Chapter 13
Chapter 13
Surprise Birthday Party
Lahat kami ay hindi makagalaw sa 'ming kinauupuan. Nakatingala kami kay Gio na kasalukuyang nakatingin nang masama kay Shon habang pinapalagutok ang mga buto niya sa kamao. Parang anytime ay handa na niyang basagin ang mukha ni Shon.
Bago pa siya makalapit kay Shon ay humarang na ako sa kaniya. "Gio, calm down."
Kinilabutan ako nang tumingin siya sa 'kin. Ibang-iba ang galit niya ngayon kumpara noong una kaming nagkita. Tinabig niya ako at wala akong nagawa kundi ang tumabi. Wala ring nakapigil sa kaniya.
Nang makarating siya sa harap ni Shon ay hinawakan niya ang kwelyo nito. "You dared to make my sister your girlfriend?" He said through gritted teeth. "And you kept it from me?"
"I'm sorry, Gio. I was a coward." Nanginig ang labi ni Shon na para bang maiiyak na siya. "Natakot akong sabihin sa 'yo. Natakot ako na baka hindi ka pumayag na ligawan ko si Ashley."
"So, you did it behind my back?" Humigpit ang hawak niya sa kwelyo ni Shon. Maya-maya ay binitawan niya ito ngunit nagulat kaming lahat nang lumapat ang kamao ni Gio sa mukha ni Shon.
"Shon!" sigaw ko at 'agad na nilapitan si Shon na nakaupo sa lupa. Hawak niya ang pisnging sinuntok ni Gio.
Tumingin nang masama si Shon kay Jin habang may luha sa kaniyang mga mata. "Akala ko ba hindi nananakit physically si Boss?! Bakit niya ako sinuntok?!" sigaw niya habang umiiyak at hawak ang kaniyang pisngi.
Hindi ko alam kung natatawa ba o naaawa si Jin habang nakatingin kay Shon. "Depende sa sitwasyon 'yon, pre." Kinamot niya ang kaniyang batok.
Gio was about to grab for Shon again but I went in front of Shon. "Stop it, Gio. Makipag-usap ka nang maayos. Magsisimula na mamaya ang birthday party kay Ashley. Ipagpaliban mo muna ito."
His heated gaze turned towards me. I flinched. "Don't get in the way, Isabelle," aniya.
Umiling ako. "Gio, hindi magugustuhan ni Ashley kapag nalaman niya ito. You already punched Shon, don't make it worse."
Nag-igting ang kaniyang panga. "Ano'ng alam mo? Bakit ba simula no'ng dumating ka sa buhay namin ay wala ka nang ibang ginawa kundi ang mangealam? Stop getting in my way and mind your own fucking business, Solis. You're never one of us. Keep that in your fucking mind."
Muli niya akong tinabig. Hinawakan niya ang kwelyo ni Shon at iniangat ito sa lupa.
Hindi na ako nakagalaw pa sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko'y sinipa ako sa 'king dibdib. Lumunok ako ng ilang beses para mapigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa 'king mga mata.
"Mabebs." Hinawakan ni Rex ang aking braso.
Dahan-dahan ko itong inalis mula sa kaniyang pagkakahawak. Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Please, calm him down. Uuwi na ako."
Lumakad na ako paalis sa garden. Sa gilid ng bahay ako dumaan dahil baka makita pa ako ni Mr. Gillermo kung sakali at matanong pa ako kung bakit ako aalis. Hindi ko na kailangan pang mag-stay roon kasi hindi naman ako kailangan.
"Mabebs!"
Lumingon ako at sumunod pala sa 'kin sina Rex, Erzo at Luis.
"Bumalik na kayo roon. Mas kailangan niya kayo." Bumuntong-hininga ako. "Kayo na ang bahala sa kaniya."
Ngumuso si Erzo. "Mabebs, gano'n lang talaga si Gio kapag nagagalit pero hindi ibig sabihin ay tunay ang mga sinabi niya." Hinawakan niya ang aking braso. "Masakit lang talaga siya magsalita pero hindi niya sinasadya 'yon."
Umiling ako. "He's right. I should mind my own business."
Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at lumakad na ako paalis. Kung babalik ako, hindi rin naman ako makakakilos nang maayos dahil ni Gio. Napilitan lang din naman akong sumama rito. Wala namang mababago kung aalis ako o mananatili ako.
I hailed a taxi and went home. Mas minabuti ko na lang na sagutan ang aking workbook. Nang matapos ako ay kaagad ko itong dinala kay Mr. Olivares. Nagulat man siya sa naging progress ko ay wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ito.
Kinuha ko ang aking cellphone at nag-send ng message kay Rex para magpasalamat sa workbook niya. Kung wala 'yon ay baka hindi pa ako maka-graduate next year.
"Oh? Ang aga mo namang nakabalik? Tapos na ang party?" tanong ni Tamara pagkabukas niya ng pinto. Kasunod niyang pumasok sina Yvonne at Jelyn.
Niyakap ko ang aking unan at umiling. "Something happened," mahinang sagot ko. Umiwas ako ng tingin at pinagmasdan na lang ang ulap sa labas ng bintana.
Naramdaman kong lumubog ang aking kama sa bandang harapan. Umupo silang tatlo at kitang-kita sa mga mukha nila ang pag-aalala. Sa tuwing nalulungkot ako, alam kong sila ang pinakanag-aalala para sa 'kin. Alam kong natatakot silang maulit na naman ang nangyari sa 'kin dati.
"Lian, tell us what happened," seryosong sabi ni Jelyn.
Kahit siya ang pinakamakulit sa 'ming apat, siya ang pinaka-concerned sa 'kin pagdating sa ganito. No'ng time na hirap na hirap akong ibangon ang sarili ko, isa siya sa mga tumulong sa 'kin.
Sinabi ko sa kanila ang nangyari kanina sa bahay ni Gio. Hindi ko mapigilang maluha nang ulitin ko sa kanila ang sinabi sa 'kin ni Gio. I thought I became stronger but harsh words still made my heart crumble. The walls I've built up suddenly fell when Gio gave the blow. I know I was never one of them. I know what we're having now is temporary. Ako lang itong mabilis ma-attached sa mga tao na alam kong hindi naman magtatagal sa buhay ko. I'm too stupid to think that they're my friends.
Niyakap ako ni Tamara. "You have us, Lian. You will always have us," aniya habang tinatapik ang aking likod. "But you also became part of their lives. Alam kong maaayos niyo ito."
"She's right, Lian," sabi naman ni Yvonne. "Gio is an asshole but the rest of them are already fond of you."
Sumimangot ako. "Siyempre, si Gio ang kakampihan nila."
Tumawa si Jelyn. "It doesn't matter. Ang mahalaga ay maipakita mo na hindi ka apektado sa nangyari."
"Pero 'wag ka munang um-attend ng training." Humiwalay si Tamara sa pagkakayakap sa 'kin. "Put some distance. That's the only thing you can do for now."

Just like what Tamara said, I didn't attend the training. I already informed Mrs. Carandang and Coach Carandang that I will be taking a break. I also asked them not to tell the team about it. Mabuti na lang ay pumayag sila na mag-break muna ako. Akala nila ay nai-i-stress na ako sa academics ko kaya kaagad silang pumayag.
Mas stressed pa ako sa captain ng team kaysa sa academics ko.
"Lian." Lumakad palapit sa 'kin si Mrs. Enriquez, professor ko sa English Communication. "Hindi ba manager ka ng basketball team? Puwedeng pakibigay naman nitong project ni Rexter? May kailangan siyang i-revise."
Kahit nag-aalangan ay kinuha ko mula sa kaniyang kamay ang isang clear folder. "S-sige po."
"Thank you!" Lumakad na siya patungo sa Faculty Room.
Naiwan naman ako sa hallway habang hawak ang clear folder na para kay Rex. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-send ng message kay Rex na tagpuin niya ako sa tapat ng building namin pero lumipas ang halos kalahating oras pero wala akong natatanggap na reply.
Tumingin ako sa orasan. Kung nagpa-practice sila, malamang ay nasa gym sila ngayon. Ayokong makita si Gio ngayon pero kapag hindi ko ito naibigay kay Rex, hindi niya maipapasa ang kaniyang project sa tamang oras.
"Ah, damn it," bulong ko.
Lumakad na ako patungo sa gym. Habang papalapit ay mas lalo akong kinakabahan. Nadidinig ko na ang kaluskos ng kanilang mga sapatos sa sahig at kanilang sigawan. Akala ko'y hindi na sila pupunta sa practice dahil wala ako. Mabuti naman na hindi sila nag-skip para sa araw na 'to.
Hinawakan ko ang pinto at dahan-dahan itong itinulak. Tumigil ang kanilang pagtakbo at biglang tumahimik ang buong gymnasium.
"M-mabebs," sabi ni Adam.
Bukod sa mukha silang pagod ay mukha rin silang malungkot.
Tipid akong ngumiti sa kanila. "Si Rex?"
Sabay-sabay silang tumingin sa bench kung nasaan nakaupo si Rex habang may hawak na bote ng tubig ngunit hindi lang siya ang nakita ko roon. Nakaupo si Gio sa isang bench at may babaeng nakatayo sa kaniyang harapan. Pinupunasan nito ang kaniyang pawis habang nakatingin siya sa 'kin.
Nagtungo ako kay Rex at hindi pinansin ang presensya ni Gio na malapit sa 'min.
"Pinapabigay ni Ms. Enriquez." Ngumiti ako sa kaniya nang makita kong nakababa ang gilid ng kaniyang labi na para bang maiiyak na siya. Ginulo-gulo ko ang kaniyang buhok. "I-revise mo raw. Bukas na ang deadline niyan."
Tumayo siya at niyakap ako. "Thanks, Mabebs! Miss ka na namin kaagad!"
Natawa naman ako. "Isang araw pa lang akong hindi naka-attend."
Nagsilapitan silang lahat sa 'kin. Hindi namin pinansin ang paglalandian nina Gio at ng bago niyang girlfriend.
"Pupunta ka naman dito bukas, 'di ba?" tanong ni Zen habang naka-puppy eyes.
Nakatingin sila sa 'kin habang hinihintay ang aking sagot.
"Hindi ko pa alam, eh." Pilit akong ngumiti sa kanila.
Sabay-sabay na bumagsak ang kanilang mga balikat. Lumungkot na naman ang kanilang mga mukha. Ang kanilang mga ulo ay nakatungo. Para silang mga bata na hindi isasama ng ina nila sa pupuntahan.
Isa-isa kong ginulo-gulo ang kanilang buhok. "Wala naman akong sinabing hindi na talaga ako pupunta. Hindi ko lang alam kung anong araw ako babalik."
"Sabi mo 'yan, ah!" sabi ni Carl.
"Oo nga! 'Pag 'di ka bumalik..."–natigilan si Zen–"I-iiyak ako!"
"Umiiyak ka na, eh!" Hinawakan ni Adam ang ulo ni Zen at sinilip ang mukha nito.
Tinabig ni Zen ang kamay ni Adam. Pagtunghay niya ay namumula na ang kaniyang mukha, nakakagat siya sa ibaba niyang labi at namamasa na ang gilid ng kaniyang mga mata. "H-hindi pa ako umiiyak!"
Natawa na lang ako sa kaniya. Tinapik-tapik ko ang ulo ni Zen. "Babalik ako."
"Roger, Mabebs!" sabay-sabay na sigaw nila habang nakasaludo pa.
"Ouch, why did you push me?!"
Napatingin kami sa dalawang naglalampungan kanina ngunit ngayon ay nakaupo na ang babae sa sahig samantalang si Gio naman ay nakatayo.
"I don't need you anymore," aniya.
The woman's face turned ugly from anger. She stood up and slapped Gio on the face. "You're an asshole!"
Pinanood namin siyang lumakad palabas ng gymnasium.
"Why didn't you attend the practice?" His voice was cold and sharp, like icicles.
Taas-noo akong tumingin sa kaniya. "I have some things to do," sagot ko. Bumaling ako kay Shon. "Shon, how are you?" tanong ko kay Shon na may tapal ang pisngi. Sa lakas ng suntok kahapon ni Gio ay malamang nag-ube 'yon.
Ngumiti siya sa 'kin. "Ok lang ako, Mabebs. Naayos din namin kaagad ang problema kahapon."
Tumango ako. "That's good." Humarap ako kay Rex. "Don't forget to pass your projects tomorrow. Kailangan ko nang bumalik kasi may klase pa ako mamaya."
Mas lalo silang nalungkot nang magpaalam ako. Hindi ko na pinansin pa ang masamang tingin ni Gio at tuluyan na akong umalis ng gym. Hindi ko alam kung ano pa ang ikinagagalit niya sa 'kin. Kung hindi ko naman kailangan iabot 'yon kay Rex ay hindi ako pupunta ng gym.
"Isabelle."
Napatigil ako sa paglalakad nang madinig ang boses ni Gio.
Humarap ako sa kaniya. Napabuntong-hininga na lang ako. "What do you want, Dela Vega?"
"Are you going to quit?" Mariin ang tingin niya sa 'kin na para bang tumatagos ito hanggang sa 'king kaluluwa.
Ako na ang umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang tapatan ang intensidad ng titig niya. "What if I am?" Get a grip, Lian. Muli ko siyang tiningnan. "Hindi ba't 'yon naman ang gusto mo?"
He smirked at me. "So, you're weak after all?" Ipinamulsa niya ang kaniyang mga kamay. Mayabang ang kaniyang tingin sa 'kin na para bang nagmamalaki siya sa 'kin. "After all those fierce stares and annoying comebacks, you'll just quit in the end? I'm quite disappointed."
Kinuyom ko ang aking mga kamao. Is he provoking me? If he is, he's doing a good job at it.
I gave him a fake smile. "Did I say I'll quit, Dela Vega?" Lumapit ako sa kaniya hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan naming dalawa. Kinailangan kong tumingala dahil higit na mas matangkad siya sa 'kin. "I'm just taking a timeout. When I get back, you'll reap what you sow."
Tinalikuran ko na siya. Hinahamon niya ako. Hindi ko siya uurungan.
"I'm looking forward to it."
Muli akong humarap sa kaniya at ngumiti. "You'd better be."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com