Kabanata 6
#JustTheStrings
Kabanata 6
Hindi ko alam ang gagawin ko! Nakakahiya!
"Oh, my god! Maria Imogen!" sigaw ni Kath. Napatingin tuloy sa amin lahat ng katabi naming lamesa. Kung kanina, hindi nila alam na ako iyong tinutukoy ni Saint, ngayon alam na nila.
"'Yung boses mo," sabi ko kay Kath.
Ibinagsak niya 'yung tray ng pagkain na dala niya at saka naupo. Inilagay pa niya iyong dalawa niyang kamay sa baba niya at saka nginitian ako.
"You, ha! Nawala lang kami ni Liza ng one week, may guy ka na! Sino 'yun?" tanong niya sa akin.
Tinignan ko si Liza para humingi ng tulong pero kibit balikat lang ang sagot niya sa akin. "Don't look at me. I don't even have an inkling about what's happening," Liza replied.
Nakatingin sa akin iyong dalawa kong kaibigan at hindi ko na alam ang gagawin ko. Halos mapatalon pa ako nung biglang magring iyong cellphone ko.
"Patay ka," sabi ni Kath habang sabay kaming nakatingin sa screen at nandun ang pangalan ng Kuya ko.
Hala ka! Si Saint naman kasi, e! Pinahamak pa ako!
Inilapit ko sa kanila iyong phone dahil hindi ko kayang sagutin. Natatakot ako dahil panigurado magagalit si Kuya!
"Ayaw nga namin! Your Kuya's the sweetest but he turns batshit crazy when it comes to guys roaming around you," sabi ni Kath at saka tinulak pabalik sa akin iyong cellphone ko. Sa sobrang kaba ko, pinatay ko na lang iyong phone. Bahala na mamaya! Hindi ko lang talaga siya kayang kausapin ngayon.
Tawa nang tawa sina Liza nung pinatay ko iyong phone ko. Grabe talaga sila. Natutuwa pa sila na problemado ako.
"I'm really curios about this guy, huh. He has some balls."
Liza nodded. "Everyone here knows how protective your brother is of you. E kung si Parker nga na best friend niya, binugbog niya before, e..."
Ayoko na nga maalala iyong gabi na 'yun pero palagi na lang nilang binabanggit. At isa pa, ayaw ko munang alalahanin si Parker dahil may mas malaki akong problema!
Kinulit nila ako ng kinulit hanggang sa matapos ang break namin. Hanggang sa classroom, ayaw nila akong tigilan. Mabuti na lang nagkaroon ng group activity at sa magkakaibang grupo kami napunta kaya kahit papaano, nagkaroon ako ng peace of mind.
"Hindi mo talaga sasabihin?"
I shook my head. Mas lalo lang nila akong hindi titigilan kapag sinabi ko sa kanila. At saka nag-iisip pa ako ng dahilan ko kay Kuya kung bakit hindi ko sinagot iyong tawag niya. Lately talaga dumadami na iyong pagsisinungaling ko... Kailangan ko ng magkumpisal.
"Pahiram naman ng phone."
"Bakit?" tanong ni Kath.
"Nakapatay pa rin 'yung akin, e. Tatawagan ko lang si Papa," sabi ko. Tinawagan ko si Papa at sinabi na papasundo na ako kay Manong. Hindi ko mabuksan iyong phone ko kasi natatakot ako sa kung ano ang mabasa ko ngayon. Maswerte nga ako na hindi ko pa rin nakakasalubong si Kuya ngayon, e. Pero for sure makikita ko siya sa bahay mamaya kaya lagot pa rin ako.
Sinamahan ako nila Kath and Liza na maghintay kay Manong pero iniwan din nila ako nung makita nila si Parker na papalapit. Sinenyasan pa nila ako ng patay ka tapos nagtatakbo sila paalis. Grabe talaga!
"Hello," bati ko sa kanya. Naka-suot na siya ng soccer uniform niya kaya dapat nandun na siya sa field pero nandito siya sa harap ko.
"Are you really that close to him?"
Dugdug. Dugdug.
Hala ka! Ang lakas na talaga ng tibok ng puso ko!
"A-ano?"
Nawala na iyong pagiging articulate ko dahil kay Parker. I was reduced to a blabbing idiot with a racing heart inside her chest. Kalma lang, Imogen!
"Saint," banggit niya sa pangalan ni Saint na akala mo naman sobrang sama. Ano ba talaga ang meron sa kanila ni Saint na parang galit siya dito? Medyo pareho naman sila... Parehong mahilig sa sports, parehong kulot, at parehong medyo mayabang...
Dapat nga close sila, e.
"Hindi naman. Bakit?" I asked when I managed to calm myself dahil kanina pa ako tensyonado dahil kay Parker. "At saka paano mo nalaman na si Saint 'yun?" tanong ko dahil wala namang binanggit na pangalan kanina.
"I know that asshole's voice," sagot niya.
Napatango ako. Galit nga siya kay Saint.
Napatahimik na lang ako dahil hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko. Mabuti na lang at dumating na iyong sundo ko kaya tumayo na ako. Nagpaalam na ako kay Parker pero nung binuksan ko na 'yung pinto sa backseat, pinigilan niya iyong pituan.
Lumingon ako at nakatingin siya sa akin.
"Lunch tomorrow?"
Katahimikan.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Will wait for you outside your room tomorrow," sabi niya habang hindi pa ako nakaka-recover. Kinuha niya iyong gamit sa kamay ko at saka nilagay sa loob ng sasakyan. Inilagay niya iyong kamay niya sa taas ng ulo ko at inalalayan ako papasok sa sasakyan.
Hala! Bakit ako biglang nagkaroon ng lunch tomorrow with Parker?! Iniiwasan ko nga siya, 'di ba?!
"Pero—" sagot ko dahil hindi ako payag! At isa pa, hahanapin ako ni Saint bukas...
"I won't take no for an answer," sabi niya at saka isinira iyong pinto. Pero hindi pa ako tapos magsalita kaya ibinaba ko 'yung bintana. Hindi pa man ako nakakapagsalita kasi naunahan niya na ako. "If I were you, I'd rather worry about Preston. He's already pissed dahil pinatayan mo siya ng tawag."
Nagjog na si Parker pabalik sa field habang umuwi naman ako. Nagsabi ako kay Mama na pagod ako kaya hindi ako sasabay sa dinner mamaya. Nag-alala pa sina Mama na may sakit ako kaya muntik na nila akong dalhin sa ospital. Mabuti na lang na-convinced ko sila na pagod lang ako talaga.
Ni-lock ko rin iyong pinto dahil natatakot ako kausapin si Kuya.
Kinabukasan, tahimik akong gumayak. Alam ko maagang uamlis si Kuya dahil araw-araw na 5am naman ang training niya kaya hindi ako kinakabahan.
"K-kuya," sabi ko pagkababa ko dahil nandun si Kuya at kumakain ng breakfast kasama sina Mama.
"Good morning," sabi ni Kuya sabay ngiti. Kumakain na siya ng bacon niya at fried rice. Naupo ako at kumain ng pancake ko. Pero hindi ako makakain ng maayos dahil nakokonsensya ako kay Kuya...
Tahimik akong nakinig habang nag-uusap sina Mama dahil nagkakaproblema yata si Riley at Finley sa bagong school nila. Nakatingin lang ako kay Kuya na mukhang masaya sa bacon niya. Minsan, ang babaw talaga ng kaligayahan niya.
"I'll just brush my teeth. Sabay tayo papasok," sabi ni Kuya.
Sabi ko na nga. Hindi pa rin ako ligtas.
Habang wala si Kuya, kinulit naman ako ni Mama tungkol sa debut ko na 2 months from now pa naman. Gusto niya engrande dahil ako lang naman ang babae niyang anak...
"Tapos si Parker ang escort mo, of course!" sabi niya sabay palakpak. Napailing na lang si Papa pero ayos lang naman sa kanya. Basta kung saan ako masaya, 'dun palagi si Papa.
Pero nakabalik na pala si Kuya mula sa pagttoothbrush niya.
"Baka si Saint ang gusto niyang escort," singit ni Kuya. Napatigil si Mama at nawala iyong ngiti niya.
"Sino si Saint?"
Nakatingin silang lahat sa akin. Tumingin ako kay Papa para humingi ng saklolo pero parang hindi niya rin alam ang gagawin. Kapag si Kuya at Mama na kasi ang nagsama, wala na kaming nagagawa ni Papa kung hindi sumuko at sumunod...
"F-friend ko po sa school," mahina kong sagot.
"Bakit ngayon ko lang naririnig ang friend na 'to, Mary Imogen?" seryosong tanong ni Mama.
"K-kasi last week ko lang po siya nakilala..."
Sobrang daming tanong sa akin ni Mama. Kung ano ang buong pangalan ni Saint (na hindi ko naman alam), ano ang degree program niya, ano ang trabaho ng magulang niya, ano ang hobbies niya, at kung anu-ano pang tanong na hindi ko alam kung paano sagutin.
Dahil wala siyang makuhang sagot sa akin, bumaling si Mama kay Kuya.
"Do you know this guy?"
Kuya shrugged. "I don't know anything about him other than the fact na repeater siya sa Trigo."
"Bumagsak ka rin naman, Kuya!" sabi ko dahil ang unfair ni Kuya. Wala naman dito si Saint pero sinisiraan niya sa harap ni Mama!
"Stressed ako nung sem na 'yun!" rason ni Kuya. "At saka, Ma, I heard that Saint once lived in with a prostitute."
Nanlaki ang mata ni Mama at saka sinermunan ako kung bakit ako nakikipagkaibigan sa mga ganoong tao.
At si Kuya naman, mukhang nag-eenjoy pa sa mga nangyayari sa akin! Naka-ngisi pa siya habang parang maiiyak na ako sa sermon sa akin ni Mama!
"Preston, I expect you to take care of your sister. I don't want her around those kind of people," sabi ni Mama pagkatapos ng mahabang usapan.
Hinalikan ni Kuya si Mama sa pisngi. "Yes, Ma."
"Ikaw naman, Imogen, don't trust guys easily lalo na kung kakakilala mo pa lang... Mabuti sana kung nandyan palagi ang Kuya mo o si Parker para bantayan ka..." sabi ni Mama. Kung alam niya lang na si Parker ang nagpapaiyak sa akin palagi, hindi niya sasabihin 'yun.
Umalis na kami at sumakay ako sa backseat ng sasakyan ni Kuya.
"Mukha ba akong driver?" tanong ni Kuya. "Dito ka sa harap."
"Nakakainis ka," sabi ko sa kanya.
Tinawanan niya ako. "Why are you so worked up? Close ba kayo nun?" sabi niya at saka nagsimulang magdrive.
"Kahit na. Hindi mo dapat siya siniraan."
"It was true that he failed..."
"E 'yung sa isa?"
"What? 'Yung sa prosti?"
Tumango ako.
"Di ko alam. Narinig ko lang," sabi niya.
"Tignan mo! Hindi mo naman pala sure kung totoo pero pinagkakalat mo pa. Nakakainis ka talaga, Kuya!"
Kinulit ako ni Kuya hanggang makarating kami sa school pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko pa rin siya napapatawad sa ginawa niya sa akin. At saka siniraan niya pa si Saint sa harap ni Mama... Tuloy ngayon akala ni Mama bad influence si Saint kahit hindi naman...
Binagsak ko 'yung pinto ng sasakyan ni Kuya. Sana matanggal 'yun.
Dumiretso ako sa classroom at kinulit naman ako nila Liza kung bakit nakakunot ang noo ko. Pero later on, mukhang na-gets naman nila na wala ako sa mood sa pangungulit nila kaya tinigilan na nila ako.
Mabilis lang na lumipas ang oras at lunch na.
"Una na kami. We know you have a lunch date," sabi ni Kath at saka kinindatan pa ako. Hinatak niya si Liza at saka iniwan ako sa classroom.
Inayos ko muna iyong gamit ko ng mabuti bago ako lumabas. Paglabas ko, nandun si Parker at nakasandal sa pader. Nakalagay rin iyong isang kamay niya sa bulsa habang nagtetext naman 'yung isa. Nakangiti siya habang nakatingin sa phone niya...
Baka ka-text si Cindy.
Nung nakita niya ako, tinago niya 'yung phone niya.
"What do you want for lunch?" he asked. Pero ayaw ko siyang makasama kumain ng lunch.
"May research ako. Kailangan na mamaya."
"It's just the 2nd week of class tapos may research ka na?"
I nodded. Ewan ko pero mas gusto ko ng dumami iyong kasalanan ko at magsinungaling ako kaysa makasama siya sa lunch... Tuwi kasing makikita ko siya, naaalala ko lahat ng ginawa niya para mapaiyak ako.
Parang puro masasamang alaala lang ang naiisip ko tuwing nakikita ko siya. Mas marami kasi 'yun kaysa sa masaya.
"Fine. How about tomorrow?"
Tumango na lang ako... pero sigurado ako may kailangan akong ireview bukas kaya hindi ko na naman siya masasamahan.
Hinatid ako ni Parker hanggang library.
"Alam ko naman daan papuntang lib," sabi ko sa kanya pero ang kulit niya pa rin.
"Just to be sure," sabi niya habang patingin-tingin sa dinadaanan namin. Nakalagpas na kami sa field at nandun iyong ibang teammates niya at nagttraining habang nandito siya, hinahatid ako kahit hindi naman kailangan.
Nung makarating kami sa library, mukhang natahimik na siya.
"If you get hungry, just text me, okay?" sabi niya.
"Okay..." sabi ko pero may sandwich naman ako sa bag ko.
Akala ko aalis na siya pero ilang segundo rin siyang nakatitig sa mukha ko.
"Bakit?" tanong ko nung naiilang na ako.
"Nothing," sagot niya. "Just text me if you change your mind."
Pumasok na ako sa loob at naupo. Wala naman talaga akong kailangang i-research kaya inilabas ko na lang 'yung laptop ko.
Binuksan ko 'yung facebook para magpalipas oras. May ilang notifications mula sa tagged pictures ni Kuya sa akin. May comments pa na sibling goals kahit picture 'yun ng sinasakal ako ni Kuya... Goal na ba na sakalin?
Nung natapos na ako sa pagcheck ng notification, 'dun naman ako sa friend request nagpunta.
Saint Iverson Gomez de Liaño wants to be your friend
I clicked accept dahil friends naman kami ni Saint... kahit medyo naiilang ako sa profile picture niya. Ilang segundo pa lang after ko siya iaaccept, nagkaroon ng notification na nagpost siya sa wall ko.
I'm so hungry. Kanina pa ako paikot-ikot sa campus but I can't find you.
Hala ka! Hindi ba uso private message sa kanya?! At saka friends kami ni Mama dito sa fb! Hindi niya pwede makita 'to lalo na at ang alam niya, may dating ka live-in si Saint na prostitute!
Binura ko agad iyong post niya at saka nagmessage sa kanya.
Mary Imogen Suarez: maglunch ka na...
Saint Iverson Gomez de Liaño: you deleted my post </3
Mary Imogen Suarez: hala sorry... baka kasi iba isipin nila...
Saint Iverson Gomez de Liaño: you hurt my feelings. Panagutan mo 'to
Mary Imogen Suarez: grabe naman. Sorry na... pero maglunch ka na. Masama malipasan.
Saint Iverson Gomez de Liaño: aww you worried about me?
Mary Imogen Suarez: ewan ko sa 'yo.
Saint Iverson Gomez de Liaño: pero seriously where on earth are you?
Mary Imogen Suarez: lib
Saint Iverson Gomez de Liaño: sang lib? There are like 10 libs in this uni
Mary Imogen Suarez: main lib
Saint Iverson Gomez de Liaño has seen your message
Baka kumain na. Nararamdaman ko na rin 'yung gutom pero bawal kumain sa lib. Mamaya na nga lang sa class... Hindi naman masyadong mahigpit iyong next professor ko.
Nag-edit na lang ako ng pictures ko bago ko ilagay sa pinterest wall ko. Halos mapatalon ako nung may kumalabit sa akin. Paglingon ko, nandun si Saint. Hinihingal pa siya.
"Ano'ng nangyari sa 'yo?"
"I ran," sabi niya habang nakalagay iyong dalawa niyang kamay sa tuhod niya. Medyo pawis pa siya. Ang lamig pa naman dito sa lib. Baka magkasakit siya kapag natuyuan ng pawis kaya inaya ko siya sa labas...
"Hindi ka pa rin nagla-lunch?" I asked him.
He shook his head. "Told you we're going to have lunch together, right?"
"Hindi naman ako nagyes..."
"You didn't say no either," sabi niya at saka kinindatan ako. "When's your next class?"
"Bakit?"
"So that I'd know where I'd take you. I don't want you to be late for your next class," paliwanag niya. Ewan ko pero napangiti ako dahil 'dun. Mayroon pa naman akong 1 hour bago iyong next class ko kaya sinabi ni Saint na sa resto na malapit dito kami kakain dahil sawa na siya sa pagkain sa caf. Ako rin kasi. Medyo paulit-ulit na kasi 'yung pagkain 'dun.
"Paano mo nga pala nalaman iyong facebook ko?"
"Your name's Mary Imogen and you're Preston's sister. I just put two and two together. It wasn't rocket Science," paliwanag niya at inirapan ko siya dahil niloloko niya ako.
Malapit na kami sa parking lot at naglalakad na kami sa harap ng field pero hindi ko masyadong napansin iyon dahil may kinukwento si Saint tungkol sa napanood niyang video ng bibe sa facebook... Sobrang random niya magkwento.
Pero habang naglalakad kami, tinamaan siya ng bola ng football sa ulo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com