Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

An Eye for an Eye

"You failed to answer all the exercises, Ms. Solis," sabi ni Mr. Olivares habang nakatingin sa workbook. Binuklat niya ang ibang page at nakarating sa isang page na wala pang sagot. Itinaas niya ang kaniyang suot na salamin. "I don't have a choice but to drop you off my class."

Nanlamig ang buo kong katawan. "B-but, Sir, please, bigyan niyo po ako ng isa pang pagkakataon–"

He shook his head. He closed the workbook and slid it to the other side of the table. "I'm sorry, Ms. Solis. You have to retake this subject next semester."

"Start na po ng demo teaching ko next semester. Hindi ko po–"

Hindi na naman niya ako pinatapos sa pagsasalita. "Hindi ko na problema 'yon. Kung hindi ka nag-skip sa klase ko ay hindi mangyayari 'to."

Kinuyom ko ang aking kamao. "Once. I only did it once!" Tiningnan niya lang ako. Nanggigigil ako sa galit. "Kung ibabagsak mo lang din pala ako, dapat noon ko pa ginawa 'to!"

Itinaas ko ang aking kamao at dinala ito patungo sa kaniyang pisngi.

"Isabelle!"

My eyes shot up when I felt myself falling. Hindi ko na nagawa pang pigilan ang aking katawan at napapikit na lang nang tumama ang aking pang-upo sa sahig.

I groaned. Nakatulog na ako habang nakaupo sa swivel chair at nakasubsob sa study table. Akala ko'y totoong sinuntok ko si Mr. Olivares. Mabuti na lang panaginip lang lahat dahil kung hindi, mas lalo akong mapapahamak.

"You up?"

Tumingala ako. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Gio na nakatingin sa 'kin. Dali-dali akong tumayo para kuhanin ang aking cellphone.

"Fuck!" sigaw ko.

I missed my classes! Wala man lang gumising sa 'kin?! Tiningnan ko ang kama ni Tamara pero wala na siya roon. Mas maaga nga pala ang klase niya sa 'kin kaya hindi niya ako ginigising bago siya umalis.

Tumingin naman ako kay Gio na prenteng nakaupo sa gilid ng aking kama. "Ano na namang ginagawa mo rito? Paano ka na naman nakapasok?" Namimihasa na siyang pumapasok na lang basta sa dorm namin. Hindi basta-basta nagpapapasok ang caretaker nito lalo kapag lalake ang papasok pero mukhang nahulog ito sa charms ni Gio.

"Your friends let me in," sagot niya.

Again? Makukutusan ko na talaga ang mga 'yon!

"Ano ba kasing ginagawa mo rito, ha?" Umupo ako sa swivel chair.

"It's Ashley's birthday today. May surprise birthday party kami para sa kaniya mamaya kaya bumangon ka na riyan at tulungan mo kaming mag-asikaso para may pakinabang ka naman." Hinawakan niya ang aking braso at pilit akong itinayo.

Binawi ko naman ang aking kamay sa pagkakahawak niya. "Sino'ng may sabing sasama ako? Bakit kailangan ko pang sumama?"

Muli akong umupo sa swivel chair at humalukipkip. Nakakatamad naman, eh. Miski may pagkain pa 'yan, basta ayoko. Wala ako sa mood at pinoproblema ko pa rin ang mga sasagutan ko dahil sa tukmol na 'to.

"Kailangang nando'n ka dahil gusto ka ulit makita ni Ashley."

Inirapan ko siya. "Ayoko pa rin! Nang dahil sa 'yo, pinasagutan ni Mr. Olivares 'yung buong workbook sa Math! Sabihin mo nga? Paano ko matatapos 'yon? Hanggang ngayon na lang 'yon!" Kulang na lang ay magpapadyak ako sa sahig dahil sa sobrang inis. "Kapag ibinagsak ako ni Mr. Olivares, patay ako kina Mommy at Daddy!"

Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon ng parents ko ay naiiyak na ako. Ayokong ma-disappoint sila sa 'kin. Gusto kong patunayan sa kanila na kahit kinuha ko ang kursong gusto ko at taliwas sa gusto nila ay magagawa kong maging successful.

"Ako na ang bahala sa workbook mo," May kinuha siyang kung ano sa sports bag niya. "I have Rex's workbook. May sagot na lahat 'yan." Inihagis niya 'yon sa 'kin.

Nang buklatin ko ang workbook ay may sagot na nga lahat. "Paano niya nasagutan lahat 'to?"

"He may look like an idiot but he's good at Math," aniya. "He got the same punishment as you."

Para akong nanalo sa lotto habang nakatingin sa workbook ni Rex. Kailangan kong pasalamatan si Rex para rito.

"So, are you coming?"

Ngumuso ako. "Tinatamad pa rin ako."

Ngayong alam ko na kung paano ko masasagutan ang workbook ko, puwede na akong magsimulang mangopya. Puwede na rin akong matulog na walang pinoproblema!

"Gusto ka ngang makita ni Ash." Nakita ko sa kaniyang ekspresyon na naiinis na siya.

"Bakit niya ba ako gustong makita?" Hindi naman kami ganoong ka-close. At isa pa, nakakahiya namang makisali pa roon.

"I don't know!" Kunot-noong sabi niya. "Can you just shut the fuck up and come with me? Kasama ka rin sa pagbili ng regalo para sa kaniya at ikaw ang nag-design. I can't take all the credits."

Tumayo siya at nilapitan ako. Napasigaw na lang ako nang buhatin niya ako. Isinampay niya ako sa kaniyang balikat na walang kahirap-hirap. Ba't ba ang hilig niyang mangbuhat?!

"H-hoy, Mamaw! Ibaba mo nga ako!" Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa kahihiyan.

"Ang bagal mo kasing kumilos kaya ako na ang gagawa ng paraan para mapabilis."

Dinala niya ako sa loob ng banyo at ibinaba ako sa tapat ng shower. Napasigaw na lang ako nang buksan niya ito. Tiningnan ko siya nang masama pero nginisan lang niya ako. Umatras siya patungo sa pinto at sumandal sa amba ng pintuan.

I gritted my teeth. "Lumabas ka rito, Dela Vega!" sigaw ko. "Tingnan mo ang ginawa mo sa 'kin!"

"I'm already looking, Isabelle." He laughed. "Be quick. Baka gusto mong paliguan pa kita?"

Kahit na malamig ang tubig na nanggagaling sa shower ay ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha dahil sa kaniyang sinabi. He's a player! He's good with words! Self, kapit! H'wag kang kakalampag!

"Manyak! Labas!"

Pinagbabato ko sa kaniya ang shampoo, sabon, tabo at lahat ng puwedeng maabot ng kamay ko. Kung puwede lang ibato sa kaniya ang inidoro ay nagawa ko na. Sapul sa mukha, para masaya! Nakakainis! Pero imbis na magalit siya dahil binabato ko siya ay tawa pa siya nang tawa hanggang sa makalabas siya ng pinto.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay pabagsak kong sinara ang pinto. Hinubad ko na ang suot kong t-shirt. Ang lakas talaga ng trip ng lalakeng 'yon! Buksan ba naman ang shower kahit nakadamit pa ako?!

So, dapat nakahubad na bago buksan ang shower?

Ay, leche! Saan nanggaling 'yon? Mas nilaksan ko ang shower para tumama sa ulo ko. Huhubadin ko na sana lahat ng suot ko pero muling bumukas ang pinto.

"Last peek!"

Nanlaki ang aking mga mata. 'Agad kong kinuha 'yung timba kaso nang ibato ko ay sa pinto na lang tumama. Asar! Lagot siya sa 'kin kapag nakalabas ako rito! Nahawaan na siya ng kakulitan ng mga kabarkada niya. Hindi ko akalain na may ganitong side siya. Akala ko'y puro pagseseryoso lang ang alam niyang gawin.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala na si Gio sa loob ng kwarto. Siguro'y sa waiting area sa baba siya naghihintay kaya pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako kaagad. Hindi naman ako nagkamali. Nakaupo siya sa couch habang abala sa pagpindot sa kaniyang cellphone.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi niya ako makikita. Lumapit ako sa kaniyang tainga at bumulong. "Anong ginagawa mo riyan?"

"Shit!" Naihagis niya pataas ang kaniyang cellphone at bago pa 'yon bumagsak sa sahig ay nasalo niya.

Humagalpak ako ng tawa at paulit-ulit sa 'king isipan ang itsura niya nang magulat siya. Napaupo ako sa sahig sa sobrang pagtawa. Hawak ko ang aking tiyan dahil sumasakit na ito. "G-gio! You should have seen your face! Walang tatalo! Ikaw na!"

Ang nakakatawa pa nito, pagkatapos niyang masalo ang cellphone niya ay pumorma siya na parang magka-karate. Kung kaya ko lang, nakuhanan ko na siya ng picture at ipo-post ko sa social media para mas masaya.

"Tapos ka nang tumawa?" Masama ang tingin niya sa 'kin na parang gusto niya akong sakalin.

Itinaas ko ang aking kanang kamay. "W-wait! Hindi ako maka-get over, eh!" Tumayo na ako at kumapit sa couch. Ang kaliwang kamay ko ay nakahawak sa 'king tiyan. I just laughed so hard I think I need to poop.

"Shut up or else I'll carry you again and embarrass you in front of many people."

Wala pang ilang segundo ay nagbago na 'agad ang ekspresyon sa 'king mukha. From laughing so hard to poker face. Ayokong mapahiya sa harap ng madaming tao. Napairap na lang ako sa kawalan.

"Tara na nga! Pikon!"

Hindi na siya nagsalita at sumunod na lang. Napikon nga yata. Pagkasakay namin sa kaniyang sasakyan ay wala pa rin siyang imik. Ako naman ay pinipigilan na matawa ulit dahil paulit-ulit sa 'king isipan ang itsura niya kanina.

Nang makaalis kami sa school at nakarating sa highway, bigla niyang tinapakan ng ilang beses ang gas na para bang inihahanda ang kaniyang sarili. May kaunting ngisi sa kaniyang labi habang ang kaniyang mga mata ay seryosong nakatingin sa unahan. Para siyang naghahanda para sa isang race.

Bigla akong kinabahan dahil alam kong may binabalak siyang hindi maganda.

"G-gio, bagalan mo lang 'yung pagpapatakbo, ha?" Nag-peace sign ako sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Bagkus ay ngumiti lang siya ng mapang-asar.

Lord, ngayon pa lang po ay sinasabi ko na sa Inyo, kayo na po ang bahala sa 'kin. Gabayan niyo po ako. Ayoko pa pong mamatay. Marami pa po akong pangarap sa buhay nag us–

Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang madinig ko ang pagtawa ni Gio.

"What the hell? Anong ginagawa mo, Isabelle? Magmamadre ka ba?"

Napanguso na lang ako. Inalis ko ang nakadaop kong palad. Nakapikit pa ako habang nagdadasal. Ayoko pang mamatay, eh! Para kasing gusto niyang i-full speed ang takbo ng sasakyan niya!

"Nagdadasal lang ako! Baka mamaya patayin mo ako sa nerbyos!"

Napailing na lang siya habang nakangisi. Siguro ganti niya 'to dahil sa ginawa ko sa kaniya kanina.

Sa huli, wala na akong nagawa kundi ang maghintay na lang sa balak niyang gawin pero unti-unti akong nakahinga nang maluwag nang smooth at steady pa rin ang pagpapatakbo niya. Sumandal ako sa upuan at nag-relax. Mukhang wala naman siyang balak na–

"Gio Andrei Dela Vega!" sigaw ko nang bigla niyang patakbuhin ng mabilis ang kaniyang kotse. "Slow down! Balak mo ba akong patayin?!" Kumapit ako nang mahigpit sa 'king upuan at pumikit nang mariin.

"I'm just getting my revenge for what you did to me earlier!" He laughed.

"This is too much!" sigaw ko. "Gusto mo ba akong mamatay dahil sa sakit sa puso?"

Bigla siyang nagpreno. Kung hindi ako naka-seatbelt ay baka naumpog na ako sa dashboard ng kaniyang sasakyan. Ano namang problema niya ngayon? Balak ba talaga niya akong patayin?!

"M-may sakit ka sa puso?" Nanlalaki ang kaniyang mga mata at kitang-kita rito ang pagpa-panic.

Napanganga na lang ako dahil sa kaniyang sinabi. Kaagad kong kinagat ang aking ibabang labi parang pigilan ang sarili ko sa pagtawa. May pagka-engot din pala 'tong si Gio. Maniwala ba naman do'n? He's really an idiot! Naniniwala na talaga ko na birds with same feather, flock together! They're all idiots!

"O-oo. Ayoko lang sabihin sa ibang tao dahil ayokong kinakaawaan ako. Buti na lang hindi ako inaatake sa mga ganitong sitwasyon kaya maswerte pa rin talaga ako." Gustong-gusto kong tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko pa siyang lokohin.

"Are you an idiot? Why didn't you tell me sooner? Will you live longer?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inalog-alog ako.

"Ikaw ang idiot! Paano ako saagot kung inaalog-alog mo pa 'yung balikat ko?"

Inalis niya ang kaniyang mga kamay sa balikat ko. "Pero seryoso, malala na ba talaga 'yan?"

"Malala na 'to, Gio, kaya ginagawa ko na lahat ng puwede kong gawin. Hindi man halata sa 'kin pero may mga oras na nahihirapan na rin ako." Kunwari pang nangilid ang aking luha. Puwede na akong maging artista. Kinabog ko si Ate V!

I saw how the color drained from his face. I suddenly felt guilty for fooling him like this but I'm enjoying this more than I should.

He sighed. "Alright, I'll drive slower."

Gaya nang sinabi niya, binagalan nga niya ang pagmamaneho. Tumingin ako sa labas ng bintana para pigilan ang aking pagngiti. Oh, shit, this is so much fun. Pero lagot ako mamaya kapag sinabi kong hindi totoo ang mga sinabi ko.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay awtomatikong nagbukas ang gate. Napanganga na lang ako sa sobrang laki ng lupain nila. Pagkarating namin sa harap ng bahay ay bumaba na kami sa kaniyang kotse.

"Tell me, Isabelle, may sakit ka ba talaga sa puso? Mukha ka namang malusog, ah?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com