Kabanata 26
#JustTheStrings
Kabanata 26
"That's not true."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanya. Tuluy-tuloy na 'yung pag-agos ng luha ko dahil sa mga naririnig ko kay Parker. Hindi ko talaga siya maintindihan. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya lang ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang gawin ko.
"I was never happy, Parker."
"We were happy," pagpilit niya. "Hindi mo na ba maalala? Ha? Sobrang nag-iba ka na ba?"
Inilagay ko iyong kamay ko sa mukha ko at pilit na pinunasan iyong luha ko. Pinilit ko na 'wag umiyak kanina kasi ayoko na makita niya akong sobrang apektado sa mga sinabi niya. Ang sakit kasi, e. Ang sakit na iyong tao na ilang taon mong minahal, ni wala man lang pakielam sa nararamdaman mo... Na ngayon na masaya ka na talaga, gusto ka nilang hilahin pabalik sa pinanggalingan mo. Hindi ba pwede na masaya naman ako? Kailangan ba siya lang iyong masaya palagi?
"Hindi nga ako masaya! Palagi akong umiiyak dati, Parker! Palagi mo akong pinapaiyak! Hindi mo alam, 'di ba? Kasi hindi mo naman ako tinitignan! Ni hindi ka lumilingon para makita man lang ako. Palagi mong sinasabi na hindi mo ako gusto, na kahit kailan hindi mo ako magugustuhan. Tapos ngayon na ayos na ako, na masaya na ako, gusto mo akong hatakin pabalik?" tuluy-tuloy kong sabi kasabay ng pagtulo ng luha ko. Wala na akong pakielam kung umiyak ako sa harap niya. Gusto ko lang ilabas lahat ng nararamdaman ko. Iyong ilang taon na sakit na binigay niya sa akin, gusto ko lang sabihin sa kanya.
Kasi sobrang sama niya. Sobrang sama niya para sabihin na masaya ako dati.
Kasi akala ko masaya nga ako dati. Pero nakilala ko si Saint.
At nalaman ko na ganoon pala iyong pakiramdam ng pagiging masaya.
"Bakit ganyan ka?" mahinang tanong ko sa kanya. Nakatingin siya sa akin at hindi nakasagot.
"Bakit ayaw mo akong maging masaya?"
Hindi siya nagsalita. Pinunasan ko iyong isa pang luha na kumawala sa mata ko.
Sinubukan kong ngumiti kasi ayoko na ito 'yung tatapos sa pagkakaibigan namin ni Parker. Buong buhay ko, kasama ko na siya. Ayoko na sa ganito lang matapos lahat.
"So you're choosing him?"
Napatingin ako sa kanya.
"I'm choosing him?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"You're choosing him over me?"
I smiled as tears fell down.
"Parker, you were my choice almost all my life... But I wasn't yours. And now, I'm choosing myself. So please don't take this against me. Gusto ko lang maging masaya."
Mabilis akong umalis sa bar matapos iyong pag-uusap namin ni Parker. Ni hindi ko nagawang hanapin pa sila Kuya dahil ayoko na makita niya akong umiiyak. Kahit na sobrang galit ako kay Parker nung panahon na 'yun, hindi ko gusto na magkasira na naman sila ni Kuya dahil sa akin... Labas si Kuya sa problema namin ni Parker. Ayoko na madamay siya.
Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak.
Hindi ba talaga mahalaga 'yung nararamdaman ko?
Nanatili lang ako na nakaupo doon. Hindi alam kung saan pupunta. Nakaupo lang ako sa labas habang tumutulo iyong luha ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko mapigilan na maiyak dahil ang sakit-sakit ng mga narinig ko. Hindi ko akalain na sa lahat ng tao, siya pa iyong magsasabi sa akin 'nun.
Akala ko magiging masaya siya kasi masaya na rin ako. Kasi pinilit ko na maging masaya nung nahanap niya si Cindy... Kahit sobrang sakit, pinilit ko na ngumiti tuwing kinukwento niya sa akin si Cindy.
I watched him fall for someone else. I watched him smile because of her. I watched it all without showing him how much it was hurting me.
Bakit hindi niya magawa 'yun sa akin?
Bakit hindi siya maging masaya kasi sa wakas, masaya na rin ako?
"You okay?"
Napatingin ako sa naupo sa tabi ko. I smiled at Kuya Benj and nodded.
"Sure? Umiiyak ka, e."
"I'm okay..." I lied.
Tumango lang siya tapos inunat niya iyong legs niya.
"I don't think this is a good idea," bigla niyang sabi.
"Alin?"
"This. Alcohol. Getting drunk. Truth spilling. Sobrang hassle kaya," sabi niya tapos inilabas iyong panyo mula sa bulsa niya. "Saw you and Parker talking—well more like shouting," he added. "Ano? Sapakin ko na ba?"
I accepted his handkerchief and thanked him.
"Hindi, Kuya. Nag-usap lang kami."
"Hindi ko maintindihan kung bakit pinagtatakpan mo si Parker. He's not even worth it," he said.
"He's still my friend."
"But you were never his."
I smiled. I didn't want to talk about this but it was here. Na para bang ngayong gabi, puro katotohanan lang na isasampal ko sa sarili ko iyong mga naririnig ko.
"You wanna know what you are to him, Imo? You're his safety blanket. You're his comfort zone. You're the one he goes to when things go shit."
I sat there and listened to all he got to say. Baka nga kasi kailangan kong marinig.
"And things are going shit for Parker. I don't know what's wrong with him lately but he's in deep shit, Imo. He can't even talk to his own girlfriend because she's not you. Kahit ano'ng gawin ni Cindy, she can never be you. Because you're the only person he could really talk to."
"Parker loves her."
He nodded.
"I know. Alam naman naming lahat na mahal ni Parker si Cindy. Sa tingin mo ba papayag kami na magdala ng girlfriend si Parker sa mga lakad namin kung hindi namin alam na in love talaga si gago? You're my friend, Imo, but Parker's my friend, also. Kaya nung nakita namin na in love talaga siya kay Cindy, we had to backdown. Because that's his life..." he said. "But recently? Hindi na, e. Things changed."
Alam ko.
"He wants you."
"He doesn't. He was drunk."
He looked at me and patted my head.
"Don't you know? Drunk words are sober thoughts... And people only realize the worth of something once it's gone."
I thanked Kuya Benj nung hinatid niya ako sa bahay. Sabi niya, siya na raw ang bahala kila Kuya. Ako naman, dumiretso lang sa kwarto ko at saka nahiga sa kama ko. Pagkahiga ko, naiyak na naman ako. Pagod na pagod na akong umiyak pero ayaw naman nilang tumigil. Kahit ano'ng gustuhin kong matulog, hindi ko magawa kasi sobrang daming bagay ang pumapasok sa isip ko.
Mary Imogen Suarez: nasa bahay na ko.
I wasn't expecting for a reply dahil alam ko na galit siya sa akin.
Saint Iverson Gomez de Liaño: okay. Tulog ka na.
And I knew I shouldn't reply but I wanted to talk to him.
Mary Imogen Suarez: i can't sleep.
Saint Iverson Gomez de Liaño: close your eyes and count sheep.
Mary Imogen Suarez: galit ka rin ba sa akin?
Saint Iverson Gomez de Liaño: i'm not mad.
Mary Imogen Suarez: e bakit ang cold ng reply mo?
Saint Iverson Gomez de Liaño: 🔥 🔥 🔥 ayan, okay na?
Napasimangot ako nung magsend sa akin si Saint ng apoy na emoji. Ang pilosopo talaga niya.
Mary Imogen Suarez: ang pilosopo mo naman. Good night na nga.
Papatayin ko na sana iyong wifi nung cellphone ko kaya lang bigla siyang tumawag sa akin. Biglang bumilis iyong tibok ng puso ko nung makita ko iyong mukha niya sa screen ko. And after a very long day, I had a reason to smile again...
Saint Iverson Gomez de Liaño is calling...
Mabilis kong pinunasan iyong mga luha sa mata ko at saka ako huminga nang malalim. Ayoko na makita niya ako na umiyak. I just wanted us to talk. I just wanted things to be normal again. I just wanted to laugh and be happy again.
And I wished this night never happened.
"Hi," I said to him. Nakakunot iyong noo niya.
"Did you run? Pawis na pawis ka," he commented upon seeing my state. Pawis kasi ako dahil sa pag-iyak ko. Mabuti na lang at hindi niya napansin iyong mga mata ko.
I shook my head. "Ah, sira yata 'yung AC," I reasoned.
Halata na hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero pinalagpas na lang niya iyon.
"Okay..." he replied. "But change clothes first."
"Hindi!" I quickly replied dahil papatayin na sana niya iyong tawag. "M-mamaya na lang ako magbibihis. W-wag mong patayin 'yung tawag..." I whispered.
He was looking at me and his face turned soft again. Wala na iyong itsura niya kanina na parang naiinis siya. Hindi ko naman siya masisisi kung naiinis siya sa akin ngayon kasi alam ko na nakakainis naman talaga iyong mga nangyayari... But even then, I wanted to talk to him. Gusto ko lang siyang makita. Gusto ko lang marinig iyong boses niya.
"I'll call you again, alright?"
"But—"
"Don't be stubborn, Mary. Change clothes first dahil baka magkasakit ka. And then may as well sleep in the guest room if your AC's broken. I don't want you getting sick dahil pawis ka buong gabi," mahabang pagsabi niya sa akin. I was sure I was frowning that was why he sighed. "I promise I'll call you. 'Wag kang makulit. Okay?"
He was staring so intently that I was a goner and just said, "Okay..."
Mabilis akong pumasok sa CR at saka naglinis ng katawan. And I was glad I followed Saint because my mood was uplifted right after. Kahit papaano, gumaan na ang pakiramdam ko. I was wearing my pink pjs and was drying my hair as I waited for his call. And minutes passed and he called.
"Feeling better?" he asked and I nodded. He smiled. "Good. Anyway—" he was cut midway dahil biglang tumunog iyong tiyan ko. Biglang namula iyong buong mukha ko dahil sa kahihiyan but Saint just laughed at me and told me na bumaba at kumuha ng pagkain. Palagi na lang talagang may nangyayaring nakakahiya sa akin kapag kausap ko siya.
"Didn't you eat earlier?" tanong niya sa akin. Umiling ako. He frowned. "Why? You should eat," sabi niya habang umiiling.
I was chewing my lip to stop myself from talking. Ayokong banggitin si Parker dahil ayoko na sirain iyong mood ni Saint. Gusto ko siyang kausap. Gusto ko siyang kausap buong gabi at hindi mangyayari iyon kapag pumasok na naman sa usapan si Parker. So hard as I wanted to tell him everything that transpired, I stopped myself.
Inabot ko iyong cereals sa cupboard at saka nilagay sa bowl iyon. Binuksan ko rin iyong ref at saka naghanap ng gatas pero wala akong makita.
"What?" tanong sa akin ni Saint. Umiling ako. "C'mon. What?"
Unti-unting nangilid iyong luha ko.
"Walang gatas..."
Kumunot iyong noo ni Saint.
"What?"
Tumulo na iyong luha ko. Para akong tanga na iniiyakan iyong gatas pero mas ayos na na ito iyong iyakan ko kaysa iba. Iyak lang ako nang iyak tapos si Saint hindi alam ang gagawin. Kung anu-ano na iyong sinasabi niya sa akin pero hindi ako natigil sa pag-iyak.
He sighed after a few minutes.
"Do you really need that milk?" he asked me and I nodded. "I'll call Austin. He'll drop off the milk."
Kumurap-kurap ako nung narinig ko iyong sinabi niya.
"H-ha?"
"I think we still have milk at home. I'll ask Austin to bring you one, okay? 'Wag ka ng umiyak, please," he said, his voice laced with patience. Parang gagawin niya lahat tumigil lang ako sa pag-iyak. And that made me smile and stop crying.
Umiling ako at saka pinunasan iyong luha ko.
"Okay lang. I'll just sleep this off," I said.
He looked at me and asked, "Sure?"
I nodded and smiled.
"Thank you, Saint..."
"For what?"
"For coming into my life. Thank you," I sincerely said. I was just so thankful. Ngayon ko nakita na siya dapat talaga iyong pagtuunan ko ng pansin. He's always there for me. He's willing to do all these ridiculous things just to make me smile. And he's the one who's making me happy.
I should stop thinking about the things that made me sad and instead focus on the things that made me happy.
--
Isang araw na lang, babalik na si Saint. Sobrang excited na ako dahil isang linggo halos ko na siyang hindi nakikita. I was just enduring each day dahil alam ko na makikita ko na rin naman siya.
Bumaba ako at nakita ko sila Mama na busy. Hindi ko alam kung ano ang meron ngayon dahil masyado akong occupied nitong mga nakaraang araw. Nagpaka-busy kasi ako sa pag-aaral para naman wala akong maisip na ibang bagay na magpapalungkot lang sa akin. Pati nga si Kuya naguguluhan sa akin pero hindi naman niya ako tinatanong kung ano ang problema ko.
"Ano pong meron?" I asked Mama.
"We'll have dinner later, remember?" sabi niya pero nanatili lang na blangko iyong mukha ko. "Pupunta mamaya sila Auntie Kach, Uncle Tobi, at Uncle Quin mo mamaya. Didn't I tell you?" nagtataka na tanong ni Mama at umiling ako. Hindi ko alam kung sinabi niya ba sa akin... Baka hindi ko lang naalala. "Well, anyway, we'll just have a simple dinner... And also, I'll announce later about the baby."
Tinulungan ko na lang si Mama sa preparation. Close kasi si Mama kila Uncle Tobi at Uncle Quin kaya parang extended family na rin sila. Sa bahay naman, si Kuya na lang naman ang may hindi alam tungkol kay baby Cayden, e... Ewan ko ba kung bakit hindi pa sinasabi ni Mama sa kanya.
Nung hapon, ginagawa ko lang iyong isang paper ko para bukas, wala na talaga akong gagawin. Manonood kasi kami ni Saint ng movie. Sobrang excited na nga ako kaya inalam ko na iyong mga showing. Ayoko naman kasi na nakakaiyak na naman ang panoorin namin! Sobrang nakakahiya kaya na iyak ako nang iyak nung huli kaming nanood. Sana naman ngayon comedy o kaya animation na lang para hindi na ako maiyak. Baka naman kasi sabihin ni Saint sobrang iyakin ko.
Pagdating ng hapon, nagsimula ng dumating iyong mga bisita ni Mama. Ako naman, nagmamano lang sa mga dumadating.
"You're weird," sabi ni Kuya sa akin.
"Bakit?"
Tinignan niya nang mabuti iyong mukha ko. Parang hindi niya alam kung ano ang nagbago sa akin pero alam niya na meron. Pinabayaan ko na lang si Kuya dahil hindi rin naman niya ako pinapakielaman nitong mga nakaraang araw. Isang beses lang nung sinabi niya na sumabay ako sa kanila ng lunch pero mabuti na lang nandun si Kuya Benj kaya siya ang gumawa ng paraan para hindi ako sumabay. Nandun kasi si Parker.
"Mary," naka-ngiti na sabi sa akin ni Auntie Kach. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik. "Gumaganda ka yata, ah..."
I smiled at her.
"Hala, hindi naman po," I replied.
"Hindi ba, Parker?" sabi niya sa katabi niya na nakatingin lang sa akin. Parker nodded. Tumawa naman si Auntie Kach nung maunang maglakad si Parker. "Manang-mana talaga sa Tito niya."
Base sa mga kwento ni Mama, hindi naman kagaya ni Parker si Tito Parker... Si Tito Parker ay ginawa lahat para protektahan si Mama... E si Parker ginawa lahat para paiyakin ako. Ang layo kaya...
Hinatid ko lang sila Auntie sa table at nagsimula ng magserve ng pagkain. Tahimik lang ako na nakikinig sa mga kwentuhan nila. Si Papa, naka-ngiti lang at nag-uusap sila ni Uncle Tobi. Best friend kasi ni Mama si Uncle Quin habang si Papa naman, mas close sila kay Uncle Tobi.
"I have an announcement," sabi ni Mama. Napatingin kaming lahat sa kanya. "I'm pregnant."
"Aren't you menopausal yet?" tanong ni Uncle Tobi. Sinamaan siya ng tingin ni Mama.
"Can't you just be happy for me?" sabi ni Mama at inirapan naman siya ni Uncle.
Napaawang naman iyong labi ni Kuya habang nagcongratulate naman iyong ibang mga tao. Hindi ko alam kung bakit ganoon iyong reaction ni Kuya pero pinabayaan ko na siya... Baka ito 'yung dahilan kung bakit hindi sinabi agad sa kanya ni Mama. Ewan ko ba, minsan hindi ko rin maintindihan kung paano ang relasyon ni Mama at Kuya, e.
Nagseserve na ng dessert nung mapansin ko na umalis si Kuya. Sinundan ko siya hanggang sa makita ko na nasa garden siya.
"May problema, Kuya?" I asked. Umiling naman siya. "Bakit ganoon iyong reaction mo kanina?" I couldn't help but inquire. Sobrang nakaka-bother kasi. "Hindi ka ba masaya sa baby?"
"Of course I'm happy," he replied quickly.
"E bakit?"
"Same old problem."
Napa-buntong hininga ako.
"Kay Tito Parker pa rin?" I asked and he nodded. "Kuya, he's dead. Bakit ba galit ka pa rin sa kanya?"
"Maybe physically he's dead. Pero kay Mama, buhay pa rin siya. And it's pissing me off."
"We can't do anything about the past. Kung okay nga kay Papa—"
"Because Papa's a freaking saint. Hindi ako kasing bait ni Papa. I just feel like Mama's overcompensating. Na kahit ilang anak ang ibigay niya kay Papa, at the end of the day, she'd still rather be with Tito Parker. And I can't accept that. Ever," sabi niya at saka iniwan ako. Pinanood ko siya na lumabas. Wala rin naman akong magagawa... Simula pagkabata, mayroon ng issue si Kuya kay Mama at pakiramdam ko, kahit kailan hindi na mawawala iyon.
I sat there and stayed quiet. Gusto ko lang ng katahimikan. Pero syempre hindi ko makukuha iyon.
"Hey."
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Parker na nakatayo. Agad akong tumayo para lumakad palayo sana pero pinigilan niya ako.
"I'm sorry."
"Okay," I replied. Ayoko lang kasi patagalin iyong usapan namin. Hindi na ako galit sa kanya. Isang linggo halos na iyong lumipas nung huli kaming nag-usap pero ayoko pa rin siyang kausapin.
I heard him sighing.
"I really am sorry."
"And I really am fine." Tinignan ko siya nang mabuti. "I'm fine."
Nakatingin rin siya sa akin. Sobrang problemado ng mga mata niya pero wala na akong pakielam doon. His business wasn't my business and I learned it the hard way. And I wouldn't make the same mistake.
"I was drunk... I didn't know what I was saying," paliwanag niya kahit hindi ko naman hinihingi.
"I said I'm—"
"Fine?" pagpapatuloy niya sa sasabihin ko sana. "You're fine but you're ignoring me."
"I'm not ignoring you. Ayaw lang kitang kausap."
Parang hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya mula sa akin. Hindi ko rin akalain na kakayanin kong sabihin ang mga bagay na 'to sa kanya. Hindi ko akalain na dadating iyong panahon na kakayanin kong tumayo para sa sarili ko.
"I'm sorry. Ano ba ang dapat kong gawin para—"
"Wala, Parker. Wala. Just continue living your life the way you did before. Nagawa mo namang mabuhay ng hindi ako ginugulo, 'di ba? Bakit hindi mo magawa 'yun ngayon?"
Hurt crossed his face but that was the least of my problems. Dapat nga hindi ko na siya kinakausap pero ayoko namang maging bastos. Nirerespeto ko na kaibigan ko siya pero ayoko na iyong papakailaman niya iyong buhay at mga desisyon ko.
"You've always been a part of my life, Imo."
"And I'd like to play my old part back, Parker. Iyong Imo na hindi mo pinapansin dahil in love ka sa girlfriend mo. Ayoko nito na ako 'yung ginugulo mo. I don't want the center stage in your life, Parker. I'm not interested anymore."
Gusto ko na siyang iwan. Kakaunti na lang iyong lakas ng loob na natitira sa akin. Pero alam ko na kailangan kong ulit-ulitin ito sa kanya para maintindihan niya.
Hindi ko na siya gusto.
"So please... Just focus on other things... Sa girlfriend mo... Parker, she needs you."
Tuwing maaalala ko iyong boses ni Cindy nung gabi na 'yun, hindi ko maiwasan na maawa. Alam ko kasi iyong pakiramdam. Alam ko iyong pakiramdam na pinagtutulakan ka palayo kahit na gusto mong lumapit. Alam ko kung gaano kasakit 'yun.
"We're done." He was staring. "Cindy and I... we're done."
Nakatingin siya sa akin na parang iniintay niya na may sabihin ako pero iba ang narinig niya mula sa akin.
"If it's broken, fix it. You don't throw something away if it's special, Parker. You fix it."
Aalis na sana ako pero hinawakan na naman niya iyong braso ko.
"Then was I never special to you? Kasi ang bilis mo akong tinapon."
Inalis ko iyong hawak niya sa akin. Maayos kami ni Saint. Masaya ako. Wala akong problema sa aming dalawa kaya hindi si Parker ang solusyon.
Why fix it if it's not broken?
"You can't hurt someone over and over and expect her to stay."
And then I left him. I just hoped that he understood me... I just wanted him to be happy without the expense of my happiness.
--
Pagkagising ko, agad akong naligo. Ngayon na kasi iyong dating ni Saint kaya naman sobrang saya ko. Nagvolunteer pa nga ako na sunduin siya sa airport, e.
"Good morning!" masayang bati ko.
"Mapunit 'yang mukha mo," sabi ni Kuya.
"Ngayon ang dating ni Saint, 'di ba?" Papa asked and I beamed.
"Really?!" masayang tanong ni Finley. "Can I come?!"
Sasagot na sana ako na pwede siyang sumama kaya lang sabi ni Papa 'wag na daw. Next time na raw ako sumama. Nagtampo naman si Finley sandali pero nakalimutan niya rin nung naglagay ng nutella sa pancake niya si Papa. Ang bilis niya talagang makalimot.
Nagpahatid na lang ako kay Manong sa airport kasi baka inisin lang ako ni Kuya kapag sa kanya ako nagpasama. Gumawa pa ako ng placard para sa arrival niya.
"Where are you?" tanong ni Saint. Magkausap kasi kami ngayon sa phone.
"Nasa may gilid."
"Where?"
"Nandito ako, oh," sabi ko at saka itinaas iyong hawak kong placard. Narinig ko naman iyong tawa niya. "Pangit ba?"
"No," he said with a big smile on my face. "Who told you?" tanong niya habang papalapit sa akin. Nung makalapit siya, hindi pa rin namin ibinababa iyong tawag.
"Psalm," I said without bursting into laughter.
"That ass," sabi niya at saka kinuha mula sa akin iyong placard. Isa kasi iyong malaking picture na screenshot sa video niya na sumasayaw tapos nilagyan ko lang ng caption.
"Cute naman." I beamed. "Dancer ka pala."
"Are you teasing me?"
Umiling ako agad dahil baka kilitiin niya ako sa gitna ng airport. Pero iba ang ginawa niya. Nakatingin siya sa akin ng nakangiti habang umiiling. Agad niyang binagsak iyong duffel bag na dala niya at saka niyakap ako.
"I'm finally home," sabi niya habang yakap-yakap ako.
Sobrang higpit ng yakap niya sa akin kaya sinabi ko na, "Hindi ako makahinga." Agad niya naman akong binitiwan pero hawak pa rin niya iyong balikat ko.
"I'm sorry," sabi niya pero naka-ngisi pa rin siya. "I just missed you," dagdag niya tapos kumunot ang noo niya. "Have you been eating lately?"
Tumango ako.
"Really? Bakit parang pumayat ka?" he asked.
Tinignan ko iyong braso ko. Ganun pa rin naman.
"Parang hindi naman..."
"When I hugged you, parang mas ramdam ko na 'yung mga buto mo."
Sinamaan ko siya ng tingin at saka hinampas bago kami nagpunta sa sasakyan.
Habang nasa sasakyan kami, nagkwento lang siya tungkol sa mga ginawa niya sa Brunei. Hindi rin naman siya nakalibot dahil training lang daw talaga ang inasikaso nila. Halata nga na sobrang pagod siya pero gusto daw muna niyang gumala kasama ako bago siya umuwi sa kanila at magpahinga kaya pumayag na ako.
Pagdating namin sa mall, kumain agad kami. Iyon namang papanoorin namin na palabas e 30 minutes pa bago magsimula kaya naglalakad-lakad muna kami. Pansin ko naman na kanina pa niya ginagalaw iyong buhok niya.
"May problema ba 'yung buhok mo?" I asked him nung hindi ko na mapigilan na itanong.
Umiling siya.
"I need a haircut," sabi niya. Oo nga. Mahaba na rin pala ulit iyong buhok niya kaya kitang-kita na iyong kulot. Ang cute ngang tignan pero parang hindi kumportable si Saint na mahaba iyong buhok niya.
Dinala ko si Saint sa pinakamalapit na haircutter shop na nakita ko. May 30 minutes pa naman, e. Habang nagpapagupit siya, nagtingin naman muna ako sa internet para malibang ako habang naghihintay. May nadaanan naman akong article na How A Haircut Helps You Cope. Sobrang engrossed ako sa article na binabasa ko na pagkatapos ko roon, nakita ko iyong sarili ko nagpapagupit.
"Are you sure? Ganda pa naman ng hair mo," sabi nung babae na maggugupit sa akin habang sinusuklay iyong hanggang bewang ko na buhok. Ilang taon kong inalagaan iyon pero siguro panahon na para magkaroon ng bago...
I nodded and smiled.
"New hair, new life," I answered as I watch her cut my hair.
Pagkatapos ko, hinanap ko si Saint at nanlaki iyong mga mata niya nung nakita niya ako.
"You—"
I smiled.
"Bagay ba?"
Kumurap-kurap siya.
"Pangit ba?" sabi ko na biglang kinabahan. Nagpagupit kasi ako ng hanggang sa collarbone lang iyong buhok ko tapos pinalagyan ko lang ng sidebangs. Sabi sa akin nung babae bagay sa akin pero sa reaksyon ni Saint, bigla akong kinabahan.
He smiled.
"It looks good on you... It just felt different," he said.
I smiled at him, too. At dapat manonood kami ng pelikula pero hindi na natuloy dahil nagpakulay kaming dalawa ng buhok. Naiinis na kasi si Saint sa silver niyang buhok dahil may kulay itim na kaya magpapakulay na siya ng black dapat pero gusto ko ring magpakulay kaya sabay na kaming dalawa. Nagkasundo kaming dalawa sa ash blonde na kulay. Sobrang kinakabahan at excited ako dahil first time ko lang magpapakulay ng buhok. Hindi rin ako nagpaalam kina Mama kaya mas lalo akong kinabahan pero pakiramdam ko kasi, kailangan ko 'to.
Para bang pagkatapos ng mahabang panahon, nagagawa ko ng magdesisyon para sa sarili ko.
Hours later, natapos na rin kami sa wakas.
"You seriously look hot, Mary. I don't like this," sabi ni Saint habang nakatingin sa akin.
"Bakit naman?" I asked him. Sobrang bagay sa kanya iyong bagong kulay ng buhok niya.
"Before, when you still looked holy, ang dami ko ng kaagaw... How much more now that you look hot?"
Hindi ko maintindihan dahil ako pa rin naman 'to. Nagbago lang iyong gupit ko at iyong kulay ng buhok ko pero kung makaarte si Saint, parang biglang ibang tao na ako.
"Ako pa rin naman 'to," I replied.
"Yeah but—"
"Ako pa rin naman 'to. Ikaw pa rin naman ang gusto ko," I said and that shut him up.
I smiled as we spent the whole day together, mindless of the other people who stared at us when we were laughing out loud dahil sa mga walang kwentang bagay na sinasabi ni Saint. Ito na sana iyong simula na masaya na kaming dalawa... Na wala ng gugulo pang iba.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com