Chapter 14
Chapter 14
Timeout
It's my third day skipping the practice. They kept bombarding me with messages but I never responded to them. I'm taking a break. Kailangan kong paghandaan ang pagbabalik ko dahil siguradong uubusin ni Gio ang pasensya ko. Gusto niya akong mag-quit ngunit sa paraang sumusuko na talaga ako hindi dahil sa simpleng rason lang. Sadista ba siya?
"No practice?" tanong sa 'kin ni Tamara habang nag-aayos siya ng gamit. Naghahanda na siya para sa afternoon class.
My class ended an hour ago so I was just lying on my bed doing nothing. In a short amount of time that I spent with the basketball team, staying in the dorm without doing anything bores me. Dati ay nakakaya kong mag-stay sa dorm buong araw pero ngayon ay wala pang ilang oras ay nababagot na ako.
"I'm taking a break from managing them until I'm ready," sagot ko.
"Will they be alright?" Tamara chuckled. "Erzo texted me and he said it was hell."
Iniabot niya sa 'kin ang kaniyang cellphone at binasa ang mga text ni Erzo sa kaniya. They've been messaging each other frequently. Mukhang gumagana ang mga moves ni Erzo sa kaibigan ko.
Natawa na lang ako nang mabasa ang mga text ni Erzo na puro reklamo tungkol sa kaniyang team. Hindi raw katulad no'ng nando'n ako na may nakahandang pagkain, towel at malamig na tubig sa kanila. Ngayong wala ako, kulang na lang ay mamatay sila sa uhaw at sila pa ang bibili ng sarili nilang inumin.
"They're in chaos," sabi ni Tamara. I handed her the phone. "You should go back. Para silang mga sisiw na iniwan ng inahing manok nila."
"At least they're practicing." Bumangon ako at kinuha ang aking cellphone. Naka-mute ang group chat namin pero nasa limang daan na ang chat na puro mention nila sa 'kin. "They can manage on their own for now."
"Well, yeah, that's a great improvement." Kinuha niya ang kaniyang bag. "I'm going now." Lumapit siya sa 'kin at humalik sa 'king pisngi.
"Ingat!"
Napangiti na lang ako hanggang sa sarahan na niya ang pinto. Para na kaming magkakapatid. Bago umalis ay nasanay kaming hahalik sa pisngi ng isa't-isa. Si Tamara ang nagpauso no'n dahil simula bata ay 'yon na ang kinalakihan niya sa pamilya niya.
Isang buwan at ilang linggo na lang ay magsisimula na ang Intercollegiate Sports Competition kung saan maglalaban-laban sa sports ang mga private schools dito sa bayan. There is a total of eight schools in the prefecture. They will probably divide it into two brackets.
Kinuha ko ang aking notebook at inilagay sa kaniya-kaniyang bracket ang mga pangalan ng schools. They'll probably put our team on the first bracket and St. Benedict's team on the second bracket. Sa tuwing may sports competition, palaging ganito ang ginagawa nila dahil inaabangan nila palagi ang laban ng Black Bulls at Blue Angels.
So, if they defeat the other teams in the bracket, they will compete with Blue Angels. That's how it always goes. Hindi na namin dapat hayaang mangyari ang nangyari sa practice game.
Tiningnan ko ang schedule para sa araw-araw nilang training. It's Friday today so their drill will be about agility and strengthening the lower body. I hope they're doing it properly. Hindi ko sila nabigyan ng copy nitong training plan ko.
I could feel my palms tingling while holding the notebook. Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Ah, seriously?" bulong ko. "Hindi ko sila matiis."
Kinuha ko ang nakasampay na towel sa 'king swivel chair at dumeretso sa banyo.
I'll pay them a visit.

With plastic bags in my left hand and my notebook in the right, I went inside the gymnasium. Naabutan ko silang isa-isang nagsho-shoot. Nakatalikod sila sa 'kin kaya hindi pa nila ako nakikita. Dinala ko muna ang mga dala ko sa bench.
Lumapit ako sa likod nila at pumalakpak. "Nice shot!" sigaw ko nang tumalon si Adam para i-shoot ang bola.
Mabilis ang naging paglingon nila sa 'kin. Nanlalaki ang kanilang mga mata. Bago pa ako maka-react ay nagtakbuhan sila palapit sa 'kin at niyakap ako. Para akong natabunan ng malalaking bato dahil sa sobrang tangkad nila.
"Mabebs!" sigaw nila. Dinig na dinig ko sa boses nila ang hirap.
Tuluyan na akong natawa. Naalala ko ang sinabi sa 'kin ni Tamara kanina.
Para silang mga sisiw na iniwan ng inahing manok nila.
"Hindi ba't sabi ko naman na babalik ako?" Ginulo-gulo ko ang buhok nila na palagi kong ginagawa. Tiningnan ko ang orasan. Dalawang oras na silang nagpa-practice. "Kumain na muna kayo."
When they were doing the shots, I could see the fatigue slowing them down.
Tumingin ako kay Gio na patuloy pa rin sa pagtira. Habang tumatagal ay bumabagal na ang galaw niya at sumasala na ang mga tira niya.
"Take a break!" sigaw ko.
He was about to shoot the ball but stopped. He turned towards me and dropped the ball. "You're done with your timeout?" tanong niya. He jogged towards us and grabbed the towel from the bench.
Umirap ako sa kawalan. "Obviously," sagot ko. "Hindi ko naibigay ang training plan na ginawa ko para sa inyo. Kailangan ko ring i-maintain ang diet niyo na mukhang hindi niyo nagawa these past three days na wala ako."
"Oo, Mabebs!" sigaw ni Zen habang umiiyak. Punong-puno ng pagkain ang pisngi niya na parang squirrel. "Kung alam mo lang kung paano kami nahirapan sa loob ng tatlong araw na walang manager."
"Si Coach ba nasaan?" tanong ko.
"Si Coach ang kasama namin nitong mga nakaraang araw. Madami rin siyang inaasikaso kaya hindi niya kami mabilhan ng pagkain," sabi ni Owen. "Kami-kami na rin ang nag-aasikaso sa sarili namin."
"Ngayon alam na talaga namin kung gaano kahalaga ang isang manager," sabi ni Bogs.
"Saka mo lang malalaman ang halaga ng isang tao kapag nawala siya sa 'yo," seryosong sabi ni Zen habang nakatingin sa water bottle na hawak niya.
Napanganga kami habang nakatingin sa kaniya. Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Zen. Palagi siyang parang tutang maiiyak o kaya tutang sobrang hyper. Sino'ng mag-aakala na kaya niyang maging ganito kaseryoso?
"May pinagdadaanan ka ba, Zen?" tanong ni Rex.
Nagtataka namang tumingin si Zen sa kaniya. "Huh?"
"Bakit bigla kang humuhugot?" tanong naman ni Jin.
"Nabasa ko lang 'yon sa Facebook kanina." He beamed at us.
Napailing na lang ako at kinuha ang isang water bottle na binili ko para sa sarili ko. Uminom muna ako bago ako nagsalita. "I was thinking that the competition is one month and two weeks away."
"Kaya mo kami binalikan?" nakangiting tanong ni Carl. "Sabi na hindi mo kami matitiis, eh!"
"Nabalitaan ko kasing hirap na hirap na kayo." Ngumisi ako sa kanila. "At gusto kong manalo kayo sa competition."
I shivered when their face was suddenly brimmed with confidence and determination. Their usual happy-go-lucky and carefree aura was replaced with the desire to win. I think the Black Bulls that everyone knows are finally back to the game.
Binuklat ko ang aking notebook at ipinakita sa kanilang ang bracket na ginawa ko kanina. "This is just based on the previous competitions you had these past three years but I think they'll just gonna rumble the six teams but will keep your team and Blue Angels in different brackets so you'll end up competing with each other in the final round." Itinuro ko ang pinakataas ng bracket kung saan nakalagay ang pangalan ng team nila at ng team ng St. Benedict.
"Yes, that's what they always do," sabi ni Gio. Kinuha niya ang notebook mula sa 'kin.
"Kung gano'n, easy na 'yung ibang teams," nakangising sabi ni Shon.
Umiling ako. "Do you think they're the same?" Muli kong kinuha ang notebook sa kamay ni Gio. He frowned at me. "Never underestimate your opponents. Baka nakakalimutan niyong kulang kayo sa practice at training. Last year, muntik na kayong matalo sa Intercollegiate. Maaari kayong matalo kung hindi niyo seseryosohin."
Natahimik silang lahat. This is good. They're repenting. They wasted their time fooling around and forgot their responsibility as the representative of the basketball team. Gaya nang sinabi ko noong una kaming nagkita-kita, hindi lang ang school ang mapapahiya sa pagkatalo nila kundi sila rin.
"You're the defending champions, the most powerful team in the prefecture. In your last year, show them what you've got."
Lahat sila ay ga-graduate na next year. Papalitan na sila ng mga lower years. Dahil sila ang mga regular players, ang mga lower years ay may sarili nilang coach at manager.
Magsasalita pa sana ako ngunit hindi ko na nagawa dahil titig na titig sila sa 'kin. Biglang nag-init ang aking mukha nang maalala ko ang aking mga sinabi. Kung makapagsalita ako ay parang napakadami kong alam sa basketball.
"I...I'm sorry, I said too much." I smiled at them awkwardly.
"Mabebs." Nagmukha na naman silang mga tuta na gustong magpalambing sa mga amo nila.
Pinagtatapik ko ang kanilang ulo. Maging si Gio ay tinapik ko rin kahit na mukha siyang manununtok sa sama ng tingin niya sa 'kin.
"Guys!"
Napatingin kami sa pinto ng gym. Pumasok mula roon si Ms. Carandang at asawa niyang si Coach Carandang. Malawak ang ngiti nilang dalawa kahit mukha silang pagod.
"Siguro nagtataka kayo kung bakit napaka-busy ko nitong mga nakaraang araw na halos hindi ko na kayo kayang masamahan sa practice." Panimula ni Coach. "Ang totoo niyan, nag-o-organize kami ng training camp para sa mga regular players ng basketball team since malapit na ang competition."
Iniabot niya kay Gio ang papel na nakarolyo. Sumilip kaming lahat doon nang buklatin ito ni Gio.
"One week stay in a training camp?" tanong ni Gio. "Will our professors allow us to do so?"
Ngumiti si Mrs. Carandang. "That's why I'm here." She clapped her hands. "I already talked to your professors. They will allow you to participate the training camp but you have to do some take-home activities to make up for the classes you'll miss."
"How about me, Ma'am? Do I have to go with them too?" tanong ko.
"Mabebs, kailangan mong sumama!" sabi ni Luis.
"Hindi 'yon masaya kapag wala ka roon!" reklamo naman ni Lloyd.
Mrs. Carandang laughed. "Of course, your precious manager will go with you." Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa 'kin. "Don't worry, Lian, I already talked to your professors too. Just like what the team will do, you just have to do some take-home activities."
"How about its deadline?" tanong ko. Kapag hindi ko nilinaw ay baka ibagsak ako ng iba kong professor. May mga professor pa naman na walang pakealam sa mga extracurricular activities. Kapag hindi mo naipasa sa tamang oras ang project or activity mo ay ibabagsak ka nila.
"They didn't give you deadlines but they said you should submit it as soon as you're done with it."
Tumango na lang ako sa kaniyang sinabi. That's good. I can go with them to the training camp. Kahit doon ko na lang sagutan ang mga take-home activities habang abala sila sa pag-e-ensayo.
"Oh, I almost forgot." Napatingin kami kay Coach Carandang. "The Blue Angels will also have their training camp."
Napalunok ako. Hindi na ito katulad ng practice game. This time, sigurado na akong kumpleto na sila.
"Did you invite them, Coach?" tanong ni Adam. Idinantay niya ang kaniyang siko sa 'king ulo. "That would be a pain. I don't like seeing their ugly faces."
Coach Carandang sighed. "They invited us," sagot niya. "Blue Angels wants another practice game with you so Coach Go contacted us. Sakto namang katatapos lang naming mag-organize para sa training camp. I told Coach Go that could bring his team and have the camp with us."
They all groaned. Hindi ko sila masisisi. Kung nasa iisang camp kami, makikita nila kung paano sila mag-practice. Maaari rin nilang mapag-aralan ang play na gagawin ng team sa competition.
"Akala niyo ba'y hahayaan kong makita nila ang laro niyo?" Ngumisi si Coach. "They'll be staying in the camp near us. Magkaibang venue kung saan tayo mag-stay. Magkikita-kita lang tayo sa iisang court."
"Nice!" sabi ni Bogs. "Kung one week ang camp, kailan ang practice game? Sa last day?" tanong niya.
Tumango si Coach. "May anim na araw pa kayo para mapaghandaan 'yon," aniya. "This time, ipakita niyo sa kanila na hindi nila kayo madadaan sa pandadaya nila."
The whole team shouted that surprised me. They looked so pumped up. Kanina ay mukha na silang pagod sa practice ngunit ngayon ay parang puno na ulit sila ng energy.
"Ok, let's do this," sabi ni Gio at ibinaba ang kaniyang kamay.
Ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng kamay ni Gio. Napangiti naman ako habang pinapanood sila.
"Mabebs! Sumama ka!" sigaw ni Zen.
"Come on, you're part of the team!" sabi ni Rex.
"Faster, Isabelle, 'wag kang pa-importante." Nginisian ako ni Gio.
I put my hand on top of them.
"Black Bulls, fight!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com