Chapter 49
A/N: Thankyou 22.6k reads. \m/ This Chapter is dedicated to JanineAlagos! Hi there! Thankyou for supporting JBM. ChloFred at the Mediaaa~ Enjoy reading this chapter. Leave VOTES and COMMENTS pls. WAG SILENT REAAADDEER! HAHA. :>
----------------------
CHAPTER 49
CHLOE's POV
Uwian na namin. Papunta na ako sa lighthouse kung saan kami magmemeet ni Alfred.
Nagawan kaya niya ng paraan para mawala ang nakabantay na bodyguard niya? Kung hindi, ibigsabihin wala akong dadatnan sa lighthouse.
Napailing ako. I have fate on him. He gave me his word and I know nandun siya sa lighthouse para magmeet kami. Para makapag-usap kami.
Kaya hindi na ako nag-isip pa at naghanap nan g masasakyang taxi. Di ko kasi alam ang eksaktong name ng place na meron ang lighthouse kaya tinuro ko nalang kay manong yung daan. Nakabisado ko narin kasi ang daan papuntang lighthouse.
Nang makababa na ako, naglakad na agad ako papunta sa way ng lighthouse ni Alfred dito sa parang gubat.
Nakatayo na ako sa harapan nito.
Di na ako nagdalawang isip at tumaas na ng hagdanan pataas. Pagkataas ko lumabas agad ako sa may pintuan palabas sa mga terrace.
"Alfred?" Tanong ko habang lumilingon lingon.
Lumiko ako sa kanan at hindi ko siya nakita.
Wala pa siguro siya?
I decided to call out his name again.
"Alfred--"
Napatigil ako ng may maramdaman akong yumakap sakin patalikod.
I knew it was him. Naamoy ko ang amoy ng pabango niya. Naramdam ko rin sa paghawak at pagyakap at paghawak niya sakin.
"A-Alfred," I uttered out.
Hinarap ko siya ng hindi tinatanggal ang pagkahawak niya sa bewang ko. Yinakap ko din siya ng mahigpit.
"I missed you, baby." Rinig kong bulong niya sa tenga ko.
Kumurba naman sa labi ko ang isang ngiti.
"I missed you too, baby." Sagot ko naman.
Para akong naiiyak. Sa sitwasyon kasi namin ngayon, ang hirap.
Kumalas kami sa yakap at nagkatinginan.
"Kanina ka pa dito?" tanong ko.
Tumango siya, "Medyo."
Naglakad kami paharap sa railings. Pinakiramdaman lang namin ang ihip ng hangin sa mukha namin.
"Hindi ako papayag."
Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya.
"Ano?"
"Hindi ako papayag na makasal sa iba." Mariin na sabi niya.
"Makakapayag ba ang papa mong hindi ka ikasal?" natanong ko sakanya.
He sighed.
Nagkibit-balikat siya.
"My father can never take no for an answer. Pero hindi naman pwedeng siya ang laging nasusunod." Sabi ni Alfred.
"Pano yan? Ang.. ang higpit niya sayo,"
"I know. He even gave me a damn stupid bodyguard."
Napagbuntong hininga ako. Pano na kami ne'to?
Saka ko lang naalala, "Paano mo nga pala natakasan yun?"
"It's not important. What's important now is that I am here with you." Sagot ni Alfred sa tanong ko.
Nakatingin siya sa mga mata ko at gayundin ako.
Bigla nalang akong nalungkot.
"Bumalik nanaman tayo sa dati. Yung nagtatago." Malungkot kong sambit at napatingin sa baba ng lighthouse.
He held my chin and lifted my face up. Tinignan ko siya sa mata.
"Malalagpasan din natin to." He gave me his smile filled with hopes.
Tumango naman ako at ngumiti ng pilit, "Sana."
"Bakit pala hindi mo 'ko kinakausap kanina sa cafeteria?" bigla kong natanong sakanya.
"Oh about that, sorry. It was just, I still wasn't in the mood. Ayoko din kasi na mag-usap tayo in public kanina. Gusto ko, ganto." Sagot niya.
Tumango nalang ulit ako.
"Hindi na muna tayo magsasabay tuwing umaga?" natanong ko.
Nakatingin si Alfred sa akin ng nakasimangot.
"Hindi na muna."
"Sige." Sagot ko nalang.
Panandalian kaming natahimik na dalawa.
"Chloe, can I ask you a favor?" biglang tanong ni Alfred.
Agad naman akong napatingin sakanya ng may halong pagtataka.
"Ano yun?"
"Can we meet here... everyday?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
"Araw-araw?" takang tanong ko sakanya.
"Yes. Dito nalang kasi tayo nakakapag-usap ng maayos."
"Pero... mahahalata tayo nun." Alanganin kong sagot.
"No. I have my ways. Please chloe? I promise we won't get caught. Don't you trust me?" He said to me with sincere eyes.
Nanahimik ako ng ilang sandali. Papayag ba ako? Kaso kasi, baka mahuli kami. Mas malaki ang problema kapag nangyari yun.
Pero I cannot risk not having a chance to talk to my boyfriend. Gusto ko rin namang makausap at masolo si Alfred. Pa'no ko yun magagawa kung hindi ako papayag, diba?
"Chloe? Have you decided?" pag uulit ni Alfred sa tanong niya.
Dahan dahan naman akong tumango. Nginitian ko rin si Alfred.
"Okay." I answered smiling.
And once again, yinakap niya ako. Niyakap ko siya pabalik.
Matapos nun ay kung ano ano pa ang pinag-usapan naming dalawa ni Alfred. Nagkuwentuhan na rin kami.
Nung malapit nang mag alasais nagyaya na akong umuwi na kami. Di ako sumabay kay Alfred sa motor niya para di kami mahalata ng papa niya.
Pagkauwi ko, did the same routine. Work, Kain, Tulog.
Bago ako matulog madami pa muna akong inisip. Yung sitwasyon namin ni Alfred at pati na rin yung babaeng papakasalan niya.
Napaisip ako.
Sino nga ba ang babaeng mapapakasalan ni Alfred?
~*
Lumipas ang apat na araw. Friday ngayon.
At katulad nga ng napagkasunduan namin ni Alfred sa lighthouse noong isang araw, palagi kaming nagkikita sa lighthouse.
And incredibly, nawala na ang epal na bodyguard niya. Sabi saakin ni Alfred pinaalis na dawn g papa niya dahil natatakasan rin lang ni Alfred palagi. Sa pag oobserba naman ni Alfred, wala na daw sumusunod sakanya. Kaya kahit sa school nag uusap na rin kami.
Kasama ko ngayon si Brandon at Bea. Naglilibot libot lang kami dito sa school.
Si Lucas at Alfred kasi may pasok pa. Kaming tatlo, wala.
"Chloe, may itatanong ako." Biglang sabi ni Brandon sakin.
Napatingin naman ako agad kay Brandon.
"Ano yun?" tanong ko.
Mukhang seryoso ang tanong ni Brandon dahil seryoso ang mukha niya.
"Kailan ang kasal ni Alfred?"
Napasimangot naman ang mukha ko sa binigay na topic ni Brandon.
"Ewan ko." Tanging sagot ko lang.
"But nakita mo na ba yung girl, Chloe? Is she mataray or mabait?" pagtatanong din ni Bea.
"Di ko pa siya kilala. Di rin ata kilala ni Alfred." Sagot ko sakanya.
"Ah. Parehas pala talaga kami." Biglang sabi ni Brandon.
Napatingin kami sakanya.
"Hanggang now? You don't know the mukha of your fiancé?" tanong ni Bea kay Brandon.
"Yup," sagot ni Brandon.
"Eh ikaw ba? Kailan ang kasal mo?" tanong ko kay Brandon.
This time naman siya ang sumimangot. Nagkibit-balikat din siya.
"Ewan ko sa parents ko. Sana nga huwag nalang. But what can I do, they are my parents. All I can do is follow them." Halata ang inis sa pananalita ni Brandon.
Tumango tango lang ako at napaisip. Parehas pala siguro sila ni Alfred ng nararamdaman. Kaso, wala na ba talaga silang magagawa para ibahin ang desisyon ng magulang nila?
"Guys, malapit na pasok ko. Maiwan ko na kayo ha," paalam ni Brandon bago humiwalay saamin.
Tumango lang kami sakanya.
"Chloe, kain nalang tayo foods?" pag aaya sa akin ni Bea.
Ngumiti lang ako at tumango sakanya.
"Sige."
~
Uwian na namin. Nandito kaming lahat ngayon sa coffee shop malapit sa school.
Si Alfred, ako, Brandon, si bea at si Lucas ang kasama ko ngayon. Kompleto.
"Buti hindi pa kayo nahuhuli ng papa mo dude kapag nagmemeet kayo ni Chloe sa labas ng school. Pano niyo nagagawa yon?" biglang tanong ni Lucas at tumingin samin ni Alfred habang umiinom.
"Ofcourse dude, me and Chloe won't let that happen. Kaya nga maingat kami sa lahat ng kilos namin." Sagot ni Alfred.
"Ay bro, kilala mo ba yung babaeng pakakasalan mo?" tanong din ni Brandon kay Alfred.
Umiling si Alfred. "Nope. And im not looking forward to meet her."
"Psh. Siguro naman mas gorgeous pa si Chloe dun." Nasabi naman ni Bea.
"Ha? Ano ka ba bea, mayaman yung babaeng yun. Siguradong sosyalin siya at mas maganda pa sa akin." Sagot k okay Bea.
"Nah. Kahit naman she's mayaman di niya makukuha ang heart ni Alfred. Kasi it's yours na Chloe. Right, Alfred?" tanong ni Bea kay Alfred.
"Yup," sagot lang ni Alfred.
Medyo namula yata ako nun.
"Chloe, mahirap ka ba talaga? Kasi promise! Mukha ka talagang mayaman." Biglang sabi ni Brandon.
"Mukha lang, mahirap lang ako." Sagot ko at ngumiti kay Brandon.
"Hmmm sino ba parents mo Chloe?"
Napatahimik ako bigla sa tanong ni Bea.
Napatingin din ako kay Lucas. Alam niya kasi..
"I haven't met them."
Halatang nagulat sila sa sagot ko.
"What?! Why?" tanong ni Bea.
Nagkibit balikat ako.
"Ayaw pa sabihin sa akin ni Auntie." Sagot ko.
"Woah. May mystery din pala sa buhay mo Chloe." Sabi ni Brandon at tumawa.
Nakitawa nalang rin ako.
Nagbigay pa ulit si Bea ng iba pang topic. Ng naisipan na naming umuwi at ubos na ang mga iniinom namin at tumayo na kami.
Hindi ulit ako sumabay kay Alfred umuwi. Mas nauna siya sa motor niya at nagpahuli ako ng ilang sandali.
Hinatid ako ni Bea gamit ang kotse niya. May driver siya at sakanya ko tinuro ang village kung nasaan ang bahay ni Alfred.
"Bye bea, thank you for the ride." Paalam ko kay bea pagkababa sa kotse niya ng nakangiti.
"You're welcome Chloe! Goodnight!" nakangiti niya ding sagot bago sinarado ang pintuan ng sasakyan niya.
Tumalikod na ako at pumasok sa gate ng mansion nila Alfred.
Naglakad na ako papunta sa apartment namin.
Nagulat ako ng makita ko sa malayuan ang pintuan ng apartment namin na nakabukas.
Hala? Nakalimutang isarado ni Auntie?
"Auntie?" tanong ko sa may pintuan.
Pero walang sumagot.
Dahan dahan akong pumasok sa pintuan.
Nakakatakot naman. Nakasarado kasi yung ilaw kaya madilim dito sa loob.
Naglakad nalang ako patungo at palapit sa switch ng ilaw para buksan ang ilaw.
Nanlaki bigla ang mata ko at nagulat ako pagkabukas na pagkabukas ko sa ilaw.
"S-s-sir R-r-roberto?" Nanginginig kong sambit sa taong kaharap ko ngayon.
"Can you explain all of this?" tanong ni Sir Roberto.
Bakas sa mukha niya ang galit.
Napatingin ako sa sahig.
Fudge.
Ano to?
Mga picture namin ni Alfred.
Picture namin ni Alfred na magkasama sa lighthouse. Mukhang kuha ito noong mga nakaraang araw dahil iba iba ang suot namin na damit sa bawat litrato.
Binabantayan pa pala kami?
Nakakalat ang mga litrato namin sa sahig.
Napalingon ako kay S-Sir Roberto. Yung itsura niya, galit na galit na gusto na akong patayin.
Pano na to?
Nahuli na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com