Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 28

#JustTheStrings

Kabanata 28

'His car crashed. I don't know how serious the accident is.'

Paulit-ulit kong naririnig iyong sinabi ni Kuya. Hindi maproseso ng utak ko iyong mga salitang sinabi niya. Tila tumigil iyong mundo nung marinig ko iyong balita na iyon.

Parang biglang tumigil iyong pagtibok ng puso ko sa narinig ko. Ilang segundo na nakatayo lang ako roon at pilit na ipinapasok sa isip ko iyong sinabi ni Kuya. Hindi ako makagalaw. Lahat sila ay nagpapanic na at naghahanda na para pumunta sa ospital kung saan dinala si Parker pero ako, ni hindi makagalaw sa kinauupuan niya.

Nung isang araw lang, kasama ko pa si Parker... Nung isang araw lang, nagalit pa ako sa kanya...

Nung isang araw lang, okay pa siya.

Bakit ba nangyayari 'to?

"Are you coming?" tanong ni Kuya. Hindi ako agad nakasagot. "What? Are you coming?" parang naiinis na tanong niya sa akin dahil hindi ako agad makasagot. Hindi ko kasi alam ang gagawin. Buong buhay ko, ngayon lang nagkaroon ng aksidente sa isang tao na malapit sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin ko. Ang alam ko lang ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Gusto kong sabihin na sasama ako... Of course I was coming. Kailangan kong makita si Parker dahil kaibigan ko rin siya pero hindi ko lang mahanap iyong boses ko para sabihin iyon.

Lumapit si Kuya Benj sa akin at saka inakbayan ako.

"She'll come, of course, Preston. Ako na ang bahala kay Imo. Mauna na kayo," sabi ni Kuya Benj kay Kuya.

"You sure?" Kuya asked.

Kuya Benj nodded.

"Yes, susunod kami." Tumingin si Kuya sa akin. "She understands, Preston. Pumunta ka na," pagpapatuloy ni Kuya Benj bago niya napilit si Kuya na iwanan ako.

Tinignan ko si Kuya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Naka-sunod sa kanya sila Ate Jas habang ako, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.

"Are you alright?" tanong ni Kuya Benj.

I tried to nod but I couldn't. I didn't know what I felt. I knew I should feel scared—scared for Parker and all the possibilities pero sobrang dami kong nararamdaman na hindi ko malaman kung ano ang uunahin ko.

"He'll be fine," he reassured.

"Sabi ni Kuya m-muntik na—"

He didn't let me finish what I was saying. Hindi ko rin kaya na sabihin 'yun. Parker and I, we had our differences but I didn't want him gone... Nararamdaman ko iyong pagsikip ng dibdib ko dahil sa naisip ko. Ni hindi ko masimulan na isipin na pwede na mawala siya. Buong buhay ko nandyan lang siya kaya hindi siya pwedeng mawala.

He's been a part of my life—both good times and in bad times. Hindi ko gusto na mawala siya... Lalo pa ngayon na hindi kami masyadong nakakapag-usap. Mas lalo lang sumikip ang dibdib ko sa ideya na pwede siyang mawala ng hindi man lang kami maayos...

"But he's still alive. He'll pull through. Masamang damo si Parker," Kuya Benj said with a reassuring smile. "So breathe, princess. Okay?" he asked and I nodded.

Nauna na silang dumating sa ospital. Nauna sila Kuya dahil alam ko naman na sa aming lahat, malamang siya ang pinaka-nag-aalala. Best friend niya si Parker kaya naiintindihan ko kung bakit bigla siyang nainis sa akin kanina... Habang nagda-drive si Kuya Benj papunta sa ospital, tahimik akong nagdadasal na sana maging okay si Parker. Hindi ko pa alam kung ano ang eksakto na nangyari sa kanya pero ang mahalaga lang sa ngayon, na ligtas siya. I just wanted him alive. Iyon lang ang importante.

Agad kaming pumunta sa room number na sinabi ni Kuya. Pagdating namin doon, nakita namin na kinakausap ng isang doctor si Tita Kach. Lumapit ako kina Kuya na naka-upo doon sa mahabang bench sa labas ng kwarto ni Parker. Tahimik lang sila.

"Just few minor concussions and hairline fracture in his right leg. His head seems fine and no trauma. We'll do few tests on him just to be sure but for now, he's fine," sabi nung doctor. "I'll send Dr. Esguerra later."

"Thank you, doc," sabi ni Tita Kach. Si Tito Tripp naman ay may inasikaso.

Pagkaalis nung doctor, agad na tumayo kami nila Kuya. Biglang gumaan iyong dibdib ko sa narinig ko...

He's fine. At iyon lang naman ang mahalaga sa akin.

"He's going to be fine, right, Tita?" nag-aalalang tanong ni Kuya. Alam ko na sobrang worried niya kay Parker. Magbest friends pa rin sila kahit na madalas silang nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Tita Kach smiled and nodded. Bigla kong napansin iyong itsura niya... Parang bigla siyang tumanda ng ilang taon. Gaano ba ka-seryoso iyong problema? Alam ko kasi bago pa mangyari ang aksidente na 'to, may problema na talaga sa pamilya nila... Na hindi naman sinasabi ni Parker.

"Yes, of course," sabi ni Tita. "Pwede niyo siyang puntahan pero tahimik lang."

Agad silang pumasok sa loob pero naiwan ako sa labas. Hindi ko alam kung dapat ba akong pumasok... I felt guilty. Para bang ramdam ko na may kasalanan ako sa nangyari sa kanya. Alam ko na may problema rin siya pero nagawa ko siyang itaboy... Was I too cruel? Sobrang sama ko ba nung hiniling ko sa kanya na pabayaan niya na ako?

Masama ba na inuna ko iyong sarili ko kaysa sa kanya?

Sobrang daming tanong na naglalaro sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasagutin... O kung gusto ko bang sagutin dahil minsan, natatakot ako sa mga nangyayari.

"Hindi ka ba papasok sa loob?"

Napatingin ako kay Tita Kach nung nagsalita siya. Hindi ko napansin na medyo napatagal na pala iyong pagtayo ko sa labas.

"Papasok po," mahinang sagot ko. Mayroon pa ring maliit na parte sa akin na sinisisi ang sarili ko. "Tita, okay naman siya, 'di ba?"

Tumingin ako kay Tita. I was expecting that she's assure me that everything would be fine... Na matatapos din lahat ng problema at babalik kami sa normal namin. Iyong masaya si Parker, masaya ako, masaya kaming lahat... Hindi iyong ganito na para bang kailangan na mayroong isang maging miserable para sa kasiyahan ng isa.

Gusto ko lang naman na maging masaya kaming lahat. Iyon lang. Pero parang hindi iyon mangyayari.

But Tita Kach's smile told me otherwise.

"He's fine."

Pero hindi ako naniwala sa sinabi niya. Alam ko na may mas malalim pa na nangyayari sa buhay ni Parker. Gusto kong tumulong pero palagi niya akong tinutulak palayo. Hinihiling niya iyong bagay na hindi ko kayang gawin.

"You'll be there for him, right?"

I looked at Tita Kach.

"Opo..."

Nginitian niya ako.

"You're all that he has, Imo."

"Hindi 'yan totoo, Tita... Nandyan kayo, may kaibigan si Parker—"

"Tripp and I, we're old. Someday, we won't be around for him anymore... Gusto ko lang malaman na kapag nawala na kami, nandyan ka pa rin para sa kanya."

Parang sobrang bigat ng dinadala ni Tita Kach. Biglang naging sobrang lungkot ko rin dahil sa mga sinasabi niya.

"Of course, Tita..."

Ngumiti siya.

"That's good to hear, Imo. I know you'll always be there for him... Just like the old times..."

Tama nga siguro si Kuya. Lahat ng tao sa paligid namin, masyadong naka-kapit sa mga nangyari sa nakaraan. Iyon bang hindi makaandar at matanggap na tapos na iyong mga nangyari noon... Na parang minsan, nababaliwala iyong mga nangyayari ngayon kasi mas gusto nating tanawin iyong kahapon. Kasi siguro akala nila masaya. Na kahit maraming nasasaktan dahil mas gusto nilang manatili sa nakaraan, hindi pa rin sila tumitigil kasi palagay nila obligado sila na manatili doon.

Just like the old times...

But I was done with the old times. Masaya ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko.

Umalis na si Tita Kach at naiwan ako sa labas. Ilang beses akong sumubok na pumasok pero hindi ko magawa. Kahit sumilip hindi ko magawa... Naguguluhan ako sa sarili ko. Naririnig ko iyong mga pag-uusap nila sa loob pero hindi ko magawang pumasok. Masaya ako na mukhang ayos naman na talaga si Parker...

He's fine. Bakit ba ako nagkakaganito?

"Hello?"

"You okay? You sound... different."

Napa-ngiti ako noong narinig ko iyong boses ni Saint. Ganito na ba kami kalapit para malaman niya na may problema ako base lang sa tunog ng boses ko?

"Okay lang ako. Nasa ospital ako," sabi ko at saka kinagat iyong ibaba ng labi ko.

"What? Are you fine? What happened?" sunud-sunod na tanong ni Saint sa akin.

"Okay lang. May pinuntahan lang kami dito," I answered.

"Really? Because if something happens to you, Preston will kill me," sabi niya at hindi ko napigilan na mapa-ngiti. Kahit ganito na parang ang bigat ng mga nangyayari, kapag kausap ko si Saint, biglang gumagaan iyong pakiramdam ko.

Siguro siyang iyong happy pill ko.

"Anyway, what happened? I hope it's not serious."

Huminga ako nang malalim bago ako nagsimulang magsalita. Hindi naman ako tanga... Hindi rin naman ako manhid. Alam ko naman na hindi si Parker ang paboritong topic ni Saint pero alam ko na hindi dapat ako magsinungaling sa kanya. Ayokong magsinungaling. Alam ko na iyong mga maliliit na bagay na itinatago, isang araw bigla na lang silang lalabas lahat... Hanggang hindi mo na kayang kontrolin.

Kaya nga sinasabi nila na sa lahat ng bagay, importante ang pag-uusap.

"Naaksidente si Parker."

Ipinikit ko ang mata ko at hinanda ang sarili kung sakali na magalit sa akin si Saint.

"Is he fine?"

Napadilat ako.

"Hindi ka galit?"

"What? Why would I be mad?"

"Kasi kasama ko si Parker..."

I was chewing on my lower lip as I waited for his answer. Baka ito iyong dahilan kung bakit hindi ako makapasok sa loob ng kwarto ni Parker... Kasi alam ko sa sarili ko na si Parker ang pag-aawayan namin ni Saint. Hindi naman sa sinisisi ko si Saint dahil alam ko naman na karapatan niyang magselos kung gusto niya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit dahil wala naman na akong nararamdaman para kay Parker. Concerned lang ako dahil magkaibigan pa rin naman kami... Pero kung magiging dahilan si Parker para magkagulo kami ni Saint, then I'd be happy to put a wedge between me and Parker.

Because Saint had been very verbal about it... Na pakiramdam niya hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya. Na pakiramdam niya nalilito pa rin ako sa kanilang dalawa ni Parker.

And I wanted to erase that thought inside his mind. Kasi mas kilala ko ang sarili ko. Alam ko sa sarili ko noon na mahal ko si Parker... At alam ko rin sa sarili ko ngayon na tapos na kaming dalawa.

I heard him sigh.

"You're done liking him, right?"

"Oo naman—"

"Then it's fine."

Napa-kurap pa ako sa narinig ko. Iyon na 'yun?

"Talaga?"

"Yes, Mary. As long as you don't like him like the way you used to, we're good... I can trust you on that, right?"

"Oo naman."

"So stop worrying. I told you a thousand of times that I'm not that low of a person. I won't stop you from being friends with him so long as you don't have a thing for him anymore. I understand that he's a part of your life. And I want to be a part of that life, too. I can't take away the years you spent with him but I can spend the coming years with you and make more memories together. Is that clear, Mary?"

God, ano po ba ang ginawa ko kaya sa lahat ng lalaki sa mundo, si Saint pa ang nakuha ko?

"Okay..." sabi ko na mayroong malaking ngiti sa mukha ko.

"Good. Text me the address of the hospital. I'll pick you up later after my training," sabi niya.

I smiled. "Okay..."

"I seriously hope it's nothing serious. Sige na, my prof's here already. I'll see you later."

Ibinaba ko na iyong tawag. Pagkatapos kong makausap si Saint, gumaan na iyong pakiramdam ko. Handa na akong pumasok sa loob para kausapin si Parker. Tumayo na ako para pumasok sana pero lumabas na sila Kuya Benj.

"Aalis na kayo?" I asked them.

"Nope. We'll just buy food. Parker requested since bland daw ang hospital food," sabi ni Kath. Tumango na lang ako habang lumabas sila ni Kuya Benj para bumili ng pagkain. Maya-maya naman, lumabas din sila Ate Jas, Kuya Jackson, at Liza at sinabi na bibili sila ng coffee dahil inaantok na raw sila sa ambiance ng ospital.

At nung papasok na talaga ako, bigla kong narinig na nag-uusap si Kuya at Parker.

"Is she not here with you?"

"She's outside."

"And she doesn't even want to come in?" rinig na rinig ko iyong hinanakit sa boses ni Parker. "Hindi man lang ba siya concerned kung buhay pa ako?"

Gusto kong makonsensya pero kapag ganito siya, parang ayoko na. Bakit ba ganito si Parker? Kailan pa siya naging ganito? O baka naman ganito na talaga siya dati at hindi ko lang napapansin dahil masyado akong nabulag dahil gusto ko siya? Kasi hindi ba ganoon naman 'yun? Kapag gusto mo iyong tao, hindi mo pinapansin iyong mga masasamang bagay tungkol sa kanila... You know but you choose to ignore. At ngayon na hindi ko na siya gusto, parang nagsisimula ko ng makita iyong mga bagay na hindi ko pinansin dati.

"You're alive, asshole."

"Yeah but she doesn't know that."

"Bakit mo ba ginawa 'yun?"

"Alin?"

"Crash your car."

"It was an accident."

"Ako pa ba, Parker? Gago ka kilala kita. You may not be a decent human but you're a decent driver."

Tumalikod ako at saka sumandal sa pader sa gilid ng pintuan. Nakikinig lang sa pinag-uusapan nila. I knew listening to other people's conversation was wrong but I couldn't care less. Baka kasi sakaling maintindihan ko si Parker. Best friend niya ang Kuya ko kaya baka kahit papaano, maging honest siya... Kasi sa totoo lang, naguguluhan ako sa kanya.

"You think I was trying to kill myself?"

"No. But I think that's a cry for attention."

"Ano? Ano'ng sinasabi mo?"

"Si Imo. You want her attention so badly that you're willing to go at such length."

"Ano ba—"

Bigla kong narinig na nagseryoso si Kuya. Madalas, masaya si Kuya pero minsan kapag nagseryoso siya, hindi ko mapigilan na matakot. Sabi kasi nila kapag ang masayahin daw naging seryoso, talagang seryoso sila... Mas nakakatakot.

"Your uncle died for my mom but don't you dare die for my sister. Don't you fucking go there, Parker. Don't torture her into coming back to you. Unfair 'yun." Sinubukang sumagot ni Parker pero nagpatuloy lang si Kuya sa sinasabi niya. Biglang bumilis iyong tibok ng puso ko dahil sa takbo ng pinag-uusapan nilang dalawa. "For years, in love sa 'yo 'yung kapatid ko pero wala kang ginawa—no, wait. You played her and lead her on. Pero tahimik lang ako, 'di ba? Because that's your fucking life. And I know you really fell in love with Cindy kaya pinabayaan kita kahit nakikita ko na sinasaktan mo 'yung kapatid ko kasi sino ba naman ako para pilitin ka na mahalin si Imo? That's your life and I respect it. But things changed, Parker. Imo's happy now. And as much as I don't like Saint, he makes her happy. And that's what's important. So don't be a douche and just... stop. Just stop, Parker."

Ilang segundo na wala akong narinig mula sa kanilang dalawa. Akala ko tapos na sila sa pag-uusap pero hindi pa rin pala.

"Don't try to pull the same stunt. Don't try to kill yourself and guilt-trip Imo into coming back. She doesn't deserve that, Parker."

"What if I'm in love with her? Can't I do anything about it? Hindi pwede, ganon? Tangina ang unfair."

"You're not in love with her. Hindi lang matanggap ng pride mo na iba na 'yung gusto niya. Iyon lang 'yun."

"What do you know about love, Preston? Don't lecture me about love. Of all people, not you."

Kuya scoffed.

"At least I'm not stupid enough to crash my car just to get someone's attention. If you really want to kill yourself, drive into a cliff. Or put a gun in your head. Or hang yourself. Iyong sure na mamamatay ka talaga hindi 'tong nagpapapansin ka lang."

Biglang tumawa si Parker.

"Gusto mo talaga akong mamatay?"

"No. But I'd really rather you kill yourself for good than try to guilt-trip my sister into coming back. Because she'll do it, Parker. She's good enough to go back to you if that means saving your pathetic ass."

My heart sank... That's not true. Gusto kong maniwala na hindi ko gagawin iyon... Hindi ko kayang iwanan si Saint. Hindi ngayon kung kailan gustung-gusto ko na siya... Kaya bakit siguradong-sigurado si Kuya na kapag dumating ang panahon kung kailan kailangan kong mamili, sigurado siya na si Parker ang pipiliin ko?

"I love her."

"She doesn't love you. She's done with you. Buksan mo 'yung mata mo, Parker. She how happy she is with Saint. Tumigil ka na."

Nagkaroon ng maliit na ngiti sa mukha ko dahil sa narinig ko mula kay Kuya... At least sa kabila ng lahat ng nangyayaring masama, meron pa ring isa na maganda. Mukhang tanggap na ni Kuya si Saint.

"But she loved me once... It can happen again."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com