Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Leave comments and votes after reading! Thank you. :]

Sorry kung mabagal ako mag-UD :(


Dedicated to: gurlinjeans

Comment for more Dedications.


(Join our group on facebook for the ones who would like!)

DiamondAlpha  

-------

CHAPTER 42

Chloe's PoV


"I.. I DON'T KNOW!"


Nagulat ako bigla sa ginawa ni Alfred.


Matapos niyang isigaw 'yan sa mukha ko bigla na lang siyang umalis dito sa cottage.


Mas nagulat ako sa sinigaw niya sa akin bilang sagot sa tanong ko. Bakit 'yun ang sinagot niya? Ibigsabihin ba hindi na siya sigurado sa nararamdaman niya para sa'kin?


Hindi niya na alam kung mahal niya pa ako?


Napapikit ako at napailing sa mga naisip ko. Napaupo din ako sa upuan dito sa cottage.


Umiiyak lang ako ng umiyak. Yumuko at natakpan ang mukha ko. Punas ako ng punas sa mga luhang lumalabas mula sa mata ko. Kaso bawat punas ko may papatak ulit. Ano ba 'tong mga luhang 'to.


"Gosh Chloe!"

Narinig kong sigaw. Boses ni Bea. Naramdaman kong nilapitan niya ako at tinabihan.


Nanatili akong nakayuko at nakatakip padin ang mga kamay ko sa mukha ko.


"What the hell happened? Sabi ko mag-usap kayo ni Alfred. Where is he?"


Once again, pinunasan ko ang mga luha ko. Napatingin ako kay Bea sa tabi ko.

"H-He's gone." Naiiyak kong sagot.


Kumunot naman ang noo ni Bea.


"What do you mean gone?" seryosong tanong niya.


"He c-changed." Lalo akong naiyak pagkasabi ko niyan.


"Chloe.. tahan na," bigla akong niyakap ni Bea.


I'm happy to have Bea as a friend in moments like this. 'Di pa din ako makapaniwala sa sagot ni Alfred. Na hindi na niya alam kung.. ako ang mahal niya.


Ano 'yun? Nainlove na lang siya basta basta kay Zoe? Eh hindi pa nga niya kilala masyado ang tao. Kahapon nga lang namin na-encounter ang babaeng 'yun tapos siya na lagi ang nasa isip niya?!


Alam kong may dahilan.


"Woah? What on earth happened here?" napalingon kami ng sabay ni Bea sa nagsalita.

Nakita namin si Lucas at Brandon na kararating.


"Chloe umiiyak ka? Bakit masakit pa ba 'yung sugat? Eto 'yung band-aid oh," sabi ni Brandon at nag-abot ng Band-aid.


"Why ang tagal niyo bumili?" natanong ni Bea sa kanila Lucas.


"Nahirapan pa kami humanap ng store na merong band-aid eh," sagot ni Brandon.


Tumango naman kami.


Napasinghot ako at pinunasan ko ang mga luha ko. Umayos ako ng upo. Nakakahiya naman makita nila akong ganito.


"Wala pa'din si bro Alfred?" tanong ni Lucas.


"Ask chloe," sagot ni Bea kay Lucas at tinignan ako.

"U-Umalis siya bigla.." sabi ko naman kay Lucas.


"San daw pupunta?" tanong naman ni Brandon.


Nagkibit-balikat ako.


"Para siyang galit nung umalis.." sagot ko.


"You guys had a fight, didn't you?" tanong ni Bea sa akin.


Tumango lang ako.


"Kayo ni Alfred? Nag-away?!" Gulat na tanong ni Brandon.


Hindi ako sumagot.


"Anong dahilan?" tanong naman ni Lucas.


"Kasi kanina, both sila ni Zoe nahulog sa kabayo. And guess what? Alfred chose Zoe na tulungan kesa kay Chloe." Sagot ni Bea sa kanila.


"Really?! Alfred did that?!" di nanaman makapinawalang tanong ni Brandon.


"T-Tapos di niyo ba napapansin? Simula kahapon naging bukambibig ni Alfred si Zoe." Nasabi ko.


"Oo nga eh. Napansin ko kahapon," sagot ni Lucas.


"Where do you think he could be?" tanong ni Bea.

"Nandito pa kaya siya sa Picnic Grove?" tanong din ni Lucas.

"Wait, I'll check the parking lot kung nandon pa ang kotse. Baka iniwan na tayo ni Alfred dito." Sabi ni Brandon.


Tumango lang kami sa kanya.


Tapos umalis na si Brandon sa cottage at nagpunta ng parking lot.


Naupo na si Lucas sa tabi ni Bea.


Ako naman nilagay ko na 'yung dalawang band aid sa binti ko. Medyo malaki kasi yung sugat kaya kailangan ng dalawang band-aid.


Mga ilang minuto ang lumipas at nakita namin si Brandon pabalik dito sa cottage.

"Car's gone."


"WHAT?!" sabay sabay naming sigaw ni Lucas at Bea sa sinabi sa'min ni Brandon.


"I know right. That sucks. Di ako makapaniwalang ginawa ni Bro sa'tin 'yon." Naiinis na sabi ni Brandon.


"Grabe naman siya! So iniwan na talaga tayo dito?!" naiiritang sabi ni Bea.


"Is he aware that we don't have any car to use!?" sabi ni Lucas na parang galit na din.


"He really changed.." 'yan na lang ang nasabi ko.


"Hindi niya din ba alam na kasama natin si Chloe? Na girlfriend niya? Tapos nang-iwan?" tanong din ni Brandon.


"M-May sasabihin ako sainyo."


Napalingon naman bigla silang tatlo sa akin.


"Kanina. Habang nagtatalo kami ni Alfred.. I asked him kung... mahal niya pa ako."

Huminto ako bago magpatuloy. Nagsi-kunot ang mga noo nila.


"Sagot niya.. 'I don't know'." Dagdag ko pa sa sinabi ko kanina.


"Sht." Napa-cuss nalang si Brandon.


"We need to talk to him." Nasabi ni Lucas.


"He's changing palang." Sabi din ni Bea.

"So, balik na tayo sa resort?" tanong ko.


Matagal pa bago sila sumagot.


Nakita naming nagbuntong hininga si Brandon at ngumiti.


"Ano ba guys, enjoyin muna natin dito." Sabi ni Brandon.


"Oo nga naman," sabi ni Lucas at ngumiti na din.


"Sure sure tara. Madami pa tayo hindi napuntahan dito." Sabi din ni Bea at tumayo.


I faked a smile. Saka tumango. "Sige."


Nagsitayuan na kaming lahat. Kinuha ang kanya kanya naming gamit at umalis ng cottage.


----

Almost 3 hours na ang nakalipas. Nakapaglunch na din kami.


Madami kaming nagawa. Pero ako? Ang tamlay tamlay ko.


Hindi ko kasi kasama ang gusto kong kasama. Hindi naman sa hindi ko gusto kasama sila Bea, iba pa din talaga kapag kasama siya.


"Wooh! Ang saya. Medyo na-lighten up ang mood ko." Masayang sabi ni Bea.


"Ako nga din hon'. Lalo na kasama kita kanina sa zipline," at kumindat si Lucas kay Bea.


"Sus." Sabi naman ni Bea at parang namula,


"Si Brandon. Hahaha! Takte dude para kang natatae kanina sa ere. 'Yung mukha mo habang nagzizipline, hahaha- aray!"


Biglang binatukan ni Brandon si Lucas.


"I told you I was afraid of heights!" sabi ni Brandon.


"Pfffft." Natatawa padin si Lucas.


Napatawa na lang din ako sa kanila.


Nandito na kami ngayong tatlo sa labas ng picnic grove. Naghihintay ng masasakyang Tricycle. Yup. Magtatrycicle kami. Wala din naman kaming choice. Wala kaming sasakyan.


May pinara na sila Lucas.


Sumakay na kami. Kabilaan. Katabi ni Lucas si Bea at ako katabi ko si Brandon. Siksikan kami sa trycicle. Pinaandar na ni Manong yung tricycle. Kaming mga babae, nafree blower. Kainis. Lumilipad yung buhok namin ni Bea.


Hanggang sa makarating na kami sa Resort.


Bumaba na kami ng tricycle. Nagbayad na sila Lucas. Tapos nagdrive na ulit si Manong paalis.


"Omg what an experience." Sabi ni Bea at sinuklay suklay ang buhok niyang nagulo.


"Guys, balik na tayo sa room natin." Sabi ni Lucas.


Tumango naman kami at pumasok ng resort.


"Guys. Let's not make pansin kay Alfred. Kunwari nagtatampo tayo." Sabi ni Bea.


"Haha sige sige," Pagsasang ayon namin.


Kahit hindi naman na sabihin ni Bea 'yan. Talagang hindi ko papansinin si Alfred. After what he said? Tsk.


"Sige guys, papahinga na din kami ni Chloe." Sabi ni Bea kanila Lucas at Brandon.


Parehas lang silang ngumiti at tumango.


Binuksan ko na ang kwarto namin. Pumasok na kami ni Bea at nagbihis. Nahiga muna kami at kinalikot ni Bea ang cp niya.


Ako, nakatingin lang sa kisame. Ewan ko, lutang ako.


-

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng malakas na sigaw. Isang malakas na sigaw mula sa kabilang kwarto.


Nakatulog pala ako.


Napalingon ako kay Bea. Hawak hawak niya padin ang CP niya. Pero napatingin din siya sa akin.


"You heard that?" tanong niya.


Tumango naman kami.


Nanahimik muna kami ni Bea. Naghihintay kung may maririnig pa ba kaming ingay.


"Open the door Alfred!"


Narinig na naman namin ni Bea na may sumigaw sa kabilang kwarto. Agad kami na nagkatinginan. Tumango si Bea kaya tumayo kami at lumabas ng room.


Ano kayang nangyayari?


Kumatok kami sa kabilang kwarto. Sa kwarto ng boys.


"Guys anong nangyayari dyan?" tanong ko habang kumakatok kami.


Naririnig padin namin ang boses ni Brandon na sigaw ng sigaw. Pinagbuksan naman kami ni Lucas ng pinto.


"Hon' what's happening ba?" nagaalalang tanong ni Bea kay Lucas.


Wala namang maisagot si Lucas kaya pinagbuksan niya na lang kami ng pinto.


Nakita namin si Brandon na galit na galit na kumakatok sa isang pintuan na malamang, Comfort Room nila dito.


"B-Brandon. A-Anong nangyayari?" utal utal na pagtatanong ko.


Nakakatakot kasi yung itsura ni Brandon ngayon. Para siyang galit na galit. 'Di kagaya sa tunay na attitude niya na masiyahin siya.


"Si Alfred! And boyfriend mo! Nakakainis siya!" dahilan naman ni Brandon.


"What happened ba kasi?" tanong naman ni Bea.


Nakita naming nagbuntong hininga nanamn si Brandon. Umupo siya sa couch nila dito at minasahe yung nose bridge niya.


"Guys totoo. Nag-iiba na si Alfred." Seryosong sagot ni Brandon.


Agad siya na tumayo at kinuha ang susi na nasa taas ng cabinet dito.


"May susi naman pala. Bakit nagdabog pa siya na kumatok." natatawang bulong sa akin ni Bea.


Binubuksan na ni Brandon ang comfort room nila dito.


"Lucas ano ba kasi nangyari?" tanong ko ulit kay Lucas.


Nagulat na lang kasi nabuksan na ni Brandon yung pinto.


"Kasi kakadating lang ni Alfred na lasing. Tapos nagkasagutan sila ni Brandon. Ah basta!" sabi na lang niya bago kami pumunta doon sa CR at makigulo.


Nagulat naman kami sa nakita namin kasi kinukwelyuhan ni Brandon si Alfred. Napatakip naman ako ng ilong ko ng biglaan dahil sa lakas ng amoy ng alak.


"Damn it guys! Tama na!" pag-aawat naman ni Lucas.


Kami naman ni Bea nakatayo lang sa may pinto.


"Brandon! bitawan mo na si Alfre-"


Lalapit na sana ako sa kanila pero napahinto ako sa sinabi ni Brandon.


"I saw Alfred kissing Zoe outside!"


Napatingin naman ako kay Alfred. Nakatingin din siya sa akin.


"Chloe.. chloe I didn't mean to..." lalapitan na sana ako ni Alfred at hahawakan.


Pero napalayo ako.


"Y-You kissed Z-Zoe?" nauutal kong tanong sa kanya.


"Chloe sorry I-"


Hahawakan na sana ako ni Alfred pero umiwas ako.


"H-Hindi na ikaw ang Alfred na nakilala ko!"


Napiyok pa ako habang sinisigaw 'yan sa mukha ni Alfred.


"Are you that cruel na ba, Alfred? It's like we don't even know you!" sabi naman ni Bea at nauna na siyang lumabas ng room


"tsk Tsk." napailing na lang si Lucas at umalis na rin. Binitawan na rin ni Brandon si Alfred.


"Okay lang sa amin yung iniwan mo kami para sa sarili mo sa picnic grove. Pero sana maging seryoso ka naman bro. Maraming bagay ang nasasayang." sermon ni Brandon at umalis na.


Tumalikod na ako at akmang aalis na sana ng biglang magsalita si Alfred.


"Chloe.. Tatalikuran mo rin ako gaya nila?" tanong niya.


Di ako nakapagsalita. Ano bang pwede kong sabihin?


"Chloe, let's talk about this." sabi niya pa.


Narinig ko ang ilang paggalaw niya na parang papalapit na siya sa akin. May naramdaman naman akong humawak sa braso ko pero iniwas ko ito.


"Huwag muna siguro ngayon. Ayusin mo ang sarili mo. Please lang.. Ibalik mo ang dating A-Alfred." sabi ko sa kanya at naglakad na ng ilang hakbang.


"Pero chloe.." yung boses niya para na din bang naiiyak.


"T-Tama na. Intindihin mo na lang yung sinabi nila. Lalo na yung kay Brandon. Maging seryoso ka. maraming bagay ang nasasayang. SAYANG na SAYANG."


Naglakad na ako palabas.


Doon ko lang naramdaman yung mga basang patak mula sa mata ko na nag-uunahang lumabas.


Napaupo ako. Parang nanghihina ako.


"Chloe!" narinig kong may tumawag sa akin. Napatingala ako. Nakita ko si Bea na nakitingin sa akin. Agad naman akong tumayo at niyakap siya.


Inakay niya ako papunta dun sa kwarto naming mga girls. Nandun din si Lucas at Brandon na nakaupo. Dito muna ata sila nagstay para makausap ko si Alfred.


"Anong nangyari?" tanong ni Brandon sa akin.


Pero umiling iling na lang ako habang nakayuko.


"Nagbabago na si Alfred. Anong gagawin natin?" tanong sa amin ni Brandon.

Pero walang sumasagot sa amin.


"He didn't even say sorry sa atin. Sumpain that Zoe bitch to death." inis na inis naman na sabi ni Bea.


"Na-brain wash na si Alfred nung Zoe na yun." komento naman ni Lucas.


'Di na lang ako kumikibo sa mga sinasabi nila. tama sila. Nag-iiba na si Alfred. Nabe-brain wash na siya ni Zoe.


Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Brandon kanina. Na.. hinalikan ni Alfred si Zoe. Shet lang ang sakit. Sobrang sakit.


Nararamdaman ko nanaman ang kung anong mabigat na nakapatong sa puso ko.


Lolokohin nanaman ba ako? Sasaktan nanaman ba ako?


---------------------------------

Awtss. Galit ang barkada kay Alfred. :( Wait for the next update :D


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com