Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

#JustTheStrings 

Kabanata 8 

Hindi talaga ako makakatakas.

Dahil August 19 ngayon, wala akong choice kung hindi ang makita si Parker. Nandito kasi kami sa bahay nila ngayon dahil death anniversary ng Tito niya. Parang tradition na 'to sa pamilya namin at pamilya nina Parker. Minsan, tinanong ko si Papa kung hindi ba weird sa kanya kasi ako, aaminin ko na minsan hindi ko maintindihan. Kasal sila ni Papa at may apat na anak pero minsan, naiisip ko kung mas mahal ba ni Mama iyong si Tito Parker.

Pero kapag tinatanong ko si Papa, ngiti lang ang sagot niya sa akin. Kaya okay na rin sa akin. Kasi kung kay Papa nga okay lang, ano pa ako?

Nasa dining area iyong mga matatanda at nag-uusap tungkol sa business. Matagal na kasing gustong maging magkasosyo nila Auntie Kach at Mama pero wala silang mapagkasunduan na negosyo. Magkaiba kasi sila ng hilig. At saka masyadong busy si Auntie sa Law Firm nila.

Magkausap si Kuya at Parker tungkol sa soccer. Lately, nagiging close na ulit sila at dahil 'yun parehas nilang binubully si Saint. Iyon 'yung common ground nila ngayon—ang awayin si Saint kahit wala namang ginagawa iyong tao sa kanila.

Hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila kaya naman nagfacebook muna ako. Una kong tinignan iyong mga notifications pero likes lang 'yun sa mga tagged pictures ko kasama si Kuya. Ang dami kasing nagkaka-crush 'dun. Alam kaya nila na criminal ang crush nila?

Habang nagsscroll ako, biglang nagpost si Saint sa wall ko.

Mary, Mary where are you?

Bakit hindi marunong gumamit ng messenger ang isang 'to? Binura ko muna iyong post niya dahil baka makita ni Mama. Hindi pa rin siya nakaka-get over 'dun sa kwento ni Kuya. Kahit kasi ano'ng pilit ko kay Kuya na bawiin iyong kwento niya na 'yun kay Mama, ayaw niya. Ayan tuloy, ang sama-sama ng tingin ni Mama kay Saint kahit hindi pa naman niya kilala.

Saint Iverson Gomez de Liaño: binura mo na naman. Grabe ka

Mary Imogen Suarez: sorry ulit. Kasi naman, sa message mo na lang ako kausapin

Saint Iverson Gomez de Liaño: are you embarrassed to be seen with me? </3

Hindi ko napigilan ang tawa ko dahil parang baby si Saint. Ang hilig niya rin gumamit ng heartbroken na emoji kapag nagchachat siya sa akin. Siguro iyon ang most used emoji niya.

At dahil sa tawa ko, napatingin si Kuya sa akin.

"Bakit ka tumatawa?" he asked.

Umiling ako.

"Wala."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit nga?" tanong niya ulit.

"Wala nga, Kuya," sagot ko ulit. Ayoko na sabihin sa kanya si Saint dahil sigurado ako lalaitin na naman niya. Wala namang ginagawa iyong tao pero pagdating kay Kuya, aping-api si Saint.

Ibinalik ko 'yung atensyon ko sa cellphone ko at nagreply kay Saint. Si Kuya naman, hindi ko alam kung naniwala ba siya sa sinabi ko pero bahala na siya diyan. Kasalanan naman niya kung bakit ayaw kong sabihin. Palagi na lang kasi siyang nang-aaway kahit wala namang basis.

Mary Imogen Suarez: hindi ah.

Saint Iverson Gomez de Liaño: talaga?

Mary Imogen Suarez: oo nga

Saint Iverson Gomez de Liaño: sige nga if you really aren't embarrassed, watch my game

Mary Imogen Suarez: anong game?

Soccer player 'din ba siya kagaya ni Kuya? Pero hindi ko pa naman siya nakikita sa field...

Saint Iverson Gomez de Liaño: grabe Mary you keep on hurting me.

Mary Imogen Suarez: ano nga kasi?

Saint Iverson Gomez de Liaño: di mo talaga alam?

Sinabi ko na hindi dahil hindi ko naman talaga alam. Or baka kasi hindi naman ako active sa school? Nung election nga last year, puro ako abstain dahil hindi ko kilala iyong mga tumatakbo... Iyong circle of friends ko, maliit lang. At saka hinaharang ni Kuya iyong mga lalaki na lalapit pa lang sa akin kaya wala talaga akong masyadong kakilala.

Mary Imogen Suarez: ano ba kasi sport mo?

Saint Iverson Gomez de Liaño: hulaan mo

Mary Imogen Suarez: fencing?

Saint Iverson Gomez de Liaño: why fencing naisip mo?

Mary Imogen Suarez: mukha kang nagfefencing

Saint Iverson Gomez de Liaño: why do i feel like getting offended?

Mary Imogen Suarez: hindi ah! Compliment yun!

Saint Iverson Gomez de Liaño: sige na kahit naoffend ako. Pero hindi yun sport ko.

Mary Imogen Suarez: swimming?

Saint Iverson Gomez de Liaño: nope but I swim

Mary Imogen Suarez: baseball?

Saint Iverson Gomez de Liaño: nope. Last na hula na tapos kapag mali lunch with me tomorrow

Hindi pa ako natatapos magtype pero biglang nahablot sa akin ni Kuya 'yung phone ko.

"Aha!" sabi niya. "Sinasabi ko na nga ba!"

Tumayo ako para kunin sa kanya iyong cellphone ko pero sadyang mas matangkad lang talaga siya sa akin. Kahit ano'ng talon ko, hindi ko makuha sa kanya.

"Akin na 'yan, Kuya!" sigaw ko pero binabasa niya pa rin iyong chat namin ni Saint. "Kuya naman, e!"

"Parker, hawakan mo nga si Imo," sabi ni Kuya tapos nagsimula siyang magtype sa phone ko. Ito namang si Parker, hinawakan nga ako!

"Bitawan mo nga ako!" sabi ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at nakahawak lang siya sa dalawang kamay ko. Masyado kaming magkadikit dalawa. Iyong mukha ko, nasa dibdib niya na. Naririnig ko rin 'yung tibok ng puso niya...

Tumingala ako.

"Parker," tawag ko sa pangalan niya. Tinignan niya ako pero hindi siya nagsasalita. "Bitiwan mo ako."

Hindi siya nagsalita pero iyong titig niya, sapat na para malaman ko kung ano ang gusto niyang sabihin. Gusto kong bumitiw sa pagtingin sa kanya pero hindi ko magawa. Para siyang magnet na hinahatak ako palapit.

"Oh." Napatigil lang ako nung magsalita si Kuya.

Hinablot ko iyong cellphone ko at tinignan kung ano ang ginawa niya.

Mary Imogen Suarez: pwede bang tigilan mo na ako?

Nanlaki iyong mata ko.

"Kuya!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit? Type mo ba siya?"

Hindi ko na siya nasagot dahil busy akong magmessage kay Saint. Na-seen niya na iyong message at baka iniisip niya ngayon na sobrang feelingera ko! Wala naman siyang sinasabi sa akin na may gusto siya tapos ganito 'yung isesend ko?

Gusto ko talagang ibaon sa lupa si Kuya!

Mary Imogen Suarez: Saint, si Kuya 'yung nagmessage. Hala sorry

Ilang segundo akong naghintay pero wala akong reply na nakuha.

"Ayos ka lang?" tanong ni Kuya. Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. "Iniiyakan mo 'yun?" hindi niya makapaniwalang tanong.

Hindi ko rin maintindihan pero naiiyak ako. Parang masikip sa dibdib na hindi ko maipaliwanag.

Tumayo ako at saka iniwan sila. Lumabas ako at umupo sa pavement. Naupo ako roon at naghintay. Hanggang sa umuwi kami, naghihintay ako ng reply ni Saint pero wala akong nakuha.

Nung nagising ako, mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Ang una kong ginawa ay tignan kung nagreply na ba si Saint pero kahit seen sa message ko, hindi niya nagawa.

Bakit ba ako affected? Dalawang linggo ko pa lang naman siyang kakilala...

Pumunta na ako sa CR para maligo pero pagtingin ko sa salamin, mayroong nakalagay na sticky note sa noo ko.

Sorry na. Kung gusto mo kausapin si GDL, nasa gym lang 'yun. O kung ayaw mo, sabihin mo sakin ako na lang kakausap. Wag ka na magalit sakin

-Kuya

Gusto kong magalit pa kay Kuya pero ang hirap magalit kapag ganito siya.

Tinanggal ko 'yung sticky note at saka inilagay 'dun kasama sa iba pang sticky note na binibigay niya sa akin. Naligo na ako at nakapagbihis. Pagdating ko sa school, hindi ako mapakali.

Paano kapag nakasalubong ko si Saint tapos hindi niya ako pansinin?

Kuya naman kasi, e. Ginawan pa ako ng problema.

"Why the sad face?" tanong ni Kath. Kakatapos lang ng first class namin at break na namin.

"Si Kuya kasi..." sabi ko at saka kinwento sa kanila iyong nangyari kahapon. Tawa naman sila ng tawa.

"Hindi ka pa nasanay sa Kuya mo," sabi ni Kath. "He's crazy, remember?"

Bumuntong-hininga ako.

"Hindi pa rin excuse 'yun para maging rude siya," I answered.

Sinundot naman ako ni Kath sa gilid ko.

"Anyway, sino ba 'tong guy na 'to?" she asked. Hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila kung sino. Pero I guess pwede ko ng sabihin ngayon since pakiramdam ko hindi na ako kakausapin ni Saint...

"Si Saint," sabi ko.

Nanlaki iyong mata nila. Pati si Liza na demure, nanlaki ang mata.

"GDL?"

Tumango ako. Kilala pala talaga siya bilang GDL. Bakit Saint pakilala niya sa akin?

"Oh, my God! Paano mo siya nakilala?!" sabi ni Kath at saka inalog-alog pa 'yung braso ko. Kinwento ko sa kanya na nagkamali ako ng sakay kaya ko siya nakilala. "Nakasakay ka na sa sasakyan niya?!" sigaw na naman niya. Hiyang-hiya na ako dahil pinagtitinginan na kami sa cafeteria pero mukhang wala namang pakielam 'yung dalawang kasama ko.

"Madumi naman sasakyan niya..." sagot ko.

She fanned herself. "The hell I care kung may bundok ng basura sa car niya. I can't believe na nakausap mo si Saint! Don't you know what a snob that person is?!"

"Hindi naman siya snob."

Kath snorted.

"Baka kasi you're his type," she said.

Naalala ko na naman iyong sinabi ni Kuya.

"Friendly lang talaga siya," pagtatanggol ko kay Saint.

"Friendly my arse. He's like the snob of the century!" sabi niya at saka nagkwento siya ng nagkwento tungkol sa GDL brothers... apparently, apat pala silang magkakapatid na lalaki at lahat sila, basketball players sa school.

Hindi na ako makasunod sa kwento ni Kath at hindi ko na rin matanong kung paano niya nalaman iyong mga sinasabi niya sa akin.

"Speak of the devil and the devil shall appear," bulong ni Kath habang nakatingin sa likod ko. Paglingon ko, nandun si Saint at may kasama siyang mga lalaki. "Those guys are his brothers. Gwapo nila, noh?"

Nakatingin lang ako kay Saint. He was laughing with his brothers. Mukhang wala naman siyang problema...

Mukhang hindi naman siya bothered...

Mukhang ako lang naman 'yung apektado sa nangyari kagabi.

"Okay ka lang?" Liza asked.

I nodded. Wala naman akong choice kung hindi maging okay. Alangan namang ipilit ko iyong sarili ko kay Saint kung ayaw niya na talaga ng friendship, 'di ba?

Buong araw akong down. The next day, ganun pa rin. Hanggang dumating ang Thursday, sobrang down pa rin ng spirit ko.

"Oh, for heaven's sake," bulong ni Kuya habang sabay kaming nag-aaral. Kakatapos lang naming magrosary at kumain. "Si GDL pa rin ba problema mo?"

Umiling ako.

"Why are you even affected? Close ba kayo?"

"Wala nga, Kuya..." sagot ko sa kanya. Ayoko ng gawing big deal kung hindi naman big deal.

"But why are you acting like it's the end of the world?"

Isinarado ko iyong libro ko. "Sa kwarto na ako mag-aaral," sabi ko sa kanya at saka iniwan siya sa study room. Nagfocus na lang ako sa pag-aaral hanggang sa makatulog ako. Nagising ako nung may tumatapik sa akin.

"Wake up," sabi nung boses. I groaned. "Gising na."

Idinilat ko 'yung mata ko at nakita ko si Kuya na nakaligo na. Bukas na iyong ilaw sa kwarto ko. He was wearing his training uniform.

"Ano'ng oras na?"

"4am."

"Mamaya pang 8 klase ko, Kuya," I groaned and tried to get back to sleep again pero tinapik na naman niya ako.

"Gumising ka na," sabi niya na naman at saka binuhat ako na parang sako at saka dinala sa CR. "20 minutes and I'll be back. Bilisan mo maligo," he said and then closed the door. Pero binuksan niya muna iyong shower para masigurado na basa na ako.

20 minutes later, I was all prepped up. Nawala na iyong antok ko dahil sa pagligo. Naka-handa na rin iyong breakfast namin pero sabi ni Kuya, sa school ko na lang kainin kaya pinalagay niya na lang kay Manang sa ziplock.

"Bakit ba kailangan maaga rin ako?" I asked him nung papunta na kami sa school.

"You'll see," sabi niya. Binayaan ko na lang siya. Kumain ako ng sandwich sa sasakyan niya at pinabayaan niya lang ako. Weird talaga ni Kuya ngayon... Usually ayaw niya na kumakain dito sa sasakyan kasi mahal na mahal niya 'to, e.

Pagdating namin sa school, madilim pa. Hinubad ni Kuya iyong varsity jacket niya at pinasuot sa akin dahil bigla akong nilamig.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko nung papunta na kami sa school gymnasium. Mayroon na akong idea kung bakit ako nandito pero ayokong isiping mabuti. Bawat hakbang ko, kinakabahan ako.

Pagpasok ko, nakita ko iyong basketball team na gumagawa ng drill. Tumatakbo sila papunta at pabalik sa court.

"You want to talk to him or you want me to talk to him?" tanong ni Kuya.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Oo, malungkot ako dahil sa nangyari kay Saint pero hindi ko alam kung may lakas ba ako ng loob para kausapin siya... Ang dami kasing tao sa gym tapos halos puro lalaki pa sila lahat.

"Nakakahiya," bulong ko kay Kuya.

Napabuntong-hininga siya.

"Aight. Wait for me. Dito ka lang," sabi niya tapos naglakad siya papunta sa basketball court. Kinausap niya iyong coach at kinakabahan ako habang ginagawa niya 'yun.

"Nice! Bakit nandito ka ng maaga, Princess?"

Napatingin ako sa likod ko at nandun si Kuya Benj. Kasama niya si Parker na tahimik lang na nakatingin sa akin.

"Si Kuya."

"Dinala ka dito? Weird," sabi ni Kuya Benj. "Bakit daw?"

I shrugged.

"E asan ang Kuya mo? Iniwan ka dito. Weird talaga," bulong ni Kuya Benj. Tinuro ko si Kuya na nandun sa basketball court. Tumingin siya kay Parker. "Opposite day ba ngayon? Bakit nandun si Pres?"

Ano ba ang weird na nasa basketball court si Kuya?

Pero hindi sumagot si Parker. Nakatingin lang siya sa basketball court at parang may malalim na iniisip.

"Princess, may tanong pala ako," sabi ni Kuya Benj. Tumango lang ako. "Paano mo nakilala si GDL?"

Napatingin ako kay Parker. Gusto ko sanang sabihin iyong totoo na napagkamalan kong Uber driver si Saint pero iba nga pala iyong kwento na nasabi ko kay Parker...

"Church mates," sabi ni Parker bago pa man ako makapagsalita.

Kumunot ang noo ni Kuya Benj.

"Church mates?" ulit niya at tumango naman ako kahit na kinakabahan ako dahil nadadagdagan na naman ang kasinungalingan ko. "Naniwala ka?" sabi niya kay Parker at tumango si Parker. Tawang-tawa naman si Kuya Benj.

"Bano ka talaga, Parker! Mukha bang nagsisimba si GDL? Tignan mong thug life 'yung gago na 'yun, e!" sabi niya tapos tumawa na naman siya. Akala mo maiiyak na si Kuya Benj. Iba talaga ang humor niya.

Si Parker naman, nakatingin sa akin.

"You lied?"

Nakatingin din ako sa kanya, hindi makasagot.

"It's like I don't know you anymore," sabi niya at saka iniwan ako mag-isa.

Pinanood ko siyang umalis. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kasi alam ko na 'dun ang pwesto ko. Iyong malayo sa kanya.

Tinapik naman ako ni Kuya Benj.

"Bayaan mo siya. He doesn't know what he wants yet," sabi ni Kuya Benj with a reassuring smile. Hindi niya ako iniwan hanggang sa bumalik si Kuya. Seryoso iyong itsura niya kaya hindi ko alam kung ano ang ieexpect ko.

"Bakit ka galing 'dun?" tanong ni Kuya Benj. "Baliw ka na ba?"

Hindi siya pinansin ni Kuya. Tinignan niya ako.

"He's not worth it," sabi ni Kuya.

And just like that, I lost another friend.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com