Kabanata 5
#JustTheStrings
Kabanata 5
Gusto ko pa sanang tanungin si Ate Jas kung sino ba si Saint at dapat ko siyang makilala pero hindi ko na natuloy dahil nakasalubong namin iyong prof ko. First day of class pa lang naman pero inalam ko na 'yung mga magiging professor ko. Mabuti na lang at kahit hindi maganda ang simula ng araw ko, mukhang may pag-asa pa rin naman na maging maayos.
Pumunta na ako sa classroom at tahimik na nakinig sa mga sinabi nung professor. Sayang at absent si Kath and Liza kaya wala akong katabi ngayon. Nasa Paris pa kasi si Kath habang si Liza, nasa US kasama ang family niya. 'Di bale, next week naman nandito na sila. Kaya ko naman na mag-isa muna ngayon. Ayoko kasing sumabay masyado kila Kuya dahil panigurado, makikita ko na naman si Parker.
Hay, ano ba 'yan. Ayoko muna talaga isipin si Parker. Ayoko muna malungkot ulit.
Natapos na iyong klase at may break ako. Naisipan ko na sa library na lang pumunta dahil wala rin naman akong choice. Wala akong ganang kumain ngayon at ayokong i-risk na makasalubong si Parker at Cindy, if ever.
Mabuti na lang din at binigay na nung prof sa amin 'yung syllabus. Susubukan ko na lang hanapin iyong mga meron sa library at iyong mga wala, bibilhin ko na lang sa bookstore. Gusto ko kasing mag-advance reading. Kahit palaging sinasabi ni Kuya na GC ako, okay lang. Naisip ko kasi na maraming tao na gustong mag-aral pero hindi nila magawa dahil kulang sila sa pera habang ako, maswerte dahil nakakapag-aral ako. Kaya imbes na sayangin ko 'yung chance, e 'di mag-aaral na lang ako ng mabuti. At isa pa, wala naman akong ginagawa bukod sa pag-aaral at pagpipicture o paint kaya wala rin akong choice.
Papunta na ako sa library kaya dapat talaga akong dumaan sa field. Huminga ako nang malalim at hinawakan ng mabuti iyong bag ko para humugot ng lakas. Hindi ko naman siguro makakasalubong si Parker. Mababa naman siguro iyong statistical probability na—
Oh, no.
Napatigil ako sa kinatatayuan ko nung makita ko si Parker. Pinagpapawisan pa siya at nakakunot ang noo niya.
"Why weren't you answering my calls?" tanong niya. Kalmado siya pero ramdam ko na naiinis siya sa akin.
Tumungo ako at saka tinignan iyong sapatos ko dahil para akong aatakihin sa puso sa mga titig niya.
"Nasa class ako kanina," mahinang sagot ko. "Ah-ano, pupunta kasi ako sa—"
Pero hindi ako natapos sa sasabihin ko dahil tinanong niya na sa akin iyong tanong na gusto kong iwasan. Dahil ano naman ang sasabihin ko? Na iniwanan ko sila kanina dahil hindi ko na kaya na makita silang masaya ni Cindy? Na kasi ayokong makita niya ako na umiiyak na naman dahil sa kanya?
Kahit ano ang isagot ko, alam ko na magagalit na naman siya sa akin... Para naman kasing ganoon lang kadali burahin 'yung nararamdaman ko.
"You know Saint?" tanong niya sa akin. Sobrang nakatitig siya sa akin kaya pakiramdam ko bigla na lang akong mapapaupo anumang segundo.
At sino ba talaga si Saint?! Kanina pa siya tinatanong sa akin!
Hindi ako agad nakasagod dahil una, hindi ko naman kilala si Saint. Pangalawa, hindi ko pwedeng sabihin an Uber driver ko siya dahil malalaman ni Parker na naghanap pa talaga ako ng sasakyan para maiwasan siya. Ayoko na ipaliwanag iyong sarili ko dahil mauungkat na naman 'yung issue niya sa feelings ko...
Kaya tumango na lang ako.
"How?" tanong niya ulit.
Kumurap-kurap ako habang siya, pakunot nang pakunot ang noo.
"C-church mate." Bigla na lang lumabas sa bibig ko.
"Church mate?"
Tumango ako. Hindi mahilig magsimba si Parker kaya hindi niya kilala iyong mga nakakasabay ko sa simbahan. Sorry po talaga, Lord! Hindi naman talaga ako mahilig magsinungaling pero pagdating kay Parker, naiiba talaga ako. At saka Saint naman ang pangalan niya... pakiramdam ko naman pareho kaming religious at faithful kay Lord.
Mukha namang naniwala si Parker. Mabuti na lang dahil malapit na malapit na talaga akong atakihin sa puso!
"Alright," sabi niya. "What time last class mo?"
"Ha?"
"Ano'ng ha? Bawal ko bang malaman?"
"4:30," sagot ko.
Tumango siya. "Sabay ba kayo ni Pres?"
Umiling ako. "Busy si Kuya. Papasundo na lang ako sa driver," sagot ko. Nagtext si Kuya na may meeting siya sa groupmates niya para sa isang class. May project na agad kasi sila. At saka ayoko talaga na mag-offer siya na ihatid ako. Nadala na ako sa nangyari kaninang umaga.
Parker nodded.
"You sure you're okay?" he asked.
Pilit akong ngumiti. "Bakit naman hindi?"
Tinignan niya ako sa mata. Umiwas ako.
"Because you ditched me earlier," he said, his tone accusing.
"H-hindi, ah. 'Di ba nga ano, nakasalubong ko si Saint tapos since church mates naman kami, nag-offer siya na sabay na kami..." Lord, sorry po ulit. "Saka naisip ko na bigyan kayo ng privacy ni Cindy..."
Natapos na akong magsalita pero nakatingin lang siya sa akin.
"Sige, may pupuntahan pa ako," paalam ko dahil wala na akong energy para kausapin pa siya. May sasabihin pa sana siya sa akin pero mabilis akong naglakad. Sabi na nga ba makakasalubong ko siya, e! Kapag kasi iniiwasan mo ang tao, mas lalo mo lang nakikita!
Dumiretso ako sa library at saka naupo. Hinang-hina ako dahil lang nag-usap kami. Hindi talaga siya mabuti sa kalusugan ko.
After kong magpahinga, sinimulan ko ng hanapin sa mga bookshelves iyong mga libro na kailangan ko. Nandun iyong dalawa at iyong tatlo, wala kaya pupunta muna ako ng mall. Chineck-out ko iyong libro at saka inilagay sa loob ng bag ko.
Nakaupo lang ako sa concrete bench habang hinihintay iyong driver. On the way na naman siya kaya sandali na lang ako maghihintay. Mamayang hapon pa kasi break ko.
"Hey."
Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nung biglang may magsalita sa tabi ko. Seryoso kasi akong nagddrawing tapos biglang may tatabi sa akin!
"Nice," sabi niya habang nakatingin sa drawing ko. "You have other talent bukod sa pag-iyak."
Inagaw ko sa kanya iyong drawing ko.
"Grabe ka naman. Hindi mo naman ako masyadong kilala pero na-judge mo na agad ako."
Tinawanan niya ako. Parang ang layo naman ng pangalan niya sa ugali niya...
"Sorry," he said tapos nginitian ulit ako. Inextend niya iyong kaliwang kamay niya at inoffer sa akin. "I'm Saint. You are?"
"Mary Imogen," sagot ko. "Pwedeng magtanong?"
Tumango siya. "Shoot."
"Sino ka ba?"
Kumunot iyong noo niya.
"Saint nga, 'di ba?" sabi niya.
Tumango rin naman ako. "Alam ko... pero kasi palagi akong tinatanong ng mga tao kung kilala ba kita... Tapos iba 'yung reaksyon nila 'pag sinasabi ko na hindi," paliwanag ko. "Dapat ba kilala kita?"
Bigla niya akong tinawanan—iyong tawa talaga na parang naiiyak na siya. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao sa paligid namin dahil sa tawa niya. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko?
"May nakakatawa ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala, wala," sagot niya pero tumatawa pa rin naman siya! "You're not required to know me, swear. Pero sino ba 'yung nagtatanong sa 'yo tungkol sa akin?"
"Si Ate Jas and Parker," I replied.
Natigilan siya.
"Oh. Them."
Naguguluhan ako sa reaksyon nila. May ayaw ba sila na hindi ko alam? Bakit ganito sila magreact sa isa't-isa? Tanungin ko nga si Kuya mamaya kung ano ang meron dahil naguguluhan na talaga ako.
"Kilala mo sila?"
He shrugged. "Yeah, I know them."
"Paano?"
"Is that your ride?" tanong niya nung may huminto na sasakyan sa harap namin. Tumango ako kahit hindi ko alam kung paano niya nalaman na iyon ang sundo ko. "Let me help," sabi niya at saka kinuha iyong bag ko. Medyo mabigat kasi 'yun dahil sa books.
"Salamat," sagot ko.
"See you around," sabi naman niya.
Sumakay na ako pero naalala ko na hindi niya sinagot iyong tanong ko kung paano niya nakilala sina Ate Jas. Friends sila paano?
"Saint!" tawag ko nung binaba ko 'yung bintana nung sasakyan. Huminto siya mula sa paglalakad at saka lumapit sa akin.
"Missed me already?" sabi niya ng nakangisi.
Hindi ko pinansin iyong sinabi niya dahil mukhang sinasabi niya naman iyon sa lahat ng babae. Kinindatan nga niya ako kanina kahit kakakilala pa lang namin, e. Isa yata siya sa mga lalaki na binabalaan ako ni Kuya palagi na layuan kasi sasaktan lang daw ako.
"Paano mo nakilala sila Parker?"
"I'll tell you some other time," sagot niya.
"Pano kita mahahanap?" tanong ko. Isang taon na rin akong nag-aral sa school pero hindi ko pa siya nakikita kahit minsan... o baka naman hindi ko lang siya napapansin?
He patted my head and smiled again—pero mas mukhang ngisi. Tuwing ngingiti kasi siya, parang may masama siyang balak.
"I'll look for you, trust me," sabi niya at saka nagjog pabalik sa building kaya hindi ko na rin sinubukan na tawagin pa siya.
Naubos iyong break time ko sa mall. Nahanap ko na iyong mga kailangan kong libro at saka bumili na rin ako ng ibang libro na gusto ko... Nadagdagan na naman iyong to read list ko. Bili lang ako ng bili ng libro kahit hindi naman ako makahanap ng oras para basahin.
Natapos din ang first day ng klase. Sinundo ako ni Manong dahil si Kuya, mamaya pang 9pm uuwi ng bahay dahil sa training. Bilib nga ako kay Kuya dahil kaya niyang pagsabayin iyong training at school. Ang galing lang ng student athletes.
The first week of class was good. Medyo boring lang dahil wala pa rin si Kath and Liza pero mabuti na lang ay nakauwi na sila ngayon. Sobrang loner ko naman kasi dahil mag-isa lang ako palagi. Tinataguan ko sila Kuya kapag break time ko dahil papasabayin niya ako sa kanila kumain. E kasama nila si Parker kaya ayoko.
Minsan din nakakasalubong ko si Cindy at nginingitian niya ako... kaya nagssmile din ako. Hindi ko naman kayang hindi magsmile e siya na nga 'yung naunang ngumiti.
"Here! Our sorry gift for ditching you last week!" sabi ni Liza at Kath habang naglagay ng maliit na box sa harap ko.
Kinuha ko iyon at binuksan.
"You like?" tanong ni Liza.
"Hala, hindi niyo naman kailangan—"
Kinuha ni Kath mula sa kamay ko 'yung box at saka sinuot sa akin 'yung pandora bracelet. "See? Lahat tayo meron!" sabi niya at saka pinakita nila sa akin ni Liza iyong bracelets nila. Iba-iba lang 'yung charms nung bracelets namin depende sa personality.
Kakatapos lang ng first class namin at dumiretso kami sa cafeteria para humanap ng kakainin.
"Since when?" tanong ni Kath nung makasalubong namin si Cindy at nagngitian kaming dalawa. Nakakainis lang na halos araw-araw, nakakasalubong ko si Cindy. Araw-araw talaga.
"Mabait naman siya..." sabi ko. Kahit aaminin ko nagseselos ako dahil siya ang mahal ni Parker, alam ko na mabait si Cindy. She's kinda loud but I guess iyon lang talaga ang personality niya.
Kath and Liza rolled their eyes at umarte na parang masusuka sila.
"Ew lang, Imo. Don't be such a martyr. Malapit ka na naming patayuan ng rebulto, seriously!" sabi ni Kath.
Tumango naman si Liza. "You don't need to be friends with her. You'll just hurt yourself."
Alam ko... pero nakikita ko talaga siya. Palagi kong naaalala iyong bagay na wala sa akin.
Araw-araw pinapamukha sa akin iyong tao na hinding-hindi ko makukuha.
"Parker likes her. He saw something in her—"
"She's a flirt, that's why. Sabi nga nila, daig ng malandi ang maganda. Maganda ka lang pero you're such a manang—no offense," sabi ni Kath. "And Cindy? She's a pro at flirting."
"Hala, grabe ka naman..." sabi ko.
"E kasi naman sobrang bait mo! Kami iyong nasstress for you!" sabi niya.
"Wala naman masamang maging mabait..." sagot ko.
Napailing na lang sa akin si Kath at saka bumaling kay Liza. "Talk to her nga! Nasstress ako! Bili lang akong food natin."
"You still like him, noh?" tanong ni Liza.
I painfully nodded. Hindi naman nabawasan kahit ilang beses niya akong paiyakin.
"Kung alam ko lang kung paano 'to aalisin, gagawin ko..." sabi ko.
"Let's just pray that someone will come along. Someone who's worthy of your love and—"
Napatigil kami ni Liza sa pag-uusap nung biglang may nagsalita sa intercom. Rinig na rinig sa buong cafeteria at sa buong school.
"Calling the attention of Mary Imogen," sabi nung boses. "Are you free tomorrow lunch?"
Nanlaki iyong mata ko. Nakatingin si Liza sa akin at parang nagtatanong kung ano ang nangyayari. Hindi ko rin alam!
"Told you I'm gonna find you, right?"
Oh, Lord! Si Saint!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com