Kabanata 16
#JustTheStrings
Kabanata 16
Pagkagising ko, naka-ngiti ako pero ramdam ko pa rin iyong lungkot... Pangalawang araw pa lang na wala siya; may limang araw pa. Ang haba pa nun. Ano ba 'yan, naaalala ko pa lang na isang linggong nasa Madrid si Saint pero nalulungkot na agad ako... Ginawa ko pa rin iyong mga usual na ginagawa ko. Hindi naman ako dapat mag-alala. Sigurado naman ako na mabilis lang lilipas ang isang linggo. At isa pa, meron namang internet kaya sigurado naman ako na makakapag-usap pa rin kami...
Ganito na ba ako ka-attached sa kanya?
Pagbaba ko, nandun na sila Mama at Papa. As usual, stressed na naman si Mama dahil sa debut ko. Mayroon yatang problema pero hindi ko na masyadong inisip kasi masosolusyunan naman iyon. Tahimik lang akong kumakain. Nung nasa labas na ako at naghihintay sa sasakyan, bigla akong nilapitan ni Papa.
"Bakit po?" I asked him. Naka-smile kasi siya tapos weird lang kasi parang may iniisip siya na hindi ko alam.
"Dumaan si Saint kahapon," sabi niya. Nanlaki iyong mata ko.
"Talaga po?!"
Tumango siya.
"Bakit hindi niyo po ako ginising?" I asked him.
"Ayaw ka niyang pagising kasi puyat ka raw," sabi ni Papa tapos may inilabas mula sa bulsa niya. "Pinapabigay niya 'to kaya lang nalimutan ko kahapon. 'Wag mong sabihin sa Mama mo, ha?" sabi niya sa akin tapos mabilis akong tumango.
"Sige, nandyan na 'yung sasakyan. Ingat ka sa school," sabi ni Papa ng naka-ngiti.
Hinalikan ko si Papa sa pisngi bago ako sumakay sa sasakyan. Napatingin pa nga sa akin si Manong at tinanong ako kung ayos lang ba ako. I just smiled at him and greeted him good morning. Hanggang pagdating ko sa school, naka-ngiti pa rin ako. Naka-taas tuloy ang kilay sa akin ni Kath pagdating ko.
"Ganyan ba talaga if may love life? You're so blooming! So unfair!" sabi ni Kath habang naka-cross iyong mga braso niya.
Liza frowned.
"Did something happen again? Why am I not informed every time?" nagtatampo na tanong niya.
"Yes, dear Hopie! Add mo na kasi si Saint sa fb para hindi ka huli sa facebook serye nila ni Mary! Grabe they're so goals!" sabi ni Kath tapos kinurot na naman niya ako. Hindi pa nga magaling iyong kurot niya sa akin nung Friday, meron na naman ngayon. Ang bigat talaga ng kamay niya... Kawawa naman si Kuya Benj kapag naging girlfriend niya si Kath. Panigurado palagi siyang kukurutin.
Kinuwento na lang ni Kath iyong mga nangyari pero iyong version niya, exaggerated. Pinabayaan ko na lang siya dahil doon naman siya masaya. Pinaglaruan ko na lang iyong kwintas na bigay sa akin ni Saint. Dumating na iyong professor at nagdiscuss lang kami. Binigyan din kami ng groupwork kaya nagform kami ng circle. Habang nagpaplano kami, biglang tumaas iyong kilay ni Kath.
"That's new?" she asked habang nakaturo sa kwintas ko.
I nodded.
"And the pendant's a ball..." sabi niya ng dahan-dahan bago nanlaki iyong mata niya. "OMG! Bigay ni Saint?!"
Halos masakal na ako nung hatakin niya iyong kwintas.
"Baka masira naman..." sabi ko sa kanya. Kakabigay lang ni Saint tapos masisira agad.
Ilang OMG iyong nasabi ni Kath bago kami nilapitan ng professor para pagalitan. Tinitignan niya kasing mabuti iyong kwintas. Pinaikot pa niya iyong pendant at naghahanap siya ng naka-engrave pero wala naman. At mabuti na lang kaming tatlo lang din iyong group mates kung hindi nakakahiya naman sa ibang tao iyong ingay ni Kath. Wala kasing pinipiling lugar 'to, e.
"Why did he give you that?" Liza asked.
"Duh! They're MU na kaya normal na lang ang gift-giving!" Kath responded.
"Hindi kami MU," I replied.
Kath rolled her eyes. "Yes, babe. Keep telling that to yourself," sabi niya. "Bakit ka nga niya binigyan?"
Pinaliwanag ko sa kanya na nasa Madrid si Saint at isang linggo siyang mawawala... Bakit nga kaya niya ako binigyan? Peace-offering ba 'to dahil halos masira na iyong facebook account ko dahil sa ginawa niya?
"One week without Psalm?!" nagulat si Kath. "Grabe hindi man lang ako informed!"
Napailing si Liza. "You're not his girlfriend, that's why kasi."
"Hindi ko kailangan ng reality check," sabi ni Kath. Napailing kaming dalawa ni Liza habang nagdadrama si Kath dahil walang Psalm ng isang linggo... As if naman nakaka-usap niya si Psalm kahit nandito sa school. Hanggang tingin lang naman siya dahil nahihiya siyang lapitan. Palagi niya pang ginagamit si Saint para makalapit kay Psalm.
I asked them to focus on the project and they said yes provided na I'll dish them details about Saint and I. Wala namang ibang nangyayari sa amin ni Saint kaya hindi ko alam kung bakit sobrang interesado sila... Pero dahil malapit na ang time at nasa kalahati pa lang kami, pumayag na ako. Kaya naman nung papunta kami sa cafeteria, nagkwento ako. Hindi ko nga alam kung interesting ba iyong mga sinasabi ko pero sabi lang naman nila ay magkwento...
"So, hindi pa kayo pero ganyan na 'yung galawan niyo? Paano pa kapag kayo na talaga?" Kath asked dreamily.
"Hindi naman niya ako nililigawan," I clarified.
"Uso pa ba 'yun?" Kath asked. "Kasi if Psalm asked me, g na agad. Kami na. Wala ng ligaw-ligaw pa!"
Hindi ko alam kung seryoso siya pero 'wag naman sana. Of course mahalaga na maligawan para maipakita ang sincerity... respeto na rin sa family ko kasi I love my family so much. Gusto ko kung sinuman ang magiging boyfriend ko, alam iyon.
Bumili na kami ng food tapos nung susubo na sana ako ng lasagna nung sinabi niya na smile! Weird na naka-ngiti siya pero pinabayaan ko na lang siya. Nagfocus lang ako sa pagkain. Natapos iyong buong araw na tahimik lang... Well, ano pa ba ang ineexpect ko e wala naman si Saint? Siya lang naman ang nanggugulo ng araw ko, e.
Sabi ni Kuya, sabay daw kaming uuwi kaya nakaupo lang ako sa concrete bench at saka hinihintay siya. Naglalaro lang ako sa cellphone ko at kailangan ko ng bumili ng bagong damit para sa online pet ko kaya binuksan ko iyong LTE ng phone ko. Pero pagkabukas ko pa lang, nagvibrate na agad.
Saint Iverson is calling...
Nanlaki iyong mata ko. Bakit siya tumatawag?
"Hello," sabi ko nung sinagot ko iyong tawag niya.
"Mary."
Normal lang ba na iyon lang 'yung sinabi niya pero iba 'yung dating sa akin? Parang may electricity na gumapang sa spine ko. Hala, grabe na yata talaga 'to...
"Bakit?"
Nagbuntong-hininga siya.
"I miss you."
Nahigit ko iyong hininga ko dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. Bakit ka ba ganito, Saint Iverson? Balak ba niya akong putulan ng hininga?
"B-bakit? Boring ba dyan sa Madrid?" I diverted the topic instead. Hindi kaya ng puso ko kapag ganito si Saint. Baka kung ano na talaga ang mangyari sa akin... Magdedebut pa naman ako. Hindi ako pwedeng atakihin sa puso dahil sa mga sinasabi niya. Sayang ang effort ni Miss Carmie na mapaganda ang debut ko...
"Yeah. It's boring without you beside me."
Ano ba 'yan! Kahit ano ang sabihin ko, naibabalik niya pa rin sa topic na 'yun! Talent niya ba 'yun?
"Ah..."
Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ako sanay sa mga ganitong usapan. Siguro kung si Kath ang nandito, alam niya ang gagawin... Bakit naman kasi wala akong alam sa boys e puro lalaki naman halos ang nakapaligid sa akin?
"Am I making you uncomfortable, Mary?" he asked.
"Hindi!" I quickly replied. "I mean, hindi ko lang talaga alam ang isasagot ko..."
He chuckled. Hala, namiss ko 'yun... Siguro mas maganda kung personal na nakita ko siyang ngumiti. Ang cute kasi ng smile ni Saint, e. Mukha talaga siyang mayabang pero iyong smile niya, sobrang ganda... Kahit minsan mukha siyang may masamang balak.
"It's okay. I'll provide the sweetness for the both of us," he replied tapos wala na naman akong nasabi. "Anyway, did you like my gift?"
Napahawak ako sa kwintas na bigay niya tapos unconsciously, napa-ngiti ako. Parang kahit wala siya, nandito pa rin siya.
"Oo. Salamat," I replied with a smile kahit na hindi naman niya makikita.
"It looks good on you."
"Pano mo nalaman?"
"Kath posted a pic of you," sabi niya. Kaya pala pinicture-an ako ni Kath! "In return, she asked me to take a pic of Psalm while he's sleeping. Baliw talaga 'yung kaibigan mo."
Napailing na naman ako dahil kay Kath. Wala talaga siyang kupas.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dyan?" I asked him. Ayoko kasi na tapusin pa iyong tawag namin.
"Attending events, nothing exciting. Ikaw?"
"Busy sa debut. Aattend ka, ha?"
"Tss. If not for Tito Shiloah, you wouldn't remember inviting me," sabi niya na parang gusto niyang ma-guilty ako. Grabe talaga 'to.
"Uy, grabe... Iinvite naman talaga kita."
"Talaga?"
I nodded.
"Syempre."
"Bakit syempre?"
"E basta."
"E bakit basta?"
Ang kulit niya.
"Ang kulit mo," I told him. "Ano'ng oras na ba dyan?"
"It's lunchtime here. Gabi na dyan. Are you at home yet?"
"Hinihintay ko si Kuya. Kumain ka na ba ng lunch?"
"Not yet. I'll eat after we talk," he replied. Napa-simangot ako.
"Kumain ka na," I told him.
"Later. I had been trying to reach you since this morning. Lunch can wait."
Lord, kung hindi si Saint, bakit niyo ginagawa 'to sa akin? Pinapakilig niyo lang ba talaga ako?
Kinalma ko muna iyong sarili ko bago ako sumagot sa kanya. Baka kasi kung ano ang masabi ko.
"Kumain ka na. Tawagan mo na lang ako ulit mamaya kapag kumain ka na."
Ilang segundo bago siya nagreply. "I like it when you're bossy," he replied. "Fine. Kakain na ako but message me when you get home, alright? Gabi na... and I'm not there to protect you."
Lord, bakit ulit?
"Oo na..." iyon na lang ang sinabi ko dahil hindi na talaga kaya ng puso ko. Grabe na si Saint Iverson. Masama na siya sa kalusugan ko.
"Talk to you later, señorita," he said before we ended the call.
Nakangiti ako ilang minuto matapos ang usapan namin ni Saint. Iba talaga iyong epekto niya sa akin. Para siyang happy pill tapos sobrang tagal ng effect niya... Palagi lang akong masaya tapos minsan, para akong mauubusan ng hininga dahil sa kanya. Ang dali-dali para sa kanya na pakiligin ako. Parang master niya na.
I called Kuya para itanong kung sabay pa ba kami kasi almost 6pm na. Mayroon pa rin kasi akong gagawin na works for school. Hindi naman siya sumasagot kaya nagdecide na lang ako na pumunta sa field. Nung malapit na ako sa field, nakita ko iyong head coach at si Parker na nag-uusap. Mukhang pinapagalitan si Parker base sa itsura niya.
Hindi ako nakagalaw agad dahil baka makita nila ako. Baka isipin ni Parker pinapakinggan ko iyong usapan nila... Pero nung umalis iyong coach, umupo si Parker sa gilid at sumandal sa pader. Parang problemado siya...
Hindi ako nakatiis kaya nilapitan ko na siya.
"Okay ka lang?" I asked him.
Tinanggal niya iyong takip ng kamay niya sa mukha niya at saka tinignan ako.
"Bakit ka nandito? Nasan 'yung boyfriend mo?"
Sumimangot ako. Bakit ba mas nagiging masungit siya lately?
"Hindi ko boyfriend si Saint. At nandito ako kasi hinahanap ko si Kuya," sagot ko sa kanya. Itinuro niya iyong kamay niya sa field at sinabi na nandun si Kuya. "Kailangan mo ng kausap?"
Umiling siya. Bumuntong-hininga ako.
Tumayo ako bago ko sinabi na, "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero Parker, nandito lang ako palagi." Nagsisimula na akong maglakad nung magsalita siya kaya napahinto ako.
"Thank you."
Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"You're welcome," I replied. "That's what friends are for."
Sana kung anuman ang problema ni Parker, maayos niya na... Lately kasi, hindi ko na siya nakikita na kasama nila Kuya... Hindi ko rin naman sila matanong dahil nahihiya ako... Mas lalo namang hindi ko matanong si Parker dahil ganito palagi siya sa akin. Kapag sumusubok ako na kausapin siya, tinutulak niya ako palayo.
Pero nandyan naman si Cindy para sa kanya... Sana maayos na talaga. Worried na rin ako sa kanya, e...
Nahanap ko na rin si Kuya at sabi niya na 30 minutes na lang, tapos na siya sa training. Pumunta muna ako sa coffee shop para tumambay. Binuksan ko iyong facebook ni Kath para makita iyong sinasabi ni Saint na picture ko. Agad ko namang nakita kahit wala pa ako sa facebook ni Kath dahil iyon agad ang bumungad sa newsfeed ko.
Kathryn Chandria Padilla tagged you in a post: GDL's
Tapos nandun iyong picture ko habang naka-nganga pa ako dahil kakain sana ako ng lasagna! Grabe talaga si Kath! Ni hindi man lang kumuha ng maayos kong picture!
Habang naiiling ako dahil ang panget ng picture ko, bigla ko na namang nahigit iyong hininga ko dahil may nakita akong comment ni Saint...
Saint Iverson Gomez de Liaño: Yes. Mine.
Hindi ko na kaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com