Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12

Sin

"Tell me, Isabelle, may sakit ka ba talaga sa puso? Mukha ka namang malusog, ah?"

Pinisil niya ang aking brso at pisngi. Inikutan niya pa ako na parang kinikilatis ang aking katawan. Nakahawak pa siya sa kaniyang baba habang ginagawa 'yon. Seryosong-seryoso ang kaniyang mukha at nakakunot ang kaniyang noo.

Muli kong kinagat ang aking ibabang labi para pigilan ang aking pagtaw pero sa pagkakataong 'to ay hindi ko na talaga kaya. Humagalpak ako ng tawa. Napaupo pa ako habang hawak ang aking tiyan.

"What? Why are you laughing?" Tinapik niya ang ulo ko.

"G-gio! Niloloko lang kita, 'no! Wala akong sakit sa puso!" I looked up at him and laughed. "Sinabi ko lang 'yon para bagalan mo ang pagmamaneho. Literal na mamamatay ako sa nerbyos kung hindi ko 'yon ginawa."

Marahas siyang nagbuga ng hininga. Inihilamos niya ang kaniyang kamay sa mukha. Inihanda ko na ang sarili ko sa pagmumura niya pero imbis na gawin niya 'yon ay ginulo-gulo lang niya ang aking buhok. Yumukod pa talaga siya dahil naka-squat ako sa lupa.

Hinila niya ako patayo nang mapansin niyang hindi pa rin ako gumagalaw sa 'king pwesto. Nauna na siyang lumakad at naiwan naman akong nakahawak sa 'king ulo.

Nauna siyang naglakad ngunit tumakbo papunta sa kaniyang unahan. "Mahuli, pangit!" sigaw ko at tumakbong muli papasok sa loob ng bahay.

"Ano ka, elementary?" sigaw niya at hindi tumakbo papasok.

Napanguso ako. "Ang KJ mo!"

Nang makarating ako sa living room ay hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang laki ng bahay niya. Sa gitna ay may malaking staircase patungo sa second floor. Sa taas nito ay isang malaking portrait ng apat na tao. Sina Gio at Ashley 'yon kasama ang kanilang mga magulang.

Naramdaman kong may humawak sa 'king braso at dinala ako paakyat. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya habang inililibot ang tingin sa paligid.

Nang makarating kami sa second floor ay bumungad naman sa 'kin ang isang mahabang hallway. Kung hindi mo saulo itong bahay ay siguradong maliligaw ka. Dinala niya ako sa kanang bahagi ng bahay.

"Pupuntahan natin si Dad sa office niya para itanong kung ano pa ang kulang para sa surprise kay Ashley mamay," sagot niya habang hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa 'king braso.

Tumango-tango ako sa kaniya. "Eh, ang barkada? Nasaan na sila?"

"Nasa garden na sila. Wala namang ibang invited. Ayaw kasi ni Ashley na sobrang daming tao sa birthday niya. Ang gusto niya lang ay mga taong malapit sa kaniya."

Hindi na ako nagtanong pa hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pinto. Nakasulat sa gitna nito ang pangalan ng tatay niya. Si Mr. Gillermo Dela Vega. Hindi ko pa siya nami-meet in person pero nakita ko na siya sa mga TV at newspapers. Siguro sa kaniya namana ni Gio ang pagiging seryoso. Siguro matapang siya at perfectionist.

Pinagpapawisan na ang mga kamay ko sa kaba. Mas dumoble ito nang buksan ni Gio ang pinto. Hinila niya ako papasok sa loob. Nang makarating kami sa gitna ay bigla na lang akong natigilan nang biglang may dumamba kay Gio.

Napabitaw si Gio sa 'king braso at 'agad na itinulak ang dumamba sa kaniya palayo.

"Gio! Pa-kiss muna si Daddy!"

Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Gio at sa kaniyang ama. Si Mr. Gillermo ay nakangiti nang sobrang lapad at si Gio naman ay hindi maipinta ang mukha. Lumapit ito kay Gio at pilit siyang hinahalikan.

"Ano ba?! Lumayo ka nga sa 'kin!" Itinulak niya palayo ang mukha ng kaniyang ama.

"Ang damot! Dahil lang sa nagka-girlfriend ka, kinalimutan mo na ako!"

Nag-init ang aking pisngi nang tumingin sa 'kin si Mr. Gillermo. Umiwas ako ng tingin dahil nahihiya ako. Hindi ko inaakala na isa siya sa pinakanirerespeto at pinakakilala sa larangan ng business dito sa bansa. Ibang-iba siya sa nai-imagine ko. Madalas ko siyang makita sa TV at sa mga newspapers dahil sa mga achievements niya.

Bago pa niya tuluyang tanggapin na girlfriend ako ni Gio ay 'agad akong tumanggi. "Sir. Dela Vega, hindi niya po ako girlfriend. Manager lang po nila ako sa basketball." Inilahad ko ang aking kamay. "Lian Isabelle Solis po."

"Tito na lang, hija!" Tinanggap niya ang aking kamay at ngumiti. "Anak ka ba ni Andrew Solis?"

Tumango ako. "Opo."

Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "Sinasabi ko na ng aba! Hindi na ako nagtaka kung bakit ang ganda mo!" Hinawakan niyang muli ang aking kamay. "Matalik kong kaibigan ang iyong ama at ina. Nagkita kami sa France no'ng isang araw lang. Hindi ko inaakala na magkaibigan pala kayo ni Gio."

"Hell, no!" sabay na sigaw naming ni Gio. Nagkatinginan kami at inirapan ang isa't-isa.

Tumawa si Mr. Gillermo. "Ano nga palang dahilan at napunta kayo rito?" tanong niya. Lumapit siya sa kaniyang swivel chair at umupo. Inalis niya ang suot niyang salamin at ipinatong sa lamesa.

"Itatanong ko kung ano pa bang kulang para sa surprise birthday party ni Ash mamay," sagot ni Gio. "Kung may kulang pa, kami na ni Isabelle ang bahala."

Binuklat ni Mr. Gillermo ang maliit na notebook sa kaniyang harapan. "Sa tingin ko ay ok na naman ang lahat. Naka-set up na lahat ng kailangan sa garden. Ang mga katiwala na lang ang bahala sa mga pagkain para mamaya," aniya. "Your friends are already doing the final touches. You can see for yourselves."

"Alright." Muli niya akong hinawakan ngunit imbis na sa braso ay sa kamay na.

Hindi ko na nagawa pang magreklamo dahil hinila na niya ako palabas ng opisina. Binitawan niya lang ako nang makababa na kami sa hagdan. Sinundan ko lang siya patungo sa garden kung nasaan ang buong barkada.

Naabutan namin silang nagbabatuhan ng maliliit na lobo. Gaya nang sinabi ni Mr. Gillermo ay nakaayos na lahat. Kaunti na lang ay matatapos na sila sa pagde-design. Napangiti na lang ako dahil nakakalat sa damuhan ang pink at violey na lobo. Sa gitna ay may nakalagay na maliit na platform. Ang background nito ay kulay pink at may nakalagay na pagbati para kay Ashley.

Bukod sa mga nakakalat na lobo ay nakasabit sa puno ang mga Christmas lights. May mahabang lamesa sa gilid kung saan ilalagay ang mga pagkain. Sa kabilang gilid naman ay isang lamesa kung saan nakapatong ang mga regalo.

"Mabebs!" sigaw nila nang makita nila kaming lumabas mula sa back door.

Sabay-sabay silang lumapit.

"Akala naming hindi ka pupunta," sabi ni Owen.

"Pinilit lang talaga ako ng tukmol na 'yon." Itinuro ko si Gio na binubuhat ang isang one-sitter couch papunta sa ibabaw ng platform.

"Gusto ni Ash na makita ka ulit, eh," sabi naman ni Shon.

"Mabebs." Tumingin ako kay Zen at natawa nang makitang puro drawing ang kaniyang mukha. "Bakit ka tumatawa?"

Tiningnan ko ang mga loko-loko niyang kaibigan pero parang ipinapahiwatig nila sa 'king 'wag kong sasabihin kay Zen kung ano'ng ginawa nila. Ano naman bang klaseng trip ang ginawa nila kay Zen?

"Wala naman. Masaya lang ako na nakita kita," sagot ko. Pinisil ko ang kaniyang pisngi at mas laong kumalat ang tinta sa kaniyang mukha. "Ang cute mo talaga, Zen!"

Ngumisi siya at mas lalo akong natawa nang makitang may itim din siya sa kaniyang ngipin. "Mabebs, 'wag mo nga akong bolahin! Kinikilig ako!"

Hinawakan ko siya sa balikat at tinapik-tapik ito. Lumakad na ako palayo bago pa ako matawa nang tuluyan. Hindi ko na talaga kinakaya ang mga trip nila sa buhay. Hindi ko na rin alam kung maaawa o matatawa ako kay Zen dahil palaging siya ang pinagti-trip-an ng mga kaibigan niya.

Nilapitan ko si Gio na inaayos ang maliit na stage para kay Ashley.

"Nasulatan mo na ba 'yung journal na ibibigay mo kay Ashley?"

Idinikit niya ang lobong hugis puso sa background. "Yeah," sagot niya. Humarap siya sa 'kin. "Bakit ang pula ng mukha mo? May sakit ka ba?" Hinawakan niya ang aking noo.

Tinabig ko ang kaniyang kamay. "Wala. Pinipigil ko kasing matawa dahil sa itsura ni Zen."

Sumulip siya sa 'king likod at tiningnan si Zen. He smirked. "Those idiots." Umiling siya.

"Mabebs!" Tumakbo palapit sa 'kin si Zen habang umiiyak. "Mabebs, alam mong ganito 'yong mukha ko pero kinampihan mo sila!" sigaw niya habang hawak ang salamin.

Tinapik ko ang ulo niya. "I'm sorry, Zen. Nakakatawa kasi talaga, eh." Tuluyan na akong natawa dahil habang tumatagal na nakikita ko ang mukha niya, nahihirapan akong pigilan ang pagtawa ko.

Hindi ko na alam kung ilang beses akong natawa ngayong araw dahil sa kalokohan nilang lahat. Ngayong sama-sama sila ay mas lalomg magulo. Akala ko noon, puro babae ang inaatupag nila pero nagkamali ako. Hindi talag sila gano'ng kasama gaya nang inaakala ko. Hindi ko rin inaasahan na makakasunod ko sila nang ganito.

"Ano ba'ng nangyari? Bakit puro drawing ang mukha ni Zen? May dark chocolate pa siya sa ngipin."

"Tulog kasi nang tulog habang abala kami sa pag-aayos," sabi ni Jin at bahagyang binatukan si Zen. "Ilang beses namin siyang tinawag pero hindi niya kami pinapansin. No'ng makatulog siya, binawian namin siya."

"Palagi niyo na lang pinagtutulungan!" reklamo ni Zen. "You're gonna miss me when I'm gone! When I'm gone!" sigaw niyang muli. Ginawa niyang tula ang lyrics ng isang kanta.

Lumapit sa kaniya ang mga tukmol at binigyan siya ng tig-iisang batok. Kaya siguro dumoble ang kabaliwan ni Zen dahil palagi nilang binabatukan.

"Nasaan si Gio?" tanong ni Adam.

Tumingin ako sa likod ko pero hindi ko nakita si Gio.

"Pumasok siya sa loob," sagot ni Carl.

Umupo kaming lahat sa bermuda grass. Gumawa kami ng bulog para magkakaharap kami. Matagal pa naman bago magsimula ang party kaya gagawin na lang namin 'tong pangpalipas ng oras.

"Guys." Napatingin kaming lahat kay Shon. Nakatungo siya habang nilalaro ang kaniyang mga daliri. "May malaki akong kasalanan kay Boss."

"Ano'ng ibig mong sabihin, pre?" tanong ni Jin. "Alam mo namang mahirap kaaway si Boss. Hindi siya nananakit physically pero masakit siya magsalita. Kapag nagalit siya sa 'yo ashan mong aabutin ng ilang taon bago ka niya mapatawad."

Binatukan ni Adam si Jin. "Shut up, dude. You're not helping him," aniya. "Ano'ng ginawa mo, Shon? Kung alam mo sa sarili mong sobrang tindi nang nagawa mo, kung ako sa 'yo, mangingibang bansa na ako. Magpapakalayo-layo–"

Sinuntok naman ni Luis ang tagiliran ni Adam. "Mas lalo mol ang pinalala, eh!" Humarap siya kay Shon. "Shon, kung anoman ang gianwa mo, mag-empake ka na."

Dahil katabi ko si Luis, ako na ang bumatok sa kaniya. "Mababaliw ako sa inyo!" Napahawak ako sa aking noo. "Labing dalawa kayo pero nagsasalo-salo kayo sa iisang brain cell!"

Tumingin ako kay Shon na imbis na matawa sa kalokohan ng mga kaibigan niya ay mukhang mas lalong kinabahan. Nanatili siyang nakatungo habang nakatingin sa mga daliri niyang kanina pa niya pinaglalaruan.

"Shon." Tinawag ko siya. Nag-angat isya ng tingin sa 'kin. "Don't be afraid. Tell us what's bothering you."

Matagal siyang tumitig sa 'kin. Nanginig ang kaniyang ibabang labi. "I..."–ilang beses siyang lumunok–"...I courted Ashley without Gio knowing."

Nahugot namin ang aming hininga nang madinig ang kaniyang sinabi. I don't know how protective Gio is but based on the way he prepared for all of these means he loves his sister so much. If he finds out about this, he'll definitely get mad.

"Dude, ba't mo ginawa 'yon?" tanong ni Erzo. "Kung sinabi mo'agad kay Boss baka sakaling napatawad ka pa niya. Pero ngayon? Ano'ng idadahilan mo?"

"Erzo." I gave him a look. He looked away like a kicked puppy. "Girlfriend mo na ba siya ngayon?"

Dahan-dahang tumango si Shon. "She said yes to me yesterday," aniya. "I was planning on telling Gio about this but I'm too scared. Paano kung paghiwalayin niya kami?"

Tiningnan ko silang lahat. Lahat sila ay nakatungo at mukhang problemado. Hindi ko pa gano'ng kilala si Gio kaya hindi ko magawang sagutin si Shon. Magagawa ba niyang paghiwalayin sina Shon at Ashley kahit alam niyang masasaktan si Ashley kapag ginawa niya 'yon?

I heaved out a deep sigh. "Shon, do you trust Gio?"

Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango. "Oo naman. Malaki ang tiwala ko sa kaniya."

"Kung gano'n, 'wag kang mag-alala. Hindi si Gio 'yong tipo na hahayaang masaktan ang kapatid niya maihiwalay lang sa 'yo." Ngumiti ako sa kaniya. "Dapat nga ay matuwa pa siya dahil ikaw ang nakabihag sa puso ni Ashley. Kung saktan mo man ang kapatid niya, madali para sa kaniyang saktan ka."

Tumawa si Shon. "Puso ko ang nabihag ni Ashley, Mabebs," nakangiting sabi niya. "Kung alam niyo lang kung gano'ng pagpigil ang ginawa ko pero hindi ko talaga kaya. Ang pagkakamali ko lang ay inilihim ko kay Boss ang lahat."

We heard something cracked. Sabay-sabay kaming lumingon. Kinilabutan ako nang makita si Gio na nakahawak sa kaniyang kamao habang masama ang tingin kay Shon.

"Say that again, you piece of shit."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com