24 - 4 secrets
SECRETS
break time at karaniwang kumakain kami dito sa rooftop ni kayla habang nagkwekwentuhan. imbis na maawa siya sa istorya kong napapatid ako lagi ay natatawa siya.
"alam mo ba kung anong rason kung bakit ganito kalagayan ko?" tanong ko sakaniya. pero hinintay niya lang ako ituloy kaya ako narin sumagot ng tanong ko, "dahil sa disgrasya, sakaling ikakamatay ko kung tatakbo at mapapatid pa ako."
wala siyang sinabi kundi tumingin sa baba kung saan naglalaro ang mga kaistudyante namin ng touching body.
"leila," tawag niya. nagtinginan kami at siya'y ngumiti sa'kin, "alam mo bang asthmatic ako? ikamamatay ko rin ang pagtakbo."
lumapit ako sakaniya gamit ang wheelchair ko at sinabayan siyang manuod sa baba. nagtanong siya, "kasama mo ba mga magulang mo?"
tumango ako, "malalahanin sila, nakakairita."
humagikgik naman dito si kayla dahilan maginit ang pisngi ko, "a-anong nakakatawa?"
"wala lang," agad namang bumalik sa normal ang mukha niya. maya-maya nginitian ako, "wala na kasi ang mga magulang ko."
hindi ako kumibo dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. nang tumunog ang bell ay inimbita ko na siyang bumaba.
itinulak niya ang wheelchair na gamit-gamit ko sa platform stair lifter. mabagal ito kaya baka ilang minuto pa para makababa sa floor kung saan kami nagkaklase.
"leila, nakaranas kana ba ng pag-ibig?"
umiling ako at tinignan siya. nakangiti ito sa'kin, "may mahal akong lalaki na nakilala ko online, gusto ko siya ipakilala sa'yo balang araw."
tumango ako, "i'm looking forward to it."
"pero leila," dagdag niya. she continued, "sikreto lang natin 'to, ha? yung mga sinasabi ko, ayoko kasing kumalat.. don't worry, may sasabihin pa 'kong sikreto sa'yo pagginawa mo 'yun!"
tumango agad ako habang nakangiti. she grinned and hugged me from behind. inis kong sinabi, "hindi ako makahinga!"
her first secret is she have asthma, second is her parents, and 3rd is she got a boyfriend. ano kaya yung pang-apat?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com