Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50

A/N: Hi!  salamat sa mga nagbabasa pa! Leave comments and votes after reading! Thank you. WAG SILENT READER. Hue. Comment din please? Effort ko din sa pagsulat HAHAHA. Labyuzxc

Chapter Dedicated to:   joichen thank you for being a JBMiner ate~! 
Comment for Dedications.

DiamondAlpha

-------------------

CHAPTER 50

Chloe's PoV

"Start explaining, child." Dere-deretsong tanong ng Papa ni Alfred.


But I stayed stunned. Hindi parin ako makapaniwala na nahuli na kami. Hindi ko alam ang gagawin ko. Anong sasabihin ko?


"W-w-wala p-po k-ka-kaming---"


"Are you and my son dating?" Sir roberto cut me off.


Nakatingin siya ng deretso sa mata ko. Galit na galit. Aamin na ako..


"O-o-po." Pagkatapos kong masabi yan napayuko ako.


*PAK*


Nagulat ako sa isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin.


"How can you? You're just a freaking maid!"


Nangilid kaagad ng luha ang mata ko. Napahawak rin ako sa pisngi ko. Ang sakit.. Porket po ba katulong lang, bawal nang magmahal?


"S-sorry p-po" umiiyak na ako habang sinasabi yan.


"So that explains why my son won't accept the deal on the arranged marriage. May relasyon pala siya sa isang katulong." Naiinis na sabi ni Sir Roberto.


Hikbi lang ako ng hikbi. Iyak ng iyak. Wala akong nasabi kay sir roberto.


Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na yung kinakatakutan kong mangyari. Ang hindi kami tanggapin ng pamilya niya.


"Break up with my son."


Mas lalo akong nagulat.


"P-po?" Mangiyak ngiyak na tanong ko.


"You two can't be together. Masisira ang future ni Alfred nang dahil sayo."


Ang sakit ng sinabi ni Sir Roberto. Ganun nalang? Pwede namang mag aral ako ng mabuti para makaahon. Bakit hindi niya parin ako matanggap?


Tama rin naman si Sir Roberto. Masisira ang future ni Alfred nang dahil sakin.


"P-pero... Nagmamahalan p-po kami." Sambit ko ng mahina pero alam kong narinig parin yun ni Sir Roberto.


"Stop that nonsense. Im pretty sure my son just fell for your flirtness. He doesn't love you."


Nasasaktan na talaga ako sa sinasabi niya. Nilandi ko ba si Alfred? Paano niya nasabi yun? Grabe. Hindi. Hindi ako naniniwalang hindi ako mahal ni Alfred. Mahal niya ako.. Alam ko yun.


"H-hindi.. Hindi.." Napapikit ako at tuloy tuloy parin ang pag-agos ng luha ko sa mata ko.


"Break up with my son tomorrow." Utos ni sir Roberto.


Napatingin ako sakanya.


"A-ayoko po..." Nasabi ko.


Mahal ko si Alfred. Hindi ko siya kayang iwan. Please. Wag niyo to gawin sa amin.


Napangiti naman si Sir Roberto at napailing. Halatang naiinis siya.


"No? Then I'm afraid to tell you the prize, child." Nagsmirk si Sir Roberto.


Prize? Napakunot ang noo ko.


"You and you're Auntie won't work for us anymore. You're fired. Tell your auntie to get out this apartment by morning."


Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sir Roberto.


"Huwag po! P-Please."


"Plus, wala na kayong mapapasukan na ibang trabaho. I will have under my control every business your auntie will get and tell them to fire her. Pati sa mga apartments, I will command them to not let you two in." Ma awtoridad na sabi ni Sir Roberto.


"Huwag po! Please! Wala na po kaming ibang mahahanapan ng tulong!" Pagpipigil ko.


"Okay. If you break up with Alfred and hurt his feelings. And never speak of this." Sagot ni sir Roberto.


Napaluhod nalang ako. Ewan ko nanghihina na ako. Napatakip ang kamay ko sa dalawang mata ko pati narin sa mukha ko. Pano na to?


"If you accept the deal, Alfred will accept the arranged marriage and will go to the US for good. Gaganda ang future niya dahil sa mapapangasawa niya. Kayo rin ng auntie mo, padadagan ko ng sweldo at magtatrabaho parin kayo dito samin. So child, make up your mind."


Pinilit kong magsalita. Pinilit kong sabihin ang mga susunod kong sasabihin kahit na ayoko.


"P-Pumapayag na po ako. Puputulin ko na ang relasyon namin ni Alfred."


Biglang napangiti si sir Roberto.


"Good. You just made the right decision." Sabi ni sir Roberto.


Di ako sumagot at umiyak ng umiyak. Nakita kong papaalis na si Sir Roberto pero napatigil siya sa may pintuan.


"Oh and just so you won't forget. Never speak of this to anyone, most especially to Alfred." Utos niya ulit.


Dahan dahan akong tumango habang nakayuko.


At diko na namalayan, wala na pala si sir Roberto dito sa apartment namin.


Umiiyak ako ng umiyak hanggang sa nailabas ko na ang lahat.


Pinilit kong tumayo at pulutin ang mga litrato namin ni Alfred sa sahig.


Napatingin ako sa isa sa mga ito.


Hindi ako makapaniwalang bukas, wala na. Wala na kami. Maging alala nalang ang lahat ng tungkol sa amin.


One tear fell out my eyes again.


Im sorry Alfred pero kailangan kong magsinungaling.


Para sa akin.


At para sayo.


--------


To:Alfred
3:45 pm
Hey.. Usap tayo. Sa lighthouse.


Matapos kong isend yun napasinghap ako sa hangin.


This is it.


Gagawin ko na ang dapat gawin.


Papunta na ako ng lighthouse para hintayin si Alfred. Kumuha na ako ng taxi na masasakyan.


May pera pako pantaxi dahil hindi ako naglunch. Ang sabi ko nalang sakanila Bea busog ako. Pero sa totoo lang, wala lang talaga akong ganang kumain.


Pagkababa ko ng taxi pumunta kaagad ako sa lighthouse.


Umakyat na ako. Pagkaakyat ko tumayo muna ako sa may railings dahil wala pa si Alfred.


Di ko alam pero bigla nalang akong... Naiyak?


Argh, ayoko ng ganito. Grabe naman kasi ang Papa ni Alfred. Kung makapangblockmail naman.


Huminga ako ng malalim. Okay lang yan Chloe, matatapos din ang lahat ng to pag nasunod mo na ang utos ni Sir Roberto.


"Chloe?" Narinig kong tanong sa likod ko.


It's him. Si Alfred.


Agad akong nagpunas ng luha ko bago siya lingunin.


"Are you crying?" Nagpanic siya at lumapit sakin.


Hinawakan niya ako sa magkabilang braso pero tinanggal ko.


"Im fine. Napuwing lang." Sabi ko sakanya at ngumiti ng pilit.


"But you're like that since morning. Tell me, what's the problem?" Tanong niya.


Hindi ako nakasagot ako. Ayaw kong gawin to pero kasi, kailangan.


"Chloe.. Ano ba yung sasabihin mo?" pagtatanong niya na may halong pagaalala.


Tinignan ko siya ng direkta sa mata.


"A-Alfred.. Anong gagawin mo, kapag nakipaghiwalay na ako sayo?" Tanong ko.


Halatang nagulat siya sa sinabi ko.


"Chloe don't say that. I.. I don't know what I'll do if that happens. I can't live my life without you." Sagot niya na parang nag aalala.


Para na siyang naluluha. Alam na siguro niya ang balak ko.


"Alam mo yan. Nabuhay ka nga dati ng wala ako diba?" Tanong ko sakanya at ngumiti muli ng pilit.


Nangingilid ng luha ang dalawang mata ko.


"That was before. What are you trying to say?" Tanong niya at kitang kita ko ang luhang nangingilid na rin sa mga mata niya.


"I'm letting go.." mahina kong sabi.


Nanlaki ang dalawang mata niya sa sinabi ko. Ramdam ko ang pagkagulat niya.


"What the? Akala ko ba Chloe, walang iwanan? We promised each other to never let go."


"Alfred.. Promises are meant to be broken." naiyak nanaman ako pagkasabi ko niyan.


Alam ko naguguluhan na siya sa sinasabi ko. Sa pinagagawa kong to. Pero soon Alfred maiintindihan mo rin ang lahat ng to ay para sayo.


"C-Chloe, you're breaking up with me?"


I slowly nodded. "I'm sorry."


I closed my eyes and hopefully stop my tears from falling, but it didn't.


"No Chloe! Itatapon mo nalang ang lahat ng pinagsamahan natin? Tell me, why?" Tanong niya at niyakap ako ng sobrang higpit.


Para narin siyang naiiyak.


"Please Alfred, itigil na natin to." I said between my sobs.


Tinanggal ko rin ang pagkayakap niya sa akin na ikinagulat niya.


Kung pwede ko lang kasi sabihin sayo ang nangyari Alfred, but I can't. I freaking can't.


"Why?!" Galit na tanong niya.


Napatingin siya sakin na may halong galit at alala. Nagulat ako ng may tumulo ng luha sa mata niya.


He's crying. Umiiyak siya ng dahil sakin.


Fudge. How can I do this? Alam kong hindi siya basta bastang makikipaghiwalay ng walang magandang dahilan.


I took a deep sigh.


I'm so sorry Alfred pero kailangan kong magsinungaling. For the good of the two of us.


Nagpunas ako ng luha at tinignan siya ng deretso sa mata.


"I don't love you anymore."


I lied.


"W-What?" Di makapaniwalang tanong niya.


"I love someone else." My tears dobbled while saying this.


"N-No! You're mine! Hindi ka pwedeng mapunta sa iba! Chloe.." Umiiyak niyang sigaw.


Lumapit pa siya sakin at hinawakan ako sa braso. Tinanggal ko naman agad yun.


"Alfred hindi kita minahal!"


Napatigil siya kaagad.


Makasalanan na ako dahil sa sobrang pagsisinungaling ko.


Hikbi ako ng hikbi na halos di na ko makapagsalita ng maayos.


I had to lie again.


"Noong una palang naman, r-rebound ka lang.."


Napapikit ako. I dont want to do this to him. Someone please, pigilan niyo ako.


"No.. No.. No! Mahal kita chloe! I don't care if you didn't love me! Aagawin kita sa lalaking yon.." He desperately said.


"No. Wag mo na kong papakelaman. Dahil wala na akong pake sayo."


Sabi ko ng deretso sa mata niya.. Para magmukhang totoo ang lahat ng pagsisinunaling ko.


Galit ang namumuo sa mata niya na may kasamang luha.


Alam ko ngayon, galit na galit na siya. Galit at nasasaktan siya sakin.


I wiped my tears. Pero patuloy parin ito sa pag agos sa mata ko.


"Tigilan mo na ko.... Ayoko na."


And with that, tumakbo ako pababa ng lighthouse.


Running away and leaving the both of us hurt.


--------------------------------------------------
Note: 10 Chapters left. :'>



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com