Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

#JustTheStrings

Kabanata 14

Hingal na hingal ako pagdating ko sa bahay. Hindi kasi ako tumigil sa pagtakbo hanggang makarating ako doon. Hindi rin ako lumingon sa likod ko dahil sa takot ko na nakatingin sa akin si Saint. Baka kasi maiyak ako sa sobrang kaba.

God, I had never run this fast in my entire life! Ramdam na ramdam ko iyong mabilis na tibok ng puso ko sa loob ng dibdib ko.

Pagdating ko sa bahay, nagulat sa akin si Finley dahil hingal na hingal ako.

"Ate, are you okay?" he asked me.

I nodded.

"I'm okay, baby. Nasaan sila Papa?"

Tinuro niya iyong loob.

"We just finished eating kasi sabi mo raw kumain ka na," sabi niya pa. I nodded and then patted his head. Pumasok na ako sa loob ng bahay pero hindi ko nakita sila Mama. Baka nasa garden at umiinom sila ng tea ni Papa. Nakagawian na kasi nila na uminom ng tsaa pagkatapos kumain. Kaya dumiretso na muna ako sa kwarto ko.

Pagdating ko sa loob, agad akong nahiga sa kama. Grabe. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko! Para akong sumali sa marathon dahil sa sobrang hingal ko. Ramdam na ramdam ko rin iyong adrenaline rush. Ganito pala ang pakiramdam nun. Sobrang nakaka-excite na hindi ko maipaliwanag... pero ang saya sa pakiramdam.

Nahiga ako ng ilang minuto bago ako nagdesisyon na tumayo at pumunta sa CR para maglinis na ng katawan. Pumunta na ako sa CR at nagsisimula na akong maligo pero si Saint pa rin ang nasa isip ko. Pilit kong hindi siya inisip dahil hindi tama na siya ang nasa isip ko habang naliligo ako... Papagalitan ako ni Father kapag nalaman niya na ganito ang nasa isip ko.

Pagkatapos nun, nagbihis na ako at nahiga sa kama. Sobrang malala na yata ako. 20 minutes na ang nakakalipas pero iyong epekto, parang kanina lang... Pumikit ako tapos bigla kong naramdaman na nagvibrate iyong cellphone ko. Tinignan ko iyon at nakita ko na may chat si Saint.

Saint Iverson Gomez de Liaño: Hey, Mary...

Bubuksan ko ba?

Pero paano kapag tinanong niya ako kung bakit ko siya hinalikan? Wala naman yata akong masasagot doon!

Hala, paano na 'to?

Ilang minuto rin na nakatingin lang ako sa cellphone ko at nag-iisip kung ano ang gagawin ko. At sa tagal ng pag-iisip ko, nakarinig ako ng katok sa pintuan. Tumayo ako at binuksan iyon. Nandun si Kuya.

"Baba ka na," sabi niya. Tumango ako. Nagsimula na akong maglakad nung bigla akong tawagin ni Kuya. Huminto ako at saka tinignan siya. Gusto kong kausapin si Kuya pero hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula... At saka puro iba pa rin iyong nasa isip ko. Magsosorry naman ako pero baka bukas na lang.

"Imo," pagtawag niya sa akin.

"Po?"

Huminga siya nang malalim.

"I was a jerk. Sorry."

Kinagat ko iyong ibabang labi ko.

"Sorry din, Kuya... Hindi ko sinasadya na magtaas iyong boses kanina..."

"It was my fault. Pikon lang talaga ako," sabi niya tapos tumango ako dahil totoo naman.

"Magiging okay na kayo ni Saint?" tanong ko sa kanya. Iyon lang naman kasi ang gusto ko... Iyong maging ayos sila ni Saint dahil hindi magandang pakinggan kapag palagi silang nag-aaway. Kaibigan ko si Saint tapos Kuya ko siya kaya hanggang maaari, gusto ko na maayos sila... Hindi naman siguro mahirap gawin iyon.

"I'll try."

"Try lang, Kuya?"

Tumango siya.

"Syempre ano akala mo? BFF na agad kami? Labo," sagot niya. Napangiti naman ako. At least okay na ulit kami ni Kuya... Ayoko rin kasi na lumipas iyong isang araw na hindi kami ayos. Syempre pamilya kami kaya dapat palagi kaming magkasundo. At saka ayaw ko na magset ng bad example kay Riley at Finley. "Saka inaagaw ka niya sa akin, e," mahinang sabi ni Kuya.

Napalabi naman ako tapos niyakap ko siya.

"Kuya naman, e... Syempre kapatid mo pa rin ako."

Niyakap niya rin ako.

"Pero mas gwapo ako sa kanya?"

Tumango ako.

"Syempre naman. Kuya kita, e."

Bumaba kaming dalawa at nandun na sila Mama. Tuwi kasing 7pm, rosary time namin. Araw-araw kaming sabay nagdadasal dahil sabi ni Papa, dapat thankful kami sa lahat ng blessings na natatanggap namin. Lumuhod na ako sa kneeler at saka hinawakan iyong rosary. Si Papa ang naglead ng prayer pero bago pa kami makapagsimula, may katok kami na narinig.

"Sir," sabi ni Manang Lucia. Napatingin kaming lahat sa kanya. "E, Sir, may lalaki po naghahanap po kay Ma'am Mary sa labas."

Nakakunot ang noo ni Mama.

"Si Parker?"

Umiling si Manang.

"Hindi po, e. Mas matangkad po kay Sir Parker."

Tinignan ako ni Mama tapos hindi ako makasagot. Sino ba iyon? Hindi naman pwede na sila Kuya Benj dahil kilala naman nila Manang iyon dahil halos dito na nakatira sila Kuya Benj lalo na kapag summer break...

"Puntahan mo muna, Preston," sabi ni Mama kay Kuya. Tumayo si Kuya at saka lumabas. Si Mama, nakatingin pa rin sa akin na akala mo may ginawa akong kasalanan. Hala! Impossible naman na nakita niya iyong ginawa ko kanina? Tinted naman iyong sasakyan ni Saint! Pero kasi si Mama, grabe makatingin...

Inunahan ko na sila Mama dahil nagdadasal na ako sa loob-loob ko. Sigurado ako na ipapadala ako ni Mama sa kumbento kapag nalaman niya iyong ginawa ko. Palagi niya pa naman akong pinapangaralan na maging mabuting babae tapos ako pa iyong naunang humalik kay Saint...

"Good evening po."

Napatigil ako sa pagdadasal ko nung marinig ko iyong boses ni Saint. Napatingin ako sa pinanggalingan noon at tama nga ako. Nandun siya.

"Hey there, Mary," sabi niya sa akin. Nanlalaki pa rin iyong mata ko.

"You are?" tanong ni Mama sa kanya. Tumayo si Mama mula sa kneeler at saka lumapit kay Saint.

"Saint Gomez de Liaño po," pakilala ni Saint.

"And you know my daughter how?"

Tinignan ako ni Saint tapos he winked at me. Sa harap pa talaga nila Mama! Wala talagang pinipiling lugar ang pagkindat niya!

"We're friends."

Inakbayan siya bigla ni Kuya.

"He's Saint, Ma. Iyong sinasabi ko sa 'yo na friend ni Imo," sabi ni Kuya and recognition shot through Mama's face. Biglang lalong nawala iyong ngiti niya. Oo nga pala, ang pagkakaalam niya, mayroong naka-live in na prostitute si Saint dati... Si Kuya kasi kung anu-ano ang kwento na imbento.

"Oh."

"I just came here po dahil naiwan ni Mary iyong bag niya sa sasakyan ko," sabi ni Saint tapos pinakita niya iyong bag ko na hawak niya. Naiwan ko nga dahil sa sobrang pagmamadali kanina!

Napatingin sa akin si Mama. Hindi niya kasi alam na si Saint ang naghatid sa akin. Dear Lord, bakit po ako naiipit ng ganito? Parang gusto kong maiyak dahil sa tingin sa akin ni Mama...

Tumayo na rin ako tapos kinuha iyong bag ko mula sa kanya. "S-salamat."

"Anything for you," he replied.

Nagsalita na naman si Kuya.

"Well, since nandito ka na rin, gusto mo bang sumama sa rosary time namin?" tanong ni Kuya kay Saint. "Wait, Catholic ka ba o Atheist? May religion ka ba?"

Sinamaan ko si Kuya ng tingin. Nagsisimula na naman siya. Akala ko ba okay na siya kay Saint?

"Roman Catholic," replied Saint. "And yes, I do pray, Preston," sabi pa ni Saint.

Natahimik si Kuya dahil si Saint pa ang naglead ng rosary namin. Hindi niya siguro ineexpect na marunong si Saint... Sabi ko na nga ba, pareho kaming religious and faithful kay Lord, e. Hindi nga ako nagkamali... Sobrang pinigilan ko iyong sarili ko na tumingin sa kanya kasi gusto kong magfocus kay God pero ang hirap gawin lalo na at seryoso siya habang nagdadasal. Lalo na kapag Our Father iyong dinadasal niya... Ewan ko ba pero there's nothing more attractive than a guy who prays...

Pagkatapos ng dasal, dahan-dahan akong tumayo pero namamanhid pa iyong tuhod ko dahil sa tagal ng pagkakaluhod. Inalalayan ako ni Saint.

"Saint, 'di ba?" nagulat ako dahil nagsalita si Papa. Tumango naman si Saint. "Kumain ka na ba?"

Umiling si Saint kahit kumain na kami ng dinner kanina bago umuwi.

"Sige, kumain ka muna dito," sabi ni Papa. Ngiting-ngiti naman si Saint. Nung tumalikod si Papa, nagsmirk si Saint kay Kuya.

"Sipsip," sabi ni Kuya.

"Your father likes me."

"Well, ayaw pa rin sa 'yo ni Mama."

"We'll see..." sabi ni Saint tapos bigla kaming iniwan sa loob ng prayer room. Napatingin ako sa gilid ko dahil may humahatak sa damit ko.

"Ate, who's he?" tanong ni Finley.

Umupo si Saint para magka-level sila ng mukha ni Finley.

"I'm Kuya Saint," sabi niya. "You are?"

"I'm Finley Angelo Suarez and he's Riley Angelo Suarez. We're twins," pakilala ni Finley sa kanila ni Riley. "How tall are you?"

"I'm 6'3. You?"

"I don't know yet. But I want to be tall, too."

"You should try swimming," sabi ni Saint. Ang cute nila tignan ni Finley habang nag-uusap.

"I want to but Riley doesn't like swimming. Nakakapagod daw," sabi ni Finley tapos tinignan niya si Riley na may hawak na naman na chocolate! Si Kuya na naman! "See, Riley? We should swim. I want to be tall, too."

Nag-uusap silang dalawa habang ako, nakatingin lang. Medyo kinukuha ko rin iyong chocolate ni Riley dahil matutulog na siya tapos kumakain pa rin siya... Natigil lang sila sa pag-uusap nung tinawag kami ni Manang at sinabi na handa na raw iyong kakainin ni Saint. Nauna ng tumakbo sila Finley dahil matutulog na sila.

"Kumain ka na, 'di ba?" I asked him habang naglalakad kami papunta sa dining area.

He nodded.

"Bakit ka nagsinungaling?"

Umiling siya.

"That wasn't a lie."

"E ano 'yun?"

"That was me wanting to meet your family," he said. Napatigil naman ako sa paglalakad. Bigla-bigla na lang siya talaga nagsasabi ng ganito. "I rendered you speechless again, haven't I?"

Tumango ako habang nakayuko. Hindi ko pa rin siya matignan sa mata.

"We're quits, then. You got me speechless when you kissed me, too."

Hala! Sabi ko na nga ba dapat hindi ko na ginawa iyon, e! Sigurado ako hindi ako papatahimikin ni Saint dahil doon... Kaya sinundan ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa dining area. May pagkain na doon at mukhang kakain na naman si Papa e tapos na kaming kumain kaya kanina.

"Kumakain ka ba nito?" tanong ni Papa. "Kapag hindi, pwede naman—"

Saint shook his head.

"No, Sir. It's good."

Nagsimula ng kumain sila kaya napilitan ako na kumain ulit. Pati nga si Mama ay kumakain na rin... Hindi siya makapagsungit kay Saint kasi mukhang gusto nga ni Papa si Saint... Pati rin si Kuya biglang tahimik na. Si Papa pa rin ang head of the family kahit tahimik siya.

"Schoolmate kayo ni Preston?"

Tumango si Saint.

"Ano ang degree mo?"

"Foreign Studies po," he replied.

Tumango naman si Papa. "Bakit iyon?"

"My dad's a consul po and I also like studying about foreign cultures," sagot ni Saint. Mukhang impressed naman si Papa sa sagot niya. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan e mukhang ayos naman iyong mga nangyayari... Si Kuya lang ang mukhang hindi masaya sa mga nangyayari.

"Consul of what country?"

"Spain po."

"So you're Spanish?"

"Half lang po. My Dad married my mom when he was assigned here," paliwanag ni Saint. Napatango na naman si Papa.

"Sus, yabang," bulong ni Kuya. Napailing na lang ako. Ang laki talaga ng problema niya kay Saint...

Natapos iyong pagkain ni Saint tapos sa garden naman kami. Hindi ko nga alam kung may balak pang pauwiin ni Papa si Saint sa bahay nila, e. Alas-otso na rin kaya.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" I asked him habang hinihintay namin iyong tea.

Umiling siya.

"Told them I'm going here," sagot niya.

"Talaga?"

He nodded.

"I don't keep secrets from my family. And I don't like secrets," sabi niya bago siya nagpasalamat dahil inabot sa kanya iyong tsaa. Mahangin ngayong gabi at nilalamig na ako. Aakyat na sana ako para kumuha ng jacket nung hubarin ni Saint iyong varsity jacket niya. "Here," sabi niya habang tinutulungan ako na isuot iyon.

"Athlete ka rin?" tanong na naman ni Papa.

"Yes po, Sir. Basketball pero I swim din po."

"Wag na Sir. Just call me Tito," sabi ni Papa tapos napangiti si Saint.

Nagkwentuhan lang silang dalawa at mukhang close na agad si Papa at Saint. Si Kuya naman hindi na maipaliwanag iyong mukha... Si Mama, hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya sa mga nangyayari...

"Saint," biglang pagtawag ni Mama sa kanya. Napatingin ako at ewan pero biglang kumabog iyong dibdib ko. "I heard na you once lived in with a prostitute... Tama ba iyon?"

Nakita ko na nabigla din si Saint sa narinig niya. Si Mama naman kasi! Bakit siya nagtatanong ng ganoon?!

"Imo—" pagtawag ni Papa sa kanya.

"Ah, yes, Ma'am. Sorry but I wouldn't call her a prostitute; I hope you won't get offended. She was a Spanish human trafficking victim. There was a problem with her papers so my Dad volunteered to share our home with them while her papers were being processed," mahinahon na sabi ni Saint.

Wow. Hindi ko akalain na ganito pala kabait ang pamilya ni Saint... Sobrang layo sa pinagkakalat ni Kuya na balita tungkol sa kanya... Ganito pala ang nangyari...

Natahimik si Mama. Si Papa na lang ang nagsalita dahil biglang naging awkward iyong paligid.

"That's very nice of your father," Papa said. "Kung may maitutulong kami na charity work, sabihan mo lang kami."

Tumango si Saint. Nagpaalam na rin siya pagkatapos noon.

"Bisita ka lang dito kapag gusto mo," sabi ni Papa. Grabe naman, biglang gusto niya na talaga si Saint? "Pupunta ka naman sa birthday ni Imogen, 'di ba?"

Napatingin sa akin si Saint tapos nakakunot iyong noo niya. Hala, hindi ko pa nga pala nasasabi iyong tungkol doon.

"Yes, Tito," sabi na lang ni Saint.

"Sige na, Imogen, ihatid mo na si Saint sa sasakyan niya," sabi ni Papa at sumunod naman ako. Sinamahan ko si Saint hanggang makarating kami sa sasakyan niya. Natanaw ko sa medyo hindi kalayuan iyong mga guards niya kaya panatag naman ako na makakauwi siya ng ligtas.

"Salamat," sabi ko sa kanya.

"For what?"

I shrugged. I just felt like thanking him.

"Basta thank you," sabi ko. "Ingat ka pauwi."

"Pinapauwi mo na ako?" malungkot na sabi niya.

Natawa naman ako.

"Gabi na kaya. Dapat bukas mo na binalik iyong bag ko."

"Why would I wait for tomorrow when I can give it to you tonight?"

"Sayang kasi dahil makikita mo naman ako bukas sa school..."

He shrugged. "It was worth the effort. At least nakita kita."

Ang lakas talaga niya mambola.

"Sige na, uwi ka na talaga... Message mo na lang ako sa facebook kapag nakauwi ka na. Ha?"

He nodded.

"Of course, wifey," sabi niya bago tumatawang sumakay siya sa loob ng sasakyan niya. Loko-loko talaga 'yun.

Pumasok na ako sa loob nung maalala ko na suot ko pa pala iyong varsity jacket niya. Tumakbo ako palabas para habulin siya pero wala na siya roon. Habang naglalakad ako paakyat sa kwarto ko, nagnotify iyong phone ko.

Saint Iverson Gomez de Liaño tagged you in his status

My dab queen

Tapos nakalagay doon iyong picture namin kanina na kinuhanan sa cinema. Para tuloy akong tanga na nakangiti hanggang sa makatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com