Kabanata 20
#JustTheStrings
Kabanata 20
"Happy birthday to you..."
Nagising ako dahil sa pagkanta... at dahil na rin binuksan nila iyong ilaw sa kwarto ko. Kahit na masakit iyong mata ko dahil sa biglaang liwanag, hindi ko mapigilang mapangiti dahil nasa kwarto ko ang buong pamilya ko. Mayroon pang dalang cake si Riley at Finley habang nakasuot sila ng matching pajamas.
"Happy birthday, Ate. Blow the candle and make a wish na po," sabi sa akin ni Riley. Lumapit sila sa kama ko para mahipan ko iyong kandila. Pumikit ako at saka nagpasalamat kay God dahil kumpleto pa rin kami at walang may sakit sa amin. Iyon lang naman kasi ang palagi kong hiling. Pagkatapos kong hipan iyong cake, humarap si Riley kay Mama. "Can I eat the cake na?"
Umiling si Mama. "After you eat breakfast, baby," sabi niya at saka kinuha iyong cake sa kamay ni Riley at Finley. Dina-diet na kasi ni Mama si Riley. Ang taba-taba na kasi talaga niya.
Malungkot na lumapit sa akin si Riley tapos may inabot siya na box. "Happy birthday ulit, Ate," he said and then hugged me. I hugged him back and said thanks. Pagkatapos niya, si Finley naman iyong lumapit pero wala siyang dala.
"I don't have a gift, Ate. Are you mad?"
Umiling ako.
"It's okay," I said with a smile. Pero mukhang guilty na guilty si Finley. Lagi kasi siyang may gift sa akin kapag birthday ko. Lahat kami ay nagbibigay ng regalo kapag birthday ng isa't-isa. Tradition na sa family.
Nakayuko siya. "But I'll buy you one, Ate... Kasi I used my money to buy basketball shoes... Kuya Saint told me he'll teach us how to play ball."
Automatic na napangiti naman ako nung narinig ko iyon. I hugged Finley and assured him na ayos lang sa akin na wala siyang regalo. I was looking forward to seeing them play basketball, though. Hindi ko alam kung paano tuturuan ni Saint si Finley e halos hanggang legs niya lang ang kapatid ko. Sobrang tangkad naman kasi ni Saint, e.
Tumakbo palabas si Finley at Riley at hinabol naman sila ni Mama. Si Papa, mamaya na lang daw ibibigay sa akin iyong gift ko. Si Kuya naiwan kasama ko. Tinignan ko siya ng masama.
"Birthday na birthday, oh," sabi niya tapos pinitik iyong noo ko. "Magkaka-wrinkles ka talaga niyan."
"Binigay mo kay Kath?" I asked.
He nodded.
"Di man lang nagthank you. Hinimatay siguro sa sobrang kilig kaya di nakapagtext ng 'Thank you, Preston, sa flowers. Sobrang thoughtful mo,'" sabi niya habang ginagaya pa iyong boses ni Kath. Si Kuya talaga.
Napailing na lang ako kay Kuya.
"Basta, Kuya, kapag pinatitripan mo lang si Kath, hindi talaga kita kakausapin," I honestly told him. We're too old for games like that. At hindi kami pinalaki ng parents namin para paglaruan ang mga tao sa paligid namin. We knew better than that.
"Tss. Nakakatampo ka na. Bawal ba ako magseryoso?" he said, trying to play the victim card.
Niyakap niya ako sa gilid ko tapos pilit ko siyang tinutulak.
"Wag nga, Kuya. 'Di pa ko naliligo," I said dahil sinisiksik niya iyong sarili niya sa akin.
"Porke 18 ka na, bawal na magpa-yakap? Si Saint na lang pwede?"
Namula ako dahil doon.
"Tindi talaga nung kulot na 'yun, ah. Pangalan pa lang, kinikilig ka na?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa akin. "Kayo na ba?"
Tinulak ko na siya paalis sa kama ko nung tinanong niya iyon.
"Aba't! Kayo na nga?!" malakas niyang tanong habang tinutulak ko siya palabas ng kwarto ko. Ang hirap namang itulak nitong si Kuya! Ang laki-laki naman kasing tao!
Nung malapit na sa pinto, tinulak ko pa siya ng isang beses at nung sigurado akong nasa labas na siya, sinara ko na at inilagay iyong door chain tapos binuksan ko. Nakasilip lang ako sa maliit na space doon. Nandun pa rin naman siya sa labas at nakatayo.
"Kuya," pagtawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. "MU na kami ni Saint. Iyon na lang birthday gift mo sa akin. Love you, Kuya!" mabilis na sabi ko at saka isinara iyong pinto. Nagtatakbo ako papasok sa CR dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
--
Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako. Kumakabog iyong dibdib ko dahil kinakabahan ako kay Kuya. May sira pa naman sa ulo si Kuya. Baka kung ano ang gawin nun, e. Patingin-tingin ako sa paligid ko dahil baka bigla ko siyang makasalubong pero wala naman siya. Si Papa na lang ang naabutan ko sa baba.
"Pa, nasan sila?" I asked. The house was unusually quiet.
"Nauna na," he replied.
"Saan po?"
"Sa hotel. 'Dun daw tayo sabi ng Mama mo," he replied again. Kumunot ang noo ko. Bakit kailangan pa doon e may bahay naman kami? At saka hindi naman sobrang layo ng venue sa bahay? Tumayo si Papa at saka may iniabot sa akin. "Happy birthday," he said with a smile.
Nagpasalamat ako kay Papa at saka tinignan iyong binigay niya sa akin. Nanlaki iyong mata ko na ticket sa Wizarding World of Harry Potter iyong nasa envelope.
"You can take the plane tapos sama mo mga kaibigan mo. Pero 3 days lang pumayag iyong Mama mo tapos—" Hindi pa siya natatapos magsalita ay niyakap ko na siya.
"You're the best Papa ever!" sabi ko dahil matagal ko ng gustong puntahan iyong Wizarding World sa Florida kaya lang palaging hindi natutuloy dahil nagkakaroon kami ng ibang pinupuntahan. Tapos ngayon kasama ko pa iyong mga friends ko? Sobrang blessing na nito talaga!
Papa tapped my head.
"Sige na, sige na. May pupuntahan pa tayo."
I thanked Papa one more time bago ako sumakay sa sasakyan. I was elated on the way to the hotel. I greeted people who I didn't even know. Dahil ba 'to birthday ko kaya sobrang saya ko? Dumiretso na ako sa hotel room na kinuha ni Mama. Nandun lang naman iyong mga damit na susuotin ko pero wala pang tao. Sila Kuya, nag-iwan ng note na nasa pool daw sila. Simula kasi nung sinabi ni Saint sa kambal na nakakatangkad iyong pagsuswimming, nagpapaturo na sila Finley kay Kuya na magswimming.
I was in no mood to swim kaya nanatili na lang ako sa room. Binuksan ko iyong cellphone ko at nakita ko na maraming texts doon. Nagpasalamat ako isa-isa sa kanila kahit na makikita ko naman sila mamaya sa party. Bigla lang akong nalungkot dahil walang text si Saint doon... Ni-resist ko rin iyong urge na tignan iyong accounts niya dahil ayoko naman ma-obsessed sa kanya. Healthy like lang dapat.
Dahil mukhang tulog pa yata si Saint kaya hindi niya pa ako binabati sa birthday ko, natulog na lang din ako. Napuyat kasi ako kagabi dahil pinagtatalunan namin ni Saint kung saan namin dadalhin iyong mga bibe.
"Seryoso ka?" I asked him nung inabot niya sa akin iyong cage ng bibe. Ngiting-ngiti kasi siya.
He nodded. "Why? Don't you like them?" sabi niya tapos tinuro niya iyong mga bibe. "They're cute."
Napatingin ako sa mga bibe. Cute naman sila... Kaya lang weird kasi na may 'anak' kaming bibe. Hindi agad ako nakasagot kaya kinuha sa akin ni Saint iyong mga bibe.
"I'll take care of the kids, then," sabi niya. Tignan mo 'to. Anak na yata talaga ang turing niya sa mga bibe. Attached na agad siya e kakabili niya lang nito kanina...
"Grabe," I said and then took the cage from him. "Sabi mo gift mo sa akin. Bakit mo kinukuha?"
"Ayaw mo kasi yata, e."
"Gusto."
"Really?"
I nodded. "Thank you sa... bibe," I said. Weird pa rin sabihin. Sa buong mundo, si Saint lang siguro ang nagreregalo ng bibe. Bumili rin kami ng pagkain ng bibe at iba pa nilang kailangan. Naghahanap nga rin si Saint ng stroller, e. Sobrang weird niya talaga.
Pinakain muna namin iyong mga bibe.
"This one's Preston," sabi niya sabay turo doon sa may white spots. "This one's Benj," sabi niya sabay turo doon sa may black spots. "And this one's Parker," sabi niya sabay turo naman doon sa medyo paling iyong paa. Pinakain ulit namin sila tapos nagkagulo na sila. "There are enough food for the 3 of you."
Kung kausapin niya iyong mga bibe akala mo tao sila.
Inakbayan niya ako habang pinapanood namin kumain iyong mga bibe.
"This feels nice," he said.
"Alin?"
"This. You. Me. Our kids."
Namula na naman ako pero biglang nagquack-quack iyong isang bibe. Ay, si Preston pala iyong nagquack-quack. Thank you, Preston the Duck! Muntik na naman akong tuksuhin ni Saint dahil namula na naman ako dahil sa kanya. Pinuntahan agad sila ni Saint tapos nilagyan ng water iyong doon sa inuman nila.
Busy si Saint sa pag-aalaga sa bibe tapos kinuhanan ko sila ng picture... Ewan ko... Alam ko weird pero the thought of having the ducks as our kids was finally getting into me.
Maybe weird na rin ako kagaya ni Saint. Dahil siguro palagi kaming magkausap, nahahawa na ako sa pagiging weirdo niya.
Pagkatapos naming—I mean, niyang pakainin iyong mga bibe, hinatid niya na ako sa bahay. Habang papalapit kami sa bahay, lumalakas iyong kabog ng dibdib ko dahil baka pagalitan ako ni Mama dahil wala si Parker. Naalala ko na naman si Parker. Sana maging ayos na siya...
Nung huminto iyong sasakyan, tahimik lang ako. Ito na naman kami sa goodbye.
"Bukas, ha?" I said. Ayoko kasi nung tahimik kaming dalawa ng sobrang tagal. Mas gusto ko kapag magkausap kami.
"Yeah. Though you forgot to invite me, I won't forget you."
Napalabi ako.
"Grabe ka talaga. Nagsorry na nga ako, e."
He laughed and then winked.
"I won't get tired of guilt-tripping you. You're so cute," sabi niya tapos kinurot niya iyong cheeks ko. Grabe talaga.
"Tss." Inabot ko iyong cage ng bibe na nasa backseat ng sasakyan niya. "Thank you sa gift mo," I said.
"You're welcome," he said with a smile. Bababa na sana ako kasama iyong cage pero pinigilan niya ako. "Bakit?" I asked.
Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Nakatingin din siya sa mga bibe. Ilang segundo akong naghintay para ituloy niya iyong mga sasabihin niya.
"Don't you think it's better if the kids will go home with me?"
Kumunot iyong noo ko.
"Akala ko ba regalo mo sa akin?"
"Well, yeah... But..." sabi niya at huminto siya dahil parang iniisip niya pa iyong susunod niya na sasabihin. "What if Preston sees the ducks? And what if he makes them feel unwanted? And what if he doesn't accept them as his nephews?"
Parang gusto kong matawa dahil sobrang seryoso ng mukha ni Saint. If I know, ayaw niya lang mahiwalay sa mga bibe. Tama nga yata ako na may attachment na si Saint sa mga bibe.
"Gusto mo sa inyo na lang sila?" sabi ko para pagaanin iyong loob niya.
"Well, if that's what you want..." sabi niya pero kita ko iyong ngiti sa mukha niya na pinipigilan niya lang. Sobrang cute talaga nito. Sobrang layo sa mayabang na attitude niya kapag nasa court siya.
In the end, iniwan ko na lang iyong bibe kay Saint. Doon niya iniupo sa shotgun seat at saka nilagyan niya pa ng seatbelt iyong cage. Mahal na mahal niya na agad, e.
"You can visit them whenever," sabi niya. "And my mom would love that, too."
Nanlaki iyong mata ko kaya natawa na naman siya.
"My mom doesn't bite. Chill ka lang, Mary."
"Sige na. Good night na."
I waved. Hihintayin ko na makaalis sila bago ako pumasok sa gate. May guard naman na nakabantay so safe ako. Saint started the engine.
"Bye, Mary," sabi niya tapos tinaas niya iyong cage. "Bye, mommy," sabi niya habang wine-wave iyong cage.
Napailing na lang ako. He's so crazy.
--
Nagising ako nung may tumatapik sa akin. Nanlaki iyong mata ko nung makita ko si Kuya.
"Nandyan na 'yung make-up artist," sabi niya tapos tumayo siya. Hala. Bakit parang ang cold ni Kuya?
Tumayo ako agad at saka hinabol siya. "Kuya..." I called him. Huminto naman siya at humarap pero mas lalo akong na-guilty nung makita ko iyong mukha niya. "Galit ka?"
Umiling siya.
"Bakit naman ako magagalit?"
Sa tono ng boses niya, mas lalo lang akong na-guilty. Ganito niya ba kaayaw kay Saint? Na kahit ako hindi niya kakausapin nang maayos?
"Kuya naman, e..."
Nakatayo lang ako sa harap niya. Nakatingin ako sa kanya pero ni hindi siya natitinag. Bigla na lang tuloy sunud-sunod na tumulo iyong luha ko. Ayoko kasi na nag-aaway kami ng ganito. Sobrang bigat sa pakiramdam.
"S-sorry na..." sabi ko habang humihikbi.
Nakatingin lang siya sa akin tapos nung mas lalong bumilis iyong pagtulo ng luha ko, nagbuntong hininga siya at saka nilapitan ako at saka niyakap.
"Tss."
"Di ka na galit?"
"Hindi na. 'Wag ka ng umiyak. Ang panget mo."
"Talaga?"
"Oo. Panget ka talaga."
Hinigpitan ko iyong yakap ko sa kanya.
"I love you, Kuya," I said and then he patted my head.
"I love you din. Sige na, malapit ng magstart iyong birthday mo," he said tapos iniwan niya na ako.
Pumunta na ako sa isang room sa loob ng suite na ni-rent nila Papa. Nandun na iyong mga mag-aayos sa akin. Sobrang mas lalo akong na-excite nung makita ko iyong isusuot ko. Hindi ko pa rin kasi nakikita iyong final look ng venue since sabi ni Miss Carmie, surprise daw dapat. At may tiwala naman ako sa kanya dahil mukha Potterhead na rin siya kagaya ko.
Sila Mama at Papa ay missing in action. Sila Finley at Riley ay nasa kabilang kwarto at natutulog. Ma naptime kasi sila palagi at sigurado ako na mapupuyat sila mamaya kaya natutulog na sila ngayon. Si Kuya naman, hindi ko alam kung nasaan.
Habang inaayusan ako, nakatingin ako sa phone ko. Hindi pa rin nagtetext si Saint... Nakakatampo naman dahil hindi niya pa rin ako binabati. Counted ba iyong kagabi? Pero technically hindi ko pa naman birthday nun...
Haay, ewan. Ang hirap namang hindi maging clingy. Para kasing gusto ko palagi ko siyang kausap.
"Wow."
Iyon na lang ang nasabi ko nung matapos na akong ayusan at suotan ng damit. Sobrang kamukha ko iyong make-up at damit ni Hermione. Parang gusto kong maiyak dahil sobrang dream come true nito. Kinuhanan ako ng pictures na solo at iyong iba, kasama ko sila Riley. Sobrang cute nila dahil naka-Gryffindor robes sila.
"Oh, my God." Nanlaki iyong mata ko dahil naka-Harry Potter attire si Kuya. "Ang cute mo, Kuya!" Parang biglang gusto kong magfangirl kay Kuya! Kuhang-kuha niya iyong salamin ni Harry pati na iyong scar niya sa forehead!
Mukhang nahihiya si Kuya dahil nag-ooggle na ako sa kanya.
"Wag nga," he said. "Picture na daw."
Siguro parang tanga ako na nakatingin lang kay Kuya. Sobrang cute niya! Siguro sila Mama at Papa ay naka Lily and James Potter na attire. Tapos ako naman si Hermione... Sabagay, if Lily and James were alive, sigurado naman ako na ituturing nila si Hermione as their daughter. Sobrang likable naman kasi ni Hermione.
After naming kuhanan ng mga pictures, sumakay na kami sa car. Sayang nga kasi hindi kami makakasakay sa Knight Bus dahil sinusundo na yata iyong mga guests. Hindi ko alam kung paano nakakuha nun si Miss Carmie. Wala naman kasing ganun sa Pilipinas. Sobrang excited na ako pero mamaya na lang ako magpapa-picture doon.
"Oh, my God."
Kinilabutan ako nung pagbaba ko sa sasakyan at pagpasok ko sa venue, rinig na rinig ko iyong Harry Potter theme. Nagtaasan iyong balahibo sa braso ko. Parang gusto kong umiyak at hanapin si Miss Carmie para yakapin.
"Wow."
Mas lalong nanlaki iyong mata ko nung makita ko na may mga house-elves na naglalakad sa venue. Naka-attire talaga sila.
"Does Hermione want anything to drink? Dobby will her get one," sabi nung isang lalaki—I mean, house elf na nakasalubong ko. Ni hindi ako nakapagsalita dahil sobrang overwhelmed ng pakiramdam ko.
Nakatingin lang sa akin si Dobby. Mukhang internalized niya talaga iyong pagiging Dobby niya. Pipilitin ko si Papa na bigyan ng malaking bonus si Miss Carmie. Sobrang galing niya!
"N-no. Ayos lang ako."
"Alright, Ma'am. Just call Dobby if there's anything you want. Dobby will help."
Parang bigla ko tuloy gustong alisin iyong medyas ko at ibigay sa kanya—pero naka-heels ako at wala akong medyas. Si Kuya kaya?
Gusto ko pa sanang maglibot pero hinatak na ako ni Miss Carmie sa likod dahil hindi daw dapat muna ako makita ng guests. Wala pa namang tao dahil sabay-sabay sila dadating sakay ng Knight Bus. At saka medyo wala kasi sa city iyong venue dahil naghanap talaga ng malaki para magawang mukhang Great Hall. At saka puro Dobby The Elf lang naman iyong mga tao na nagkalat sa venue. Inaayos nila iyong mga tables. Sobrang cute nila tignan!
Nung nasa likod na ako, nakita ko sila Mama. Agad ko siyang niyakap.
"Thank you, Mama..."
Niyakap niya rin ako nang mahigpit.
"Anything for my baby..." sabi niya sa akin. Mabuti na lang at good mood na siya dahil halata na medyo inis siya kagabi dahil sinabi ko na na hindi makakapunta si Parker... Siguro kahit papaano natatanggap niya na na hindi talaga kami ni Parker. Na hindi porke gusto niya, masusunod na. Tama naman si Papa na iba ako kay Mama. Siguro nga magkapareho kami ng pangalan pero hanggang doon lang 'yun.
Unless may gusto rin siya kay Saint dahil in that case, pareho nga kami.
Nagpapicture muna kami. Iba-ibang pose. Gusto kong ipalagay sa sala namin para makikita ko araw-araw. Sobrang cute ni Mama at Papa dahil naka Lily and James Potter talaga sila. Kung buhay siguro si Tito Parker, siya si Snape.
After naming magpapicture, sinabi ni Miss Carmie na nagsisimula ng dumating iyong mga guests. Sobrang na-excite ako lalo! Namiss ko lalo si Kathryn dahil hindi talaga siya nagpapakita dahil kay Kuya. Pero nagsabi naman siya na pupunta siya sa party ko. Dapat lang dahil magtatampo talaga ako kapag hindi.
"Nasaan si Ronald Weasley?!" Miss Carmie asked. Nagpapanic na siya dahil wala pa raw iyong escort ko. "Paano na si Hermione kung wala si Gingerhead?!"
Napatingin ako kay Mama. Siya kasi ang may sabi na si Parker ang escort ko...
Mama sighed.
"The party will go on with or without Parker," sabi niya. Halata na masama ang loob niya but it was a start...
I smiled at her and said thank you. Naghintay lang ako dahil may binabago si Miss Carmie. Last minute changes dahil nawala bigla si Parker. Ayos lang naman sa akin... I mean, I got everything I wanted... Sobra pa nga. Ano pa ba ang mairereklamo ko?
"Since wala si Ron, si Harry na lang ang escort mo," Miss Carmie said tapos hinatak niya si Kuya. Habang nakatingin siya sa amin, parang medyo naluluha siya. "I had always shipped you, two..." bulong niya at saka patagong pinunasan iyong luha.
"She's weird," bulong ni Kuya. Pinalo ko siya. "Weird ka rin, don't worry. Mga HP addict."
Tss. Wala namang masama maging mahilig magbasa. Bakit ba judgmental si Kuya?
Naka-standby lang kami at naghihintay ng tawag ni Miss Carmie para lumabas na kami. Naka-ngiti lang ako dahil masaya ako sa lahat ng nangyayari... At nakaka-relax kasi iyong Harry Potter theme song.
"...without further adieu, let's welcome the debutant, Mary Imogen Suarez!"
Lumabas kami ni Kuya at parang gusto kong maiyak dahil sobrang gandang tignan ng Great Hall mula sa kinatatayuan ko. Bawat table, mayroong houses na naka-assign. May mga house elves na nagkalat. May potions class sa isang tabi. Nandun iyong mga pagkain na specific talaga na galing Harry Potter. JK Rowling would have been so proud of me.
"Happy?" kuya whispered.
I nodded.
"Sobra."
He smiled and said, "Good. Because the night's still young."
Kahit hindi ko gusto, mayroong maliit na program. Hindi ko naman kasi gusto ng mga 18 na 'yan, e... Pero dahil kay Mama, pumayag na ako. After naman nito, party na. Mas excited ako doon dahil gusto ko ng umalis sa stage at lapitan iyong mga kaibigan ko. Nacucurious din ako dahil nasa iisang table ang mga kaibigan ko at friends ni Kuya... Ano kaya ang ginagawa ni Kuya Benj e kasama niya si Kath? Sobrang nacucurious ako.
"For the 18 roses..."
Isa-isang tinawag iyong mga kaibigan ko. Sila Kuya lang naman iyon pati iyong mga pinsan ko from UK. Wala naman kasi akong friends na lalaki masyado kaya hindi ko alam kung paano napuno nila Mama iyong listahan. Tapos nagbackout pa si Parker.
"...and for the last dance... Saint Iverson Gomez de Liaño."
Nanlaki iyong mga mata ko. Napatingin ako kila Mama. Alam ba niya 'to? Hala! Baka pagalitan ako nito mamaya! Wala akong alam!
"Happy birthday," sabi ni Kuya. Siya kasi iyong kasayaw ko ngayon.
"I-ikaw—"
Hindi ko natapos iyong sasabihin ko dahil tumango siya.
"Yeah... I figured that if you really do like him, wala naman akong magagawa," he said with a shrug.
Sobrang laki ng ngiti ko.
"I love you talaga, Kuya! Thank you!"
Nung matapos iyong kanta, binitawan ako ni Kuya. Patingin-tingin siya sa paligid.
"That asshat. Wala pa ba siya?" bulong niya dahil walang Saint na lumalapit. Ako rin ay kumakabog ang dibdib. Wala pa rin kasi siyang paramdam simula kanina... Pero nagpromise naman siya na pupunta siya sa birthday ko...
I tried to smile. I tried to be positive. Sobrang blessed ko pa rin kaya dapat masaya pa rin ako kung hindi man makakapunta si Saint. I knew he'd have his reasons kung—
Napatigil ako sa pag-iisip nung may humihingal na dumating sa venue. Lahat kami napatingin sa kanya.
"Am I late?" sabi niya. Unti-unting lumaki iyong ngiti sa mukha ko. Lumapit siya sa akin. "Bagay ba?" he asked and then we began to dance. Wala na akong pakielam sa mga matang nakatingin sa amin. I couldn't believe what I was seeing.
"You— wow." Hindi ko matapos iyong sasabihin ko.
"Well, yeah... The reason why I was late is because I just finished reading the last book last night."
Nanlaki iyong mata ko.
"Binasa mo?"
He nodded.
"Bakit?"
"Well, it seems important to you so I gave it a shot."
Mas lalong lumaki iyong ngiti ko.
"And Kath said that Parker's gonna be Ron. And Hermione ended up with Ron. Tss. Daya," he murmured.
"Kaya kinulayan mo iyong buhok mo?" I asked. Kulay silver kasi iyong buhok niya tapos naka-brush up pa.
"Yeah... Ang tagal pala magkulay ng buhok. Na-late tuloy ako," sabi niya.
I was smiling and laughing and I wanted to cry. Sobrang saya ng gabi na 'to.
"If I can't be Ron, I figured I'd rather be Draco Malfoy. But they didn't end up together..."
I shook my head.
"No. Hindi sila nagkatuluyan," I replied.
And then I hugged him.
"But I secretly wish Hermione ended up with Draco," I whispered in his ears.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com