Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

#JustTheStrings

Kabanata 18

One.

Two.

Step.

Sana naman maayos na ako kapag debut ko. Nakakahiya naman kung iika-ika ako sa mismong birthday ko. Sabi naman ng doctor, in a week magiging maayos na ako basta walang strenuous activities akong gagawin... E hindi naman ako athletic kaya sigurado ako na gagaling agad ako... Pwera na lang kung gugulatin na naman ako ni Saint at mahuhulog ako sa hagdan dahil sa kanya.

"Nakikinig ka ba?"

Nawala ako sa pag-iisip kay Saint nung nagsalita si Kuya. Siya kasi ang naghatid sa akin sa classroom dahil naka-crutch ako. Tumango ako kay Kuya kahit ang totoo, wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Lumilipad kasi ang isip ko.

"Hindi sabay 'yung break natin pero dadaan ako dito para magdala ng pagkain. Text mo na lang ako kung ano ang gusto mong kainin," paalala niya sa akin. Kanina niya pa 'to sinasabi mula nung nasa bahay kami. Paulit-ulit talaga si Kuya.

Inalalayan niya ako papasok sa room at saka tinulungang makaupo. Nandun na si Liza pero wala si Kath. Magtatanong sana ako pero naunahan ako ni Kuya.

"Nasan 'yung baliw?" he asked Liza and she just shrugged. "Anyway, alis na ko. Text mo ako, okay?" sabi niya sa akin ng isang ulit pa at tumango naman ako ng isang beses pa ulit.

Nung umalis si Kuya, tinanong ko ulit si Liza kung nasaan si Kath. Friday ngayon kaya malabo na absent si Kath. Favorite na araw niya ang Friday dahil palaging mayroong game ang varsity teams. Mahilig kasing magcheer si Kath basta gwapo iyong players. Nadadamay lang kami palagi ni Liza. Minsan nga sinasabihan ako ni Kuya na lumayo kay Kath kasi baka mahawa daw ako sa pagiging baliw niya.

"She's still in Laguna," Liza replied.

"Absent siya?"

"Apparently, yes. As it turned out, she got really freaked out nung sinabi ni Kuya Preston na liligawan siya."

Sa bagay... Weird naman kasi talaga. Kahit sa panaginip ko, ni hindi ko na-imagine na liligawan ni Kuya si Kath. Palagi lang kasing inaasar ni Kuya si Kath habang si Kath naman, never nagkaroon ng gusto sa Kuya ko. Masyado daw kasing OA si Kuya kaya hindi niya type. Kaya naiintindihan ko iyong reaction ni Kath.

Natapos iyong first two classes namin ng tahimik. Sobrang nakakapanibago dahil maingay palagi si Kath at ngayon na kaming dalawa lang ni Liza, para kaming nasa simbahan dalawa dahil sobrang tahimik. Nung break na, itetext ko pa lang sana si Kuya ng pagkain na gusto ko nung biglang dumating si Saint.

"I'll just buy food," sabi ni Liza tapos iniwanan agad ako! Grabe! Wala pa ngang ginagawa si Saint kung hindi maglakad papunta sa akin pero namumula na agad iyong pisngi ko. Pagkatapos kong sabihin na crush ko siya... at sabihin niya na crush niya rin ako, hindi pa kami nakakapag-usap ng matino. Sobrang nabuhol kasi iyong dila ko nung gabi na iyon. Dinahilan ko na lang na inaantok ako dahil sa gamot kaya nagtulug-tulugan ako hanggang sa makarating kami sa bahay.

Sobrang late ko na kasi na-realize na nakakahiya na ako pa iyong naunang umamin! Ni hindi pa nga rin ako nagoonline hanggang ngayon dahil sa takot na kung ano ang mabasa ko sa wall ni Saint, e!

"Hey."

Nakayuko pa rin ako. Naka-tingin ako sa kamay ko. Kahit saan basta 'wag kay Saint.

"Aww. You ignoring me?"

Hindi pa rin ako gumalaw. Nakaupo lang naman siya sa tabi ko pero grabe na agad iyong tibok ng puso ko!

Binuksan niya iyong dala niya at halos magutom ako ng sobra dahil sa amoy nun. Gusto kong tignan kung ano iyong dala niya pero mas nanaig iyong hiya na nararamdaman ko. Pero gutom na talaga ako!

"So I sold Psalm to Kath to know your favorite food," sabi niya tapos inilapit niya pa sa akin. Hala may dala siyang eggs benedict! "Tapos hindi mo rin pala ako papansinin."

Maging matatag ka, Mary Imogen. 'Wag kang bibigay para lang sa pagkain. Hindi ka si Kuya Jackson na kahinaan ang pagkain. 'Wag kang susuko dahil sigurado ako na tutuksuhin ka ni Saint kapag bumigay ka ngayon! Naalala mo ba kagabi nung paulit-ulit niyang pinaalala na nahulog ka sa hagdan dahil miss na miss mo na siya? Mas malala ang mangyayari ngayon kapag sumuko ka!' paalala ng isip ko sa akin. Pero ang hirap lumaban kapag paborito mong pagkain ang dala niya!

"I thought we're exclusive already? Why am I still getting the cold shoulder?"

Nanlaki iyong mata ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Exclusive?" I asked him.

He nodded.

"Yeah," he said with a grin. Ayan na naman 'yang ngisi niya! "Crush mo ako and crush din kita. We're exclusive because of that... right?"

Napaisip ako. Iyon ba ang ibig sabihin nun? Hindi ko alam! Wala naman kasi akong alam sa mga ganitong bagay. Si Kath ang maraming alam tapos wala naman siya ngayon. Si Kuya talaga ang may kasalanan ng lahat ng 'to.

"Ganun ba 'yun?"

He nodded again.

"Ayaw mo?"

"Hindi naman sa ganun—"

He laughed at my defensiveness.

"Don't worry. There are no restraint on your part. You can have a crush on any—"

"Ikaw lang ang crush ko," mabilis na pagputol ko sa sasabihin niya.

Tumawa na naman siya.

"Good," he said. "Kasi ikaw lang din naman ang crush ko."

Mabuti na lang at walang tao sa room bukod sa aming dalawa ni Saint. Kung anu-ano kasi ang kinukwento ni Saint sa akin kaya natatawa talaga ako. Sobrang naaappreciate ko iyong effort niya na magkwento para mawala iyong ilang ko. Hindi naman kasi ako naiilang sa kanya dati... Ngayon lang kasi naamin ko na na crush ko siya. Ewan ko ba.

"Hindi ka ba pinagalitan?" I asked him. "Umuwi ka kasi agad, e."

He shook his head.

"Nope. My fam understands," he replied.

"Na ano?"

"That I'm coming home to see my future GDL."

Nanlaki na naman iyong mata ko at namula ako sa sinabi niya. Tinawanan na naman niya ako dahil doon. Nagiging hobby niya na talaga na sabihan ako ng mga ganitong bagay! Enjoy na enjoy siya, e. Kitang-kita dahil tawang-tawa na naman siya.

"Grabe ka. Nag-eenjoy ka ba na tinatawanan ako?" I asked him.

Umiling siya. "It's just that you're so impossibly cute."

"Tss."

"Really. You're too cute for my life."

Napa-nguso ako dahil sa sagot niya.

"Now stop pouting. You're killing me here."

Tinignan ko siya.

"Bully ka."

He winked at me. Ayan na naman siya sa kindat niya.

"Nah. I just like seeing you blush because of me."

Naubos iyong buong break period ko na pinapapula lang ni Saint iyong mukha ko. Nagtext na rin ako kay Kuya na 'wag niya na akong dalhan ng pagkain dahil may kinakain na ako. Hindi naman nagtanong si Kuya kaya baka inassume niya na na si Liza ang bumili ng pagkain ko. Ayoko rin kasing magsinungaling sa kanya... pero ayoko rin na pumunta siya sa classroom dahil aalis si Saint. Hindi pa rin kasi sila magkasundong dalawa.

"I'll see you later," sabi ni Saint.

"Wala kang practice?"

Umiling siya.

"Supposedly, I'm still in Spain so coach can't really force me," sabi niya. He kissed the side of my head. Namula na naman ako. Ilang beses na 'to. "Don't move a muscle later, alright? I'll come pick you up."

Tumango na lang ako... dahil wala na talaga akong masabi.

Pagdating ni Liza, hindi niya ako kinulit kagaya ng ginagawa ni Kath... Bigla ko tuloy namiss si Kath. Gusto ko kasing ikwento iyong nararamdaman ko. Baka kasi bigla akong sumabog kapag hindi ko nailabas 'to. Kaya lang weird naman kung bigla kong sasabihin kay Liza! Kaya naman nung uwian na, tinext ko si Ate Jas na puntahan ako. Hindi rin ako umalis sa classroom dahil sa sinabi ni Saint. Early dismissal din kasi kami kaya mamaya pa siguro siya pupunta dito.

Nagsmile lang si Liza kay Ate Jas bago siya umalis.

"Hey, baby girl. Hala, what happened to you?!" nag-aalala niyang tanong nung nakita niya iyong paa ko.

"Sprain lang, Ate," I told her.

"Tinulak ka ba ni Preston?"

Tinawanan ko siya.

"Hala, Ate, hindi, ah."

Tumawa din siya. "I was just kidding. Mahal na mahal ka kaya ng Kuya mo," she said. "What happened nga?"

Huminga muna ako nang malalim bago ko ikinwento sa kanya iyong nangyari. Nanlaki naman iyong mga mata niya habang nagsasalita ako pero hindi siya sumingit.

"Are you done na?" she asked and I nodded. Tapos bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Gosh, I'm so happy for you!" sabi niya sa akin at hinigpitan niya pa iyong yakap niya. Napangiti ako sa reaction ni Ate Jas. Siya talaga ang Ate ko. Sana talaga sila na forever ni Kuya Jackson dahil kapag naghiwalay sila, baka hindi ko na siya masyadong makita dahil iiwasan niya si Kuya...

"Thank you, Ate," sabi ko nung pinakawalan niya ako.

"So, MU na kayo."

"MU?"

Tumango siya. Same ba iyon nung exclusive na sinasabi ni Saint?

"Mutual understanding, malanding usapan, etc."

Malanding usapan? Bagay kay Saint 'yun, ah.

Hindi pa ako nakakasagot nung magtanong ulit si Ate Jas. "Alam ba ng Kuya mo?"

Umiling ako. Gusto kong sabihin kay Kuya kaya lang hindi ko kasi alam ang magiging reaction niya... Kahit naman kasi sinabi niya na sa akin noon na importante lang sa kanya na masaya ako, alam ko naman na deep inside him, hindi niya gusto si Saint.

"Kailan mo sasabihin?"

"Sa birthday ko? Para hindi siya magalit sa akin."

Tumawa si Ate Jas. "Good thinking! Good influence yata sa iyo si Saint."

"Bakit dati, Ate, nung hindi ko pa kilala si Saint, parang ayaw mo sa kanya?" I asked her. Naalala ko pa iyong reaction niya dati... Akala ko tuloy masama si Saint kasi grabe iyong reaction niya. Pero nung nakilala ko si Saint, hindi naman pala siya masama. Medyo mayabang lang pero hindi naman masama.

She shrugged.

"He's from the basketball team kasi. E you know that they're the archenemies of the soccer team," paliwanag ni Ate. Oo nga naman. "Weird lang, 'di ba? You're the sister of one of the soccer players tapos close kayo ni Saint na known basketball player sa uni."

Sa bagay... Hindi nga talaga magkasundo si Kuya at Saint kahit ano ang gawin ko... Mabuti nga at medyo civil na sila ngayon sa isa't-isa, e.

"E ngayon, Ate, okay na?"

She nodded and smiled.

"As long as he's not going to hurt you like what Parker did, Saint's got my approval and endorsement," Ate Jas said. Gusto ko sanang magthank you pero weird naman dahil hindi ko naman boyfriend si Saint. Kaya ngumiti na lang ako as a sign of gratitude.

"Ate," I called. "Si Parker kasama niyo kanina?" I asked her. Si Ate Jas kasi ang ka-batch nila Kuya. Nag-aalala lang din ako kay Parker dahil nung huling beses na nakita ko siya, mukhang problemado talaga siya.

Tumango si Ate Jas.

"Yeah nung first period pero after nun, umalis na siya. Lately, nagsiskip siya ng mga classes, e..."

Nakaalis na si Ate Jas pero nag-aalala pa rin ako kay Parker. Bakit kaya ganoon? May nangyari ba sa kanya? Kaya buong last period namin, medyo nakasingit si Parker sa isip ko. Nung matapos iyong class, sinabi ko kay Liza na mauna na siya dahil may hihintayin ako. At saka hindi rin naman ako makakaalis sa classroom dahil sa paa ko.

Habang naghihintay ako kay Saint, naglalaro ako ng game sa phone ko... Pero hindi ako nakatiis at tinawagan ko si Parker.

calling...

Parker Palma

Ilang segundo akong nakinig sa pagriring ng cellphone ko. Umaasa na sana sagutin niya dahil nag-aalala ako sa kanya... Kilala ko si Parker dahil mula pagkabata namin ay magkasama na kami. Alam ko na kapag may problema siya, wala siyang sinasabihan. Sinasarili niya lang lahat dahil pakiramdam niya, hindi niya kailangan ng tulong. Pero mali siya dahil kailangan niya ng dadamay sa kanya.

Nung narinig ko iyong boses niya, naka-hinga ako nang maluwag.

"What?" bungad niya sa akin. Okay lang kahit ganito siya basta sigurado ako na maayos siya.

"Pwedeng magtanong kung nasaan ka?"

Narinig ko na magbuntong-hininga siya. Parang kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko iyong hirap niya.

"Somewhere," sagot niya.

"Somewhere safe?"

"Yes."

Napabuntong-hininga din ako.

"Okay," sagot ko. "Ingat ka dyan."

Ilang segundo ang inintay ko bago ko marinig ang sagot niya.

"I will..." At ibababa ko na sana iyong tawag pero narinig ko pa siya. "Thank you, Imo."

I smiled. "You're welcome, Parker." Mabuti na lang mukhang okay na kaming dalawa... Sana maayos kung anuman ang problema niya. Ipagdadasal ko siya mamaya...

Pagkatapos naming mag-usap ni Parker, tahimik na akong nakapaglaro. Dahil din masaya ako, binilhan ko ng maraming bagong damit iyong online pet ko. Sinasabihan nga ako ni Mama na mas malaki pa ang nagagastos ko sa credit card sa online games kaysa sa mga binibili ko talaga... E ano ang magagawa ko? Hindi naman ako mahilig magshopping. Masaya na ako sa online games at drawing pati photography.

"Sorry, I got sidetracked," sabi ni Saint. Isang minuto lang naman siyang late kaya ayos lang. Napatingin ako sa tabi niya dahil may kasama siya. "Introduce yourself," sabi niya sa katabi niya. Tignan mo 'to. Kung makapag-utos.

"Austin," sabi nung lalaki. Nagpakilala din ako.

"Mary Imogen," sabi ko.

"But call her Imo. Ako lang pwede sa Mary," sabi niya kay Austin. Tinignan lang siya ni Austin na walang reaction. Oh! Siya si number 6! Mas kilala ko siya bilang number 6 kasi ganoon namin sila pag-usapan nila Kath. Hala, sayang wala si Kath.

Kinuha ni Saint iyong crutches ko at bag tapos inabot niya kay Austin.

"Don't worry. He lost a bet. He's the family slave for a while," sabi ni Saint. Mahilig pala magpustahan ang mga GDL? Alam kaya 'to ni—

Napatigil ako sa pag-iisip ko nung bigla akong buhatin ni Saint. Napatingin ako kay Austin dahil nakakahiya pero mukhang nauna na siya. Ang suplado pala 'nun talaga. Akala ko sa mukha lang pero mukhang suplado pala talaga...

"Ibaba mo nga ako," sabi ko sa kanya.

"Ayaw."

"Saint naman," sabi ko ulit dahil may ilan pang mga student na nakakakita sa amin. "Nakakahiya."

Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.

"Pikit ka na lang para hindi ka mahiya."

Tignan mo 'to. Pero dahil nahihiya talaga ako dahil may mga tumitingin sa amin, nagtakip ako ng mukha gamit ang kamay hanggang makarating kami sa sasakyan. 'Dun niya ako inupo sa shotgun seat at nasa likod na pala iyong crutches at bag ko. 

"Bakit Austin iyong pangalan niya?" I asked him... Weird lang kasi siya si Saint tapos si Psalm din ay religious name.

"He doesn't like his other name."

"Ano ba ang full name niya?" I asked.

"You should ask Kath. Sigurado alam niya," he said. Tama naman, alam ni Kath iyon since stalker siya ng GDL...

"Wala si Kath, e. Ano nga?" I asked. Curious na rin kasi ako.

"Austin Archangel GDL," sabi niya. Tamad na tamad talaga siyang banggitin ang buong last name niya.

"Wow. Ang ganda naman ng name niya," sabi ko. Mas gusto ko iyon kaysa sa Saint Iverson at Psalm Christian... Ano kaya ang pangalan nung bunso nila?

"Mas maganda sa Saint Iverson?" sabi niya sa akin.

I nodded. Ang sarap niyang inisin.

"Tss. My name's cooler," sabi niya at saka binuksan iyong engine ng sasakyan. Nagsimula na siyang magdrive nung napasimangot lang ako dahil ito na naman iyong madumi niyang sasakyan. Hindi ko kasi mapigilang tignan. Napapatingin at napapatingin ako sa rearview mirror niya.

"What's with the frown again?" he asked nung nandun na siya sa driver's seat.

Umiling ako. "Wala," sagot ko. Hindi ko naman 'to sasakyan para pakielaman...

"I thought we're not keeping secrets anymore?"

Kumunot ang noo ko.

"Wala naman akong secret," sagot ko.

"What? Meron kaya."

"Alin?" I asked.

"That I'm your crush. Secret mo 'yun before but finally, you admitted it."

Saint talaga! Tinawanan niya lang ako dahil namula na naman ako. Masaya na siguro siya since goal niya talaga na gawin akong human tomato.

"Ano nga kasi?" he asked again. Hindi ako sumagot. Lumapit siya at nagulat ako dahil sobrang lapit. Nanlaki iyong mata ko at mas mapula na ako sa kamatis. Kulay strawberry na yata ako! Magkatapat na iyong mga mukha namin at ni hindi ako makahinga dahil sa nangyayari. Para akong aatakihin na lang bigla sa puso.

"Seatbelt," sabi niya at narinig ko iyong pagclick nung seatbelt. "Safety first always... right?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Grabe na talaga siya!

Nagsimula ng magdrive si Saint at dahil hindi ko siya tinitignan dahil sa inaasar niya ako, napipilitan akong mapatingin sa mga bote sa likod ng sasakyan niya. Kailan kaya ang birthday ni Saint? Reregaluhan ko siya ng tumbler para hindi na siya bumili ng mga bottled water... Masama kaya sa environment itong ginagawa niya...

Nagulat ako nung nagpullover si Saint sa gilid.

"Come on. What's bothering you?"

"Promise hindi mo ako pagtatawanan?" tanong ko sa kanya. Kasi nung sasakyan ni Kuya Benj iyong nilinis ko dati, sinabihan nila ako ni Kuya na maghanap ng shrink... Kasalanan ko ba na bothered ako sa magulong sasakyan?

Tumango siya.

"Kasi iyong mga bottled waters..."

"Ha?" naguguluhang tanong niya.

"Magulo. Masakit sa ulo. Para akong mababaliw na hindi ko maipaliwanag kapag nakikita ko iyong mga kalat sa sasakyan mo. Alam mo 'yung pakiramdam na may gusto kang gawin pero hindi mo nagagawa kaya nafufrustrate ka? Ganun iyong nararamdaman ko habang nakatingin sa mga kalat sa sasakyan mo," sunud-sunod na sabi ko. Pagkatapos nun, huminga ako nang malalim.

Nakatingin lang ako sa lap ko at hinihintay ko siya na tumawa pero wala akong narinig. Idinilat ko iyong isang mata ko para tignan siya pero nakita ko lang siya na nakatingin sa akin na naka-ngiti.

"Hindi mo ako pagtatawanan?"

Umiling siya.

"Why would I?"

"Kasi weird ako?"

"You're not weird," sabi niya.

"E ano ako?"

"You're mine." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com