Kabanata 19
#JustTheStrings
Kabanata 19
Last stretch before the debut. Pinilit ako ni Mama na umabsent ngayong araw dahil kailangan niya raw ako dito. Ayoko ngang pumayag dahil masisira ang attendance ko pero wala na lang akong nagawa. Nababaliw na si Mama dahil mayroong ibang bagay na hindi sumunod sa gusto niyang mangyari. Medyo naaawa nga ako kay Miss Carmie dahil sa kanya nabubunton lahat ng galit ni Mama. Kami nila Papa, umiiwas muna kay Mama dahil mahirap na. Kapag galit siya, wala siyang sinasanto.
"Mary Imogen," pagtawag sa akin ni Mama. Agad akong napatingin sa kanya at humigpit iyong yakap sa akin ni Finley dahil buhat ko siya.
"P-po?"
"Pwede mo bang puntahan sila Parker sa kanila? Hindi pa sila nagcoconfirm sa debut mo."
Gusto ko sanang sabihin na sigurado naman ako na pupunta sila Parker dahil tuwing birthday ko naman, nandun ang buong pamilya nila palagi... Extended family na nga yata namin sila, e. Pero dahil galit si Mama ngayon at highblood siya dahil sa mga nangyayari na last minute changes sa debut, hindi na ako nagsalita at pumayag na ako.
"Okay po," I replied. Binaba ko si Finley pero nakahawak siya sa damit ko. "Bakit, baby?"
"Kuya Saint."
"Hindi ba kausap mo siya kagabi?" I asked him. Nakita ko kasi na magka-video chat sila ni Saint kagabi. Kaya pala hindi ko ma-contact si Saint sa facebook dahil kausap niya si Finley. Hindi naman ako nagrereklamo kasi ang cute nila tignan habang magkausap. At saka at least nagiging friendly na si Finley dahil nag-aalala kami ni Papa sa kanya dati dahil para siyang recluse.
"Yeah... but I miss him already. Tell him to go to our house. Please, Ate?"
"Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi?"
He pouted. "Kuya Saint said na ikaw dapat ang mag-invite sa kanya, e. Please, Ate? Please? Please?" sabi niya habang hinihila iyong damit ko. Si Saint talaga. Dinadamay pa ang kapatid ko. Nagyes na lang ako kay Finley para tigilan niya na ako dahil masama na ang tingin sa akin ni Mama at ang ibig sabihin nun ay dapat ko ng puntahan sila Parker dahil malapit na siyang magalit sa akin.
Umakyat ako at hahanapin ko si Kuya dahil hindi ko kayang pumunta mag-isa kila Parker. Dati naman okay lang sa akin dahil sobrang bait naman ng parents ni Parker lalo na si Auntie Kach pero ngayon, parang weird na. Dahil ba 'to exclusive na kami ni Saint? May rule ba na dapat hindi na ako lumapit kay Parker dahil may feelings ako sa kanya dati? O pwede naman since dati pa naman iyong feelings?
Platonic friends na naman kami ni Parker... so, pwede kaya?
Haaaay. Naguguluhan ako sa mga MU na 'to. Wala bang rule book na pwede kong basahin para malaman ko ang mga do's and don't's?
Kumatok ako sa pintuan ni Kuya. Walang sumasagot kaya binuksan ko iyong pinto. Baka kasi nakasuot na naman ng earphones si Kuya kaya hindi niya ako naririnig. Pagpasok ko, nakita ko agad si Kuya na nakaupo sa kama niya at naglalaptop. Mukhang seryoso siya sa ginagawa niya kaya hindi niya ako napansin nung lumapit ako sa kanya.
Kumunot ang noo ko nung makita ko na nasa isang online flower shop siya.
"Ano'ng ginagawa mo?" I asked him at bigla naman siyang nagulat sa akin.
"Bakit ka ba nanggugulat?!" bigla tuloy tumaas ang boses niya.
"Hindi kaya. Kanina pa ako kumakatok, e," paliwanag ko sa kanya. Tinuro ko iyong screen ng laptop niya. "Para kanino iyong flowers?"
Sa buong buhay ko, never ko pang nakita si Kuya na nagbigay ng flowers. Kahit nga si Mama hindi niya binibigyan kahit mother's day, e... Minsan iniisip ko na iyon ang dahilan kung bakit sa aming apat, kung mayroong dapat ipa-adopt si Mama, sigurado ako na si Kuya iyon. Siguro feeling ni Mama walang pakielam sa kanya si Kuya. Hindi ko naman kasi maintindihan si Kuya minsan.
"Sa baliw," he replied.
"Kay Kath?"
Tumango siya.
"Di ba nililigawan ko siya?" pagpapatuloy niya habang namimili pa rin siya sa mga arrangements ng bulaklak. "Bulaklak na lang kaya ng patay ang ibigay ko?"
Sinimangutan ko si Kuya. Pakiramdam ko talaga pinaglalaruan niya lang si Kath, e.
"Kuya, kung naglalaro ka lang, please 'wag naman iyong kaibigan ko," pakiusap ko sa kanya. Ayoko kasi na maging dahilan pa 'to ng pag-aaway namin ni Kath. Syempre best friend ko siya tapos Kuya ko 'to. Saan ako kakampi kapag nagkataon? Ayoko pa naman ng away.
"Seryoso kaya ako."
"Pero ni hindi mo man lang magawang ibigay sa kanya ng personal," I said. Iyan nga at online pa siya namimili ng bulaklak.
"E kapag personal, nabubwisit ako sa mukha ni Kath. Ayos na 'to. Tsaka may card naman na nakalagay from Preston with love."
Mas nainis lang ako sa sinabi ni Kuya kaya hindi na lang ako magpapasama sa kanya. Kapag talaga niloko niya lang si Kath, sasabihin ko na kila Papa iyong tungkol sa criminal record niya! Seryoso na talaga ako!
"Imo!" pagtawag niya sa akin habang naglalakad ako palabas ng kwarto niya dahil naiinis ako sa kanya. "Ano favorite flowers nung baliw?"
"Secret!" sagot ko sa kanya.
"Sige ka papadalhan ko talaga 'yun ng bulaklak ng patay!" pananakot niya sa akin.
"Ecuadorian rose!" sabi ko at saka binagsak nang malakas iyong pintuan.
Kainis talaga si Kuya. Mabuti na lang talaga at pinagtataguan siya ni Kath.
Dahil nawalan na ako ng gana na magpasama kay Kuya, mag-isa na lang ako na pumunta kila Parker. Habang papunta kami doon, hindi ko napigilan na magsabi kay Saint na pupunta ako. Hindi naman sa required ako na sabihin sa kanya pero ewan ko ba... Parang, e... Naaalala ko palagi iyong sinabi niya sa akin na ayaw niya ng mga secrets kaya naman gusto kong maging transparent sa kanya.
Mary Imogen Suarez: Saint...
Akala ko maghihintay pa ako para magreply siya dahil hindi naman naka-online iyong account niya pero typing... agad iyong nakita ko.
Saint Iverson Gomez de Liaño: You chatted me first. This is a first.
Mary Imogen Suarez: Grabe pati iyon alam mo?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Ofc, Mary. I know everything about us.
Bakit kinilig ako na may us na pala? Nakakainis. Lahat na lang dito kay Saint, e.
Saint Iverson Gomez de Liaño: What's up?
Mary Imogen Suarez: May sasabihin ako.
Saint Iverson Gomez de Liaño: O-kaaaaay. What is it?
Mary Imogen Suarez: Di ka magagalit?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Depends. What is it?
Ayoko kasi na mainis siya sa akin. Palagi ko kasing naaalala iyong isang linggo niya akong hindi pinansin, e. Masama kaya sa pakiramdam... Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit iyon ginawa ni Saint. Siguro itatanong ko sa kanya one of these days.
Mary Imogen Suarez: Pupunta ako kila Parker ngayon.
Saint Iverson Gomez de Liaño: Okay 😃
Mary Imogen Suarez: Okay? Okay lang?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Yup. You won't be unfaithful to me naman, right?
Mary Imogen Suarez: Hindi ah! Sigurado ka?
Saint Iverson Gomez de Liaño: Yup. I used smiley para makita mo that I'm totally cool with it.
Hala oo nga. Gumamit siya ng smiley. Weird.
Mary Imogen Suarez: Okay... Thank you =)
Saint Iverson Gomez de Liaño: After that, wanna hang?
Mary Imogen Suarez: Hindi pwede e. Busy sa bahay.
Saint Iverson Gomez de Liaño: Awww. How about tomorrow?
Mary Imogen Suarez: Debut ko kaya. Nakalimutan mo?
Tignan mo 'to! Hindi na ako nireplayan! Nakalimutan niya kaya talaga? Grabe naman siya kung ganon.
"Ma'am, nandito na po tayo." Napatigil ako sa pag-iisip kay Saint nung sinabi ni Manong na nasa tapat na kami ng bahay nila Parker. Bumaba na ako at nagsimulang maglakad papasok sa kanila... Medyo naninibago ako dahil sobrang tahimik ng paligid. Hindi naman sa maingay kila Parker pero iba iyong dating ng paligid ngayon. Para bang malungkot...
Pumasok na ako at nakita ko si Manang na nag-alaga kay Parker simula pagkabata niya. Busy kasi sila Auntie Kach dahil lawyer silang pareho ni Uncle Tripp kaya medyo hindi nila nakasama palagi si Parker nung bata.
"Manang, sila Parker po?"
Ngumiti ng malungkot si Manang.
"Si Parker e nasa taas. Sila Kach wala dito," sabi niya at saka ngumiti ulit ng malungkot. Hala, ano ba ang nangyayari sa bahay na 'to? Nagpasalamat lang ako at saka umakyat ako sa taas. Kumatok ako sa kwarto ni Parker. Hindi siya sumagot kaya kumatok lang ako nang kumatok hanggang sa buksan niya...
Parker looked... like a mess. That was an understatement.
"What?" bungad niya sa akin.
Hindi agad ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang problema niya. Bakit siya nagkakaganito? Dahil ba kay Cindy? Nag-away ba silang dalawa?
Bakit siya ganito?
"A-ano..." Hindi ko mabuo iyong sasabihin ko. Iba kasi iyong gusto kong sabihin sa kaya kong sabihin. "P-pinapatanong ni Mama kung pupunta daw ba kayo bukas?"
Pumasok siya sa loob at iniwan na nakabukas iyong pintuan sa kwarto. Umupo siya sa kama niya habang ako naman, naiwan na nakatayo lang sa tapat ng pinto niya.
"Ano'ng ginagawa mo dyan? Pasok."
Biglang nakahinga na ako. Natatakot kasi ako kay Parker. Hindi ko alam kung paano gagalaw sa paligid niya... Ayoko kasi na sigawan niya ako o magalit na naman siya sa akin... Pumasok naman ako pero nakatayo lang ako. Masyado akong kinakabahan para maupo.
"Kumain ka na ba?" I asked him. Pumapayat kasi siya tapos maitim na rin iyong ilalim ng mata niya. Natutulog pa ba siya?
"Hindi."
"Ah. Sige, sandali sasabihin ko kay Manang na—"
"I mean hindi ako makakapunta sa birthday mo bukas."
Natigilan ako sa narinig ko.
"Hindi ka pupunta?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ba iyong narinig ko. Hindi naman sa maarte ako pero tuwing birthday ko, sanay ako na kasama ko siya. Kahit palagi niya akong sinasabihan na wala siyang gusto sa akin, kahit nagkaroon na siya ng Cindy sa buhay niya, palagi pa rin siyang pumupunta sa birthday ko.
Ewan ko pero masakit iyong mga sinasabi niya sa akin ngayon.
Umiling siya.
"Advance happy birthday, Imo. But I won't be able to attend."
Iyon lang ang sinabi niya tapos iniwan niya ako sa kwarto niya. Hindi ko na talaga siya maintindihan... at mukhang ayaw niya namang maintindihan ko siya...
Nanatili ako sa kwarto niya sandali. Pinakalma ko iyong paghinga ko. Para akong tanga kasi naiiyak ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. 'Di ba dapat sanay na ako na ganito si Parker? Simula naman pagkabata ko ganito na siya sa akin kaya bakit ba ganito pa rin ang reaksyon ko? Para namang hindi na ako nasanay.
Pagkababa ko, sinabihan ko lang si Manang na ipaghanda ng pagkain si Parker. Kahit naman ganun 'yun, nag-aalala ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang problema niya pero sana maayos niya na 'yun. Habang may nagtatyaga pa sa kanya.
Naglakad ako palabas at sumakay na ako sa sasakyan. Tinanong ko si Saint kung nasaan siya at sinabi niya na nasa Ronac Art Center daw siya. Nagpa-drive na lang ako kay Manong doon. Bahala na si Mama kung magalit siya... Sigurado naman din kasi ako na magagalit siya sa akin kahit wala naman akong kasalanan kung hindi makakapunta si Parker.
Pagdating ko doon, pumasok lang ako. Naglalaro pala si Saint ng basketball. Naupo muna ako sa isang gilid at saka pinanood siya. Kinuhanan ko rin siya ng picture. Sayang hindi ko dala iyong DSLR ko para mas maganda iyong picture. Ang cute pa naman niya kapag nagdadab siya. At saka kahit hindi siya ang pinakamatangkad sa teammates niya, feeling ko siya ang pinakamagaling.
Tahimik lang akong nanonood hanggang sa matapos iyong first half. Nagsend ako ng picture sa kanya.
Mary Imogen Suarez: image attached
Mary Imogen Suarez: Dab king =)
Nakita ko na kumunot iyong noo niya nung mabasa niya iyong message ko sa kanya at saka inilibot niya iyong tingin niya. Napaawang iyong labi niya nung makita niya ako. I smiled and waved at him.
"You're here," hindi makapaniwala na sabi niya.
"Hi," I said with a smile. Inabot ko sa kanya iyong tumbler na binili ko bago ako dumaan dito. "Para hindi ka na bibili ng bottled waters."
Biglang nagkaroon ng malaking ngiti sa mukha niya habang naiiling.
"I wanna hug you."
I spread my arms wide.
"Yakap na."
Then his smile went wider.
"I'm all sweaty. We'll get back on that hug later," sabi niya tapos kinindatan na naman ako. "If I win this game, pwede may add-on na kiss kahit sa cheeks lang," sabi niya bago siya nagjog pabalik sa court dahil tinatawag na siya ni Psalm.
Nanood lang ako kay Saint. Pinatay ko iyong cellphone ko dahil sigurado ako na anytime, tatawag na si Mama sa akin dahil malamang nakabalik na si Manong sa bahay at magtataka iyon na bakit hindi ako kasama. Nagtext naman na ako kay Papa na kasama ko si Saint.
Pumapalakpak din ako kaya nakaka-shoot si Saint. Sobrang hilig niyang mag 3 points shot at halos pumapasok naman lahat. At pagkatapos niyang magshoot, gagawin niya na naman iyong celebratory dabbing. Sobrang cool nga, e. Mas naappreciate ko iyong galing ni Saint ngayon na wala sila Kuya na maingay kasama. Naalala ko na naman iyon... Sobrang nakakahiya talaga kasama sila Kuya.
True to Saint's words, nanalo sila sa game. Tiga ibang school iyong kalaban nila pero warm up game lang naman.
Pagkatapos nila, nilapitan ako ni Saint. Sinabi niya lang na maliligo lang siya at tahimik lang ako na naghintay doon. Tumayo lang ako dahil napagod na ako sa kakaupo. Habang naghihintay ako sa kanya, binuksan ko iyong phone ko. Naka-airplane mode naman iyon kaya hindi ako matatawagan ni Mama... Hindi kasi ako nakatiis. Tinignan ko iyong profile ni Cindy... Ganun pa rin naman. Nandun pa rin iyong mga pictures nila ni Parker kaya alam ko na hindi pa sila hiwalay...
Kung hindi si Cindy, ano ba ang problema ni Parker?
"So this is how victory feels like."
Nanlaki iyong mata ko nung maramdaman ko na nakayakap si Saint sa may likuran ko.
"You're so soft," sabi niya habang nakayakap pa rin sa likod ko. "Ano ang waist line mo?"
Bigla namang nauntog iyong ulo niya sa ulo ko dahil may bumatok sa kanya.
"Aray!" sabi niya. "Bakit ka ba nambabatok?"
"Mga tanong mo kasi," sabi ni Psalm. He looked at me and smiled. Nandito na rin pala siya! "Hi."
I smiled, as well.
"Hello po."
"Advanced happy birthday," sabi ni Psalm. "We'll just give our gift to Saint."
"Hala, 'wag na po..."
"It's okay. Nabili na namin. Una na kami," sabi ni Psalm tapos weird dahil binati din ako ng advanced happy birthday ni Austin pati ni GDL # 4. Bakit alam nila lahat na birthday ko? Pinagkalat ba ni Saint?
Lumabas na kami ni Saint at naglalakad na kami papunta sa sasakyan niya... Eto na naman tayo.
"Bakit alam nila Psalm iyong birthday ko?"
"Secret."
"Bakit nga? Please?" sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako ng mabuti bago nagbuntong-hininga. Napangiti naman ako dahil doon.
"Well... while we were in Madrid, I spent a day looking for the perfect gift. I asked Mama for help and I guess she told everyone in the family about you."
Nanlaki iyong mga mata ko. Hala, jusko. Kilala na ako ng buong Gomez de Liaño clan?
"Kilala na ako ng Mama mo?"
He nodded.
"Yup. She couldn't wait to meet you," he said with a wink. Bakit bigla akong kinabahan ng sobra? Paano kung hindi niya ako magustuhan? Paano kung ayaw niya sa Pilipino dahil nakaaway namin ang mga Espanyol dati? Hala paano na 'to?
Tulala ako hanggang sa makapasok na kami sa sasakyan. Iyon pa rin ang iniisip ko. Naputol lang ang pag-iisip ko nung may iabot na box sa akin si Saint.
"Here," he said. "My gift."
Biglang lumakas iyong tibok ng puso ko. It was a velvet box. Dahan-dahan kong binuksan iyon at malakas ang tibok ng puso ko. Ano kaya 'to? Naexcite ako dahil buong araw hinanap ni Saint iyong regalo at nagpatulong pa talaga siya sa Mama niya...
Pero nung buksan ko, iba ang laman. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Plastic bag?" tanong ko at kinuha iyong black plastic bin bag at pinakita sa kanya.
Tumango siya.
"Regalo ko sa 'yo na linisin natin 'yung sasakyan ko," sabi niya at saka nagsimula na siyang i-shoot sa loob ng plastic bag iyong mga empty bottled water. Ibang klase talaga siya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya na ito ang regalo niya sa akin... Pero gumaan talaga iyong loob ko nung nililinis namin iyong madumi niyang sasakyan.
Dalawang plastic bag iyong napuno namin bago tuluyang nalinis iyong sasakyan ni Saint. Hindi ko nga alam kung saang sulok niya inilalagay iyong mga basura niya para ganito karami ang makuha namin, e.
"What will we do with these?" he asked. I shrugged. Ano nga ba ang gagawin?
Paikot-ikot kami ni Saint hanggang sa makahanap kami ng junkshop dito sa San Juan. Safe naman kami since nakasunod sa amin iyong mga guards ni Saint kaya hindi ako kinakabahan.
"Ito na 'yun?" he asked disappointedly. "50 pesos?"
Hala, oo nga. Ang dami ng bottles tapos 50 pesos lang?
Malungkot kaming lumabas ng junk shop.
"What can this buy us?"
Nag-iisip kaming dalawa nung mapadaan kami sa isang pet shop. Lumaki ang ngiti ni Saint nung makakita siya ng mga maliliit na bibe sa may cage. Hindi ko alam kung may obsession ba siya sa mga bibe... Kaya hindi ko na siya napigilan nung pumasok siya sa loob at paglabas niya, may dala siyang tatlong bibe.
"Happy birthday," sabi niya sa akin sabay abot ng tatlong bibe sa may maliit na cage. "Our sons—Preston, Benj, and Parker."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com