Kabanata 7
#JustTheStrings
Kabanata 7
Hindi agad ako nakagalaw dahil halos matumba si Saint sa pagtama nung bola sa ulo niya. Pakiramdam ko, naalog iyong utak niya dahil sa lakas nun!
"Oh, my God," hindi ko napigilang sabi. Hindi pa rin ako makagalaw at natirik lang ako sa kinatatayuan ko. Mukhang biglang nahilo sandali si Saint dahil sa nangyari. He seemed a bit disoriented at iyon ang dahilan kung bakit bigla akong nagising.
Agad kong hinawakan iyong ulo ni Saint.
"Ayos ka lang?" tanong ko kahit halata naman na hindi siya okay.
Hindi siya nakasagot. Mukhang hilo pa siya sa nangyari.
Busy ako sa pagcheck sa ulo niya kung may bukol ba siya o ano. Ang lakas kasi talaga nung pagtama ng bola sa ulo niya! Narinig ko pa 'yung tunog dahil sa lakas ng impact.
"Sorry." Napatingin ako sa nagsalita at bakit hindi na ako nagulat na si Parker 'yung bumato kay Saint? Kasunod niya sina Kuya at Kuya Benj at mukhang nagpipigil lang ng tawa si Kuya Benj dahil pulang-pula na 'yung mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang problema nila kay Saint para matuwa pa sila. Halos matanggal na nga 'yung ulo ng tao dahil sa ginawa nila!
"Bakit mo ginawa 'yun, Parker?" kalmado kong tanong. Si Saint, nakahawak iyong mga daliri sa gilid ng ulo niya. Mukhang sobrang lakas ng pagkakasipa ni Parker kaya sobrang disoriented pa rin si Saint hanggang ngayon.
"Di ko naman sinasadya," sagot niya. Pinulot niya iyong bola at saka pinaglalaruan.
Huminga ako nang malalim. Kailangan kong kumalma dahil ayokong mainis. Hindi ko alam kung bakit iniinis ako ng mga lalaki sa paligid ko ngayong araw. Sinimulan ni Kuya tapos ngayon naman si Parker.
"Mukha bang goal 'yung ulo ni Saint? At saka nandun 'yung goal sa kabila," sabi ko at saka itinuro iyong goal na nasa kabilang banda ng field.
Bigla akong inakbayan ni Kuya.
"'Wag ka ng magalit, baby sis," sabi niya. "Oy, GDL. Tama na arte. Kala mo first time mo matamaan ng bola," sabi niya kay Saint.
Mukhang okay na si Saint dahil nakasagot na siya.
"E kung ikaw kaya batuhin ko," sabi ni Saint.
Tinawanan siya ni Kuya. "Ano? Maglelay-up ka sa ulo ko?" sabi niya tapos nagtawanan sila ni Kuya Benj tapos nag-appear pa sila. Grabe talaga bakit ang bully nila?
"Magsorry na nga lang kayo, Kuya," sabi ko dahil ayoko na mag-away pa sila sa harap ko. Gusto ko na lang matapos 'to dahil dadalhin ko pa si Saint sa clinic. Baka kasi kung ano ang nangyari dito. Medyo matagal siyang nahilo kaya medyo kinakabahan lang ako.
"Hindi naman namin sinasadya. Right, Parker?" sabi ni Kuya tapos siniko si Parker.
"Yeah," sagot ni Parker. "Next time, 'wag ka kasing humarang sa daan."
Napailing na lang ako. Bakit ba sobrang hirap magsorry para sa kanila?
Dahil alam ko na wala akong mapapala sa kanila at kahit umiyak ako sa harap nila sobrang labo na humingi sila ng tawad, hinawakan ko na lang si Saint sa braso para dalhin sa clinic. Nagsisimula na kaming maglakad nung harangin kami ni Kuya.
"Aba't," sabi ni Kuya. "Saan kayo pupunta?"
"Sa clinic," sagot ko.
"E bakit kailangan nakahawak ka sa kanya?"
"Baka kasi matumba siya. Ang lakas kasi ng tama ng bola," sabi ko tapos tinignan ko ng masama si Parker. Napailing na lang si Parker.
"Matanda na 'yan. Kaya niya maglakad mag-isa," sabi ni Kuya tapos inalis iyong kamay ko sa braso ni Saint. "Oy, GDL. Umayos ka. 'Wag kang breezy sa kapatid ko."
Bakit ba big deal sa kanila? Inaalalayan ko lang naman 'yung tao.
"Kuya naman..." Tapos tinignan ko si Saint. "Nahihilo ka pa ba?"
"Yeah, sobra," sabi ni Saint. "My vision is blurry. Hold me," sabi niya at saka binalik iyong kamay ko sa braso niya. "Tara na sa clinic, Mary."
Tinignan ni Saint sila Kuya and then he smirked at saka nagsimula na kaming maglakad.
Susunod pa sana sa amin sina Kuya pero tinawag na sila nung coach nila. Medyo strict at nakakatakot kasi 'yung coach nila kaya sigurado ako na hindi na ako susundan nila Kuya.
"Hindi ito 'yung daan papunta sa clinic," sabi ko sa kanya dahil imbes na dumiretso kami, sa kanan kami dumaan.
"I know," he replied. Tumingin siya sa relo niya. "We still have 50 minutes to have our lunch."
"Hala, kahit next time na lang 'yun... Baka kung mapano ka," nag-aalala na sabi ko sa kanya. Mamaya may masamang mangyari sa kanya, hindi kakayanin ng konsensya ko 'yun.
"Nah. I didn't get much sleep last night because of this lunch. This lunch needs to happen."
"Baka may concussion sa ulo mo."
"Aww. You're really worried about me," sabi niya.
"Ang kulit mo naman."
Kinindatan na naman niya ako. "That's Saint for you," sabi niya. Nakarating na kami sa parking lot ng College of Foreign Affairs at nandun 'yung sasakyan niya. Binuksan niya iyong pinto at saka pinapasok ako. Kung marunong lang akong magdrive, ako na ang magddrive dahil baka bigla kaming mabangga dahil nahihilo pa siya.
Hindi rin ako mapalagay dahil ang kalat ng sasakyan niya. Huminga ako nang malalim. No, Imogen. Hindi mo pwedeng linisin ang sasakyan niya. Pakiramdam ko mababaliw ako dahil ang daming empty bottled water sa likuran.
"Hey, Mary," sabi niya. "Can you open the dashboard and get me my phone?"
Binuksan ko iyong dashboard niya at ang daming kalat. Dear Lord.
"Thanks," sabi niya. Nung huminto 'yung stop light, mayroon siyang tinext. Iyong phone ko naman, kanina pa tunog nang tunog. Kahit hindi ko tignan, sigurado ako na si Kuya 'yun.
"Bakit Mary ang tawag mo sa akin?" tanong ko sa kanya dahil sinusubukan ko na 'wag magfocus sa mga kalat sa sasakyan niya. Baka kasi isipin niya na weird ako kapag nagsimula akong ilagay sa plastic bag iyong mga kalat niya.
"Because I'm Saint so you're Mary. Para match tayo," sabi niya tapos nag-effort pa talaga siya na lingunin ako para kindatan.
"Ewan ko sa 'yo," sabi ko sa kanya. Iyon lang pala ang dahilan niya. "At saka bakit hindi Saint ang tawag sa 'yo ni Kuya?"
Nakikita ko na 'yung resto at bigla akong nakaramdam ng gutom. Buong araw, isang piraso ng pancake pa nga lang pala ang kinakain ko... Tapos hindi pa ako nakapagdinner kagabi dahil iniiwasan ko si Kuya. Grabe na 'yung gutom ko.
"That's my last name."
"GDL?"
"Yup," he said and then plopped the 'p.' "Haba kasi ng Gomez de Liaño. Hassle."
Napatango na lang ako. Akala ko de Liaño 'yung last name niya, hindi pala.
"GDL na lang 'din tatawag ko sa 'yo," sabi ko sa kanya. Parang ang cool kasi kung 'yun ang tatawag ko sa kanya.
"Ayaw."
"Bakit naman? Friends naman tayo."
"Saint tawag mo sa akin tapos Mary tatawag ko sa 'yo. Sobrang meant to be natin, 'di mo ba pansin?" sabi niya at saka napailing na lang ako.
Pumasok kami sa resto. Pagdating namin, may naka-reserve na na pwesto sa amin. Ang galing lang. Kapag kasi ako lang, naghihintay pa ako ng table. Si Papa lang naman 'yung maraming connection sa amin. At saka pala si Kuya since kung sinu-sino kaibigan nun.
Habang naghihintay kami ng order, kanina pa tumatawag si Kuya. Nakokonsensya na ako dahil kahapon ko pa siya hindi sinasagot ang tawag. Kahit naman ganon si Kuya, mahal ko 'yun. Minsan medyo OA lang siya pero alam ko naman na ako lang ang inaalala niya palagi.
"Pwede ko bang sabihin kay Kuya kung nasaan tayo?" tanong ko kay Saint.
He shrugged.
Nagtext ako kay Kuya kung nasaan kami. Hindi naman siguro siya susunod dahil may training pa sila. Gusto ko lang matahimik siya dahil hindi naman ako papatayin ni Saint habang magkasama kami.
Nung natapos na akong magtext, hindi ko na alam ang gagawin. Hindi naman kasi kami close ni Saint, e... Hindi ko alam ang sasabihin. Sobrang awkward tuloy.
"Are you really this quiet?" he asked.
"Hindi naman."
"Why are you quiet right now? Ayaw mo ba ako kasama?"
"Grabe ka. Palagi mo akong jina-judge," sabi ko sa kanya.
"E kasi you're too quiet. I'm beginning to think that I'm boring you," he said. "Let's talk bago dumating Kuya mo."
"Hindi susunod 'yun," I said.
"Wanna bet on it?"
"Hindi ako nagsusugal," I replied.
Tumawa siya. "No, no. I'm not talking about money. If I'm right, let's have lunch again tomorrow."
"Paano pag mali ka?" I asked.
"I can be your slave," he suggested tapos tinaas-taas niya pa 'yung kilay niya.
"Ano ba 'yang mga suggestion mo," sabi ko kasi kung anu-ano ang sinusuggest niya na wala namang koneksyon sa pagpupustahan namin. "Libre mo na lang akong ice cream."
"Fine," he huffed. "I'm giving you the chance to exploit me pero pinagpalit mo sa ice cream." Tawa lang ako ng tawa sa kanya. Ang arte-arte ng tao na 'to.
Dahil sa napag-usapan namin, bigla kong naalala kung bakit kami naglalunch ngayon. Dahil nga pala 'yun sa tinanong ko siya kung paano niya nakilala sina Kuya. Kung ibabase kasi sa mga usapan nila, parang may galit talaga sila sa isa't-isa. Friendly naman ang Kuya ko kaya hindi ko lang maisip kung ano ang pwede nilang pagtalunan.
"Paano kayo nagkakilala ni Kuya?"
"Club."
"Nagcclub si Kuya?"
He nodded. Huh. Hindi ko alam 'yun, ah... At hindi rin alam nila Mama 'yun.
"E bakit parang magkaaway kayo?" tanong ko ulit.
"He's still pissed, I guess," he said tapos dumating na 'yung food namin.
Nagdasal muna ako bago magsimulang kumain tapos pagdilat ng mata ko, nakatingin si Saint sa akin.
"Bakit?" tanong ko dahil naiilang ako sa titig niya.
Dahan-dahan siyang napangiti. "Nothing," he replied.
Kumain muna ako dahil nagugutom na talaga ako. Nung hindi na ako gutom, binagalan ko na iyong pagkain at saka tinanong ulit si Saint.
"Bakit pissed si Kuya?"
"We were both hammered so I am not really sure about what happened but your Kuya got arrested and spent the night in jail. I'm sure that's why he's so pissed at me," sabi niya habang kumakain.
Nanlaki iyong mata ko. Hindi ko alam na nakulong na pala si Kuya! Ang dami niyang sikreto sa akin! Magtatanong pa sana ako pero nagsalita si Saint.
"I won," sabi ni Saint nung hindi pa ako nakaka-recover sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala na may criminal record ang Kuya ko! "Let's have Spanish food tomorrow."
Napalingon ako nung may magsalita. Nandun nga si Kuya... kasama si Parker, Kuya Benj, and Kuya Jackson.
"Next time, Parker, lakasan mo pa sipa sa bola para matuluyan na 'to," sabi ni Kuya tapos umupo sa tabi ko.
"Sure," sagot naman ni Parker. At sumagot pa talaga siya!
Tinawag nila Kuya iyong waiter at umorder sila.
"Ikaw magbabayad, 'di ba?" tanong ni Kuya kay Saint. Tumango na lang si Saint at nagsimula na sila Kuya na orderin lahat ng pwede nilang bilhin. 20 minutes na lang pasukan ko na kaya nagtext ako kina Kath na baka medyo ma-late ako... Malapit lang naman 'to sa school pero kapag magkakasama sina Kuya at Saint, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari.
"Bakit ka ba nakangiti? Nakakairita," sabi ni Kuya dahil ang weird ni Saint dahil naka-ngiti siya.
"Because you're Mary's brother, I'm trying to be nicer to you."
"Hoy tigilan mo kapatid ko. Bata pa 'yan."
"I'm willing to wait," sabi ni Saint.
"At hindi kita gusto para maging brother-in-law."
At nag-away lang si Kuya at Saint. Hindi ko na sila pinakinggan dahil sasakit lang ang ulo ko sa kanilang dalawa. Nagfocus ako sa pagkain dahil malapit ng magstart ang pasukan ko kaya dapat dalian ko na.
Nasa kalagitnaan pa sila ng pagtatalo nung magtext si Kath na nandun na daw prof namin. Mayroon lang na 20 minutes grace period kaya kailangan ko na talagang umalis ngayon.
"Kuya, una na ako. May class pa ako, e..."
Tumayo si Saint.
"I'll drive you back."
Hinatak siya ni Kuya pabalik.
"Hoy gago. Ikaw magbabayad nito," sabi ni Kuya. Susumbong ko siya kay Mama. Kanina pa siya nagmumura. "Jackson, hatid mo naman si Imo."
"Kumakain pa ako. Si Parker na lang," sabi ni Kuya Jackson. Hindi na ako nakaangal dahil tumayo na si Parker tapos hinawakan ako sa braso.
Nung nasa harap na kami ng sasakyan ni Parker, hindi ko alam pero biglang bumalik lahat ng alaala nung pinaupo niya ako sa likod. Biglang kumirot iyong dibdib ko kaya hindi agad ako nakagalaw.
Saan ba ako pupwesto? Kahit simpleng bagay na lang hindi ko na alam pagdating kay Parker.
"What?" he asked nung mapansin niya na naka-estatwa lang ako sa harap ng sasakyan niya.
"Saan ako uupo?"
Kumunot ang noo niya.
"Baka kasi dumating si Cindy," mahina kong sabi. "Para hindi ko na kailangang lumipat."
Parang may nakabara sa lalamunan ko nung sinabi ko 'yun. Para ring nagsimulang magtubig iyong mga mata ko.
Hindi ko na talaga alam pagdating sa kanya.
"Imo," he called my name. Tumingin ako sa kanya. "I'm sorry."
I tried to smile kasi alam ko na wala naman siyang kasalanan. Palagi naman niyang sinasabi na may gusto siyang iba. Ako naman talaga ang may gawa nito sa sarili ko.
"Sorry din..." sagot ko. "Pangako, alam ko na talaga kung saan ako lulugar."
At hindi 'yun sa tabi mo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com