Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

A/N: Hi! salamat sa mga nagbabasa parin! Leave comments and votes after reading! Thank you. WAG SILENT READER. Hue. Comment din please? Effort ko din sa pagsulat HAHAHA. Labyuzxc. Chapter Dedicated  to: StarlightAngel18 thank you!

DiamondAlpha

-----------------------------------

CHAPTER 54

Chloe's PoV

Dalawang linggo na.


2 weeks na simula ng umalis si Alfred dito sa Pilipinas. Mula nang maghiwalay kami.


At wala parin ang nagbabago sa akin. Nasasaktan parin ako at nalulungkot. Ang tamlay ko parin pumasok at lagi akong walang gana.


Walang gabi rin ang hindi ko siya iniyakan simula ng umalis siya.


Kamusta na kaya siya?


Nakalimutan na kaya niya ako?


Sana.. Sana okay ka lang Alfred. Miss na miss na kita.


Minsan nalang din kami ni Auntie magtrabaho sa mansion nila dahil wala namang tao. Di parin kasi bumabalik si Ma'am Clara galing America.


"Class dismiss." Nabalik ako sa wisyo ng idismiss kami ng prof ko.


Nasa school nga pala ako.


Agad kaming nagsitayuan at nagsimulang naglakad palabas ng Classroom.


"Chloe." Napatingin ako kay prof ng tawagin niya ako.


"Po?" Tanong ko.


"Can I have a word with you?" Tanong din ni Prof sakin.


Tumango lang ako sakanya at lumapit sa desk niya.


"Ano po 'yun?" Tanong ko.


Tinanggal ni Prof ang glasses niya at tinignan ako.


"What is happening to you? Bumababa mga scores mo. Halos di ka na nakikinig sakin at sa iba mong profs these pass few weeks. Lagi kang wala sa sarili." Dere-deretsong sabi sa akin ni Prof.


Napagbuntong-hininga ako. Napapansin na pala nila Prof ang mga kinikilos ko.


"Pasesnsya na po, Ma'am. Aayusin ko na po ang sarili ko." Paghihingi ko ng paumanhin kay Prof at yumuko.


"Make sure of that Chloe. Malapit na and exams. And you know what it means if you get a grade below 89. Aalisin namin ang scholarship mo."


Nanlaki ang dalawang mata ko sa huling sinabi ni Prof. Hindi pwede!


"H-Ha? Sige po pangako aayos na po ako sa pag-aaral ko!" Sabi ko at itinaas ang kaliwang kamay ko.


Hindi pwedeng mawala sa akin ang scholarship ko. Ito lang ang tanging nagpapaaral sakin dito sa maayos na paaralan.


"Hm, that's good Chloe. You can attend remedials too if you want, para makabawi ka sa mga mababang scores mo." Sabi pa ni Prof.


"Okay Ma'am I will try to attend." Sagot ko.


"Sige Chloe. You may go," Prof said and smiled.


"Sige po salamat." Sagot ko at ngumiti ng tipid.


Naglakad na ulit ako palabas ng Classroom.


Fudge. What is happening to me? Nababalewala ko na ang pag-aaral ko dahil sa paghiwalay namin. Pero di ako papayag na humadlang 'yon sa pag-aaral ko. Kaya aayusin ko na ang sarili ko.


Wala namang mangyayari kahit ilang beses pa akong umiyak dahil sakanya. 'Di na siya babalik pa.


Kaya tama na.


Nagbuntong-hininga pa ulit ako. Tapos tumungo na ako sa Cafeteria dahil lunch na.


----

Nakapasok na ako ng Cafeteria at hinanap ang seats nila Bea. Nang makita ko agad na akong lumapit sa kanila at naupo.


"What took you so long Chloe? Why so tagal?" Tanong ni Bea pag kaupo ko.


"Kinausap pa kasi ako saglit ng prof ko sa Trigo." Sagot ko.


Tumango lang naman sila.


Nag order na kami ng makakain at bumalik sa table namin. Nagsimula na rin kaming kumain.


"Uy guys, kagabi pala tinry kong tawagan si Alfred sa cellphone niya,"


Bigla akong napatingin kay Brandon sa sinabi niya.


"Pero di niya sinasagot..." Dagdag pa ni Brandon.


Bigla akong nadismaya sa narinig ko. Busy na talaga siguro siya sa new york.


"Hm, I hope he's okay. Sana we will meet him again soon." Sabi rin ni Bea.


"Ikaw Chloe, miss mo ma rin ba siya?" Tanong bigla sa akin ni Brandon.


Napatingin naman ako sakanya.


"O-Oo." Nasagot ko.


Sa totoo lang, miss na miss ko na siya. Oras oras ko siyang iniisip sa isang buong araw.


"I wish di na kayo nagbreak. Edi sana, he's here pa." Dismayadong sabi ni Bea.


"Things happen." Nasagot ko nalang.


"So, pwede na ba namin malaman ang dahilan ng paghiwalay ninyo?" Tanong ni Brandon sakin.


"No." Agad akong umiling. "Not now." Dagdag ko pa.


"Okaay." Sagot ni Brandon.


Hindi nila pwede malaman ang totoong dahilan. Hindi pa nila pwedeng malaman ang pangbloblockmail sakin ng Papa ni Alfred dahil paniguradong kami ni Auntie ang malalagot.


Ang sabi daw ni Alfred sakanila, ako dapat ang sumagot sa tanong na 'yon kung bakit kami naghiwalay. Siguro, ayaw niyang sagutin dahil galit siya. Galit siya dahil sa sinabi kong ginawa ko siyang rebound..


Nalulungkot nanaman ako. Gusto ko nanamang umiyak pero pagod na ang mga mata ko.


"Kilala niyo na ba ang mapapangasawa ni Alfred?" Tanong bigla ni Lucas.


"Nope," sagot ni Brandon sakanya.


"Hindi hon' eh." sagot din naman bi Bea.


Ako, umiling lang.


"Ikaw alam mo?" Natanong ko pabalik kay Lucas.


Matagal siya bago sumagot.


"Honestly, yes. Nakachat ko siya sa facebook kagabi..." Sagot ni Lucas.


Bigla akong nacurious sa sasabihin niya. Alam niya na ang babaeng papakasalan ni Alfred?


"I too, was shocked when I knew who he was going to marry." Sabi nya.


Agad kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lucas.


"Why hon'? Sino ba yung girl?" Tanong ni Bea sa kanya.


Lucas took a deep breath and looked at us seriously.




"Si Zoe. Zoe Villaflor."




Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lucas. Siya?!


"That bitch from tagaytay?!" Gulat na tanong ni Bea.


"Seryoso dude?!" Gulat din na tanong ni Brandon.


"Yeah. I can't believe it either." Sagot ni Lucas.


"S-Seryoso? H-Hindi ka ba nagloloko?" Natanong ko kay Lucas.


"I'm telling the truth. Yun ang sinabi sa'kin ni Alfred kagabi. Pinapasabi niya rin na busy siya kaya di niya tayo macontact."


I stay stunned. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Lucas.


Ang dami daming babae sa mundo ang pwedeng pakasalan ni Alfred, pero bakit siya pa? Siya na pinagselosan ko ng husto? Siya na naging dahilan ng pag-aaway namin ni Alfred noon?



A-Ang swerte niya naman. Makakasama niya habang buhay si Alfred..


Naalala ko yung sinabi ni Alfred noon na naalala niya ako pag nakikita si Zoe. Ibigsabihin, hindi malayong makuha ni Zoe ang loob ni Alfred...


Lalo na't ikakasal sila..


Di ko alam pero biglang tumulo ang luha ko.


"Chloe! Please don't cry again!" Biglang pagpipigil ni Bea sa akin.


Agad kong pinunasan ang mata ko at suminghot.


Umayos ako ng upo.


"I won't." And I gave them a fake smile.


"Hayaan mo Chloe. I'm sure Alfred hates Zoe." Sabi ni Brandon.


Tumango lang ako.


I have to stay strong.


"It sucks. Ba't yung bitch pa na yun." Sabi ni Bea at nabadtrip.


"Goodluck to Alfred handling the attitude of that brat." Sabi din ni Lucas.


Bigla akong natahimik. Fudge. Sana ibang babae nalang ang pinakasalan niya. Mas nasaktan ako ng malaman kong si Zoe pala ang fiancee ni Alfred.


Kelan ko ba siya malilimutan? Kelan ba mawawala tong sakit na dinadamdam ko?


"Poor nerd! Ugly na nga, ambaho pa!"


Sabay sabay kaming napalingon kami sa katabi naming table ng marinig namin yan.


Tsk.


"Sabrina nanaman." Nasabi ko.


It was Sabrina with her 2 bitches. Nangbubully nanaman sila.


"Psh. 'Di pa nila baguhin attitude nila." Nasabi din ni Bea.


Napatingin ako sa binubully nila. Isang babaeng ang suot ay parang manang tapos naka-glasses.


Naiiyak na yung babae.


Sila Sabrina naman, tinatawanan lang yung babae. Nagulat ako nang kinuha ni Arianne ang baso sa table nung babae at binuhos sakanya ang tubig.


And there I saw na humihikbi na yung babae.


Somehow nakaramdam ako ng awa para sa babae. Nakaramdam naman ako ng inis para saka nila Sabrina.


"Bea, tulungan natin." Sabi ko kay Bea at tumingin sakanya.


"Tara." Sabi niya at agad tumayo.


Sumunod naman ako sakanya at tumayo na rin.


Pumunta kami sa tapat ng table nung babaeng binubully at tumingin kila Sab.


"Tigilan niyo na nga siya." Buong tapang kong sabi sakanila.


Tinaasan naman ako ng kilay ni Patricia.


"Excuse me? Mind your own business Chloe and Bea." Sagot ni Sabrina at inikot ang mga mata niya.


"Why are you even doing this? Aren't you thinking of the person's feelings when you bully them?" Sabi ni Bea at halatang naiinis na siya kila Sab.


"Ba't ba kayo nangingialam ha?" Tanong ni Patricia sa amin.


"Pinagtatanggol lang namin ang tama." Sagot ko sakanya.


"Look at her," sabi ni Bea at tinuro yung babaeng nakaupo at umiiyak. "Pa'no kung kayo ang ginanyan?" Tanong ni Bea sa kanila.


Nagcross-arms naman si Sabrina.


"Psh. Whatever. Diyan na nga kayo, magsama kayo. Mga CHEAP people." Sabi ni Sabrina at nagwalk-out.


"Mga pakilamera." Sabi naman ni Patricia at sumunod kay Sab.


Si Arriane naman binagsak sa table ang baso na hawak niya bago sumunod sa kanila Sab.


"Kung wala lang tayo sa school, nabali na ang mga buto niyo." Huling sabi ni Arrianne samin.


Halatang nainis si Bea sa sunod sunod na sinabi ng tatlo saamin. Pero pinigilan niya parin ilabas ang bitchside niya.


Nang masiguro namin ni Bea na wala na sila, agad naming nilapitan yung babae.


"Girl, tahan na." Sabi ni Bea sa babae.


Umiiyak parin kasi siya at nakayuko.


Ako naman, hinagod hagod ko ang likod niya.


Tumabi kaming dalawa ni Bea sakanya at naupo.


Tumigil na siya sa kakaiyak at tinanggal ang salamin niya para punasan ang mga luhang nandun.


Sinuot niya ulit ang glasses niya at tumingin sa amin.


"T-Thank you..." Nahihiyang sabi niya samin.


Naningkit ang mata ko at napatitig ako sa mukha niya.


Sandali..


Naalala ko siya.


Siya yung nagtourgide sa amin doon sa tagaytay! Yung nagtour sa amin sa Japanese Friendship garden.


"Trixie?" Biglang tanong ko sakanya.


"Omg. Trixie?! As in yung nagtour samin sa Japanese Friendship Garden?" Tanong din ni Bea sakanya.


"Ah hehe," sabi ni Trixie at napakamot sa ulo niya.


"Dito ka din pala nag-aaral?" Tanong ko sakanya.


Dahan dahan naman siyang tumango.


"Anyare na dito?" Napalingon kami ng may nagsalita.


Sila Brandon at Lucas pala.


Naupo din sila dito sa table.


Napalingon ako kay Trixie at para siyang nagulat sa nakita niya. Napalingon naman ako sa tinitignan niya. Si Brandon?


"Guys, si Trixie! She's our schoolmate pala!" Sabi ni Bea sa kanila.


"Really?" Sabi ni Lucas at napatingin kay Trixie.


Maging si Brandon napatingin sakanya at biglang namula si Trixie.


Ano bang meron kay Brandon na nakikita niya? Dati pa siyang ganyan kay Brandon ah.


Biglang naningkit ang mata ni Brandon at napatingin kay Trixie. Si trixie naman agad yumuko.


"What's wrong?" Curious na tanong ni Bea kay Brandon at Trixie.


Kami ni Lucas nakatingin lang. Ano bang meron.


"I think she's my..."




Nagulat kami ng biglang hablutin ni Brandon ang glasses ni Trixie. Pati si Trixie nagulat sa ginawa niyang 'yon.




"Fiancee."



"What?!?!" Sabay sabay naming tanong ni Lucas at Bea sakanila ng sabihin 'yon ni Brandon.




What the fudge?

Fiancee ni Brandon si Trixie?!


--------------

Sabaw na update :c

Note: 6 Chapters left~


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com