Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4


#JustTheStrings

Kabanata 4

Hinahanda ko na 'yung mga gagamitin ko sa school nung makarinig ako ng katok sa pintuan. Tumayo muna ako at saka binuksan iyon.

"Bakit, Kuya?" tanong ko.

"5 am 'yung training namin bukas so I can't drive you to school. Pahatid ka na lang kay Manong, okay?" he said kaya tumango ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sobrang protective ni Kuya sa akin. Parang pakiramdam niya kailangan akong bantayan sa bawat kilos ko.

"Hindi mo naman ako kailangan ihatid araw-araw," sabi ko.

"I don't need to but I want to," sabi niya at saka ginulo na naman ang buhok ko.

"Thank you, Kuya," sagot ko ng naka-ngiti. Sobrang swerte ko sa Kuya ko. Nakikita ko kasi na 'yung ibang magkakapatid, hindi magkakasundo. Pero kami ni Kuya, okay na okay. Siguro din kasi bata pa lang kami, palagi na sa aming sinasabi ni Papa na dapat okay kami palagi dahil pamilya kami.

"Baliw. Syempre kapatid kita." Pumasok siya at saka umupo sa kama. "Akala ko high school lang ang excited mag-ayos ng gamit. Para ka talagang bata," sabi niya habang tinitignan iyong mga school supplies ko na nakalatag sa kama.

"Gusto ko lang maayos lahat."

"Sabihin mo OC ka lang. At saka GC," sabi niya.

"At least wala akong bagsak," sagot ko kasi nung first year niya, bumagsak siya sa Math. Nagalit si Mama sa kanya nun kaya muntik na siyang sabihan na magwithdraw sa soccer. Mabuti na lang kinausap ni Papa si Mama. Feeling ko kasi mababaliw si Kuya kung papatigilin siya sa soccer.

"Tss. Nag-aadjust pa kasi ako," pagtatanggol niya sa sarili niya. "At saka 'di kasi ako GC kagaya mo."

I snickered at him. "Pinapasakit mo ulo lagi ni Mama."

Tumayo na si Kuya sa kama. "Minsan lang naman," sabi niya. "Sige na, good night. Tulog ka na rin."

"Matutulog ka na talaga?"

Tumango siya. "Bakit?"

"Hindi ka tumatakas palabas ng bahay?"

"Bakit naman ako tatakas?" tanong niya.

"Baka may girlfriend ka... Wala talaga, Kuya?"

"Wala akong oras 'dun," sagot niya.

"Bakit naman?" tanong ko. Gusto ko rin kasi na may mag-aalaga kay Kuya at saka magpapangiti. Tsaka ang bait kaya ng Kuya ko. Sobrang swerte ng babae na mamahalin niya.

"May school, soccer, family. Ah, basta. Wala pa sa isip ko," sabi niya. "Sige na, good night na talaga."

Nagsimula na siyang maglakad pero sinigawan ko siya bago pa siya makalabas sa kwarto ko.

"Hindi ka bading, Kuya?"

"Gwapo kong bading!"

"'Yun na kaya uso ngayon!"

"Tulog na!" Narinig ko siyang bumulong. "Gago talagang Benj 'yun. Kung anu-ano tinuturo sa kapatid ko."

Napangiti na lang ako. Itinuloy ko na 'yung pag-aayos ko ng gamit at saka pumunta na rin ako sa walk-in closet ko para mamili ng isusuot ko. Gusto ko kasi maayos na lahat bukas. Ayoko kasi ng natataranta at nagugulat dahil madalas, magkakamali ako kapag ganun.

Siguro nga tama si Kuya. OC at GC nga siguro ako. Pero wala naman sigurong masama 'dun.

Maaga akong nagising. Nag-ayos na ako at nung pagbaba ko, nakahanda na 'yung breakfast.

"Good morning po" bati ko at saka umupo. Wala pa sina Riley at Finley, malamang natutulog pa. Next week pa kasi start ng pasukan sa elementary. Excited na ako kasi first day na nila in big school! Panigurado maninibago 'yung dalawa na 'yun!

Habang kumakain, pinapakinggan ko lang si Mama na magsalita tungkol sa kung anu-ano. Hindi ko nga maintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin pero si Papa, nakatitig lang kay Mama at nakangiti.

19 years na silang kasal at may 4 na silang anak pero kung makatingin si Papa kay Mama, akala mo first time pa rin niya siyang makita. Minsan, iniisip ko kung paano sila nagkatuluyan ni Papa... Masyado kasi silang magkaiba.

Pero baka ganun talaga ang love... weird.

Umiinom ako nung gatas nung biglang matigilan si Mama at biglang ngumiti ng malaki.

"Parker!" sigaw niya. Napatingin din ako kung saan siya nakatingin at nabulunan ako. Lumabas sa ilong ko iyong gatas. Nakakahiya! Tumayo si Papa at saka hinagod iyong likod ko at saka inabutan ako ng paper towel.

Nung naka-recover na ako, bigla ko silang tinignan. Bakit nandito si Parker?! Akala ko ba may maagang training ang soccer kaya bakit siya nandito?

"B-bakit ka nandito?"

Naka-kunot ang noo niya.

"I'll drive you to school."

"Wala kayong training?"

"Just finished," sabi niya. "Auntie, can I drink? Naiwan ko 'yung tubig ko sa school," sabi niya at saka siya pumunta sa kitchen para kumuha ng tubig niya. Feel at home talaga siya sa bahay... hindi ko naman siya masisi dahil kung pwede nga lang, ipapakasal na kami ni Mama talaga.

Kaso hindi nga.

Kasi may iba naman siyang mahal.

Ewan ko sa 'yo, Imo. Umagang-umaga, sinisira mo na naman ang araw mo.

"Mama, bakit nandito si Parker?" tanong ko kay Mama na parang maiiyak na. Nakayanan ko nga na hindi siya makita ng isang buong linggo tapos ito naman? Parang nasayang lang 'yung ginawa ko!

"Ano'ng bakit? Ihahatid ka niya."

"Pero may driver naman tayo!"

"Sumisigaw ka ba, Mary Imogen?" tanong ni Mama.

Bumaling ako kay Papa dahil nafufrustrate na ako kay Mama. "Papa, si Mama, oh!" sabi ko na parang iiyak na dahil malapit na talaga akong umiyak sa kakulitan ng Mama ko! Bakit hindi na lang siya ang magpakasal kay Parker kung gusto niya!

"Imo, tigilan mo na 'yung anak mo..." sabi ni Papa.

"What?" sabi ni Mama na parang wala siyang ginagawa na masama. Magkaiba talaga sila ni Papa! "Nagvolunteer si Parker. Alangan namang tanggihan ko."

Sasagot pa sana ako pero nakabalik na si Parker mula sa kitchen. May dala pa siyang bottled water.

"Let's go?" he asked. Wala na akong nagawa dahil halos itulak na ako ni Mama palabas ng bahay.

Sumakay na ako sa kotse ni Parker kahit labag sa loob ko. Bukas, kung kinakailangan kong gumising ng 4am para sumabay kay Kuya, gagawin ko. Gagawin ko lahat para lang 'wag akong sumabay kay Parker.

Nagsearch kasi ako sa Google... Sabi nila, ang pinakamabilis na paraan para maka-move on ay kapag hindi mo na nakikita ang tao. Out of sight, out of mind. Pero paano ko siya makakalimutan kung bawat paglingon ko, siya agad ang bumubungad sa akin?

Sinikap ko na lang na manahimik buong byahe. 30 minutes lang naman ang daan papunta sa school. Sandali lang 'to. Nagfocus na lang ako sa pagyakap sa bag ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya nung mapansin ko na hindi ito 'yung daan papuntang school.

"Cindy texted. Her driver's sick. Pwede bang sunduin natin siya?"

Para namang may choice ako. On the way na kami, e...

Tumahimik ako. Hindi naman ako girlfriend para magreklamo.

Nung papasok na kami sa village, biglang nagpullover si Parker sa gilid. Tumingin ako sa paligid dahil baka nandito na si Cindy pero wala naman, e.

"Imo," pagtawag niya sa pangalan ko. Tinignan ko siya. "Can you move at the backseat?"

Natameme ako.

Hindi ako nakapagsalita.

Para akong sinampal—mas masakit pa pala 'dun.

Akala ko sobrang nasaktan na niya ako pero mali ako. Si Parker siya, e... Kaya niya akong mas saktan kaysa sa huling pananakit niya sa akin. Bakit ba nagulat at nagtaka pa ako?

I tried... I tried to smile dahil ayokong mapansin niya kung paano nagtutubig iyong mata ko. Ayoko na makita na naman niya kung paano niya ako pinaiyak. Wala naman kasing silbi pagdating sa kanya.

Masasaktan ako.

Hihingi siya ng tawad.

Hindi ako makakatiis at papatawarin ko...

Tapos gagawin niya ulit.

Sobrang nakakapagod.

Nung nakalabas ako, sandali akong tumalikod para mabilis na punasan iyong luha sa mata ko. Bakit ba sobrang iyakin ko pagdating sa kanya? Nakakainis.

Nagsimula na siyang magdrive papasok... Ni hindi na nga siya tinanong nung guard sa guard house dahil mukhang kilala na siya at laging pumupunta dito. Palagi niyang binibisita siguro si Cindy. Hindi kagaya nung sa akin na pinipilit pa siya ni Auntie Kach at ni Mama para pumunta sa bahay...

Sige, Imo... Pangatawanan mo 'yang pangalan mo at maging emo ka na naman...

"Thanks!" sabi ni Cindy pagpasok niya sa sasakyan. "Sorry! Super sick nung wife ni Manong so I forced him to go home. I hope I didn't bother you!" dire-diretso niyang sabi. Hindi niya napansin na nasa likod ako. "Oh! You're here!" sabi niya.

Ngumiti ako. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin... First time ko na makausap siya... Palagi ko lang siyang nakikita pero hindi ko pa talaga siya nakakausap.

"Sorry, I didn't catch your name. You are?"

"Imogen," mahina kong sabi.

"Right! Sorry, I suck at names talaga! But you're Preston's sister, 'di ba?" Tumango ako. "Hope you're not offended. I swear bad at names lang talaga ako. 'Di ba, Parker?"

He started the ignition.

"You're the worst," sabi ni Parker kaya hinampas naman siya ni Cindy.

"I am not!"

"You kept on calling me Panther for a month. Like who the fuck names their kid Panther?" sabi ni Parker.

Tawa naman ng tawa si Cindy. "Totally your fault! Sobrang hina kaya ng voice mo before when you talked to me! And Panther sounds like Parker naman, right, Imogen?" sabi niya at lumingon pa sa akin. Napatango na lang ako. "See, Parker? Even Preston's little sis agrees with me!"

Parang gusto ng dumugo ng tenga ko sa mga naririnig ko. Parang gusto kong tanggalin iyong mga mata ko sa nakikita ko.

Parker was smiling.

Parker was laughing.

Parker was telling jokes!

Sobrang mahal niya talaga si Cindy...

Panay ang kwentuhan niya habang papunta kami sa school... Malayo pa. Parang hindi ko na kakayanin na makita silang ganito, na marinig silang ganito.

Alam ko naman na mahal ni Parker si Cindy... Alam ko lang... Naririnig ko lang dati. Hindi ko pa nakikita. Ngayon lang. Na nasa harap ko mismo.

At ang sakit lang pala talaga.

Kaya naman nung may malapit na coffee shop, sinabi ko na ihinto dahil bibili ako.

"Hindi ka naman nagkakape," sabi ni Parker nung huminto. Hindi ko siya pinansin at diretso akong lumabas. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang sumisikip.

Nung hindi na nila ako makita, tinawagan ko si Ate Jas.

"Ate..." sabi ko. Hindi ko na napigilan. Naiiyak na talaga ako.

"Holy shit. Bakit ka umiiyak?!" sabi niya at may narinig ako na 'San Jose, no phone calls inside the room!' na nagsalita. "Wait, labas lang ako ng room."

Humihikbi lang ako habang hinihintay si Ate. Hindi ko alam nag gagawin ko. Hindi ko alam kung paano pumunta sa school mag-isa pero ayoko na rin bumalik sa sasakyan ni Parker. Hindi ko na talaga kaya. Baka umiyak lang ako sa harap nila.

"What happened?! Why are you crying?!"

"P-pwede mo ba ako s-sunduin, A-ate?" humihikbi kong tanong.

"God, babe, I wish I could pero I have a test in 10 minutes!" sabi niya. "Classmate ko sila Benj pero I'll tell your Kuya na lang. He'll pick you up for sure!" sabi niya. "And maybe punch Parker while he's at it kasi I'm sure siya na naman nagpaiyak sa 'yo. Grabe he's such an ass! Puro siya pwet!"

Nahihirapan akong magsalita dahil puro hikbi lang ako.

"No, Ate... B-baka hindi m-makapagtake ng e-exam si K-kuya..." sabi ko. Ayoko naman na hindi makakuha ng exam si Kuya dahil sa akin... Magagalit sa kanya sila Mama kapag bumaba na naman ang grades niya...

"Pero—"

"I'll hail a cab na lang, Ate."

"No! It's not safe!"

But Parker's car was not safe for my heart, either.

"I'll text you the plate number na lang, Ate..."

"No, no. Wait lang I'll get you an Uber. Stay there lang," sabi niya. After a minute, nagsalita na ulit siya. Pero 'yung luha ko, hindi naman tumigil at tuluy-tuloy lang. Ilang minuto na akong nandito pero ni hindi man lang nagtataka si Parker kung bakit wala pa ako. Hindi naman ganito katagal bumili ng kape.

Wala naman kasi siyang pakielam sa 'yo... At saka nandun 'yung babaeng mahal niya talaga.

Minsan gusto ko na lang lagyan ng packaging tape iyong bibig sa loob ng isip ko.

"I'll iMessage you the plate number and face ng driver, okay? Mas safe here kaysa sa taxi," sabi niya at nagpasalamat naman ako. "Also, text me when you arrive at school para hindi ako magworry."

Nagpasalamat ako ulit at saka umupo sa pavement.

Medyo nanlalabo iyong mata ko pero tama naman iyong basa ko. Dumating na 'yung sasakyan na maghahatid sa akin sa school. Tumayo na ako at saka nagsimulang maglakad doon. Binilisan ko nung makita kong papalapit si Parker sa akin.

"Miss?" naguguluhan na tanong nung lalaki. "Excuse me?"

"S-sa St. Claire's," humihikbi na sabi ko.

Nakalapit na si Parker at saka kinakatok iyong bintana nung sasakyan.

"Please," sabi ko. Tuloy pa rin sa pagbagsak ang luha ko.

Nagsimula nang magdrive iyong driver habang ako naman, patuloy lang sa pag-iyak. Halos maubos ko na iyong tissue niya sa dashboard kaya naman nung makarating kami sa school, kahit sinabi ni Ate Jas na wala na akong babayaran, nagbigay pa rin ako ng pera para pambayad sa pag-ubos ko sa tissue niya.

"Salamat, Manong," sabi ko at saka iniwan iyong 500 peso bill sa dashboard niya. Dumiretso ako sa CR dahil ayoko na makita ako ng mga tao na halos namamaga ang mga mata. Pakiramdam ko ay maaabsent ako sa unang klase ko pero bahala na...

Tinext ko rin si Ate Jas at ilang minuto lang, nandito na agad siya sa CR.

"Tapos na po exam niyo?"

She nodded. "Oo, binilisan ko tapusin because I'm so worried about you! Okay ka lang?"

I nodded. "Thank you, Ate."

"No prob. Ayos lang ba 'yung Uber? Sorry I wasn't able to personally pick you up. Major exam kasi so you know..."

"Okay lang po."

Kinuwento ko sa kanya iyong mga nangyari dahil gusto niyang malaman. Pinagmumura ni Ate Jas si Parker dahil daw hindi ako nagmumura kaya siya na ang gagawa para sa akin. Natatawa na tuloy ako dahil mas affected pa siya sa akin.

Lumabas na kami sa CR at sabi ni Ate, ililibre na lang niya ako ng ice cream para tumahan na ako. Nung paglabas namin, may grupo ng mga lalaking naglalakad.

"Thanks for the tip, Miss," sabi nung driver. Hala, schoolmate ko siya? Pwede pala na student ka at saka driver sa Uber? At kinindatan niya pa ako!

"No problem... Sorry sa tissue mo..." sagot ko sa kanya. Nginitian niya pa ako tapos nagjog siya papunta sa mga kaibigan niya. Huminto kasi siya sa akin nung kinausap niya ako.

"Bakit ka sa sasakyan ni Saint sumakay?!"

"Ha? 'Di ba siya 'yung sa Uber. Forester at saka plate number EYD 102?"

Napatapik sa noo si Ate Jas. "Babe, I texted you FYD 102!"

"Hala, sorry, Ate," sabi ko at saka pinaliwanag na baka namali ako ng basa dahil sobrang iyak ko kanina, puro luha iyong mata ko. "Saka okay lang naman, Ate... Safe naman ako..."

Hindi naman murderer iyong naging Uber driver ko kaya maswerte ako. Thank you po sa guidance, Lord.

"It's not okay..."

"Bakit?" tanong ko. Naguguluhan ako kung bakit siya ganito magreact.

"You really don't know Saint?"

Umiling ako. Sino ba siya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com