Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10

Punishment

Sino'ng mag-aakala na dadating sa punto na hindi ko kailangan mamilit para lang mapapunta ang basketball team sa practice? Hindi lang 'yon, sila ang nagkukusa. Ang magplano ng practice game ay isang desisyon na hinding-hindi ko pinagsisihan dahil ito ang naging bunga.

"After 2 whole sets, let's focus on your agility," sabi ko habang nakatingin sa 'king notebook.

Malakas sila pero dahil sa kakulangan sa training, napansin kong kulang sila sa bilis. We should focus on that too other than strengthening their bodies.

Naramdaman ko ang presensya ng kung sino sa 'king harapan. Nang tumingala ako ay si Gio pala. Pawis na pawis siya at nakahubad na ang kaniyang jersey. Napalunok ako ng wala sa oras.

"Let me see your notes," aniya habang nakalahad ang kamay.

Walang imik ko namang ibinigay sa kaniya ang notebook ko.

I saw him scanned the whole page. It's the drill for this day. Bawat araw ay may kaniya-kaniyang page at iba't-ibang klase ng drills. Bawat araw ay may menu rin ng mga kakainin nila before and after ng practice.

"Where did you get all these?" tanong niya.

Kinamot ko ang aking batok. "Research," sagot ko. "I researched a lot about training so I can help even just a little." Bigla akong nahiya dahil baka mali ang mga isinulat ko kahit na approved na naman ito ni coach.

"It's balanced," aniya. "We'll use this for the training."

Ibinalik na niya sa 'kin ang notebook.

"Don't you have class?" tanong niya.

"I skipped the last one," sagot ko.

Tinamad akong pumasok sa klase ni Mr. Olivares kaya dumeretso na ako rito. Dalawang oras ang klase ko roon kaya mahahagip ang start ng afternoon training. Kaysa ma-late sa training ay hindi na muna ako pumasok.

Hindi na siya sumagot at ipinagpatuloy na niya ang training. Natulala na lang ako. Why is he acting so tamed? Parang noong isang araw lang ay halos patayin niya ako sa kaniyang tingin.

Mas lumapit ako sa kanila para mapanood sila nang maayos. They're doing squats now. Isa 'yon sa lower body workout na kailangan nilang gawin para ngayong araw. They have to do two sets. Sa isang set ay may pitong klase ng exercise. Kailangan nilang ulitin lahat 'yon ng dalawang beses. Sa agility training naman, pipili sila ng tatlong klase ng exercise at kailangan nilang gawin 'yon ng 20 seconds each drill.

"Shit, I don't feel my legs anymore," sabi ni Jin habang nakahiga sa sahig.

Lumapit ako sa kaniya at naglapag ng tubig sa tabi ng mukha niya.

"Thanks, Mabebs!" Umupo siya at kinuha ang bote ng tubig.

"You lack glycogen, Jin," sabi ni Adam.

"Glycogen?" tanong ko.

"It's some chemical shit that's stored in our liver and muscles," sagot ni Luis. "It's like a source of energy. The more glycogen in our body, the more we can sprint, jump and run. If it runs low, our energy depletes."

Kinuha ko ang aking ballpen at isinulat ang sinabi niya. "Ano'ng puwedeng gawin or kainin para ma-replenish 'yon?"

"High-carbohydrate foods," sagot naman ni Gio. Nakatali ang buhok niya sa unahan kaya nakikita ko ang kaniyang noo. "The diet plan you're providing us is enough to restore the nutrients we need."

"Ang ibig sabihin, approved ka na kay Gio," nakangising sabi ni Rex.

Nakatanggap naman siya ng malakas na batok mula kay Gio. "Shut up. You haven't finished the sets yet."

Sumimangot si Rex. "Si Zen din naman, ah!"

Napatingin kaming lahat kay Zen na nakahiga na sa sahig at nakapikit.

"Hoy! Buhay pa ba 'yan?" tanong ni Bogs.

Nilapitan naming lahat si Zen. Nakapalibot kami sa kaniya. Pinapanood namin ang kaniyang paghinga. Nang bumuntong-hininga siya ay kaagad akong nabuhayan. Akala ko'y may masama nang nangyari sa kaniya.

Umupo si Erzo sa tabi ni Zen. Itinaas niya ang kaniyang kamay at pabagsak itong ibinaba sa noo ni Zen.

Mabilis pa sa alas kwatrong bumangon si Zen. "Aray!" sigaw niya. "Sino 'yon?!"

Lumingon-lingon siya sa paligid pero wala siyang makitang salarin dahil bumalik na kami 'agad sa aming ginagawa. Tumalikod pa ako para hindi niya makitang natatawa na ako. Ayoko ring humarap dahil makikita ko 'yung bakas ng palad ni Erzo sa noo ni Zen.

"Zen, isang set ka pa," sabi ni Gio habang nakapoker face. 

Paano niya nagagawang magpakita ng straight face kahit na sobrang nakakatawa 'yung ginawa ni Erzo? Siguro naman tumatawa siya mentally? Ang hirap naman no'n!

Zen groaned. "Okay, boss."

Natapos ang afternoon practice nang walang nagiging problema. Gaya nang palagi kong ginagawa, bago pa sila matapos ay nakahanda na ang kanilang kakainin.

"Si Mabebs na talaga ang pinaka-the best na naging manager natin," sabi ni Owen.

Napairap naman ako sa kawalan. "Bolero!"

"Totoo 'yon!" sabi naman ni Carl. "Mas magaling ka kay Jessy kasi... hindi niya..."–nag-fade ang boses ni Carl nang biglang tumahimik ang mga kasama niya–"Anyways, the best ka, Mabebs!" Tumawa siya na parang ninenerbiyos.

Isa-isa ko silang tiningnan. Biglang tumaas ang tensyon sa paligid. Mukha silang natatakot. Tumingin ako kay Gio na nasa tabi ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang mahigpit ang hawak niya sa bote na halos mapirat na ito.

I wanted to lift the mood but I don't know how.

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Bigla kong naisip ang pagpunta namin sa mall.

"Guys!" Kinuha ko ang kanilang atensyon. "Alam niyo ba kahapon nagpasama sa 'kin si Gio na magpuntang...mall..." Nag-fade rin ang boses ko nang makaramdam ako ng masamang aura sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumingon kay Gio. He's smirking but his eyes were scary!

"What are you trying to say, Isabelle?"

Kinilabutan ako nang tawagin niya ako sa 'king second name.

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Gusto kong i-kwento sa kanila na nagpasama ka sa 'kin kahapon para ibili ng regalo ang kapatid."

"Talaga?!" sigaw ni Bogs.

"Boss, akala ko ba ayaw mo kay Mabebs?" tanong ni Shon.

Tumingin nang masama sa kanila si Gio. Dahil do'n, hindi na sila muling nagsalita.

"Bakit ayaw mong ipalam sa kanila na magkasama tayo kahapon? Nahihiya ka?" Nginisian ko siya. "Oh! Ayaw mong ipaalam na namomroblema ka para sa regalo ng little sister mo. Pwede rin naman–what? What will you do?"

Bigla siyang tumayo at humarap sa 'kin. Napasigaw na lang ako nang bigla niya akong binuhat na parang isang sako ng bigas.

"Put me down! Saan mo ako dadalhin?" Tumingin ako sa labing dalawang ulupong na naiwan. "Hindi niyo ba ako tutulungan?!"

Nag-peace sign lang sila sa 'kin.

"Lagot kayo sa 'kin bukas!" sigaw ko hanggang sa mawala na sila sa field of vision ko dahil nailabas na ako ni Gio sa gym. "Saan mo ako dadalhin, mamaw ka?!"

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hindi ko rin alam kung saan niya ako dadalhin dahil ang tanging nakikita ko lang ay ang likod niya.

Naramdaman ko ang pagbaligtad ng aking paningin nang ibaba niya ako sa lupa ngunit imbis na lupa ang aking tinatapakan ay tiles ng classroom. Napakunot ang aking noo. Dahan-dahan akong tumunghay at bumungad sa 'kin ang pilit na ngiti ni Mr. Olivares.

Saglit akong tumingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Tapos na 'yung klase ko sa kaniya. Ibig sabihin nasa ibang klase kami!

"Good afternoon, Sir. Nahuli ko nga po pala si Isabelle kanina na nag-cutting sa class niyo." Ngumiti siya nang sobrang lapad.

Shit!

Tumingin nang masama sa 'kin si Mr. Olivares. "Maraming Salamat, Mr. Dela Vega."

"You're welcome, Sir." Muli siyang ngumisi sa 'kin. "Ah, Isabelle, 'wag ka na ulit magka-cut class, ha? Masama 'yon." He winked at me before he left the room.

Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa 'kin samantalang ginagawa lang naman nilang dahilan ang practice noon para lang makapag-cut class sila. Nagawa niya pa akong asarin na unang beses lang nag-cutting?!

Sa pagkakataong ito, gusto ko na lang na malamon ako ng lupa. Lahat ng estudyante sa room ay nakatingin sa 'kin. Bukod sa nahihiya, nanginginig din ako sa inis para kay Gio!

"Ms. Solis." Dumeretso ako ng tayo. "You'll be a future educator. You know the responsibility of being one. Cutting class is not good for your image."

Napatungo ako. "I'm sorry, Sir."

Kilala ako ng mga professor na may magandang grade at magandang reputasyon dito sa school. Sobra nila akong maalagaan at magabayan pagdating sa pag-aaral dahil kung sakaling makapasa ako sa exam, madadala ko ang pangalan ng aming school. Strikto sila sa lahat ng EDUC (Education) pero mas doble ang pagiging strikto nila sa 'kin.

"Now, Ms. Solis, for your punishment, sasagutan mo ang workbook natin sa Math."

Sus! Sasagutan lang naman pala, eh! Easy!

"Ano pong page?" tanong ko. Kayang-kaya kong gawin 'yon pagkauwi.

"Answer all the exercises in the workbook and the submission will be tomorrow."

"Pero, Sir–"

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang muling magsalita si Mr. Olivares.

"Wala ka nang magagawa, Ms. Solis. Kapag hindi mo naipasa 'yan bukas, sisiguraduhin kong babagsak ka sa subject kong 'to."

Nanghina ako sa kaniyang sinabi. Wala na akong nagawa kundi ang lumabas na lang sa classroom. Bukas na kaagad ang pasahan. Iilang page pa lang ang nasasagutan ko sa workbook. Paano na ako nito? Pinakaayaw ko pa namang subject ay Math. Kasalanan 'to ng Gio na 'yon, eh. May araw rin siya sa 'kin!

Dumeretso ako sa library para masimulan ko na ang pagsasagot. Ayoko namang istorbohin si Tamara dahil alam kong stressed na rin siya sa aralin niya. Kahit na siya ang pinakamagaling sa 'min sa Math, hindi ko siya maaabala. 

Nang pumatak ang alas singko ay lumabas na ako sa library. Hindi na ako dumaan sa tambayan nila dahil baka kapag nakita ko si Gio ay mapatay ko pa! Nang dahil sa kaniya, pinasagutan ni Mr. Olivares ang buong workbook! Ayos lang sana kung English, eh. Pero Math! Paano ko tatapusin 'yon hanggang bukas? Isang assignment pa nga lang, hirap na hirap na ako, eh. Isang workbook pa kaya?

Nanlulumo akong naglakad palabas. Sakto namang dumating na ang tatlo.

"How am I supposed to finish this workbook?" Itinaas ko ang workbook na hawak ko. Kundi lang kailangan sagutan 'to, sinunog ko na 'to!

"No idea, Lizzy. Sagutan mo na lang magdamag at 'wag mong tigilan hanggang sa matapos mo." A smart-ass reply from Yvonne.

Napairap ako sa kawalan. Payo ba 'yon o nang-aasar lang talaga siya?

"Kaya mo 'yan, Lian!" sabi naman ni Jelyn na abala sa pagse-cellphone niya.

"Yes, you can do it!" sabi naman ni Tamara.

Sa sobrang supportive ng mga kaibigan ko, gusto ko na lang maiyak. 

Ano na ngayon ang gagawin ko? Kanino ako magpapatulong? Sino ang puwede kong gayahan? What have I done wrong? Wait, alam ko ang sagot d'yan. Maling-mali na nakilala ko ang hinayupak na Gio na 'yon! Dahil sa kalokohan niya, nagsa-suffer ako nang ganito!

Nakarating na kami sa dorm pero namomroblema pa rin ako sa workbook ko. Wala na rin naman akong magagawa kundi ang sagutan ito kaysa naman bumagsak ako. Last year ko na 'to, kailangan kong maka-graduate!

Dali-dali akong nagbihis at nagtungo sa study table para masimulan ko na ang pagsasagot. Pagbuklat ko pa lang sa page kung saan ako magsisimula ay parang magsho-shot circuit na ang utak ko. Dumukmo ako sa lamesa. I'm dead.

Labag man sa loob ko ay kinuha ko ang lapis at papel para magsagot. Kailangan kong gumamit nito dahil wala akong tiwala sa sarili ko. Bago ko ilipat sa workbook ay kailangang sigurado ako na tama ang sagot ko.

Sinimulan ko na ang pagsasagot. Hindi ko na namalayan ang oras. Paminsan-minsan ay gusto ko na lang iumpog ang ulo ko sa lamesa sa sobrang hirap ng mga problem na kailangan i-solve. Sa pagkakataong 'to, isinusumpa ko na ang lahat ng nag-imbento ng sangay ng Math. Isang malaking pahirap lang ito sa buhay ko.

Hindi ko na namalayan ang oras. Nakaramdam na lang ako ng matinding antok. Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan ang oras. No wonder I feel so tired and sleepy. It's already 1 AM. May klase pa ako bukas ng umaga!

Should I skip my classes tomorrow so I could finish this?

Tiningnan ko ang aking schedule. Puro minor subjects lang ang klase ko bukas at dalawang klase lang. Pero baka mahuli na naman nila ako 'pag nag-skip ako. Ayokong madagdagan ang punishment sa 'kin.

Wala pa sa kalahati ang nasasagutan ko. Manipis na libro lang itong workbook pero punong-puno talaga ng mahihirap na exercises. Kaunti na lang ay mawawalan na ako ng pag-asa na matatapos ko pa 'to.

Napahikab ako dahil sa sobrang antok. Hindi ko na kaya. Bumabagsak na ang talukap ng aking mga mata.

Magsasagot o matutulog?

Magsasagot?

"Mamaya na lang ako magsasagot."

Siyempre, matutulog! Ayoko na!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com