Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

#JustTheStrings

Kabanata 27

"Do you think you can fall for someone over and over again?" seryosong tanong sa akin ni Saint habang sinusulatan ko iyong form para sa donation ko. Dinonate ko kasi iyong buhok ko para sa mga cancer patients... Ang haba rin kasi nito at saka never naman akong nagpakulay bukod sa ngayon.

"Hindi ko alam," sagot ko sa kanya.

"I think it's possible. Because I'm just falling again," sabi niya. Tinignan ko siya tapos naka-ngiti siya sa akin.

"Bakit ka naka-ngiti?"

Mas lumawak lang iyong ngiti niya.

"You're so perfect, alam mo ba 'yun?" biglang sabi niya. Hindi ko maintindihan si Saint. Sobrang saya niya ngayon simula nung magpakulay kaming dalawa ng buhok. Kung alam ko lang na ito lang pala ang magpapasaya sa kanya, e 'di sana matagal ko na siyang inaya na magpakulay ng buhok.

Kumunot ang noo ko.

"Ang weird mo ngayon."

Ngumisi naman siya sa akin tapos isinandal niya iyong gilid ng katawan niya doon sa may reception table. Ipinatong niya iyong braso niya sa table at saka inilagay sa ilalim ng baba niya iyong kamay tapos tinignan niya ako. Medyo nailang ako kasi nakatitig talaga siya sa akin tapos hindi pa siya kumukurap. Ang weird niya talaga.

"I'm your weirdo."

Kinagat ko iyong ibabang labi ko para pigilan iyong pagngiti.

"Bakit nga?" I urged him again.

"Bakit ano?"

"Bakit ang saya mo ngayon?"

"I don't know... I just didn't believe that my wish will be granted."

Kumunot naman iyong noo ko.

"Ano'ng wish?" I asked.

"You. You're everything I wished for."

Biglang nahigit iyong hininga ko dahil sa sinabi ni Saint. Sobrang nakatitig siya sa mga mata ko kaya iyong kabog ng puso ko, hindi ko na maintindihan. Ilang segundo lang kaming naka-titig sa mga mata ng isa't-isa hanggang sa unti-unti siyang ngumiti. Tumayo siya nang maayos at saka inilagay iyong kamay niya sa pisngi ko.

"I wished for someone who's beautiful inside and out, someone who shares my faith, someone who loves her family as much as I love mine, and someone who cares about other people," sabi niya habang naka-tingin sa mata ko. "And you're so much more, Mary Imogen Suarez. So much more than what I prayed for."

Nagtubig na iyong gilid ng mga mata ko dahil sa sinabi ni Saint. Bigla na lang kasi siyang nagsasabi ng mga ganito! Palagi niya na lang akong ginugulat!

"Oh, bakit ka umiiyak?" tanong niya pa. Siya kaya ang nagpa-iyak sa akin! Sino ba ang hindi maiiyak sa mga sinabi niya? Pakiramdam ko tuloy lalong ang swerte ko dahil nakilala ko siya. Hindi ko alam na ganito pala iyong nararamdaman niya. Parang sobrang nakakalunod pero kung siya naman, ayos lang sa akin na malunod...

"Ikaw kasi, e..." sabi ko habang humihikbi.

"What? Ano na naman ang ginawa ko?" nag-aalala niyang tanong.

I smiled while wiping my tears.

"Pinaiyak mo ako sa sinabi mo," I said. "Ano ba kasi ang nakain mo? Bigla ka na lang naging ganon."

Biglang napa-ngiti na ulit siya kasi kumunot iyong noo niya kanina nung nakita niya akong umiiyak.

"Wala. I just realized how lucky I am to have found you. Saan pa ba ako makakakita ng babae na magdodonate ng buhok sa cancer patients? Ikaw lang yata," sabi niya at saka inakbayan ako. "Thank you dahil sumakay ka sa sasakyan ko dati kahit akala ko nung una carnapper ka."

Natawa naman ako bigla sa sinabi niya. Tumatawa ako habang tumutulo iyong luha ko.

"Akala ko kasi ikaw 'yung Uber, e..."

He beamed at saka hinigpitan iyong akbay sa akin. Hinalikan niya rin iyong gilid ng ulo ko.

"In some ways, Uber driver mo rin naman ako. I drive you everywhere."

"Ikaw kaya 'yung nagvolunteer."

"I know," sabi niya at saka kinindatan ako. "I love driving you around. I love holding your hand while I'm driving. I love it when you're feeding me while I'm driving. So basically, I'm doing it for myself."

Napailing na lang ako sa kanya. Si Saint talaga.

Tinapos ko lang iyong sinusulatan ko bago ko ibigay iyong buhok ko. May binabasa ako sa may wall nung store pero hindi ko mabasa. Siguro naka-squint iyong mga mata ko kaya napansin ni Saint.

"Malabo 'yung mata mo?" he asked me.

"Konti," I replied. Mahilig kasi akong magbasa lalo na sa gabi kaya lumalabo na iyong mata ko. Ayoko namang magsalamin kasi hindi daw bagay sa akin sabi ni Kuya. Kapag contacts naman, sumasakit iyong mata ko. Natatakot naman akong magpa-lasik... Kaya tinitiis ko na lang. Hindi pa naman sobrang labo ng mata ko pero nahihirapan akong basahin iyong mula sa malayo.

"Why don't you wear glasses?"

"Hindi daw bagay sa akin sabi ni Kuya."

"What? Why would he say that?"

Dinala ako ni Saint sa isang store ng glasses.

"Wag na..." sabi ko sa kanya. "Hindi pa naman sobrang labo ng mata ko."

"And we'll just wait hanggang mabulag ka?" sagot niya. Napa-labi na lang ako sa sagot niya tapos nagbuntong-hininga naman siya. "If it's about what Preston said, then I'll also wear glasses para parehas tayo, okay?"

Napa-kurap naman ako sa sinabi niya.

"Pero hindi naman malabo iyong mata mo..."

He shrugged in response.

"It's okay. I'll just wear gradeless glasses."

"Seryoso ka?"

He nodded and then smiled at me.

"We have the same hair color and now, we'll both wear glasses. Next time, I'll make you wear my shirt."

Namula na naman iyong mukha ko kaya natawa na naman si Saint. I swear, pakiramdam ko talaga mission niya na papulahin iyong mukha ko araw-araw!

Pinapasok niya na ako sa loob at saka tinignan kung ano na iyong grado ng mata ko. Nagulat naman ako nung malaman ko na ang taas na pala talaga! Sinabihan ako nung doctor na iwasan ko na magbasa... Pero hindi ko kaya... Reading is a part of my life. Kahit siguro lumabo na ng sobra iyong mga mata ko, hindi ko pa rin mapipigilan iyong pagbabasa.

Namili kami ni Saint ng frame para sa salamin namin. Gusto niya kasi pareho kami kaya ang tagal bago kami nagkasundo. Simpleng black-rimmed glasses lang iyong napili namin pero mas malaki iyong sa kanya kasi mas malaki naman iyong mukha niya kumpara sa mukha ko... Mas malaki pa nga iyong kamay niya sa mukha ko, e.

"See? Bagay kaya sa 'yo," he said nung sinukat ko na iyong salamin ko. "And now, you can appreciate my face better," he continued at napailing naman ako sa sinabi niya.

Naglakad lang kami at saka kumain. Medyo nagutom din kasi ako sa mga ginawa namin. Pagkatapos nun, tinanong ni Saint kung saan ko gustong pumunta. Hindi ko naman alam dahil hindi naman talaga ako mahilig pumasyal sa mall... Ayoko naman na ayain siya sa bookstore dahil hindi naman yata mahilig si Saint na magbasa.

Sinabi ko lang sa kanya na kung saan niya gustong pumunta at nung huminto siya sa pagdadrive, nakarating na pala kami sa Pasig.

"Ano'ng meron dito?" I asked him habang papasok kami sa loob.

"Jump yard," he replied. Kumunot ang noo ko. "What? You don't know this place?" Umiling ako. Mas lumaki ang ngiti niya. "You're gonna have so much fun!"

Iniwan namin iyong salamin sa sasakyan. May pinirmahan lang kaming waiver tapos bumili si Saint ng medyas para sa aming dalawa.

"Ako na," sabi ko sa kanya kasi naka-luhod siya sa harap ko tapos siya pa iyong magsusuot sa akin nung medyas.

"Nope. I'll do it," sagot naman niya.

"Kaya ko naman."

"I know that you can do it but now you have me. So let me do things for you. Okay?" sabi niya habang naka-tingin sa akin. Napa-tango na lang ako dahil hindi na talaga ako maka-angal kapag nakatingin siya sa akin ng ganyan.

Pumasok na kami at saka nagkaroon ng sandaling briefing. Hindi nakikinig si Saint.

"Bakit hindi ka nakikinig?"

"Palagi kami dito."

"Sino'ng kasama mo?"

"Brothers. Sometimes, teammates," he replied.

"Walang babae?" I asked, just curious... Hindi naman ako magtataka kung may babae dati. Ang gwapo naman kasi ni Saint. Hindi ko kayang sisihin iyong mga babae.

Umiling siya.

"Hindi nga?" I asked again.

"Nope. Back then, ball was life... But now it's you."

And he did it again. Hindi ko na talaga alam kung may script ba na sinusunod si Saint kaya ganito ang mga lumalabas sa bibig niya. Mabuti na lang at tapos na rin iyong briefing kaya hindi napansin masyado ni Saint na para na naman akong kamatis sa pagka-pula ng mukha ko. Sumunod lang ako sa kanya nung hawakan niya iyong kamay ko at saka dalhin ako sa loob.

"Ano'ng gagawin natin?" I asked him.

"We're gonna jump."

"Iyon lang?"

He looked at me and winked. "I promise you'll have fun."

And I did. Grabe! Hindi ko alam na sobrang saya palang tumalon sa trampoline! Ilang minuto ako na patuloy lang sa pagtalon habang si Saint naman, tumatawa lang habang pinapanood ako.

"I told you it's fun!"

"I know! Thank you!" sabi ko habang sabay kaming tumatalon dalawa.

"You're welcome! I just want you to be happy!"

Hingal na hingal na ako nung matapos kami sa trampoline habang si Saint naman, parang wala lang nangyari.

"Ang unfair. Bakit parang hindi ka man lang napagod?"

He laughed. "I'm an athlete, Mary. Do you even jog?"

Inirapan ko siya tapos natawa na naman siya.

"Let's jog next time, okay?"

Umiling ako.

"C'mon. Let's jog para hindi ka mabilis mapagod."

"Hindi naman ako mahilig sa activities..."

"But I want to bring you with me during family activities."

Nanlaki iyong mata ko.

"What? Bakit ka pa nagulat?" he asked. "You're practically a GDL, too. And as a part of the Gomez de Liaño family, you're need endurance because we like to hike and do athletic things. Okay?" sabi niya at saka tinignan ako. Napabuntong-hininga naman ako at saka ngumiti siya at saka tinapik iyong ulo ko.

Natapos iyong araw na pawis na pawis ako kaya pinasuot sa akin ni Saint iyong spare shirt niya sa sasakyan. Ngiting-ngiti naman si Saint habang naka-tingin sa akin.

"I need to take a picture," sabi niya.

"Pawis ako."

"I don't care," sabi niya. "You're wearing my shirt. I need to take a picture."

Napailing na lang ako sa kanya habang kinukuhanan niya ako ng picture. Daig niya pa ang paparazzi kasi ang daming shots na kinuha niya... Pakiramdam ko nga pwede na akong magkaroon ng sariling album sa gallery ni Saint kasi palagi niya akong kinukuhanan ng picture. Minsan kahit kumakain lang ako bigla na lang niya akong pipicture-an.

"I'll upload this," sabi niya sa akin. "Can I tag you?" tanong niya sa akin kasi nung minsan na tinag niya ako, ni-report as harassment ni Kuya iyong picture.

Tumango ako sa kanya.

"Palitan mo na iyong profile pic mo," sabi ko dahil mukha ko pa rin iyong nakalagay sa display picture niya.

"But I like seeing your face every time I open my account."

"Palagi mo naman akong nakikita."

"And it's not enough. If I can, I would put you inside my pocket and carry you around."

I wrinkled my nose to stop myself from smiling. Saint talaga!

"Palitan mo na, please?"

Matagal ko rin siyang pinilit bago ko siya napapayag. Habang nagdadrive siya para ihatid ako sa bahay, tinitignan ko lang iyong laman ng gallery niya. Puro naman mukha ko iyong nandun o kaya naman picture ni Stephen Curry.

"Ate mo?" I asked nung may makita akong picture nilang magkakapatid tapos may kasamang isang babae.

He nodded.

"Ano'ng name niya?"

"Siobhan Margaret GDL. But she prefers to be called Maggie."

Tinignan ko iyong mga pictures ng Ate niya pero puro group photo naman. Ang ganda ng Ate niya! Mukhang model pero mukhang masungit. Pero feeling ko mabait naman siya... Si Saint nga mukhang mayabang pero hindi naman pala. Si Austin nga mukhang mabait pero masungit naman pala. Kapag sa GDL yata don't judge talaga, e.

Pagdating namin sa bahay, sa wakas may napili na akong maging profile picture niya. Sinet ko na iyon as profile pic niya bago ko binalik iyong phone niya. Sinabi niya naman na ayos lang sa kanya na ako na ang gumawa. Wala naman daw secret sa phone niya. Kung hindi nga lang daw pinapakailaman nila Psalm iyong phone niya, hindi niya naman lalagyan ng password. Pero dati daw kasi pinaglaruan nila Psalm iyong phone niya tapos nagsend gamit iyong number niya ng mga wrong sent messages sa Mama nila. Na-grounded daw siya ng one week dahil sobrang bastos nung mga sinend nila Psalm. Ayaw naman sabihin ni Saint sa akin kung ano...

"Good night," sabi ko pagdating namin sa harap ng bahay. I smiled widely because I definitely enjoyed today. "Ingat ka sa pagdadrive, okay?"

He nodded.

"Matutulog ka na ba?"

"Hindi ko alam. Bakit?"

"I'll call you later. Pero kung pagod ka na, I'll just see you tomorrow."

Nakakainis na miss ko na rin siya kahit nasa harap ko pa naman siya. Pero hindi naman pwede na magkasama kami 24/7... Kung pwede lang, e...

"I'll call you," mabilis na sabi ko at saka hinalikan siya sa pisngi bago ako naglakad ng mabilis papasok sa bahay.

--

Mabilis lang lumipas iyong weekend. Sabi nga nila, kapag nageenjoy ka, mas mabilis ang takbo ng oras.

Nasa loob ako ng sasakyan ni Saint ngayon. Sinundo niya kasi ako sa bahay. Mabuti nga at wala si Kuya, e... Hindi ko lang alam kung talagang sinasadya niya ba na pumasok ng maaga para hindi makita si Saint. Ang aga-aga niya na kasi talaga umaalis. Bumabalik kasi siya sa bahay pagkatapos ng training niya ng madaling-araw tapos aalis agad siya para hindi niya abutan si Saint kapag sinusundo ako. Ang laki talaga ng problema ni Kuya sa buhay.

Nung magparking siya sa school, tinignan niya ako.

"What?" tanong niya.

"Wala," sagot ko tapos pigil na ngumiti pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam ang magiging reaction nila Kath sa itsura ko. Nung nagpagupit ako, gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kaya ko... Buong buhay ko kasi lahat ng ginagawa ko ay pinagpapaalam ko pa kila Mama. Ngayon lang ako nagkaroon ng isang bagay na ginawa ko kasi gusto ko. It felt liberating. Iba sa pakiramdam... Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin maiwasan na kabahan.

"You sure you're okay?"

I nodded. Hinawakan niya iyong kamay ko at saka pinisil.

"Today's gonna be great."

"Bakit mo alam?"

He shrugged.

"Because I know," sagot niya. "If I want today to be great, it'll be great. Hindi ka ba naniniwala na matter of perspective lang naman ang pagiging masaya?"

Unti-unti akong napa-ngiti sa sinabi ni Saint. Isa ito sa mga dahilan kung bakit masaya ako kapag kasama ko siya. Iba kasi iyong tingin niya sa buhay. He's idealistic but he's realistic, as well. Para bang best of both worlds lang siya palagi. At saka palagi siyang naka-ngiti—or ngisi. Depende kasi sa mood niya pero kahit na ganoon, meron sa kanya na parang gagaan iyong pakiramdam ng mga kasama niya. Ewan ko o baka naman ako lang 'yun. Pero hindi kasi, e. Kahit si Finley nga nakuha niya iyong loob... E sobrang hirap kayang maghanap ng makakasundo nun.

"Naniniwala naman pero—"

"There's no but, Mary. Happiness is a choice. It has always been a choice."

I smiled at him. "Okay," I answered. "Tuloy ba iyong training mo mamaya?" I asked him. Hindi ko kasi alam kung sasabay ba ako sa kanya o mauuna na akong umuwi.

Tumango siya.

"Do you want to wait or do you want me to drive you home first?" tanong niya sa akin.

"Matagal ba kayo?" Baka kasi sobrang tagal. Mayroon din kasi akong mga gagawin para sa school. Ayoko naman na bumaba iyong mga grades ko dahil sigurado ako na papagalitan na ako nila Mama. Sinabi naman nila sa akin na ayos na sila sa amin ni Saint pero dapat daw palagi kong alam ang priorities ko. Bata pa raw ako. Pwede naman akong mag-enjoy pero 'wag na 'wag ko raw isasacrifice ang pag-aaral ko.

He wrinkled his nose.

"Yeah..." tamad na tamad na sagot niya. "Championship is coming. You'll watch me, right?"

I nodded. Oo naman. Bakit ko naman papalampasin iyong laro niya?

Pagdating ko sa classroom, normal naman iyong naabutan ko... Wala kasi si Kath at Liza dahil may iba silang ginagawa para sa ibang subject kaya mag-isa lang ako. Ayos lang naman dahil magkikita naman kami mamayang break. Nakinig lang ako nang mabuti sa professor dahil nararamdaman ko na rin na palapit na iyong pre-finals kaya dapat na akong mas maging seryoso. Ayoko kasing bumaba ang grades ko tapos isipin naman nila Mama na nagpapabaya ako simula nung nakilala ko si Saint.

Dumiretso ako sa cafeteria kasi sabi ni Kath sa text, doon na raw kami magkita. Pagdating ko doon, nakita ko na nandun na sila. Naka-hinga ako nang maluwag dahil wala si Parker. Ayoko rin kasi siyang makita muna dahil sa huling pag-uusap namin. Hanggang hindi niya naaayos ang issue niya sa sarili niya, mas okay siguro na 'wag muna kaming mag-usap.

"OMG!" sabi ni Kath pagkakita niya sa akin. "You chopped your hair!"

Medyo nailang ako dahil nasa akin lahat ng attention nila. Medyo alanganin akong ngumiti.

"Sobrang bagay!" sabi pa ni Kath kaya naman naka-hinga ako nang maluwag. "And what's with the glasses?"

Sasagot pa lang sana ako nung biglang kurutin ako ni Kath sa tagiliran ko. Napa-aray nga ako pero bigla na naman siyang nagsalita. "May glasses din si Saint! And same kayo ng hair color!" sabi niya habang naka-tingin kina Saint. Pumasok din pala sila sa caf pero kasama niya iyong mga teammates niya.

Tumalikod ako at nakita ko si Saint. I smiled at him and he smiled back. Si Kuya naman, inirapan na naman ako.

"Nakita ko rin iyong post sa fb! You were wearing his shirt! Kilig!" sabi ni Kath.

Kuya scoffed.

"Pinasuot ko rin shirt ko sa 'yo pero binato mo sa akin," sabi ni Kuya.

"Because it's a used shirt, Preston! Kadiri ka. Pinagpawisan ka na doon tapos ipapasuot mo sa akin!"

"E halos wala ng matakpan sa tingting mong katawan kaya binigay ko sa 'yo 'yung damit ko. Choosy nitong tingting na 'to."

"Excuse me? Nakita kita nung nasa club tayo. You were checking me out. Umamin ka na, Preston. You think I'm hot," sabi ni Kath.

Umismid naman si Kuya.

"Iniisip ko lang nun na bawal kang lumapit sa gutom na aso kasi baka pagkamalan kang buto."

Napailing na lang ako at saka hindi na sila pinansin dalawa dahil alam ko na simula pa lang ng away nila. Hindi ko nga alam kung paano sila tumatagal na dalawa, e... Tumayo na ako para bumili ng kakainin ko pero nagvolunteer si Kuya Benj na samahan ako. Pakiramdam ko kaya siya sumama ay dahil ayaw niya na marinig sila Kuya na nag-aaway... Kasi kahit naman halos magsigawan na sila ni Kath, ewan ko pero kita na may pakielam naman sila sa isa't-isa. Hindi naman magtatyaga si Kuya na asarin si Kath kung wala lang.

"Yan lang kakainin mo?" tanong ni Kuya Benj.

I nodded.

"Kumain ka na, Kuya?" Tumango naman siya. "Wala ka bang ibang crush?" I asked him at saka kumunot naman ang noo niya. "Kasi... paano kapag naging si Kuya and Kath? Ayokong makita ka na malungkot palagi."

Kuya Benj shrugged.

"Hindi naman ako malungkot."

"Talaga?"

He nodded.

"I have friends. Besides, Kath's a handful. Sigurado sasakit ang ulo ni Preston sa kanya," he said and then smirked. "And he deserves all the headaches he'll get."

Habang naglalakad naman kami pabalik, nagsalita si Kuya Benj.

"Hindi mo ba tatanungin kung bakit wala si Parker?" he asked me and I shook my head. Nakatingin siya sa akin at nagtataka. I just smiled.

"Minsan kasi, Kuya, kahit na gaano kahalaga iyong tao sa 'yo, dadating ka rin sa point na ayaw mo na lang makielam kasi ayaw naman nila ng tulong mo."

And that's Parker. Kung ayaw niya ng tulong ko, hindi ko na siya pipilitin. Ayoko rin naman kasi na sirain niya kung ano iyong meron ako dahil lang sa tingin niya, dapat kaming bumalik sa dati. Masaya na ako ngayon. And I wouldn't do anything to destroy what I have.

And if he wanted to destroy himself, I didn't want to be a collateral damage.

But then Kuya received a call saying that Parker almost died in a car accident. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com