Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16

Day One

"Baby, what do you want to eat?"

Gusto kong i-untog ang ulo ko sa lamesa nang madinig ko ang sinabi niya. Bukod sa kinilabutan ako ay naramdaman ko ang matinding pag-iinit ng aking mukha. Binabawi ko na ang sinabi ko, payag na akong "Mabebs" ang tawag niya sa 'kin. H'wag lang "Baby"!

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko masagot ang tanong niya. Para akong isda sa aquarium na bumubukas-sara ang bibig.

Namumula ang mukha ni Gio na para bang nagpipigil siya ng tawa. "I'll order the best seller here," aniya sa waitress. "For two." Idiniin pa niya ang huli niyang sinabi.

Sa ikalawang pagkakataon para sa araw na ito, may ipinahiya na namang babae si Gio. Bakit ba ang lakas ng magnet nito sa mga babae? Kahit ilang beses siyang mang-reject at makipag-break ay hindi pa rin siya nilulubayan ng mga ito.

Humalumbaba ako sa lamesa. Tinitigan ko siya nang masama. "I hate you."

Tuluyan na siyang natawa. Alam kong kanina niya pa 'yon pinipigilan. "The feeling is mutual, baby."

Napangiwi ako na parang kaunti na lang ay masusuka na ako sa kaniyang sinabi. Bumabaligtad ang sikmura ko at parang balat ng manok na ang aking braso dahil sa kilabot. "Mandiri ka nga, Dela Vega."

"Sino'ng may sabing hindi ako nandidiri?" Itinaas niya ang kaniyang braso na para ring balat ng manok dahil sa kilabot. "Kinikilabutan ako, oh!"

Itinaas ko rin ang braso ko. "Mas madami 'yong sa 'kin!"

"Nabibilang mo?" sarkastikong tanong niya sa 'kin.

Nag-make face na lang ako dahil hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Bago pa namin maituloy ang pagbabangayan namin ay dumating na ang order. Ibang waitress na ang nagbigay sa amin ng order. Kahit na hindi rin niya maalis ang tingin kay Gio, hindi siya katulad no'ng isang waitress na masyadong obvious.

Sa gutom ko'y hindi ko na siya kinausap ulit at nag-focus na lang sa pagkain. Nang matapos kami'y dumeretso na kami sa parking lot. Buti na lang hindi niya ako iniwan dahil kung iwan na naman niya ako, hindi lang pangbabato ang gagawin ko sa kaniya.

Nang makarating kami sa tapat ng dorm ay bumaba na ako. Binuksan ko ang pinto sa likod para kuhanin ang pinamili ko.

"You don't have to get it," aniya. "I can bring it tomorrow."

Ngumuso ako. "Weh?" Wala akong tiwala sa kaniya. Baka mamaya ay pag-trip-an niya ako at hindi niya dahil ang mga pinamili ko.

Inirapan niya ako. "Wala ka bang tiwala sa 'kin?"

"Wala," deretsong sabi ko sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya. " 'Wag kang mag-alala. Dadalhin ko talaga 'yan bukas." Seryoso siyang tumingin sa 'kin.

Hindi na ako nakipagtalo pa. Mabuti na rin na nagpresinta siya dahil mababawasan ang bibitbitin ko. "Ise-send ko ang details ng training camp mamaya," sabi ko.

Tumango lang siya. Sinarahan ko na ang pinto at hindi ko na siya hinantay pang umalis. Pumasok na ako sa loob ng dorm. Wala pa rin akong kasama pagdating ko kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng dadalhin bukas.

Excited ako para bukas pero mas kinakabahan ako. Sigurado akong nando'n na si Paul. Ano'ng gagawin ko kapag nagkita kami? Makakaya ko kayang magpanggap na wala lang sa 'kin ang pagkikita namin?

"Roll call!" sigaw ko. "Zen!"

"Present!" sigaw niya.

"Bogs!"

"Yes, Mabebs!"

Tinawag ko sila isa-isa at wala namang kulang. Nakakatuwa na walang na-late sa kanila. Mukha rin silang excited na mga bata. Hindi naman fieldtrip ang pupuntahan namin pero kitang-kita sa mga mukha nila na hindi na sila makapaghintay pang makarating sa camp.

Isa-isa silang sumakay sa bus na provided ng school. Naupo ako sa unahan kasama ni Coach na nakaupo sa kabilang side. Ang mga tukmol naman ay nasa likod. Umupo si Gio sa likod ko. Wala siyang katabi at wala talagang makakatabi sa kaniya dahil ipinatong niya ang kaniyang sports bag sa upuan.

Inabot ng isa't-kalahating oras ang biyahe. Nakarating na kami sa camp. Isa itong beach resort at kilalang bakasyunan. Dahil hindi pa naman peak season, walang katao-tao sa lugar.

"Wow!" sigaw ni Jin. Lumapit siya sa malaking board kung saan nakalagay ang mapa ng buong resort. "Kumpleto pala rito, eh."

Lumapit kaming lahat doon. Nakalagay sa mapa ang mga puwedeng puntahan sa resort. Mayroon itong basketball court at volleyball court. Bukod sa dagat ay mayroon din silang mga private swimming pools. Sa isang bahagi naman ay puwedeng pagtayuan ng tent o kaya maggawa ng bonfire.

"Guys, mamaya na 'yan," sabi ni Coach. "Ilagay niyo muna ang mga gamit niyo sa rest house."

Sumunod kami kay Coach sa paglalakad. Nakarating kami sa isang malaking rest house. Gawa ito sa kahoy at kawayan na dalawang palapag ang taas. Ang mga bintana ay gawa sa bubog. Ang mga pinto naman ay mukhang gawa sa matibay na kahoy.

Pagpasok namin sa loob ay hindi maalis ang pagkamangha sa 'ming mukha. Pilipinong-pilipino ang style ng bahay. Ang mga furniture ay gawa sa kawayan. Ang mga naka-display na painting ay mga magsasaka, mangingisda at mananahi. May mga malalaking vase rin na nakatayo sa sahig na may lamang mga halaman at bulaklak.

"Ang mga kwarto ay nasa taas," sabi ni Coach. "Ang kwarto rito sa baba ang kukunin ko."

Naiwan si Coach sa baba. Umakyat kami sa second floor para tingnan ang mga kwarto.

May anim na kwarto sa itaas. Sa isang kwarto ay magsasama-sama sina Zen, Erzo at Rex. Sa pangalawang kwarto naman ay sina Jin, Adam, at Lloyd. Sa pangatlo ay sina Bogs at Owen. Sa pang-apat ay sina Luis, Carl at Shon. Sa panglima ay si Gio. Ako naman sa panghuling kwarto. Ayaw ni Gio na may kasama siya sa kwarto kaya walang nagawa ang mga tukmol.

"Mabebs!"

Bumukas ang pinto ng aking kwarto.

Napatawa naman ako nang makitang naka-short na lang si Zen habang may salbabidang pink na nakalagay sa kaniyang baywang.

"Ang bilis mo namang nakapagbihis."

Nagsipasukan ang mga tukmol sa kwarto ko. Nagkamali ako, hindi lang pala sa Zen ang mabilis na nakapagbihis. Lahat sila ay nakasuot na ng short na pang-swimming.

"Mag-swimming na tayo, Mabebs!" sigaw nila.

"Hintayin niyo na lang ako sa baba."

Sinunod naman nila ako. Hindi ko mapigilang mapailing. Sa kanilang lahat, si Gio na lang yata ang pinaka-mature kumilos.

Kumuha ako ng floral short at spaghetti strap na top. Hindi ako nagsusuot ng swimsuit kahit pa nasa beach ako. Hindi naman sa hindi ako confident sa sarili kong katawan. Hindi lang ako sanay na nagpapakita ng balat. Hanggang dito lang ang kaya ko.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Coach na umiinom ng kape habang nanonood ng TV.

"Coach, hindi kayo magsi-swimming?" tanong ko.

Ngumiti siya at umiling. "Mas gusto ko pang magpahinga rito," aniya. "Ikaw na ang magbantay sa mga loko-lokong 'yon. Baka mamaya ay nilulunod na nila si Zen."

Nagkatotoo ang sinabi ni Coach. Pagdating ko sa tabing-dagat ay pinagtutulungan na nila si Zen. Dinala nila si Zen sa malayong parte ng dagat. Walang magawa si Zen dahil tinatangay siya ng alon at ang ginagawa pa ng mga loko, tinataboy pa nila lalo ito.

"Mabebs!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Zen. "Papatayin nila ako, Mabebs!"

Humagalpak ng tawa ang mga kaibigan niyang walanghiya.

"Mabebs! Bakit hindi ka nagsuot ng swimsuit?" sigaw ni Zen. "Bago man lang sana ako mamatay, nakita kitang sexy!"

"Siraulo!" sigaw ko pabalik. "Dalhin niyo na sa kabilang isla 'yan!"

Mas lalong nag-panic si Zen. Natawa na lang ako habang pinapanood sila. Para silang mga bata na nakawala sa bahay. Nakapalibot na sila ngayon kay Zen. Sa kanilang lahat, si Zen lang ay may salbabida.

Umupo ako sa buhangin at pinanood sila. Hahayaan ko muna silang magpakasaya bago simulan ang training. May anim na araw pa naman kami rito. Bukas na namin sisimulan ang pagte-training. I-enjoy muna nila ang dagat.

"You're not going to swim?"

Umupo si Gio sa 'king tabi. Wala siyang suot na pang-itaas at board short naman sa pang-ibaba.

"Nah," sagot ko. "Mamaya na lang kapag hindi gaanong tirik ang araw."

Tahimik naming pinanood ang mga walanghiya. Paminsan-minsan ay natatawa ako sa kalokohang ginagawa nila kay Zen. Minsan naiisip ko, buti hindi napipikon si Zen sa mga walanghiyang 'to.

"Ang ingay naman dito, Love. Sa kabilang side na lang tayo magpunta?"

Nanlamig ang buo kong katawan nang madinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae. Hinding-hindi ko malilimutan ang boses na 'yon. Kahit nakapikit ako, kahit hindi ko siya nakikita, alam ko kung kanino 'yon.

"Ginawa ka lang alalay ng basketball team, Lian. Kahit kailan ay hindi ka niya minahal. Ako lang ang minahal niya at ako lang ang mamahalin niya."

"Isabelle, are you okay?" tanong ni Gio.

Hindi ko magawang lumingon sa kaniya dahil kapag ginawa ko 'yon ay makikita ko rin sila.

"Lian?"

Hearing him call my name for the first time after a year made my heart clenched. The walls I built up to protect myself crumbled once again. The memories flashed in my mind like a broken record. My hands started to shake as I felt my breath shortening from every second. I'm panicking.

"Isabelle?" Gio held my shoulder, shielding me from Paul. At this angle, he won't see me losing myself. "Do you want me to take you away from here?" bulong niya.

Dahan-dahan akong tumango. Tinulungan niya akong tumayo.

"Do you know her?" tanong ni Gio.

"Ah, yes, she's..."–tumigil siya sa pagsasalita–"...a friend."

"Baby, do you want to go back? Baka masyado kang nainitan." His voice was soft and full of concern. Hindi ko alam kung uma-acting lang siya pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Yeah, it's getting too hot in here," sagot ko.

Nakaharang si Gio kaya hindi ko nakikita si Paul at ang girlfriend niya na ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko alam kung kakayanin kong makita siya. Madinig ko lang siyang tinawag ang pangalan ko'y hindi na ako makahinga.

"Mabebs!" sigaw ng mga tukmol.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Lloyd.

"Bakit babalik ka na kaagad?" tanong naman ni Adam.

Tumingin sila kay Paul. Hindi ko alam kung bakit biglang sumeryoso ang kanilang mukha. Lumangoy sila papunta sa amin at sabay-sabay na umahon. Pumalibot sila sa 'kin pero nakaharap sila kung nasaan si Paul.

"May problema ba, pre?" tanong ni Adam.

"I just saw a friend." Tumawa si Paul. "Gusto ko sana siyang kausapin."

"What? Love, bakit pa?" maarteng tanong ng babae. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Nakakairita pa rin ang boses niya. Mas gugustuhin ko pang alisin ang tainga ko kaysa marinig siya.

"Bakit gusto mo siyang kausapin?" Nadinig kong tanong ni Jin.

"Ano ba'ng meron?" tanong ni Paul. "Kakausapin ko lang siya. Bakit kung makaasta kayo ay para kayong mga bodyguard niya?"

"Ano namang pakialam mo kung gano'n nga?" tanong ni Rex. "Hindi ba obvious na ayaw makipag-usap sa 'yo ni Lian?"

Nararamdaman ko na ang tensyon sa paligid. Gusto ko silang pigilan ngunit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi pa rin tumitigil sa panginginig ang aking mga kamay. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa. Parang bahang umaagos sa aking isipan ang lahat ng nangyari noon.

Muli kong nadinig ang tawa ni Paul. "What is this, Lian?" tanong niya. "You're a slut of the basketball team now?"

That's when hell broke loose. All I could hear was shouting. Total chaos. Napaupo ako sa buhangin habang hawak ang aking tainga. Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata. My whole body was shaking and it became hard for me to breathe. There's something ringing in my ear, making me lose my focus.

"Gio, stop it!"

"Boss, mapupuruhan mo 'yan!"

"Stop him!"

The heat of the sun intensified. I opened my eyes. It all started blurry until it became clear. I saw Paul lying on the sand while holding his bloody nose while Gio was standing in front of him. The guys were holding Gio's arms, holding him back.

Nagawa kong tumayo. Tiningnan ko si Paul na nanlalaki ang mga mata. Katabi niya ang kaniyang girlfriend na si Anastasia na umiiyak habang hawak ang kaniyang balikat. Umamba si Gio na susuntukin niyang muli si Paul ngunit mabilis akong nakalapit sa kaniya.

Hinawakan ko ang braso ni Gio. Nang magtama ang aming mga mata ay kinilabutan ako. Punong-puno ng galit ang kaniyang mga mata. Ngayon ko lang siya nakitang magalit nang ganito.

"Gio, tama na." Hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang braso.

Tiningnan ko si Paul. He looked so pathetic while sitting on the sand with blood pouring out from his nose.

"What the fuck is wrong with these people?!" tanong niya sa 'kin.

"Slut, look what they've done to Paul!" sigaw ni Anastasia.

Finally, the ringing in my ear stopped.

"Let's just see each other in the practice game and if your team loses, I'll make you pay for calling me a slut."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com