Kabanata 15
#JustTheStrings
Kabanata 15
Nitong mga nakaraang araw, sobrang busy ko na talaga. Palapit na kasi ng palapit iyong debut ko kaya ang daming kailangang gawin. Akala ko pa naman wala akong masyadong gagawin dahil mayroon namang kinuhang organizer sila Mama pero hindi rin pala... At medyo natatakot na ako kay Miss Carmie dahil mukhang na-obsessed yata siya sa Harry Potter pagkatapos niyang basahin. Ayan tuloy, mas affected pa siya sa akin at mas perfectionist pa siya sa mga details...
Nakaupo ako ngayon sa sofa at pinapakinggan na mag-usap si Miss Carmie at iyong assistant niya. Hindi ako makasingit dahil mukhang kaya na ni Miss Carmie 'to.
"What do you mean hindi pwedeng gamitin ang owls?" nakataas ang kilay na tanong niya sa assistant niya na si Jere.
"Miss, kasi po baka habulin tayo ng PAWS kapag ginamit natin... 'Di ba animal abuse 'yun?"
Pinipilit kasi ni Miss Carmie na via owls ang pagpapadala ng invitation. Okay na naman sa akin na hindi since alam ko naman na medyo farfetched iyong idea na 'yun... Pero mukhang nung nabasa ni Miss Carmie iyong Harry Potter, talagang nagustuhan niya si Hedwig. Kaya talagang nilalaban niya na gamitin ang mga owls.
"How about we drive the owls close to the house of the invited people para kaunti na lang ang liliparin nila?" suggestion ni Jere dahil mukhang hindi talaga papatalo si Miss Carmie sa idea niya. Naupo na lang ako doon at pinakinggan silang dalawa. Halos 30 minutes din silang nagtalo hanggang sa nagcompromise sila sa kalapati na susuotan ng owl costume. Mukhang okay na naman iyon.
Mayroon pang mga final details na ipinakita sa akin si Miss Carmie for my approval. Nakahanap na kasi sila ng hall na big enough para gawing Great Hall. Sobrang namangha ako dahil detailed talaga iyong binigay ni Miss Carmie—mula sa table settings hanggang giveaways. Mukhang ginawa niya talaga iyong assignment ni Mama sa kanya na basahin iyong Harry Potter series.
Pagkatapos noon, nagpaalam na sila sa akin dahil marami pa raw silang gagawin. Nagpasalamat naman ako dahil sobra iyong effort na binigay nila para sa birthday ko. Ganoon natapos ang weekend ko. Ni hindi ko nga napansin dahil ang dami kong ginagawa. Parang pang-isang linggo na 'yung pagod ko.
Nung kinagabihan, nakahiga na ako sa kama at naghahanda na akong matulog. May pasok na naman kasi bukas at kailangan kong matulog na para may energy ako bukas since naubos na yata ngayon. Papapikit na sana ako nung maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.
Saint Iverson Gomez de Liaño: mary
Mary Imogen Suarez: yes?
Saint Iverson Gomez de Liaño: can't come to school tomorrow
Huh? Bakit naman niya sinasabi sa akin 'to?
Mary Imogen Suarez: uhh okay?
Saint Iverson Gomez de Liaño: you won't miss me?
Mary Imogen Suarez: bukas ka lang naman mawawala e
Saint Iverson Gomez de Liaño: actually for a week
Hala. Isang linggo? Ang tagal naman nun... Pero wala naman akong karapatang magreklamo. At saka ano sasabihin ko? Na 'wag siyang umalis?
Mary Imogen Suarez: saan ka pupunta?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Madrid. Family thing
Mary Imogen Suarez: oh... sigurado ako mamimiss ni Kath si Psalm
Baka magwala si Kath kapag nalaman niya na one week niyang hindi makikita iyong baby niya. Grabe pa naman 'yun... Kami na ni Liza ang nahihiya kasi sinusundan pa ni Kath kahit sa Commerce building pa si Psalm. E ang layo nun sa building namin.
Saint Iverson Gomez de Liaño: grabe. How about me?
Mary Imogen Suarez: may facebook naman 😃
Saint Iverson Gomez de Liaño: tss
Hindi ko muna nireplayan si Saint dahil hindi ko alam kung ano ang irereply ko sa kanya... Gusto kong sabihin na syempre naman mamimiss ko siya pero nakakahiya kasi... Iyon ngang paghalik ko sa pisngi niya e hindi niya pinalagpas, ito pa kaya? Mamaya i-printscreen niya pa 'to at ipamukha sa akin araw-araw, e.
Nagscroll muna ako sa facebook at naglike ng bagong posts na selfie ni Kath. Nadaanan ko rin iyong profile pic ni Saint at napailing na naman ako. Bakit ba kailangan na topless siya sa profile pic niya? Imbes tuloy na like iyong pindutin ko, iyong sad na emoji... Bigla na naman tuloy nagchat si Saint.
Saint Iverson Gomez de Liaño: you don't like my profile pic?
Mary Imogen Suarez: medyo nakakailang lang pero okay lang
Saint Iverson Gomez de Liaño: why?
Mary Imogen Suarez: wala... okay lang
Saint Iverson Gomez de Liaño: why nga?
Nag-isip ako sandali bago ko sinagot... Parang stepping over the line naman kung sasabihin ko na naiilang ako... Medyo kasi. Lalo na madalas kaming magka-chat tapos palagi kong nakikita iyong topless profile pic niya sa chat box namin. Pero iyon nga, pinaliwanag ko na lang kay Saint iyong side ko... Pero sinabi ko rin naman na okay lang since profile picture niya naman iyon at hindi sa akin.
Saint Iverson Gomez de Liaño: you're so cute. Wait
Bigla akong inuhaw sa pagpapaliwanag na ginawa ko kaya bumaba muna ako para kumuha ng gatas. Gusto ko na rin kasing matulog kasi malapit na naman ang exam time. Kailangan kong maging gising sa mga discussions.
Pagbalik ko sa kwarto, tinignan ko ulit iyong phone ko pero napakunot ang noo ko dahil ang daming notifications. Tinag na naman ba ako ni Kuya sa pictures niya? Since dumadami lang naman ang notif ko kapag tinatag niya ako... Less than 300 nga lang ang friends ko sa facebook, e. Hindi naman kasi ako kagaya ni Kath na inaadd lahat ng tao.
Napakunot ang noo ko nung may mga tao na nagtag sa akin. Pinindot ko iyon at bigla namang nanlaki ang mata ko nung makita ko kung bakit halos maglag na iyong cellphone ko sa dami ng tags.
Hindi ko na binasa iyong comments dahil baka kung ano pa ang mabasa ko. Ang dami pa namang girls na nagkaka-crush kay Saint! Hala!
Mary Imogen Suarez: bakit mo ginawa yun?!
Ang tagal magreply ni Saint. Nasaan na ba 'yun?! Baka kung ano ang isipin ng mga tao, e. Pasaway talaga 'yun!
Ilang minuto na akong naghihintay ng reply niya pero wala akong nakuha. Bigla namang nagchat sa akin si Kath.
Kathryn Chandria Padilla: Girl!!!!!! OMG!!!!! Pengeng air!!!!
Kahit sa chat lang, parang naririnig ko iyong sigaw ni Kath.
Kathryn Chandria Padilla: Sobrang goals niyo ni Saint hindi ko na kaya!!!!!!!
Mary Imogen Suarez: nakakahiya...
Kathryn Chandria Padilla: Kung si Psalm ang gagawa sa akin nun, OMG talaga I'm dead!
Biglang nawala na iyong antok ko bigla. Hindi ako matutulog hanggang hindi ko nakakausap si Saint. Grabe talaga siya! Paano ako papasok ngayon sa school dahil sa ginawa niya?!
Nakaupo lang ako sa kama habang hinihintay iyong reply ni Saint. Hindi pa rin tumitigil iyong pagdating ng notifications at pati friend requests mula sa mga hindi ko naman kilala na tao...
Saint Iverson Gomez de Liaño: hey, sorry had to attend to something. Sup
Mary Imogen Suarez: burahin mo nga 'yun
Saint Iverson Gomez de Liaño: what? You said ayaw mo sa profile pic ko, then I changed it. Tapos ayaw mo na naman. Gulo ah
Napapikit ako sa reasoning niya. Oo, naaasiwa ako sa picture niya, pero hindi ko naman sinabi na gawin niyang profile picture ang mukha ko! Ayan tuloy, puro pangalan ko iyong nakalagay sa comments... Pati iyong mga hindi naman ako kakilala e nagtatanong na kung sino ako...
Mary Imogen Suarez: Saint naman...
Saint Iverson Gomez de Liaño: cute ka naman dun e
Mary Imogen Suarez: ayoko ng attention... tsaka nalilito ako sa chat. Pareho na tayo ng profile pic
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko dahil mukhang hindi naman papapigil si Saint. Paano ako papasok nito? Baka himatayin ako kapag silang lahat e nakatingin sa akin. Sikat pa naman si Saint sa school! Grabe na talaga 'to!
Saint Iverson Gomez de Liaño: but what about the attention i'm giving you? Ayaw mo rin yun?
Hala grabe siya!
Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Medyo sensitive pa naman si Saint... Ayoko na maulit 'yung isang linggo niya akong hindi pinansin... Kaya nga kapag ka-chat ko siya, sinisiguro ko na malayo ako kay Kuya... Mahirap na.
Nag-iisip ako ng sagot na hindi siya maooffend nung biglang may lumabas na Saint Iverson is calling you...
Nanlaki iyong mata ko at hindi ako agad nakagalaw. Bakit siya nagvivideo call?! At saka nakapantulog na ako! Pinabayaan ko iyong magring hanggang sa mamatay.
Saint Iverson Gomez de Liaño: answer the call
Tumawag ulit siya. Huminga muna ako nang malailim bago ko sinagot iyon.
"Hey," sabi niya. Nakasimangot ako. "You mad?"
Umiling ako dahil hindi naman ako galit.
"Palitan mo na kasi..." I said. Hanggang ngayon kaya hindi pa rin tumitigil iyong notification sa phone ko kaya ngayon, nasa laptop na ako. Baka masira iyong phone ko sa sunud-sunod na notif. At may mga nagsheshare pa! Malapit na talaga 'tong makarating kay Kuya! Hindi naman sila friends sa fb ni Saint pero dahil sa share na 'yan, sigurado ako makakarating 'to sa kanya. Kaya nga ni-lock ko na iyong pinto para hindi niya ako mapuntahan.
"Nakakalito kaya kapag pareho iyong profile pic."
"Then use my pic para hindi ka na malito."
"Alin? 'Yung topless picture mo?"
Tawa naman ng tawa si Saint.
"No. I have decent pictures, you know."
Sumimangot ako.
"Seriously, if it's not okay with you, I'll remove it," sabi niya. Nakaka-guilty naman kasi iyong mukha niya kaya sinabi ko na okay lang... Basta tanggalin niya rin soon dahil baka kung ano na ang isipin ng tao.
"Bakit mo ba kasi naisip 'yun?" I asked him.
He smiled at me before saying, "I just don't want to miss you too much while I'm away."
Haay, Saint. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa 'yo.
Naubos iyong isang oras ko na nagpipilitan lang kami ni Saint na baguhin niya iyong profile picture. Natigil iyong usapan namin nung may marinig akong katok. Nanigas ako sa kinauupuan ko.
"Why?" asked Saint.
"Si Kuya."
Tumango siya.
"Yeah. He's pissed. Nagcomment na poser daw ako," sabi niya na naiiling pa. Tinignan ko iyong comment at nandun nga si Kuya sa comment box.
Blaine Preston Suarez: POSER
Si Kuya talaga! Mabuti na lang huminto na iyong katok... Pero sigurado ako patay ako nito bukas!
"You're sleepy. Good night na," he said nung mapansin niya na naghihikab ako.
I nodded.
"Good night na rin... Ingat sa flight mo bukas," I replied.
"You want pasalubong?"
Umiling ako.
"Just be safe, that's enough."
He smiled tapos hinawakan niya iyong screen gaya nung paghawak niya sa mukha ko nung umiiyak ako.
"Buenas noches, mi señorita," he said before we ended the call.
Kinabukasan, nung breakfast ay sinabi ni Papa na hinahanap daw ako ni Kuya pero dahil naka-lock iyong pinto, wala siyang nagawa. At maaga rin siyang umalis dahil may training siya... Mabuti na lang at may isang araw pa ako para makapag-isip ng sasabihin sa kanya.
Pagdating ko sa school, kinurot agad ako ni Kath. Nasaktan nga ako, e.
"Grabe, Mary! Hindi ko na kaya! Kayo na ba?!" she shrieked.
Umiling ako at medyo tinatakpan ko iyong mukha ko dahil baka makilala ako ng iba... Hindi naman sa assuming ako pero sa dami ng naglike at share, pakiramdam ko ay buong school na ang nakakilala sa akin.
Nakarating na kami sa classroom at nandun na iyong professor namin. Hindi ko nga alam kung conscious lang ba ako o tinitignan talaga ako nung ibang classmates namin...
Nakikinig ako sa lesson nung mapansin ko na iba ang ginagawa ni Kath.
"Ano 'yan?" bulong ko sa kanya. Nagshrug si Liza.
"Choosing my best selfie," bulong ni Kath. "I want Psalm to do that to me, too. Nakaka-jelly na how sweet GDL is."
Napailing na lang kaming dalawa ni Liza at nakinig sa discussion ng professor. Mayroon na namang bagong projects but nothing out of the blue. Manageable naman lahat kung may tamang time management. Nung kakain na kami ng lunch, bigla kaming nagulat tatlo dahil papunta sila Kuya sa table namin. Umupo sila sa vacant chairs sa table namin.
"Hey, sis," sabi ni Kuya habang naka-akbay sa akin. "Naka-lock pinto mo kagabi, ah."
I smiled awkwardly.
"Ew, Preston. You make it sound like papasukin mo ang own sister mo sa room niya," sabi ni Kath tapos nabwisit si Kuya sa kanya kaya nag-away na naman silang dalawa. Napailing na lang ako.
Napansin ko si Kuya Benj na nakatingin sa kanila. Si Kuya Jackson naman kas, tahimik lang na kumakain ng nuggets niya. I nudged Kuya Benj.
"You like Kath, Kuya?" I asked him.
Kumunot agad ang noo niya.
"Kadiri naman 'yang sinasabi mo," sabi niya.
"Talaga, Kuya?" I asked him again.
He nodded.
"Wala nga."
"Sure?"
"Kulit mo ngayon, princess..."
I smiled at him.
"If you don't do anything, walang mangyayari," I told him the thing that Kath told me. I hoped I helped... Kasi pakiramdam ko sobrang nakatulong sa akin iyang sinabi ni Kath... Life had never been better for me.
"Anyway, where's the other dude?" tanong ni Kath.
"Who?" asked Liza. Naguguluhan din ako. Sino ba ang hinahanap ni Kath?
"Duh. Parker," sabi niya. Hala oo nga. Nasaan pala si Parker? Palagi naman silang magkakasama ni Kuya kapag nasa school... Pero baka kasama si Cindy...
"Umuwi. May family emergency yata," sagot ni Kuya Jackson. Ni hindi siya nakatingin sa amin dahil focused pa rin siya sa kinakain niya.
Ano kayang family emergency? Gusto ko man siyang itext pero baka sabihin niya nakikielam ako...
Natapos na iyong break namin at si Liza and Kath pupunta pa ng admin dahil may aayusin pa daw sila. Naiwan ako kasama si Kuya at sabi niya, ihahatid niya raw ako sa room ko... pero alam ko naman na sesermunan niya lang ako kaya niya ako sasamahan maglakad.
"Let's be honest here, Imo," Kuya said. Kinabahan naman ako dahil seryoso siya. Minsan lang kasi maging seryoso si Kuya... "Do you like Saint?"
Palagi na lang tinatanong ng mga tao sa akin 'to... Paano ba 'to sasagutin? At kailangan ba talaga na sagutin ko sila?
"What's not to like, Kuya?"
"So you like him?"
Hindi ako sumagot. Nakakahiya kasi na pag-usapan 'to tapos Kuya ko pa ang kausap ko...
"If I like him, bawal ba, Kuya?" I asked him. Kuya's opinion is important to me... Same as my family's.
Naghintay ako ng ilang segundo bago siya sumagot sa akin.
"As long as you're happy, 'yun lang naman ang importante," he said and then he walked me to class.
Mabilis lang natapos iyong araw... Medyo okay lang since walang Saint nangungulit sa akin. Pag-uwi ko sa bahay, nagcheck agad ako ng facebook since doon naman kami nag-uusap ni Saint. Wala siyang message doon o kahit ano sa status... Nahihiya naman ako na imessage siya dahil baka busy siya... Pero parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakakausap kaya pinuntahan ko na rin iyong twitter niya. Pakiramdam ko kung nandito si Kath, sobrang proud nun sa akin.
@saint_gdl: I will come home to you, mi señorita.
Sabi naman ni Saint pwede daw akong mag-assume... Iaassume ko na na ako iyong señorita niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com