Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17

Win with me

The atmosphere around us was dark and gloomy. I could still see the anger in their faces. Walang makapag-joke sa kanila. Wala ring nagkukulitan. Gustuhin ko mang i-lift ang mga mood nila ay hindi ko naman alam kung paano. Maging ako'y hindi magawang makagalaw sa kinauupuan ko.

Hindi ko ine-expect na makikita ko kaagad si Paul at ang masama pa nito, kasama pa niya si Anastasia. Silang dalawa ang nagbigay sa 'kin ng hindi magandang karanasan noon. Gusto ko na lang umuwi pero kapag ginawa ko 'yon, parang ipinakita ko sa kanila na ako pa rin 'yong Lian na niloko nila noon.

"Lalampasuhin namin sila bukas, Mabebs." Napatingin kaming lahat kay Adam. "We'll make sure they'll gonna eat sand."

"That fucking mouth..."–Jin gritted his teeth–"...he won't be able to use it again to talk shit about you."

Erzo sighed. He was balling his fist until his knuckles turned white. "That piece of shit will learn his lesson in the practice game."

Tipid ako napangiti habang pinapakinggan ang kanilang sinabi. Handa silang ipagtanggol ako kahit ano'ng mangyari. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit parang alam nila kung sino si Paul at kung ano siya sa buhay ko. Ayokong isipin na pina-imbestigahan nila ako o ano.

Pinaglaruan ko ang aking mga daliri. "May alam ba kayo sa nangyari sa amin ni Paul?"

Kumabog nang malakas ang aking dibdib. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa magiging sagot nila. Magagawa ko bang magalit? Dapat ba akong magalit?

Dumaan ang ilang minuto pero walang sumasagot sa kanila. Nakaiwas sila ng tingin sa 'kin at kitang-kita ang konsensya sa kanilang mukha.

"I just guess," Gio finally answered. Sumandal siya sa couch at humalukipkip. "I asked them to keep an eye out of those bastards whatever happens."

Wala akong masabi. Ang nagawa ko lang ay titigan si Gio.

Who hurt you, Solis?

I could feel my heart beating fast and loud like it wanted to get out of my chest. I didn't know he was paying attention. I didn't know he was thinking about this ahead.

"During our practice game, we already had a hint that they did something bad to you," sabi ni Adam. "And Gio told us, if one of them approached you again, we have to do something to protect you."

"Shut up, dude," sabi ni Gio habang nakaiwas ang tingin.

Tumawa si Lloyd. "That's what you exactly told us, Gio."

Binato ni Gio si Lloyd ng throw pillow. Nagsimula na silang asarin si Gio hanggang sa bumalik na ulit sila sa pagiging makulit at maingay. Pinanood ko sila habang nagkukulitan. Bigla na lang tumulo ang luha sa 'king mga mata. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay. Hindi ko mapigilang mapahikbi.

Pinaghalong saya, lungkot at sakit ang nararamdaman ko ngayon ngunit nangingibabaw ang saya dahil nandito sila ngayon. Kung mag-isa kong hinarap sina Paul at Anastasia ay baka natalo ako. Hindi ko pa sila kayang harapin nang mag-isa. Mahina pa ang loob ko. Kung haharapin ko man sila, gusto ko'y buo na ang loob ko at makakaya ko na silang labanan nang mag-isa.

"You don't have to fight alone." Napatingin ako kay Gio. Nakalahad ang kaniyang kamay na may panyo. "There are fights that you think you should fight alone, that being helped by someone is a kind of weakness. It's not bad to face it head-on with the help of everyone. We'll win the practice game for you."

Tinapik-tapik ni Rex ang aking ulo. "Don't worry, Mabebs! Poprotektahan ka namin!"

A sob escaped from my lips. "Thank you."

"Go on," nadinig kong sabi ni Gio.

Naramdaman ko na lang na may tumatapik sa 'king ulo. Nang ialis ko ang aking mga kamay sa 'king mukha ay nakita ko silang nakapalibot sa 'kin maliban kay Gio.

Pinunasan ko ang aking luha. Ngumiti ako sa kanilang lahat.

"Thank you," pag-ulit ko. "Please win with me."

Nakarating kay Coach Carandang ang nangyari kahapon sa dalampasigan ngunit imbis na parusahan ang buong team ay pinagsabihan niya lang ang mga ito. We found out that Coach Go was furious. He called Coach Carandang about what happened to his favorite player but he was chill about it and told Coach Go that it was just a petty fight between boys.

"Let's just see each other in court, he said." Tumawa si Luis. "May pagmamanahan naman pala ng ugali ang mga players niya, eh."

Nakatambay kami sa tabing-dagat. Nakaka-relax ang bawat paghampas ng alon. Nakasuot na sila ng jersey at naghihintay lang ng oras bago nila simulang mag-jogging. Sabi ni Coach ay mas maganda raw na mag-jogging sila sa buhangin dahil mas mahirap tumakbo rito.

Dahil sa nangyari kahapon ay mas ginanahan silang mag-training. Nauna pa silang magising sa amin ni Coach na ikinatuwa naman ni Coach dahil ngayon lang daw nangyari 'yon.

"It's already 6 AM," sabi ni Carl.

"Let's start," sabi naman ni Owen.

Tumayo na sila at sinimulan na nilang mag-jogging. Naiwan naman ako sa ilalim ng malaking payong para orasan sila. Inilapag ko muna ang timer at binuklat ang aking notebook. This time, they will have to focus on their upper body and it's conditioning.

"How's it going?" Umupo si Coach sa katabing upuan.

Tumingin ako sa malayo. Maliit na sila sa 'king paningin. Maaabot yata nila ang dulo nitong dalampasigan sa pagjo-jogging.

"Kasisimula pa lang po nila, Coach," sagot ko.

Tumawa siya. "Really? Ang layo na kaagad ng natakbo nila." Sumandal siya sa reclining chair. "Those boys are hard to handle, right?" Nakangiting tanong niya.

Napangiti na lang ako. "Opo pero kapag natutunan mo kung paano sila iha-handle, madali na silang pagsabihan."

"You know, at first, nag-aalala kami para sa 'yo. Hindi ko inaakala na aabot ka ng isang linggo." Napabuntong-hininga siya. "Pero hindi kami nagsisi sa pagpili sa 'yo dahil nailabas mong muli ang drive nila para sa basketball. I'm really thankful for that."

Tumingin ako kay Coach. May isang bagay na bumabagabag sa isip ko. Nangangati na ang dila ko. Gustong-gusto kong tanungin sa kaniya kung bakit nawala ang amor ng basketball team sa paglalaro simula last year.

"You're curious, huh?" Nakangising tanong niya.

Nag-init naman ang aking pisngi dahil napansin niya. Dahan-dahan akong tumango.

"I don't know if I have the right to say this but I think telling you won't be a problem," aniya. "You know, love is a dangerous thing."

Hindi ko alam kung ano'ng koneksyon nito sa dahilan kung bakit nasira ang concentration ng basketball team pero hinayaan ko lang siyang magpatuloy.

"During their first year in college, I hired a manager for them. She's just like you, attentive and serious about the task given to her. She could handle twelve stubborn brats without sweat and could boost their confidence without even trying. Out of the twelve, we both know that Gio is the hardest to handle."

Pareho kaming napangiti. He's right. It was tough to crack the walls that Gio built up. Sometimes, I envy him for it. How could he build those high walls around him and maintain its sturdiness?

"You're probably thinking how he manages to maintain his walls?"

Maalam bang mambasa ng isip si Coach?

He laughed. "Gio's walls are not as sturdy as you think. His walls were breaking down and all he could do to protect what's inside is to inflict the same pain to others. It's a bad move, I know. It's not an acceptable reason but when you're in a desperate situation and you badly wanted to get away, it results in making wrong decisions."

"That manager..."–I trailed off–"...where is she now?"

"She's a year older than you guys," sagot niya. "She already graduated and pursued her career abroad."

Nadidinig ko na ang sigawan ng basketball team. Palapit na sila nang palapit sa amin.

"Is she Gio's ex-girlfriend?" Deretsahan kong tanong. May pakiramdam na ako pero gusto ko lang makasigurado.

"Yes, and the one that made Gio the way he is right now." Tumayo siya at humarap sa paparating na basketball team. "But I think Gio's walls are finally healing and he will willingly open its door again."

Marami pa akong gustong itanong sa kaniya ngunit dumating na ang buong team na pagod na pagod. Ang mapuputi nilang balat ay namumula. Inihanda ko kaagad ang towel at tubig nila.

"Nice, nice, nice!" sigaw ni Coach. "Next, upper body lifts!"

Uminom muna sila ng tubig at nagpunas ng pawis. Hindi man lang sila nagpahinga at sinundan na kaagad si Coach sa isang covered court kung saan kumpleto ang mga equipment na puwede nilang gamitin. Pinag-isipan talaga ni Coach itong training camp. Pumili siya ng venue na kumpleto sa training equipment at may magandang facility.

Sumunod ako sa kanila papunta sa covered court. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang maisip ang sinabi sa 'kin ni Coach. Hindi ko na nagawang itanong kung ano'ng nangyari para maghiwalay sila. Pero ngayon alam ko na kung bakit galit na galit si Gio noon sa mga manager. Alam ko na rin ang dahilan kung bakit biglang sumama ang performance nila simula last year.

Mas lalo lang lumaki ang kuryosidad ko. Gusto kong malaman ang naging dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa. Dahil ba mas pinili ng babae ang career sa abroad? Hindi imposibleng mangyari 'yon. May mga tao talagang uunahin ang career nila kaysa sa pagmamahal. Hindi mo rin naman sila masisisi dahil kailangan nilang maging praktikal.

Para sa 'kin, dalawang bagay lang ang puwede gawin, pagsabayan mo ang pagmamahal at career o kaya unahin ang career atsaka mo balikan ang pagmamahal. Puwede namang pag-usapan ng mag-partner 'yon. Nasa sa inyong dalawa kung gusto niyong mag-work ang relationship niyo.

"Lian, pakibantayan muna sila." Tinapik ni Coach ang aking balikat nang makarating ako sa covered court. "May kailangan lang akong ayusin."

Tumango lang ako bilang sagot.

Lumapit ako sa basketball team na abala sa pagdi-drill. Kahit mukha silang pagod ay hindi naaalis sa mukha nila ang determinasyon.

"Zen, keep up!" sabi ni Gio. Nilapitan niya si Zen na nakaupo sa isang equipment para sa pull-ups. "You keep letting it go. Tighten your grip."

Lumungkot ang itsura ni Zen na parang nagpapaawa kay Gio. "Boss, nabibitawan ko, eh."

Pinitik ni Gio ang ulo ni Zen. "That's why you have to do something about your grip."

"Gio, magaling lang si Zen kapag sinasakal ang bibe niya pero sa ganito, nanghihina siya," sabi ni Shon.

"Hoy, ang dugyot!" sigaw ni Zen. "May babae tayong kasama, oh!" Itinuro niya ako.

"Babae ba 'yan?" tanong ni Adam. "Tomboy 'yan, eh."

Tiningnan ko siya nang masama pero nag-peace sign lang siya sa 'kin.

"Shon, bantayan mo muna si Zen. I'll watch over those idiots," sabi ni Gio at nilapitan sina Owen, Bogs at Carl sa kabilang side kung saan nakalagay ang iba pang equipment.

"Got it," sagot ni Shon.

Sa sobrang daming nangyari, hindi ko na natanong sa kanila kung ano'ng nangyari kina Shon at Gio. Base sa nasaksihan ko ay mukhang maayos na ulit silang dalawa.

"Nagtataka ka siguro kung paano sila nagkaayos, 'no?" tanong ni Adam. Kinuha niya ang hawak kong towel at ipinunas sa kaniyang mukha. "Naayos din nila ang conflict no'ng umalis ka. Si Gio kahit na mabilis magalit, mabilis din nawawala lalo na't alam niyang wala ring patutunguhan ang galit niya. Binantaan lang niya si Shon na kapag sinaktan nito ang kapatid niya ay hindi lang isang suntok ang matatanggap nito."

Ngumiti ako. "Mabuti naman at nagkaayos silang dalawa."

Adam hummed. "Alright, tapusin na natin 'tong training para ngayong araw." Pumalakpak siya bago sinimulan ulit ang drill.

Pinanood ko lang sila mula sa bench hanggang sa matapos sila sa training. Inabot ko sa kanila isa-isa ang towel. Nang iaabot ko na kay Gio ay nagtaka ako nang hindi niya ito 'agad tinanggap.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Gio, towel."

Tiningnan niya ako. "You seemed distracted. Are you thinking about that jerk again?"

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Ibinuka ko ang aking bibig at muntik ko nang masabi na ang totoo'y siya ang iniisip ko at hindi si Paul. Ang nagawa ko lang ay umiling.

He clicked his tongue. Marahas niyang hinablot mula sa kamay ko ang towel. "What's the point of thinking about that piece of shit?" Tiningnan niya ako nang masama. "The next time you think about him, it should be when I punched his nose."

Matagal ko siyang tinitigan. Pinroseso pa ng utak ko ang kaniyang sinabi hanggang sa maalala ko ang itsura ni Paul na dumudugo ang ilong habang nakaupo sa buhangin. Bigla akong natawa dahil sa 'king naisip.

The frown on his face was suddenly replaced by a small smile.

"That's right. Think about his pathetic ass. I will kick it again for you soon."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com