Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

A/N: Hi! Bibilisan ko pa ang pag-UD JBMiners kaya magdiwang kayo! HAHA djk. Anyway, salamat sa mga nagbabasa pa! Leave comments and votes after reading! Thank you. WAG SILENT READER. Hue. Comment din please? Effort ko din sa pagsulat HAHAHA. Labyuzxc 

Chapter Dedicated to: BhabieGirl07
Comment for Dedications.

DiamondAlpha  
---------------------------

CHAPTER 48
CHLOE's PoV

Lunes na ng umaga. Pasukan nanaman. Parang wala akong ganang pumasok. Kagabi kasi para akong naiiyak. Wala namang luha pero parang masama ang pakiramdam ko.. Wala naman akong sakit. Hindi padin kasi natatanggal sa isipan ko ang narinig kong arrange marriage ni Alfred.


We haven't texted each other. Kasi naman wala akong pangload. At alam kong hindi din siya makatxt dahil nandon sa bahay nila ang Papa niya at hindi sila magkasundo.


Buti na lang may pasok na... Makakausap ko na din si Alfred mamaya sa school.


Tapos na akong mag-ayos at ready na akong pumasok sa school. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng apartment namin.


Naisip ko, magmemeet pa kaya kami ni Alfred?


Kaya habang naglalakad ako nilabas ko ang cellphone ko na binigay ni Alfred noon. May isang message akong narecieve galing kay Alfred.


Baby Alfred
Morning Baby.. I'm sorry it's only now that I have texted you. At sorry kasi hindi kita masasabay ngayon sa motor ko papuntang school. I think my Dad is spying on me. And I don't want you to take a walk so pls just use your money to take a taxi. Don't worry baby, I'll pay for your lunch later. I miss you.. I love you chloe.


"I love you too Alfred.." Nabulong ko ng mahina matapos kong basahin ang text niya.


'Di ko siya marereplyan dahil nga wala akong load.


Napagbuntong hininga ako at lumabas na sa gate nila. Sinunod ko naman ang bilin ni Alfred at kumuha ako ng taxi papuntang school.


----

Kakapasok ko lang ng school at naglalakad ako ngayon papunta sa building ko. Kaso, nagdadalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ba si Alfred o hindi. Wala pa naman kasi akong klase.. at alam ko din na wala pang klase si Alfred ng gan'tong oras.


By the way, what does he mean by he thinks his dad is spying on him?


"Chloe!"


Naglalakad ako ng may narinig akong sumigaw ng pangalan ko mula sa likod ko.


Agad naman akong napalingon. Nakita ko si Bea na patakbo palapit sa'kin.


"Bea," banggit ko at nagyakapan kami.


"Omygosh chloe are you okay?" tanong niya.


"I'm alright. Ikaw ba?" natanong ko.


Nagsimula kaming maglakad ng sabay.


"I'm okay din naman. Sure ka you're alright?" nag-aalalang tanong niya.


"Oo naman." Nasabi ko nalang. Kahit gusto kong sabihin na hindi..


"But I heard about Alfred's..." Nagulat ako. Alam niya? "Alfred's ughh..." hindi masabi ni Bea ang dalawang salitang 'yon.


"Marriage A-Arrangement?" pagtuloy ko sa sasabhin niya. Kahit ako ayo'kong sabihin.


"Yeah.." sagot niya.


Biglang kumunot ang noo ko.


"S-san mo nalaman?" natanong ko.


"Um, Alfred was with me and Lucas kanina lang. And he told us lahat about his problem.." sagot niya.


"Asan siya? Gusto ko siyang kausapin.." nasabi ko.


"You can't."


Napatingin naman ako kay bea sa sinabi niya. Kumunot rin ang noo ko.


"Huh?" takang tanong ko sakanya.


"He is being spied by his Dad. So ridiculous noh?"


"Spied?"


"Kinuwento niya kasi a while ago na there was this strange man looking at him kaninang umaga. Turns out, it was his body guard. That's why nga daw hindi ka niya nasabay papuntang here sa school eh," explain ni Bea.


"Grabe naman.." 'Yan lang ang nareact ko sa sinabi ni Bea.


Sobrang strict naman yata masyado ng papa ni Alfred sakanya?


"I know right! And you know what? That bodyguard, is here sa loob ng school. We don't even know pa'no siya nakapasok!"


Mas lalo akong nagulat. Lalo akong nalungkot..Grabe naman. Ibigsabihin bantay sarado na din kami hanggang dito sa school? Fudge.


Wala akong nasabi kay bea. At nahalata naman ata niya ang pagkatahimik ko.


Bigla akong hinawakan ni Bea sa Braso.


"It's okay Chloe. Mamayang lunch we will still be on the same table with Alfred." Sabi ni Bea kaya napatingin ako.


"Pwede?" natanong ko.


"Ofcourse! We're just his friends. Ano 'yon? Alfred will stay sa isang mesa alone? Basta. Just try not to act like a couple nalang. You know, his bodyguard will be watching him from distance." Sagot ni Bea.


Tumango ako.


Nagchange topic na kami at medyo pinagaan ni Bea ang loob ko sa mga topics niya.


Hanggang sa magtime na at pumasok na kami sa kanya kanya naming klase.


----


Lunch time na at papunta na akong ng Cafeteria para imeet sila Bea.


Pumasok na ako ng pintuan ng cafeteria. Nahagip ka agad ng mata ko ang kinauupuan nila Brandon.


Naglakad na ako papunta sa'kanila.


Nakita ko ang lalaking may brown hair na nakatalikod at nakaupo sa gawi ko. Si Alfred.Nakatalikod siya kaya hindi niya alam na papunta ako.


Nang makalapit ako saka lang ako napansin nila Brandon at Bea. Wala pa si Lucas sa table.


"Hi Clowws!" bungad sa'kin ni Brandon.


"Chloee, dito ka sa chair na'to," sabi ni bea at tinuro ang katabi niya.


Nakita kong napalingon si Alfred. Nagtama naman ang tingin namin pero agad akong napaiwas.


Tumabi na ako kay Bea.


Nakatingin lang samin ni Alfred si Bea at Brandon. Parang naghihintay na mag usap kami.


Gusto ko din siyang kausapin. Pero 'di ko alam kung ano ang unang sasabihin ko. Ba't ganun?


'Yung feeling na ang ingay ingay dito sa cafeteria pero ang table lang namin na 'to ang sobrang tahimik? Awkward.


Napaikot ang mata ko sa cafeteria at nakita ko ang isang lalaking nakablack at nakacrossarms. Malaking tao at halatang malakas. Nakatingin siya samin kaya siguro, siya ang bodyguard ni Alfred.


"You guys aren't gonna talk?" biglang tanong ni Brandon kaya napalingon ako sa'kanya.


Nakatingin lang nanaman siya samin ni Alfred.


Di siya pinansin ni Alfred at nakapoker face lang. Halatang badmood na badmood siya.


Ako naman nagkibit-balikat lang bilang sagot kay Brandon.


Bigla nanamang tumahimik.


I decided to break the silence.


"Asan pala si Lucas?" Natanong ko kay Bea.


"He has pasok pa. He should be here pagkatapos ng 30 minutes. Kaya later na rin tayo umorder."


"Ahh." Sabi ko pagkasagot ni Bea.


"30 minutes pa guys. You guys should reallyyy make usap." Sabi ni Bea.


Hindi pa din kami nagsasalita ni Alfred.


"Bro magsalita ka naman. Andyan na si Chloe sa harap mo oh." Pagkausap ni Brandon kay Alfred.


Napatingin ako kay Alfred at nakatunganga lang siya sa table.


"I know it's hard to have an arrangement. Napagdaanan ko din yan at ganyan din ako nung una. Pero kailangan mo naman libangin sarili mo Bro. Mamaya madepress ka niyan." Sabi pa ulit ni Brandon kay Alfred.


"I'm hungry." Tanging sabi lang ni Alfred.


Nagpoker face lang si Brandon at nag facepalm.


Napahinga naman ako ng malalim. Ba't parang ayaw niya talaga akong kausapin?


Nakita kong napairap si Bea sa katahimikan namin. "Hay nako. Change topic na nga lang muna if your guy's aren't gonna talk to each other. Alam niyo ba that girl over there,"


Thank goodness. Lumabas na din ang kaingayan ni Bea at nagchikahan na lang sila ni Brandon at ako nakikinig nalang.


Si Alfred? Wala. Tahimik parin.


Hanggang sa makarating na si Lucas at Kumain na kami. Nilibre nila ako ng lunch ko no'ng sinabi kong wala na 'kong pera. Napakadami na ng libre ang binigay sa'kin ng mga kaibigan ko.. Dibale, pagdating ng araw ako naman ang manlilibre sa'kanila. Magsisikap ako.


Patapos na kaming lahat kumain at wala. Hindi kami umimik ni Alfred sa isa't isa. Kahit isang salita wala.


Sayang naman. Ito na nga lang ang pagkakataon para magkalapit at mag-usap kami.. Tapos ayaw niya pa?


Nang matapos na talaga kami kumain ay inayos na namin ang pinagkainan namin.


Tumayo na rin kami.


Palabas na kami ng Cafeteria. Nasa likuran kami ni Alfred na naglalakad. Mas nauuna nga lang ako maglakad kaysa sa'kanya.


Naglalakad lang ako ng maramdaman kong may humila sa braso ko.


Napalingon ako at nagulat ako ng makita ko si Alfred. Tinignan ko lang siya na nagsasabing 'bakit'.


"Uwian. Sa light house. Take a taxi." Mabilis na sambit niya.


Nakita kong nag-abot siya ng singkwneta sa kamay ko ng patago.


Lumapit siya sa'kin at bumulong sa tenga ko. "I'll find a way to get rid of my bodyguard."


Tumango lang ako ng dahan dahan sa'kanya bilang sagot.


Tapos saka na kami tuluyang lumabas ng Cafeteria na parang walang nangyari.


----

ALFRED's PoV

It's my dismissal already and I don't have a next class anymore. Si Chloe, ang alam ko may isang oras pa bago ang dismissal niya.


But I'm still already going to the lighthouse and wait for her there.


I stood up and took my bag. Lumabas na ako ng classroom at dumiretso sa parking lot ng school.


I simply took a look behind me. Damn it. My stupid bodyguard is still following me.


Sumakay na ako ng motor ko at sinuot na rin ang helmet ko. I drove as fast as I can away from the parking lot. But still, I could see through my side mirror that a black van following me. I knew it was my bodyguard.


Mas binilisan ko ang takbo ng motor ko. I am confident enough 'cause I know I won't get into any accident. I've been driving motors for a long time now.


I looked again at my side mirror and the van is still there. Argh. How can I outwit him? I can't lose him no matter how fast my driving is. Lagi ko siyang nakikitang nakabantay sa likod ko kaninang umaga pa. Kaninang umaga pa din ako inis na inis diyan. Gusto ko na nga siya gawan ng masama e. But who knows what my father will do if he founds out.


This damn bodyguard is a bit good. Grabe kanina pa ako paliko liko dito sa daan at paikot ikot pero hindi ko siya makuhang paalisin sa likod ko. But I kept trying. This is the only way to get to the lighthouse and meet my chloe.


After how many minutes of driving around across the town, I finally thought of a plan.


May nakita akong lalaking nagdadrive ng motor na halos kakulay ng motor ko. He was wearing a helmet too and I bet we look the same from looking at the back. Sakto, may bus sa tabi ng likuran niya.


I smirked. Medyo malayo pa siya sakin. I took a fast glance first at my bodyguard's black van, it was heading to the right side of the bus. Then I drove fast towards that man driving another motor.


Nang magtabi na ang motor namin na nagdadrive pinilit kong mapunta kami sa left side ng bus, opposite to wear my bodyguard is. I forced us there to hide. I made sure my bodyguard won't see us for a while. Perfect, medyo mabagal ang takbo ng bus at ang lalaki naman na nakamotor ay mabilis.


Pinantay ko lang ang bilis ng pagtakbo ko sa motor ko sa bilis ng pagtakbo ng bus. Para makatago parin ako dito sa other side. Mas nauna na ang takbo ng lalaking nakamotor kaysa sakin at sa bus. I also saw that the black van followed him.


Succeeded! And now, the black van is following the wrong guy!


Before my bodyguard can even see me from his behind, I immediately took a right turn away from their way on the road. I stopped on the edge and took off my helmet.


Lumingon ako sa likuran ko. I cleared my eyes so I could see as far as I can.


I smiled.


My bodyguard is gone.


Napatingin ako sa orasan. Almost an hour has passed. Chloe must be on her way to the light house, I thought.


Nagpunas ako ng konting pawis gamit ang maliit na towel sa bag ko. Sinuot ko na ulit ang helmet at inistart ko na ulit ang motor. Nagsimula na akong magdrive papuntang lighthouse.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com