Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Nightmare

"How is she?"

"Her fever gone down."

"Thank, God. Akala ko kung ano na ang nangyari kaya napatawag ka."

Bahagyang napakunot ang aking noo nang makarinig ako ng nag-uusap. Hindi ko kaagad maimulat ang aking mga mata dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. What happened yesterday was just a dream. It's impossible for Paul to be here. Naramdaman ko na naman ang bigat sa 'king dibdib. I thought I'm over him. I thought I'm fine. It just happens that I'm good at distracting myself.

"I think she's waking up." I heard an unfamiliar voice of a girl.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at bumangon. I'm in an unfamiliar room. Nang tumingin ako sa gilid ng kama. Nakatayo roon si Gio kasama ng isang magandang babae na kahawig niya.

"Good morning!" masiglang bati sa 'kin ng babae. "Are you feeling ok? You had a fever. Tinawagan ako ni Kuya Gio para bihisan ka kasi basang-basa ka ng ulan," aniya. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang aking noo.

Nahiya naman ako bigla. Pilit akong ngumiti. "Pasensya ka na, naabala ka pa. Hindi ko alam na nilagnat ako." Sumulyap ako kay Gio. "Where am I?"

"In my condo," sagot ni Gio. "It's closer to the mall so I decided to take you here. Kung iuuwi pa kita sa dorm, baka wala kang makasama dahil may date ang mga kaibigan mo."

Tumango na lang ako. Masama talagang nababasa ako ng ulan dahil napakasakitin ko.

Panaginip lang ang nangyari kahapon. Ipinaalala lang sa 'kin ang sakit na naramdaman ko noon. Napabuntong-hininga ako. Akala ko'y nandito si Paul. Bakit ko pa lolokohin ang sarili ko?

"Iwan ko muna kayo," sabi ng kapatid niya. "Nga pala, I'm Ashley. It's nice meeting you, Ate Lian."

Ngumiti ako sa kaniya. "Thank you, Ashley."

Lumabas na siya ng kwarto at naiwan kaming dalawa ni Gio.

Umupo siya sa one-sitter couch sa tabi ng kama. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin habang nakakunot ang noo. "You mistook me for someone else last night."

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. I grabbed someone and prevented them to leave. I thought he was Paul. Umiwas ako ng tingin. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa kahihiyan. I even cried!

"A-ah, I have to go home," pag-iiba ko ng usapan. Tumayo na ako mula sa kama. "Nasaan ang mga damit ko?"

He sighed. Itinuro niya ang lamesa kung saan may nakapatong na paper bag. "I brought it to the dry cleaners. You can wear it now."

Lumapit ako sa lamesa at kinuha ang paper bag. "Thank you." Nagtungo na ako sa banyo para magbihis.

Hindi ako komportableng sabihin sa ibang tao ang mga nangyari sa 'kin noon. Takot na akong magbukas ng pinto at ipakita sa kanila kung sino talaga ako. Minsan ko nang binuksan ang aking pinto para sa ibang tao pero sinira nila ako. Sinira nila ang tiwala ko at higit sa lahat, ang puso ko.

Nang makalabas ako ay nandoon pa rin si Gio. Hawak niya ang kaniyang cellphone at seryosong nagtitipa. Tumingin siya sa 'kin nang makitang kalalabas ko lang ng banyo.

"I'll drive you home," aniya at inilagay sa kaniyang bulsa ang cellphone.

"H'wag na. Magta-taxi na lang ako." Inilapag ko ang paper bag na naglalaman ng suot ko kanina sa lamesa. "Masyado na kitang naabala."

Umirap siya sa kawalan. "I'll drive you home," he repeated with finality in his voice.

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil mukhang wala akong magagawa kung ipilit ko pa ang gusto ko. Willing naman siyang ihatid ako kaya hahayaan ko na. Makakatipid pa ako sa pamasahe.

As expected from a rich guy, his condo looked expensive as hell. Bagay na bagay sa kaniya ang theme nito na black and white. Napaka-manly ng dating.

I sniffed and smelled something delicious from the kitchen. Naramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kitchen.

"I'll eat breakfast first," aniya.

Sumunod na lang ako sa kaniya kaysa naman maiwan ako mag-isa sa living room.

Nakapatong sa counter ang dalawang sunny side up, apat na hotdog at slices ng bacon. Sa isang bowl ay nakalagay ang fried rice na may carrots, green peas, at scrambled egg sa ibabaw. May nakahanda ring orange juice sa pitsel. Napalunok ako.

Umupo ako sa isa sa mga stool. Nahirapan pa ako dahil sobrang taas samantalang si Gio ay wala man lang ka-effort-effort na naupo.

"Para sa 'kin lang lahat 'yan," aniya.

Nanlaki naman ang aking mga mata. "Grabe siya! Kitang-kita naman na pangdalawahan itong niluto mo!"

"Who said I cooked for you?"

Nginisian ko siya. "Aha! Ayaw mo lang aminin na ipinagluto mo nga ako!" Itinuro ko siya gamit ang tinidor. " 'Wag ka nang mahiya, Gio. Hindi ko naman ipagkakalat."

Inirapan niya lang ako at sinimulan na niyang kumain.

Napangiti na lang ako at sumandok na rin ng kanin. Hindi na niya ako pinigilan. Pangdalawahan nga ang niluto niya. Kunwari pang siya lang ang kakain.

"Salamat sa pagkain!" sigaw ko nang matapos akong kumain.

Kinuha niya ang mga platong walang laman at inilagay sa dishwashing machine.

Habang nililinis niya ang pinagkainan ay nagpunta ako sa living room. His condo was surprisingly neat. Lumapit ako sa dingding kung saan may mga nakadikit na black and white paintings.

"Let's go."

Sumunod na lang ako sa kaniya palabas ng condo niya.

"Seatbelt," aniya nang makasakay kami sa kotse niya. Nag-alarm ang kotse niya at naka-indicate na hindi ako nakasuot ng seatbealt.

When I wore it, the beeping sound stopped.

We drove in silence until we reached the dorms. Wala rin naman akong ibang sasabihin sa kaniya. Medyo nanghihina pa ako dahil nilagnat ako kagabi. Hindi na siya bumaba nang makarating kami at sumilip na lang ako sa bintana.

"Salamat."

Tinitigan niya ako. Seryosong-seryoso ang kaniyang ekspresyon. Bahagyang nakakunot ang kaniyang noo. "Who hurt you, Solis?"

Kumabog ang aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit mukha siyang iritado.

"It doesn't matter, Dela Vega."

Hindi ko na siya hinintay pang umalis. Pumasok na ako sa loob ng dorm. Hindi ko kailangan sabihin sa kaniya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit gusto niyang malaman. Sigurado naman akong alam na niya dahil binanggit ko ang pangalan ni Paul kagabi. Bakit kailangan niya pang itanong ulit?

Pagkarating ko sa kwarto ay naabutan ko ang tatlong bruha na titig na titig sa TV. May hawak silang tig-iisang bowl ng popcorn.

Sabay-sabay silang tumingin sa 'kin nang umupo ako sa one-sitter couch na malapit sa kanila.

"Saan ka galing?" tanong ni Yvonne.

"Hindi ka man lang nagpaalam," sabi ni Jelyn.

"Alam mo bang alalang-alala kami?" tanong ni Tamara.

Tumayo sila at nagpamaywang. Para silang mga nanay na pinapagalitan ang kanilang anak na umaga na umuwi at ako 'yung anak.

"Nasaan ka no'ng oras na kailangan ka namin dito?" Inilapag ni Yvonne ang hawak niyang bowl ng popcorn.

Sinasabi nito?

"Hindi mo alam kung gaano kasakit ang pinagdaanan naming no'ng wala ka!" sigaw ni Tamara.

Huh?

"Nakakaiyak 'yung pinanood naming pero wala ka para bigyan kami ng tig-iisang box ng tissue!" sigaw naman ni Jelyn.

Napahawak na lang ako sa aking mukha. Sino ba'ng may sabi na manood sila ng nakakaiyak? Sa tuwing manonood kami ng drama ay sila lagi ang nauunang umiyak. Masyado silang nadadala ng pinapanood nila kaya wala silang pakealam kung tumulo ang uhog at luha nila kaya ako 'yung nag-aabot sa kanila ng tissue.

Sa wakas ay muli na silang umupo matapos nilang mag-drama.

"Saan ka ba kasing galing, ha? Halos mamuti na ang uwak at umitim na ang tagak pero wala ka pa rin!" Pagmamaktol ni Tamara.

"Halos mamuti na rin ang mga mata namin kahihintay sa 'yo, 'no! Akala naming kung ano na ang nangyari sa 'yo," sabi naman ni Yvonne.

"Wait, let me explain." Itinaas ko ang dalawa kong kamay na para sumusuko.

Kasalanan ko rin naman. Hindi ako nag-text or tumawag man lang sa kanila bago ako umalis. Nalimutan ko rin silang sabihan kanina bago ako umalis sa condo ni Gio. Since I owed them an explanation, I told them what happened yesterday.

Sabay-sabay silang ngumisi. Kinilabutan naman ako.

"May nangyari ba?" Taas-baba ang kilay ni Jelyn.

"Ninang ako, ah!" Itinaas pa ni Yvonne ang kaniyang kamay.

"Ang bilis ng progress, ha!" Sinundot ni Tamara ang aking tagiliran.

"Walang nangyari! Nasabi ko na, hindi ba? Nilagnat lang ako. Paggising ko, nagbihis lang ako at umuwi na rito."

Wala akong pinalampas na detalye sa kanila. Maging ang panaginip ko ay sinabi ko rin sa kanila. Alam na alam nila kapag nagsisinungaling ako kaya hindi ko magagawang putulin ang kwento ko.

"But why did he want to know who hurt you?" tanong ni Tamara.

Nagkibit-balikat ako. "Maybe he's curious?"

Muling kinuha ni Yvonne ang bowl ng popcorn na inilapag niya sa lamesa.

"Everytime you get sick, you always dream of him, Lian," malungkot na sabi ni Jelyn.

Napabuntong-hininga ako. "I don't know why." Hinilot ko ang aking noo. "I always dream of what happened before. It sucks because I don't have control over it."

"What's the dream this time?" tanong ni Tamara.

Sumandal ako sa couch. Lumipas pa ang ilang minuto bago ako nakapagsalita. "The time I confronted the whole basketball team. When Paul was busy with his affair."

Nakita ko ang pagbabago ng kanilang ekspresyon. Mas mukha pa silang galit sa 'kin. Hindi ko mapigilang ngumiti. Noong time na nalaman nila ang nangyari, halos makipag-giyera sila sa Blue Angels para lang maipagtanggol ako. Ang maipagmamalaki ko lang, nabigo man ako, may mga kaibigan naman akong handang ipaglaban ako.

"It was a bad dream. It's more like a nightmare." Naalala ko kung gaano ka-vivid ang panaginip na 'yon na parang nandoon talaga ako. "It's like feeling the same pain all over again."

"Siguro ay dahil muli mong nakita sina Erwin, Aaron at Tyler," sabi ni Tamara. "They triggered bad memories."

"Nagsisimula na kaming mag-alala para sa 'yo," sabi ni Jelyn. "Ikaw na ang manager ng basketball team. Ibig sabihin, mapapadalas ang pagkikita niyo ng Blue Angels lalo na kapag may mga laro kayo. Paano mo mapoprotektahan ang sarili mo? Kung puwede lang na palagi kaming nakadikit sa 'yo ay gagawin namin."

Napangiti ako. " 'Wag kayong masyadong mag-alala. Kayang-kaya ko naman ang sarili ko. Surprisingly, I can handle it well when they're in front of me." Nilaro ko ang aking mga daliri. "I can also handle the dreams I'm having everytime I get sick. Hindi naman ako fragile. Nagawa kong lampasan ang nangyari noon, magagawa ko rin 'yon ngayon."

Mukha pa rin silang nag-aalala pero wala silang nagawa kundi ang tumango na lang. I'm very grateful to them. Hindi nila ako iniwan noong times na nahihirapan ako. Ngayon, ayokong mag-alala ulit sila para sa 'kin.

I felt my phone vibrated from my pocket.

Napakunot ang aking noo nang makita ang text mula kay Adam.

Buti na lang kahit lunes na ngayon ay wala muna silang practice. Katatapos lang nila ng practice game noong Saturday kaya bukas ko na lang sila sasamahan sa training.

Ay, shit!

Natampal ko ang aking noo. Nalimutan kong banggitin sa kanila 'yon.

They practiced on their own? Napangiti ako. Pakiramdam ko'y para akong isang proud na magulang dahil nagkusa ang kaniyang mga anak. Pero seryoso? Buong akala ko'y 'pag natalo ako sa deal ay mas lalo silang magloloko sa training. Ano kayang nakapagpabago sa isip nila?

Nagsimula akong magtipa ng reply.

"May klase ka pa mamaya, 'di ba?" tanong ni Yvonne. Muli niyang ini-play ang pinapanood nilang drama.

"Yup," sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa 'king cellphone.

" 'Wag ka na kaya munang pumasok? Baka bumalik ang lagnat mo," aniya. "Ako na ang magsasabi sa prof natin na wala ka tutal same class natin 'yon."

Aalma pa sana ako pero bago ko pa maibuka ang bibig ko ay tiningnan na nila ako nang masama. I shrunk on my seat and pouted. 

Maya-maya ay muling nag-vibrate ang aking cellphone.

"Seryoso?" bulong ko. 

Matagal kong tinitigan ang text message ni Adam. Kung ganoon, si Gio ang nag-utos sa kanila na mag-practice. Hindi lang siya nakasama dahil nandoon ako sa condo niya.

What's happening? Why do I feel like I still won the deal?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com