"Nagkabungguan siya sa isang kabayo. Kabayo ni Zoe-bitch. Tapos nahulog si Chloe kaya ayan," kwento ni Bea sa kanila.
Halata namang nagulat ang ekspresyon ng dalawa.
"Hala! Nagdudugo pa din 'yung binti ni Chloe. Chloe ayos ka lang?" alalang sabi ni Brandon at napatingin sa akin.
"Medyo kumikirot pa," sagot ko.
Nararamdaman ko padin yung sakit sa sugat na natamo ko sa pagkahulog kanina sa kabayo. Medyo malaki kasi at parang nabalatan na may dugo.
"We should buy her some band aids." Sabi ni Lucas.
"Where?" tanong ni Brandon.
"Basta tara. Hon' dito muna ulit kayo ni Chloe bili lang kami ng band-aid." Sabi ni Lucas kay Bea.
"Sige sige," sagot ni Bea at umupo sa tabi ko na mukhang pagod na pagod sa pag-alalay sa'kin papunta dito.
Nakita naman na namin ang pag-alis ni Brandon at Lucas.
"Panira talaga ng araw 'yang Zoe na 'yan." Nasabi ni Bea.
"Sobra," sagot ko sa kanya.
Sumandal ako habang nakaupo.
Di ko alam pero bigla na lang may luha na pumatak galing sa mata ko.
Pinahid ko yung mga luha na nasayang lang sa pagtulo. Hindi naman yung sugat ang masakit eh. Yung mga nakita ko kanina. Yung naramdaman ko. Yun ang masakit.
Napayuko ako at di ko namalayan naiyak nanaman pala ako.
"Alfred!"
Napatingala ako ng isigaw ni Bea yan.
Pagkatingala ko si Alfred kaagad ang nakita ko at nakatingin siya sa akin.
"Chloe? Why are you crying?" may halong pag-alala sa boses niya.
Pero bumabalik padin sa utak ko ang katotohanang si Zoe ang unang tinulungan niya kanina kaysa sa akin.
Pinahid ko ulit ang mga luha ko.
"San ka galing?" cold na tanong ko.
"Hindi ba sinabi ko na sa'yo kanina? I just helped Zoe to go to her friend's cottage."
Hindi ko pinansin ang pagsagot niya. Nakakainis. Nakakainis ng sobra. Hindi ako tumango at wala akong sinabi pa kay Alfred.
Bigla siyang tumabi sa'kin.
"What's your problem? Bakit ka umiiyak? What happened?" tanong niya sa tabi ko.
I didn't speak. Ayoko siyang kausapin. Nakakainis siya. Naiinis padin ako sa ginawa niya. Ni hindi ko din siya tinitignan.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Bea? Do you know what happened?" this time si Bea na ang tinanong niya.
Nakita kong nagkibit-balikat si Bea bago sumagot.
"Baka nasasaktan pa'din siya dahil sa sugat niya," sagot ni Bea na para bang naiinis o nagagalit din kay Alfred.
"Sugat?" takang tanong ni Alfred kay bea.
Nakita ko ang pagnguso ni Bea sa binti ko para ipakita kay Alfred ang sugat na natamo ko.
"Oh shit! Nagkasugat ka din pala?!" tanong ni Alfred sa'kin.
Pero hindi ako natinag. Hindi ko padin siya pinapansin. Muli siyang napatingin kay bea.
"Yeah, bumibili na si Brandon ang Lucas ng band aids for her." Sagot ulit ni Bea.
"That sound's good. Hintayin nalang muna natin," sabi ni Alfred.
"Sige punta muna ako dun sa malapit na garden dito," sabi ni Bea at tumayo.
Tinanguhan lang namin si Bea.
"I think you guys need to talk." Sabi niya bago pa man umalis.
Di ko alam pero bigla na lang ako napairap. Ewan inis na inis ako.
Mukhang napansin naman ni Alfred 'yong pag-ikot ng mata ko.
"Chloe may problema ka ba?" natanong ni Alfred.
Hindi ako sumagot. Ayoko padin siyang pansinin.
"You do have." Sagot niya.
Hindi ko pa din siya tinignan ko pinansin.
"What's your problem? Bakit di mo ako pinapansin? Wag mo naman ako idamay sa problema mo Chloe." nasense ko na din sa tono ng pagsalita niya na parang iritado na siya.
Hindi na ko napakapagpigil na at pinansin ko na siya. Napatayo pa ako at hinarap siya.
Biglang kumirot yung sugat ko pagkatayo ko. Pero hindi ko pinansin. Mas masakit padin ang nararamdaman ko sa ginawa ni Alfred.
"Gusto mo malaman ang problema ko?" inis na tanong ko at tinuro siya. "YOU ALFRED!"
"Me?" takang tanong niya. "What did I ever do to you?!"
"Di mo ba napapansin 'yang mga kinikilos mo?!" sigaw ko pabalik sa kanya.
Biglang nag-iba ang aura ni Alfred. Bigla siyang nainis at napatayo na din mula sa pagkakaupo. Siya pa ang may ganang magalit sa'min ngayon?
"What?! 'Di kita maintindihan!" sagot niya sa'kin.
Medyo kumalma ako. Tapos tumingin ulit sa kanya.
"Ikaw Alfred? Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.
"What?" tanong niya ng nakakunot ang noo niya. "I don't have a damn problem here only you have!" sagot niya.
I can't believe this. Di ako makapaniwalang sinisigawan niya ako. Anong nangyari sa'yo Alfred?
"'Di lang ako ang may problema dito alfred ikaw din!" galit na sigaw ko pabalik sa kanya.
"Now you're giving me a problem.. You! Ikaw din ang problema ko. You're acting weird right now!" sagot niya.
Bigla akong napatawa ng peke.
"Ha-Ha. Ako pa ang problema mo ngayon?"
"Urghh!" nagulo ni Alfred ang buhok niya.
Tapos medyo kumalma siya at tumingin sa akin. "What's with me? Anong ginawa ko sa'yo?"
"YOU CHANGED!" Malakas na sigaw ko sa kanya.
Bigla naman siyang natahimik. Pero halata padin sa mukha niya na hindi niya ako maintindihan.
Mabuti nalang at malayo ang cottage namin sa madaming tao at hindi maririnig ang pagtatalo namin at hindi kami masyado pansin ngayon.
"Nagsimula kahapon ang pagiging ganyan mo. Simula nung MAKILALA MO SI ZOE." Sabi ko pa sakanya.
"What?! Nothing ever changed—" pinutol ko ang sasabihin ni Alfred.
"Nothing?!" napairap ako ulit.
I faked a laugh once again.
"Ako girlfriend mo siya lagi nasa utak mo? Nasugatan din ako pero mas inuna mo siya at sinabi mo pa sa akin na ako na lang mag-asikaso sa sarili ko? Tapos tuwing kakausapin kita lagi kang tuliro? Palaging si Zoe ang nasa utak mo mula kahapon! Sabihin mo nga sa'kin anong meron kay Zoe?!"
Hindi siya nakasagot sa akin.
Naramdaman kong parang may basa sa pisngi ko. Letche naman oh. Ngayon pa ako naiyak.
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Tangin ang paghikbi ko lang naman yung naririnig ko.
"It was just.." 'Di niya makasagot kaagad. "It was just.. I REMEMBER YOU FROM HER!" napatingin naman ako sa kanya.
Baliw na ba si Alfred? Saan banda kami magkapareho ni Zoe? Sa pangalan? Pero siguradong sidurado akong walang pagkakatulad ang ugali ko sa ugali ni Zoe! Kaya pa'no niya nasabing naalala niya ako dun sa babaeng 'yon?
"Wow Alfred. Ang babaw naman ng dahilan mo! Naalala mo lang ako kay Zoe tapos ako balewala na? Grabe ka naman Alfred! 'Di mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman ko?" tanong ko sa kanya.
Hindi na siya makapagsalita. Ano wala na siyang masabi para ipagtanggol ang sarili niya at si Zoe?
Wala nang nagsalita pa sa'min. Katahimikan ang bumalot sa cottage na'to. Tangingin hikbi ko nalang ang naririnig ko. Oo. Tuloy tuloy na ang agos ng luha ko.
"Alfred s-sagutin mo'ko."
Bigla akong napalunok bago makapagsalita ulit.
"SIYA NA BA ANG MAHAL MO?" out of nowhere kong natanong.
Hindi nanaman siya nakasagot kaagad. Parang nag-iisip ba siya. Mahirap bang isagot ang hindi? Mahirap bang sabihing ako pa din ang mahal niya? Mahirap nga siguro. Kung hindi na totoo.
Nagulat ako bigla sa ginawa ni Alfred.
Mas nagulat pa ako sa sinigaw niya sa akin bilang sagot sa tanong ko. Bakit 'yun ang sinagot niya?
Ang sakit. Sobrang sakit. Anong nangyari sa'yo Alfred?
—————————————————-
Yeah cliffhanger bebe. Hahahaha OA ba ang away nila? Huhu. Pagpasensyahan mga bregs.
Thanks for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com